logo text

THE RICH BACHELORS: ZAFIAN TANDEM 1

THE RICH BACHELORS
ZAFIAN TANDEM
By Jamia Gee
IAN JAMES’S POV
HI! I’M IAN James Lampouradge, 6’2. I’m a Hotel and Resorts business
Owner. Isa akong henyo…pagdating sa kalokohan. Hahahaha!
Nandito ako ngayon sa office ko.As usual, basa rito, basa ro’n. Pirma
rito, pirma ro’n. Ang saya,‘di ba? At dahil sobrang saya ng ginagawa ko,
Lalabas muna ako at gagala.Who cares? I’m the boss.
Pero teka, saan naman kaya ako pupunta? Bahala na kung saan ako
Dadalhin ng kotse ko, haha. Basta ayoko sa office, nakakabagot do’n. At medyo tinatamad akong magtrabaho ngayong araw.
Habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe ay bigla akong napapreno
Nang may biglang tumawid.
“Shit! Fuck!” bigla tuloy akong napamura ng wala sa oras. Abot-abot pa ang kaba ko. Para tuloy akong aatakihin sa puso.
Sino ba ‘tong lokong tumawid sa mahabang kalsada ng hindi man lang tumitingin kung may sasakyan bang dumadaan o wala?
Magpapakamatay ‘ata ‘to, eh.
Bumaba ako ng kotse at nakita ko ang taong muntik ko ng masagasaan. Nakaupo siya at nakatakip sa kaniyang mukha ang kaniyang
mga kamay, marahil ay dahil sa takot. Nakasuot ito ng jogging pants,
Mahabang damit, at naka sombrero.
“Ah, dude, okay ka lang?” tanong ko sa kaniya. ‘Di nagtagal ay nag angat siya ng mukha at tiningnan ako nang masama.
“Oh my hot self!” bulalas ko sa aking isip.
It’s not a dude! It is an angel in disguise. I thought it was a guy, pero isang dyosa ang
Nakikita ko ngayon. Medyo napatulala pa ako at natameme. Ang kagandahan niya ay nagpaurong sa madaldal kong dila. Ilang sandali pa’y nakita ko siyang tumayo at lumapit sa akin saka n’ya tinapakan nang sobrang lakas ang isang paa ko.
“Ouch!” Napasigaw ako habang dumadaing sa sobrang sakit. “Ano bang problema mo?” tanong ko sa kaniya habang namimilipit pa sa sakit ng paa.
“Gago ka! Sasagasaan mo ba ako, ha?”sigaw ng babae.
“Look, Miss, I’m sorry! Hindi ko naman sinasadya, eh. Saka hindi ka
Naman nasagasaan,‘di ba? Ba’t ba kasi bigla ka na lang tumatawid? Alam
Mo naman na maraming sasakyan ang dumadaan dito.”
“So ako pa ngayon ang may kasalanan?”
I smirked. “That’s not what I mean.” I said.
“Eh, ikaw? Bakit hindi ka tumabi? Alam mo naman na may tumatawid?”
Nagulat ako at napakurap sa sagot n’ya. Ako pa talaga ang dapat
tumabi? Aba, loko ‘tong babaeng ‘to, ah. Ibang klase din mag-isip! I think I like her now.
Gusto ko ang ganiyang klase ng mga babae, palaban!
Umayos ako ng tayo at inabot ang kamay ko sa kaniya.
Tumikhim pa ako bago magsalita. “I’m sorry for what happened, Miss. I don’t know how to make it
Up to you. But if you like, will you join me for a lunch? Just think of this as my compensation,” tanong ko sabay pakita ng killer smile ko. Sigurado akong tatalab ‘tong killer smile ko, wala Pa ni isang babae ang tumanggi sa akin dahil dito.
Ngunit nagkamali ako. Halos dalawang minuto niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Tapos huminto ang paningin niya sa guwapo kong mukha saka tinitigan. Mayamaya’y umirap siya at naglakad palayo sa akin. ‘Langya, bastusan ba ‘to? First time‘to, mga ‘tol! Grabe! It hurts you know?
Nakakalimang hakbang na siya nang bigla siyang huminto. Humarap
siya sa akin at naglakad pabalik sa akin saka ako hinila papasok sa
Sasakyan ko. ‘Langya, harrassment ‘to, ah!
“Drive na, bilis!” utos n’ya.
Hindi muna ako nagtanong, I did what she said. Pinaandar ko ang
Sasakyan at nag-drive.
“Saan mo gustong pumunta?” tanong ko sa kaniya. Wala
Akong nakuhang sagot, nakatingin lang siya sa mga nadadaanan namin.
“Ah…I still don’t know your name, so what’s your name?” tanong ko
uli pero hindi ulit siya sumagot. Psshh! Nagmumukha akong baliw rito, eh!
Sige, isang try nalang uli.Tingnan natin kung hindi pa siya matinag d’yan.
“Bakit bigla kang bumalik at hinatak ako papasok sa kotse ko?”
One, two, three minutes. Again, she didn’t answer.
Nakakatampo na, ah. Pero ilang saglit lang ay napangiti ako nang may
Maisip akong kalokohan. Pilyo pa akong napangiti dahil sa naisip na kalokohan.
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan saka pinatakbo ng
pagewang-gewang. Napansin kong naalarma siya.
“Ano ba? Marunong ka bang mag-drive?”singhal n’ya sa akin.
Effective yong ginawa ko! SUCCESS!
“Eh, ikaw kasi, eh. Ayaw mo ‘kong pansinin, nagmumukha tuloy
Akong timang dito.Gusto mo bang kumain? Saan mo ba gusto?”
“Kahit saan.”
Psshh!
Dinala ko siya sa isa sa mga fast food restaurant na pagmamay-ari ko.
No’ng una ayaw pa n’yang pumasok kasi nahihiya raw siya sa suot n’ya.
Sabi ko okay lang naman. Huwag na lang n’yang intindihin ‘yong ibang
tao. Kaya ‘yon, nakumbinsi ko rin siya. At ako na rin ang um-order ng
Pagkain namin.
“So, ano nga ang pangalan mo?” tanong ko sa kaniya habang
Kumakain kami. Sana sumagot na siya.
“Zafirah,”mabilis n’yang sagot sabay subo ng pagkain n’ya.
“Ah. Zaf, for short? So, bakit mo‘ko hinatak kanina papasok sa kotse
ko?”
“Nakita ko ‘yong mga babaeng humahabol sa akin.”
“Humahabol? Sino‘yong mga babaeng humahabol sa ‘yo?”
“Kalaban ko.”
I smirked. Basagulera yata ‘tong babaeng ‘to, ah.
“Kalaban?” I asked curiously.
“Oo,”tipid n’yang sagot.
“Bakit ka naman nila hinahabol?”
“Trip lang nila.”
Ha? Napatanga ako. Pinaglololoko yata ako ng babaeng ‘to.
“Sigurado ka?”
“Oo.”Ang tipid n’ya talagang sumagot.
“Sa tingin mo, bakit ka kaya nila hinahabol?”
“Gusto ko ng umalis sa grupo.” ‘Yon, anim na salita na ang isinagot
n’ya. Pero ang gulo n’yang kausap. Kaya naman hindi ko maiwasan ang mapapalatak.
“And why?” I asked again hoping she’d explain things clearly.
“Ang dami mong tanong,” inis n’yang sabi.
“Kumpletuhin mo kasi ang sagot,” kunwari’y naiinis ko rin na sagot.
“Ano ‘to, quiz? Sagot tapos explain?” Naman, eh! Nagtatanong lang
Naman ako, eh.
Natahimik tuloy ako.
Ilang minutong katahinikan ang namagitan sa aming dalawa.
“Gang,” biglang sabi n’ya.
“Ha?” napatanga ako. Kasi naman, bigla-bigla siyang nagsasalita.
“Girl Gang. Gusto ko ng umalis, pero ayaw nila akong payagan hangga’t hindi ko sila binibigyan ng withdrawal fee.”
“Withdrawal fee? May gano’n ba sa gang?At saka bakit ka kasali sa
Gang na ‘yan?” sunod-sunod kong tanong.
“Malamang sumali ako!” Sagot niya habang napapailing. Oh,‘di ba?Ang ganda talaga n’yang sumagot.
Upakan ko kaya ‘to? Kung hindi lang ‘to babae, e, baka binatukan ko na ‘to.
“Magkano ba ang withdrawal fee?”
“Sampung libo.”
What? Ten thousand? Gano’n ka laki?” May gano’n pala sa mga gang?
Wow! Ngayon ko lang nalaman.
“Oo. At kung hindi ako magbibigay ay bubugbugin nila ako.”
“Whoa! Grabe ‘yan, ah. Ganiyan ba talaga sa mga gang?
That’s insane!”
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pagkain.
“I’ll help you,” sabi ko kaya napatingin siya sa akin. “I’ll give you ten thousand.”
“Hindi ko kailangan ng pera mo.”
“Hindi. Bayad ko‘yan sa ‘yo para do’n sa nangyari kanina.”
“Bakit? Hindi naman ako nasaktan, ‘di ba? At saka kaya kong kitain
‘yan, hahanap lang ako ng trabaho.”
Ma-pride rin ‘to, ah. Pero gusto ko ang ganitong klaseng tao.
“Okay, sabi mo, eh. But, why won’t you work for me? I’ll give you a
job.”
Napatingin siya uli sa akin.
“Ano? Payag ka ba?”
“Kailan ako magsisimula?”
Yes! Pumayag siya! Brilliant idea, Ian!

Komento sa Aklat (180)

  • avatar
    Sarah Jean Quining

    nice

    29/04

      0
  • avatar
    Amben Riza

    nice story 🥰🥰🥰

    13/09/2025

      0
  • avatar
    Caren Clare Fernandez

    subrang ganda talaga as in

    04/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata