THE LOCKET

TYRONE’S POV
WE’RE here in our room. Nakatitig lang ako kay Belle habang siya’y natutulog. I don’t know why but I was really scared seeing her drowning. All I was thinking was to save her no matter what happen. Ngayon ko lang naramdaman ‘to sa isang babae. I was so afraid of losing her. Ito na ba ‘yon? Is this what they called love?
Nawala ang paningin ko kay Belle nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto.
“Come in,” sabi ko sa kumakatok.
Pumasok si Dad. “How is she?”
“She’s okay now. She just need a little rest.”
Bumuntong-hininga siya. “She reminds me of your mother.”
Napatingin ulit ako kay Belle.
She was special. Everyone treated her special. Even my father seemed to like her. And I couldn’t deny this special beating of my heart only for her. This woman who caught my eyes for the first time.
BELLE’S POV
NAKAUWI na kami sa bahay namin. Medyo nabasag ang eardrums ko dahil pinagalitan ako ni Tyrone dahil do’n sa nangyaring pagkakalunod ko. Tsk!
Aba ! Malay ko bang malulunod pala ako ro’n. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako sumama sa kaniya sa El Nido. Baliw talaga ‘tong si Damuho, eh.
Buong biyahe wala siyang ibang ginawa kundi ang sermunan ako.
Kung nakakita lang ako ng masking tape o glue o kahit anong pandikit kanina, baka nilagay ko na ‘yon sa bibig n’ya, eh. Wagas kung makasermon, eh, parang machine gun. Grabe!
Pero naging masaya ako sa bakasyong ‘yon dahil marami akong naging kaibigan, sina Zaf, Jade, at Yassy.
Si Bridget? Nah! In her dreams! Nalaman ko rin na wala na pala ang mother ni Tyrone. Bata pa lang siya no’ng pumanaw ito. ‘Yong dad naman n’ya na isang British ang tanging nagpalaki sa kaniya.
“Hoy, babae,” tawag sa akin ni Tyrone. Lumingon ako sa kaniya.
“Aalis muna ako. Dito ka lang.”
Psshh? As if naman na makatatakas ako rito.
“Saan ka pupunta? Kararating lang natin, ah?” tanong ko.
“I have to attend an emergency meeting.”
“Ngayon? As in ngayon na talaga?”
“Yeah. Will you be okay here?”
“Syempre naman.”
“Okay.” Pagkatapos ay umalis na siya. Psshh. Wala man lang bang goodbye kiss? Char!
Okay. Naaadik ka na yata sa halik n’ya, Belle, ha? Hindi naman masyado. Slight lang, hihi!
Pero sayang talaga hindi man lang nagsabi ng I have to go, magpahinga ka ng maayos, babalik din ako agad para alagaan ka. Chos!
Asa ka riyan, Belle.
“Hey.”
Lumingon ako sa nagsalita. Oh, akala ko ba umalis na siya? Ba’t nandito pa si Tyrone?
“May nakalimutan ka ba?” tanong ko.
“Yes, meron,” sabi n’ya sabay lapit sa akin. Nakatitig lang siya.
Nakakailang tuloy.
“A-Ano bang nakalimutan mo? Gusto mong kunin ko?”
“This.” Nabigla ako nang halikan n’ya ako sa labi at saka siya tumakbo palabas.
Pagkaalis n’ya’y napapikit ako ng ilang beses hanggang sa napangiti ako. Nagkatotoo ‘yong inisip ko, ahihi! Naadik na yata talaga ako sa halik ni Damuho.
TYRONE’S POV
NARINIG kong tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Troy.
“Yes?”
“Punta kayo rito sa bar mamaya,” sabi ni Troy na nasa kabilang linya.
“Why?”
“Nami-miss ko na kayo, eh.” Saka siya natawa. “Biro lang. Nag-aya kasi si Zeke, may sasabihin ‘ata na importanteng bagay.”
“Pshh. Ano na naman kaya ‘yon?”
“Ewan ko sa kaniya. Basta sabi n’ya may ise-celebrate raw tayo.”
“Fine.”
“Isama mo na rin daw si Belle.”
Kumunot ang noo ko. “Why?”
“Para naman makapaggala ‘yang si Belle, hindi ‘yong kinukulong mo siya riyan sa bahay mo. Tsk. Pupunta rin naman sina Jade at Zaf dito, eh,
saka kasama rin ni Zeke si Yassy kaya hindi siya maa-out of place.”
“Okay.” Saka ko pinatay ang tawag.
ooOoo
“FIRST TIME mo ba sa ganitong lugar? Napapansin ko kasi na medyo naiilang ka sa mga tao rito,” tanong ni Troy kay Belle.
“Ah, oo. First time ko nga.”
Nandito na kami ngayon sa bar ni Troy.
“Hi, girlfriend!” sabi ni Jade kay Belle no’ng dumating siya.
“Oh, hi, Jade!”
“Wala pa si Liam. Late na naman ‘yong mokong na ‘yon,” sabi ni Zeke.
“So what’s the big deal here?” tanong ko.
“Well, this is a call for celebration actually,” masayang sagot ni Zeke.
“What celebration?” tanong naman ni Troy.
“Well, me and my babe here, Yassy, will soon get married.”
Nagulat kaming lahat. No’ng isang linggo lang sila nagkakilala tapos
ngayon ikakasal na? Psshh.
“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Jade.
“Yes, girlfriend,” nakangiting sagot ni Yassy.
“And, meron pa. Kanina nagpa-check up si Yassy sa doktor. And its confirmed! Yassy is 2 days pregnant. Soon, we will be having our first baby,” si Zeke.
“Congratulations, bro. Lakas talaga ng kamandag mo,” si Ian.
Kamandag talaga?
“Congratulations for the both of you,” nakangiting bati ni Troy.
“So, magiging ninang at ninong na pala kami niyan,” nakangiti rin si Jade.
“Okay lang ‘yan, babe, bagay naman sa ‘yo, eh. Sobra mo na kasing tanda. Tsk!” pang-aasar ni Troy kay Jade.
“Oh, shut up, babe.”
Nakita naming dumating na si Liam na may kasamang babae.
“Hey, guys, sorry late kami. Anong meron dito?”
“Hay naku! Late ka na naman, lagi na lang,” reklamo ni Zeke sa kaibigan namin.
Tumawa naman si Liam. “Pasensya na. Ang tagal kasing magbihis nitong kasama ko, eh—Aww!” daing ni Liam nang kurutin siya ng kasama n’ya. “By the way, this is Serenity Almerez. ‘Yong pangalan n’ya tunog kapayapaan pero ang totoo magulo ‘tong kasa—Ouuuch!” Muli siyang kinurot ng kasama n’ya.
“Honey, nakakadalawa ka na, ah. Gusto mong halikan kita riyan?”
pang-aasar ni Liam sa babae.
“Sige, itong kamao ko ang halikan mo.”
Tumawa si Liam. “Biro lang naman, eh.”
Umupo na sila at nagsimulang magsalin ng inumin sa baso.
“So, ano ngang meron, guys?” tanong ni Liam.
“Wala naman, dodong. Ikakasal lang naman sina Zeke at Yassy at magkakaroon na sila ng baby,” sagot ni Ian.
“Oh, talaga? Congrats, ‘tol!” bati ni Liam kay Zeke. “Guys, let’s cheers
for the newly groom and bride to be and for their upcoming baby!” dagdag n’ya na sinang-ayunan ng lahat.
“Cheers!”
BELLE’S POV
GRABE ‘tong lugar na ‘to ! Medyo nakakahilo na ‘yong ilaw, ah. Hindi kasi ako sanay sa mga disco light. Tsk!
Nagkukuwentuhan kaming lima nina Zaf, Yassy, Jade, and Serenity.
Habang ang boys naman ay nag-uusap din tungkol sa mga negosyo nila.
Bigla akong may naalala. Kinalabit ko si Tyrone.
“Nahulog mo ‘to sa kotse kanina,” sabi ko sabay abot ng maliit na box.
Kinuha naman n’ya ‘yon.
“Ano ‘yan, bro? Singsing? Magpo-propose ka ba kay Belle?” pang- aasar ni Ian saka tumawa.
Binuksan n’ya ‘yong box at inilabas ang laman no’n, isang locket.
Teka. Parang pamilyar ‘yong locket, ah.
“Teka, ‘yan ‘yong locket na ibinigay ng mama mo sa ‘yo bago siya nawala, ‘di ba?” tanong ni Zeke kay Damuho.
“Yes.” Napansin ko ang biglaang paglungkot ng mga mata n’ya.
“10th death anniversary na pala n’ya sa susunod na linggo. Uuwi ba ang dad mo mula sa business trip n’ya sa Hong Kong?” tanong ni Troy.
“I don’t know.” Bumuga siya ng hangin at nagsalita ulit. “Kung sobra akong nalungkot sa pagkawala ni Mama, mas lalo na si Dad. He loves mom so much. And until now, pareho kaming gustong makawala sa hawla ng kalungkutan at pangungulila kay Mama.” Puno ng lungkot ang mga mata ni Tyrone habang nakatingin sa locket na hawak.
Natahimik kaming lahat. Nararamdaman ko ang kalungkutan ni Tyrone ngayon, hindi ko alam pero parang may tumulak sa akin para yakapin siya.
“Alam mo, masaya ang mama mo kung nasaan man siya ngayon, pero malulungkot siya kapag nakita n’ya kayo ng daddy mo na hindi pa nakamu-move on sa pagkawala n’ya. Alam mo ang pagkawala ng mga mahal natin sa buhay ay masakit, pero hindi rin naman nila magugustuhan na makita tayong nahihirapan nang matagal sa pagkawala
nila,” sabi ko saka humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya.
Nagkatinginan kami at nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata.
Nailang tuloy ako. May nasabi ba akong masama?
“B-Bakit?” tanong ko.
“You said exactly the same,” say n’ya pero wala akong naintindihan.
“Huh?”
“You and the kid I met years ago. Pareho kayo ng sinabi sa akin.”
“Ah… okay?” medyo naguguluhan kong tanong.
“There was this kid I met 10 years ago outside the Silverstone,” pagkukuwento ni Tyrone.
“Oh, the one who grabbed your jewels?” tanong ni Liam saka tumawa.
“Yes.”
“‘Yan ‘yong first love mo, ‘di ba?” say naman ni Ian.
First love? Akala ko ba wala pang naging girlfriend ‘tong si Damuho?
“Na-in love ka ro’n sa batang dumakma sa kayamanan mo. You’ve been hunting that girl for years, pero hanggang ngayon hindi mo pa rin siya makita. Baka pinagtataguan ka no’n kasi nga may atraso sa ‘yo,” dagdag ni Ian. Nagtawanan silang magkakaibigan except for Tyrone.
“Tss. That was 10 years ago, but I can still recall everything that happened.”
“Bakit? Ano bang nangyari?” tanong ko. Na-curious ako, eh.
“I was so upset that time, so I tried to run away from my class.
Lumabas ako at nagtago sa isang puno. Tapos tiningnan ko ‘tong binigay ni Mommy na locket na may picture n’ya sa loob. And then this girl vendor
came. Kinakausap n’ya ako but I ignored her. And then the next thing happened, her hands were on my jewels.”
Teka lang! Sandali lang! Parang pamilyar ‘yang kinukuwento n’ya, eh.
“Pinagsamantalahan ka no’ng batang babae?” tanong ko.
Tumawa si Ian nang malakas. “Oo, Belle. Sa sobrang kapogian n’ya ay pinagsamatalahan siya no’ng batang babae.”
“Shut up, Ian!” Tiningnan nang masama ni Damuho ang kaibigan n’ya.
“No. Actually, that was an accident. The girl saved me from a falling branch of a tree. And then there go her hands down on my precious.”
“Imposible,” bigla kong nasabi.
“Huh? Why?” takang tanong ni Tyrone.
Umiling ako. Baka naman nagkakamali ako. Baka kaparehong kuwento lang.
“A-Ah, w-wala. Nand’yan pa ‘yong picture ng mama sa locket?”
“Yes.”
“Patingin.”
Ibinigay n’ya sa akin ‘yong locket at tiningnan ko ang picture na nandoon. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko.
“Paano nangyari ‘yon?” sabi ko pagkatapos kong tingnan ang picture na nasa locket.
“What?” takang tanong ulit ni Damuho.
Wala akong masyadong matandaan noong kabataan ko, ngunit natatandaan ko ang araw na ‘yon. Ang araw na nadakma ko ang kayamanan ng isang batang lalaki sa may puno sa labas ng Silverstone Academy.
“Hey, girlfriend, are you okay?” tanong ni Jade sa akin.
“Oo nga, parang namumutla ka,” sabi naman ni Serenity.
“O-Okay lang ako.”
“Sigurado ka? Para ka kasing constipated d’yan, eh,” komento naman ni Zaf.
Nagtawanan sila. Pinilit kong makisabay sa pagtawa para hindi nila ako mahalata. I excuse myself at pumunta sa ladies room.
BRIDGET’S POV
“TITO, I thought we already agreed that Tyrone and I will be marrying each other when the right time comes?” sabi ko sa daddy ni Tyrone na napadaan dito sa bahay namin.
Close friends kasi sila ni Dad.
“Bridget, ano ka ba? Huwag mo ngang kulitin ang bisita ko,” saway sa akin ni Dad.
“I’m sorry, Bridget, but I have nothing to do with that. My son already
found her true love,” sabi ng dad ni Tyrone
“Masyado naman kayong nagpabulag. Nagpapanggap lang kaya sila!” sabi ko. Wala akong pakialam kung ibuking ko man sila.
“Bridget, ano ka ba? Tumigil ka nga sa paggawa ng kuwento. Huwag mo akong ipahiya rito sa kaibigan ko. Go to your room now!” saway ulit sa akin ni Dad.
Padabog akong tumayo at pumasok sa kwarto ko.

Komento sa Aklat (180)

  • avatar
    Sarah Jean Quining

    nice

    29/04

      0
  • avatar
    Amben Riza

    nice story 🥰🥰🥰

    13/09/2025

      0
  • avatar
    Caren Clare Fernandez

    subrang ganda talaga as in

    04/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata