Homepage/First Love Never Dies/
Chapter 46
The Wedding
HINDI kami nahirapan sa one week wedding preparations dahil marami ang tumulong sa amin. At lahat ng supplier ng wedding needs namin ay mabilis napa-oo.
Two days before the wedding ay all set na. Mula sa church, flowers, reception venue, foods, gowns, etc.
Kaya naisipan ni John na pumunta kami sa Laguna upang pormal na hingin ang kamay ko sa harap ng puntod ng aking mga magulang.
Hindi na din kami pumapasok sa office ni John. Napagkasunduan din na sa hotel ako magbibihis at sa condo si John dahil nga bawal magkita ang couple before the wedding.
______________________________
The Wedding day. Maaga akong nagising kahit hapon pa ang kasal ko. Sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ngayong araw na to matutupad ang matagal na naming pinapangarap, ang maikasal.
Halos katatayo ko lang sa kama at tulog pa si Lisa ay may kumakatok na sa hotel room namin.
"Sino kaya to? Mamaya pa ang usapan namin ng mag-aayos ha." bulong ko sa aking sarili.
Nang buksan ko ang pinto ay food delivery pala. Isang John Denver Tan daw ang nag-order. Binuksan ko ang paper bag at nagulat ako sa dami ng laman.
"Hello love, ang dami mo namang pinadeliver. Hindi namin mauubos ni Lisa to." sabi ko kay John pagsagot nya ng phone nya.
"Im not sure kasi kung anong gusto mo kainin for breakfast kaya ayan iniba-iba ko na lang."
"Thank you love. Ikaw, nagbreakfast ka na?" tanong ko.
"Hindi pa po love. Inuna ko kasi yung breakfast mo bago yung sa kin. I love you love." lambing nito.
"I love you too..dont skip breakfast ha. Sige na see you later love. Bye" paalam ko.
"Bye."
AFTER lunch ay dumating na ang mag-aayos sa kin pati kay Lisa. Nakaligo na kami pareho kaya inumpisahan agad ang pag-asyos sa amin.
Messy bun hairstyle ang nirequest ko sa kin. At sabi ko very natural look lang na make up ayoko ng makapal.
Pagkatapos kaming ayusan ay binihisan na nila ako. Off shoulder ang wedding gown ko. Fitted sa upper part at paballoon sa lower part.
Ready na ako at naghihintay na lang ng oras. Naghanda din ako ng vow ko kagabi. Naisipan kong ichat si John. Hindi naman siguro bawal. Ang sabi lang naman bawal magkita hindi bawal magchat hehe.
"Hey runaway groom, siguraduhin mong sisipot ka ha! I can't wait to say "i do"..i love you always"
"Love i will never runaway from you. I love you so much!" reply ni John with heart emojis.
Nang dumating na ang tamang oras para umalis ay dinampot ko na ang bouquet of white flowers ko. Inalalayan ako ng mga nag-ayos sa kin. Ang iba'y hinawakan ang mahabang laylayan ng gown ko.
Tamang-tama lang ang dating namin ni Lisa sa simbahan. Ilang minuto pagdating namin ay nag-umpisa na. Inalalayan nila akong bumaba at inayos ang gown ko bago ako pinapwesto sa likod ng nakasarang malaking kahoy na pinto ng simbahan.
Nang marinig ko nang tumugtog ang theme song namin ay naghanda na ko. Ito na ang hudyat.
Dahan-dahang binuksan ang pinto ng simbahan. Nang mabuksan na ito ng buo ay unti-unti akong tumingin paharap, nakayuko kasi ako kanina padrama effect.
Dahan- dahan akong lumakad. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Lahat ng tao dun ay sa akin nakatingin. Nang nasa gitnang parte na ko ng aisle ay nakatayo dun si tita Mel.
Lumapit ito sa kin at bumulong.
"Anak, ako ang maghahatid sa yo sa altar, okay lang ba?"
Tumango ako. Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko dahil ayokong masira ang make up ko.
Habang papalapit kami sa altar ay kitang-kita ko ang saya sa mukha ni John. Naiiyak ito sa saya. Hinahaplos ni Nate ang likod nya para pakalmahin sya.
Humalik at nagmano ako kay tita Mel at tito Dennis. Kinuha ni John ang kamay ko at lumapit kami sa altar.
Naging maayos ang seremonya. Nang oras na para sa aming vow ay halata ang kaba sa aming dalawa.
"Jean, my love, we fell in love when we were twelve. Akala ko noon forever na tayong magkasama. But then we were separated. For ten years, magkahiwalay tayo walang letters, walang phone calls. Nothing. But that doesn't stop me from loving you. Hinanap kita sa paraang alam ko. Hanggang sa bumalik na ko dito sa Pilipinas hindi pa din kita makita. Pero you know what? Hindi ako sumuko. Never akong nawalan ng pag-asa dahil alam ko sa puso ko na magkikita pa tayong muli. At nangyari nga. Kaya ngayong araw na to, sa harap ng Diyos at sa harap ng lahat ng tao dito gusto kong mangako sa yo. I promise to love you every minute of the day and every day of my life. Wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang because i believe that we were born for each other and we are destined to be together forever. I love you so much."
"John, my love, thank you for coming back into my life. From the very moment na nakita kitang muli, i knew and i felt na nandito ka pa din sa puso ko and never kang nawala dito. At ngayong papasok na tayo sa panibagong chapter ng buhay natin bilang mag-asawa, we both know na we may face problems and challenges na susubok sa katatagan natin. Always remember na there were times na tayo ay mag-aaway pero hindi maghihiwalay, magtatampuhan pero hindi magkakasakitan. I may not be the best wife but i promise to always do my best for you. I have loved you in the past, i love you today, and i will still love you in the future. Hindi man totoo sa iba pero sa ating dalawa totoong "FIRST LOVE NEVER DIES!"
Fast Forward..
"I now pronounce you husband and wife."
"You may now kiss the bride"
Sa oras na ito biglang tumahimik ang paligid. Tila huminto ang oras at kaming dalawa lang ni John ang gumagalaw. Itinaas nya ang belong tumatakip sa mukha ko. Nagtitigan kami ng ilang segundo at unti-unting naglapat ang aming mga labi.
THE END
________________________
Ang tunay na pag-ibig ay hindi sumusuko, hindi napapagod, at patuloy na kumakapit. Paghiwalayin man kayo ng tadhana, tadhana pa din ang gagawa ng paraan upang magtagpo kayong muli...
-AUTHOR-
Sa lahat po ng nakaabot sa part na to, maraming salamat po. ❤️
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
nice
26/12
0ang gandaaa
22/07/2025
0free to call me
20/07/2025
0Tingnan Lahat