Homepage/Dared to Kiss Captain/
Epilogo
Y A R A 's P O I N T O F V I E W
"Pak! Napakaganda mo madame!"
I faked a smile and secretly rolled my eyes on this pathetic ugly frog na baklita. Kanina pa hindi maipinta ang mukha ko, kanina pa ako wala sa mood. Sinong hindi? Ilang oras na lamang ay isa na akong ganap na Mrs. Roberts! The fvck!
Padabog akong tumayo at nagtungo sa isang malaking salamin ng aking silid. Kung saan kitang-kita roon ang buong repleksyon ng katawan ko. I'm wearing white wedding gown, of course. Tube style ang sa taas na at napakaraming glitters kaya't tiyak na kikinang ako sa aisle mamaya. Err, iniisip ko palang na naglalakad ako sa red carpet ng simbahan habang may hawak na bulaklak ay naiinis na ako.
Hindi ko pa nakikita sila mom and dad. Basta kaninang umaga ay may bigla na lamang sumundo sa akin sa condo namin ni Chance at isinama ako rito sa bahay. Kahit si Chance ay wala aking nakita ni anino niya. Baka naghahanda na rin para sa seremonya mamaya?
"Zayara, sweetie."
Matamlay akong umikot at napairap nang marinig ang boses ng magaling kong ina. Isinara niya ang pinto ng kwarto matapos niyang palabasin ang mga makeup artists. Kapagkuwan ay nagtungo siya sa harap ko at pinagmasdan ang kabuoan ko gamit ang namamangha niyang mga mata. Napairap ako. Natutuwa ba siya na ikakasal na ako at sa lalaking hindi ko naman mahal?
Syempre natutuwa siya, sila ni daddy dahil sa wakas ay mas mapapalago at mapapatibay nila ang bwisit na kumpanya nila.
Hindi mapawi-pawi ang ngiti sa labi ng magaling kong ina habang hinihimas nito ang aking pisngi. Para akong isang napakagandang regalo sa kaniyang mga mata sa paraan ng titig niya. But I know, she's not really happy dahil ikakasal ako. She's happy dahil sa wakas ay matutupad na ang plano nila n daddy. Afterall, ginamit nila ako para sa sarili nilang kasiyahan. Para sa bwisit na businesses nila!
"Napakaganda ng, prinsesa ko. Ilang oras nalang at titira ka na rin sa sariling palasyo na ikaw ang reyna kasama ang-"
"I don't wanna be a queen in this freakin' hell mom."
Doon napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi at naging mariin ang pagkakahawak niya sa aking pisngi. Gusto kong dumaing sa sakit but I still managed to plaster a smirk on my lips. Her horror face made me think she's a witch.
Nanlisik ang kaniyang mga mata. "Matagal na nating napag-usapan 'to, Zayara. And today is the day. Akala mo ba matatakasan mo pa 'to?" she said bago niya marahas akong binitawan. Tumalikod siya sa akin at nakita ko pang inayos niya ang kaniyang sarili.
Mapait akong napangiti.
"I still can't believe na kaya niyong gawin sa akin ito mom."
"Ginagawa namin 'to ng dad mo para sa'yo, Zayara," she said habang hindi man lang ako nililingon.
Mapakla akong napatawa at mahinang nagmura.
"Para sa akin? O baka naman para sa bwisit ninyong negosyo? You know what mom? All my life, tiniis ko yung mga panahong wala kaya sa tabi ko. Yes you gave me everything but do you think that's enough? All I need is your attention, your love, your care. Pero lahat ng yun, hindi niyo kayang ibigay sa'kin dahil lahat ng atensyon niyo ay nakatuon lamang sa pesteng kumpanya na yan! Sana kung ganito rin lang naman ang mangyayari sa buhay ko, sana hindi niyo nalang ako pinanganak. Tutal yung kumpanya niyo lang naman ang mahalaga sa inyo eh. Mukha kayong pera!" I shouted with tears falling down on my cheeks.
That made her face me. Ang mga nagbabaga niyang mata ay hindi manlang nagdala kahit kaunting takot sa aking sistema. I don't care anymore. Saktan niya ako, sigawan, or whatsoever. I don't care!
"What did you say?" May halong pagbabanta ang boses niya pero masyado na akong manhid sa kanila para makaramdam ng takot. I stepped forward at pinantayan siya. Matapang ko siyang tinitigan, nata sa mata.
"Yung kumpanya niyo lang ang tanging mahalaga sa inyo dahil mukha kayong pe-"
Naiwan sa ere ang mga salita ko nang isang malakas na sampal ang iginawad niya sa pisngi ko. Sa lakas noon, pakiramdam ko ay muntik na akong mabalian ng leeg.
Hindi ko ipinahalata sa kaniya na nasaktan ako. Bagkus, mahina akong tumawa bago unti-unti siyang hinarap. My tears started to fall as I stared on her eyes na wala manlang bahid ng pagsisisi sa ginwa niya sa akin. Oh ghad, she's now totally a witch, an evil!
"Don't worry. Hindi ko tatakbuhan ang kasal na 'to dahil baka magluksa kayo kapag bumagsak ang pinakamamahal niyong kumpanya. But remember this mom. Right after the wedding, hinding-hindi na kita kikilalaning ina, kayo ni daddy. Alam kong napakasama ko para gawin ang bagay na iyon but at least we're quits."
Right after I said those words, iniwan ko siya. Sinubukan niya pa akong tawagin pero nagdire-deretso lamang ako palabas ng bahay. Nagtungo ako sa garden at doon ibinuhos lahat ng galit na kanina ko pa gustong ilabas. Lahat ng luha na kanina pa gustong kumawala.
I sat down on the bench at doon umiyak ng umiyak. Pero isang bwisit na lalaki ang panira ng drama ko. Naupo siya sa tabi ko at naglahad ng itim na panyo sa akin.
Inirapan ko muna siya bago ko iyon kinuha.
"Do you really love him?"
Kumunot ang noo ko bago siya nagtatakang nilingon. Anong ibig niyang sabihin?
"I need to tell you something, Zayara. I'm backing out. Let's both not attend the wedding."
Lalo akong naguluhan sa kaniyang sinabi. Bakit ba hindi na lamang niya ako deretsuhin?
"Ano bang pinagsasasabi mo?" puno ng pagtatakang tanong ko sa kaniya. He bitterly smiled at me at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. Pinisil-pisil niya iyon bago tumingin sa mga mata ko.
"I love you, Zayara. But don't want to marry you lalo na kung hindi naman ako ang mahal mo," pag-amin niya.
"Chance-"
"Davon loves you so bad, Zayara. But he was threatened. Sinamantala ng parents mo ang pagkalugi ng kumpanya nila. Natakot si Davon na tuluyan silang bumagsak dahil isa pa, napakahalaga ng kumpanyang iyon sa kanila. Tinamaan ng cancer ang mommy ni Davon at natatakot rin siya na baka kapag tuluyang bumagsak ang kumpanya at makarating sa mommy niya ay baka maging sanhi pa iyon ng pagkamatay niya. Your mom offered him na tulungan sila kapalit n'on ay makikipaghiwalay na siya sa'yo. Tulad ng deal nila, unti-unting umangat ulit ang kumpanya nila."
His revelation shocked me. All this time, lahat ng nangyari ay plano pala ng mga magulang ko. They controlled everything!
"Don't just sit in here. Sumama ka sa'kin, baka hindi natin siya maabutan," he said that made me confuse.
Hindi siya sumagot at bagkus ay bigla na lamang tumayo. Sa isang iglap ay natagpuan ko na lamang na hila-hila na niya ako papunta sa kung saan.
"Chance saan ba tayo pupunta?" Hindi ko na napigilan pa ang mapatanong sa kaniya nang bigka niya akong pinapasok sa kaniyang kotse. Hindi siya sumagot hanggang sa umikot siya para sumakay naman sa driver's seat.
"Ngayon ang flight ni Davon at kung hindi tayo magmamadali, hindi natin siya maaabutan."
Mabilis niyang pinaandar ang makina at saka nagmaneho paalis. Para akong tangang dasal naman ng dasal na sana ay hindi pa kami huli, na sana ay maabutan namin siya. Napakabilis na ng takbo ng sasakyan ni Chance at pakiramdam ko ay lumilipad na kami sa ere. Natatakot ako at gusto ko siyang sermunan dahil buntis pa naman ako pero at the same time, gusto ko siyang pasalamatan. I can't believe na siya pa ang tutulong sa akin ngayon.
"Shit!"
Sunud-sunod ang ginawa niyang pagbusina nang madatnan namin ang napakahabang traffic, medyo malapit na sana kami sa airport. Hindi maipinta ang mukha niya sa sobrang inis sa traffic. Kaya naman, ako na ang gumawa ng paraan.
"Chance, tatakbuhin ko na lamang. Malapit nalang naman." Mabilis siyang lumingon sa akin at inilingan ako.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Thank you for being honest to me Chance. Thank you so much for helping me. But this time, ibigay mo na sa'kin 'to."
Binigyan ko siya ng mabilis na halik sa pisngi bago ako mabilis na lumabas ng sasakyan. Medyo nahirapan pa ako dahil sa suot kong wedding gown.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tinakbo na ang daan patungong airport. Kahit na pagod na ako sa kakatakbo ay hindi ako tumigil. Hanggang sa wakas ay narating ko rin ang airport.
"Ma'am bawal po." Gusto kong suntukin sa mukha ang gwardya nang harangin niya ako. Pero pinigilan ko dahil kailangan ko ng tulong niya.
"Kuya, yung boyfriend ko ho aalis na, kailangan ko po siyang makausap. Sige na. Papayag ka o papayag ka?" Para na kaming mga tanga rito na parang naglalaro ng patintero. Yung ibang mga tao ay nagtataka na rin sa amin. Ang ilan pa ay nawiwierduhan sakin dahil nga nakasuot pa ako ng wedding gown.
"Sige naman na kuya. Maawa ka naman o, tinakbo ko mula simbahan hanggang dito tapos hindi mo ko papapasukin? Wala naman akong gagawing masama eh. Kailangan ko lang makausap yung boyfriend ko. Saka tingnan mo oh, nakawedding gown pa ko. Maawa ka naman hoy!"
Nagpapadyak na ako sa inis dahil ayaw niya talaga akong papasukin. Isa nalang talaga at masusuntok ko na 'to naku. Baka mauna siyang lumipad mamaya sa eroplanong sasakyan ni Davon.
"Hayst, ang kulit mo naman ma'am eh. Pero sige, huwag ka lang sanang gagaw ng eskanda-"
"Yun naman pala eh pinahirapan mo pa 'ko. Sige na babush na na manong!"
Hindi pa man niya natatapos ang kaniyang sasabihn ay nilampasan ko na siya. Napakamot pa siya sa batok at wala na ngang nagawa pa.
Para akong tangang nagpaikot-ikot at nakipagsiksikan sa mga tao para hanapin si Davon. But I guess, hindi madali ito kaya naman kinakailangan kong gumawa ng mas magandang paraan.
Nakita ko ang isang upuan sa gilid saka ako tumuntong doon at sumigaw.
"BABE? DAVON? I'M HERE PLEASE CAN WE TALK? PLEASE HUWAG KA MUNANG UMALIS HINDI AKO PAPAYAG NA IWAN MO 'KO! XAVIER DAVON CONNER, NASAAN KA BA?"
Napatingin sa gawi ko lahat ng tao sa loob. Ang ilan ay natatawa at ang ilan naman ay nawiwierduhan sa akin. Oo mukha akong tanga pero I just wanna see and talk to Davon. I can't just let him leave me and our baby.
"DAVON, BABE! C'MON, MAKAKAYA MO BANG IWAN KAMI NI BABY? PLEASE, DON'T LEAVE!"
Umingay ang paligid at nagsimula silang magbulungan ang mga tao roon.
"Sino ba si Davon?"
"Kawawa naman ang magiging anak nila."
"Hoy, Davon daw sino ba yun?"
Ilang sandali pa akong nagpalinga-linga nagbabakasakaling makita si Davon pero wala. Napabuntong hininga ako at bumagsak ang balikat. Tila nawalan na ako ng pag-asa lalo na nang mag-announce na na nakaready na ang eroplanong sasakyan nila.
Napanguso ako at bumaba na sa tinutuntungan kong upuan pero sa kamalas-malasan nga naman ay nagkamali pa ako at natumba ang upuang tinutuntungan ko. Nakahanda na akong bumagsak sa sahig at makaramdam ng sakit pero hindi. Bagkus ay naramdaman ko na lamang na lumulutang na ako sa ere.
"What the fuck do you think you're doing?"
Nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking bumuhat sa akin ay mabilis akong yumakap at nagsumiksik sa leeg niya. Hindi ko na napigilan pa ang mapaiyak sa tuwa na narito na siya ngayon sa akin. Akala ko ay tuluyan na niya akong iiwan,kami ng baby ko. Pero heto, thanks to God for granting my wish.
"Babe, Davon. I thought iiwan mo na 'ko," iyak ko sa kaniya.
Narinig ko ang mahinang tawa niya saka ako dahan-dahang ibinaba. Para agad akong linta na lumingkis sa bewang niya. Wala akong pakealam kung napakaraming tao ang nakatingin at nanonood sa amin ngayon. Pake nila, edi mainggit sila!
"Akala ko rin but I realized that I can't just leave the one that belongs to me. I believe I'd be such a coward ass kapag hinayaan ko nalang na makuha ng iba ang pag-aari ko." I smiled on what he said. Nagulat siya nang bigla ko na lamang sunggaban ang kabi niya nang walang sabi-sabi. Napangisi ako nang tutugunin niya sana ang halik ko pero bigla akong humiwalay.
"Let's run away, Davon. Sasama na ako sa'yo. Kahit saang planeta pa yan, basta kasama kita, game ako,"nakangiting sambit ko. He smiled on what I said pero bigla na lamang kumunot ang noo niya na tila may napagtanto sa aking sinabi.
"You want me to fly now in Spain but-"
"But now, with me! Isama mo 'ko. I don't care about mom and dad. Sasama ako sa'yo," I said as I stole a kiss on his lips again and again. Pero natigilan ako at nagulat nang bigla niya na lamang hapitin ang beawang ko saka siniil ako ng halik sa harap ng napakaraming tao. I smiled then responded to his kisses. We're both running out of breath after we unleashed our lips. He smiled at me and caressed my cheeks.
"I love you. Mahal na mahal kita, Zayara."
"Mas mahal na mahal kita, Davon. Wala akong pinagsisisihan kahit na ano simula nang makilala kita. In fact, I'm so lucky I was DARED TO KISS CAPTAIN."
-END-
©MajesticPrincesI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (471)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
recommended story maganda siyang basahi kaya add na ninyo sa library ninyo
21/05
0ganda ng story na to 🫶
24/11/2024
0ganda
26/06/2024
0Tingnan Lahat