Homepage/The Maxmoon Spy/
Chapter 20: Hell Room
"Goodmorning everyone. I am Awileih Miyazuwa San Pedro, Awi na lang for short. Nice to meet you all.." Masayang pagpapakilala ko, iyong tipong sakto lang sa pagkatao ko. Ngunit sa hindi inaasahan ay napawi ang matamis kong ngiti.
"Awishi crackers!"
Awishi...crackers?! Oishi 'yunn!!!
"Awittttt, bwahahaha!"
"Oh, Awiteng-witeng kayo diyan.."
"🎶Awiting kong ito, sana'y di magbabago🎶"
Kaniya-kaniyang mga komento ng aking mga kaklase. Marahan akong napapikit, pigil ang aking pasensya. Napatingin ako kay Ms. Pating na nakatayo sa gilid. Ang dalawang kamay ay magkahawak na animong nananalangin ngunit ng marinig ang pang-aasar sakin ng ilan ay agad itong umangil.
"Psst hoy! Mga batang 'to! Tigilan niyo nga 'yan!" Sita sa kanila ni Ms. Pating.
Sa halip na patulan ay umatras na lang ako at bahagyang gumilid upang makapagpakilala na rin ang mga kasamahan ko. Narinig ko pang bumungisngis si Ayen pero inirapan ko lang siya.
'Sira ulong 'to! Magsama kayo ng mga kapwa mong may sipon sa utak..'
"Hello, I'm Yumaruh Leigh! Pretty girl in your Itaewon Class! Muahh!" Masiglang pakilala ni Lexi na may kasama pang kindat.
"Tsk.. hindi lang naman ikaw ang maganda dito, dzuh.." Bulalas ng isang babae na may hawak na suklay.
Nakita kong tumaas ang kilay ni Lexi. Nagkaroon ng ilang pagbabago sa babaeng ito ngunit kahit kailanman ay hindi na talaga mawawala ang pagiging maarte at palaban nito. At sisiguraduhin kong hindi ka uubra dito.
"Well.. hindi ko naman sinabing Only pretty girl in your class, eh." Protesta nito saka pinagkrus ang dalawang braso. "Boba.." Mahinang hirit pa nito na rinig pa rin naman namin lahat.
"What?!" Agad na singhal nung babae.
"Don't worry, hindi ko hahayaang matabunan ka ng ganda ko.." Nandoon ang yabang sa tinig ni Lexi saka nakakalokong ngumisi sa babae. Bigla ay naghiyawan ang mga kaklase ko.
"Yownnnn hahaha!!"
"Boom Panis!"
"Luh, ginanon ka oh? Payag ka no'n?"
"Awwts gege.."
"🎶Its really hurt ang sabihan ng ganito. Sino bang tinakot mo🎶"
At mayroon na naman isang estudyante ang kumanta na akala mo'y kayganda-ganda ng boses. May kasama pa itong sayaw na ituturo ang dalawang daliri sa ulo saka kekembot-kembot na sasabayan ang kanta ng 'Its really hurt' Confident ka boi? Iniba pa ang lyrics ng loko.
Nakita ko ang babae na sumama ang tingin nito sa kaniya at iirapan na sana siya ng pangunahan niya na ka'gad ito.
'Bilis ng Lexi namin talaga!'
Tumikhim si Ms. Pating kaya huminto na ang lahat. Sumunod sila Keisline at kaswal na nagpakilala sa harap.
"Yisoowa Ash Mondragon—" Napahinto siya ng muling mang-asar ang mga kaklase namin. Lahat ba kami balak nitong asarin?
"Woahh takot naman ako!"
"Oh tabe-tabe! Baka bugahan tayo niyan, dragon pala apelyido niyan!"
Napatingin ako kay Keisline, sa isip siguro nito ay sunod-sunod na ang malulutong nitong mura. Bumalik na ito sa tabi ko at bago sumunod si Ayen ay tinapik pa muna nito si Keisline sa balikat.
"Izaac Nicolay, guys! Please to meet you all.." Pakilala ni Ayen.
"My name is Domishnu Kurt." Pakilala rin ni Ainsley.
Habang nagpapakilala ang dalawang lalaki ay tumingin ako sa lahat ng mga kaklase ko. Nagkunwari akong inaayos ko ang salamin sa aking mata ngunit sa totoo lang ay pinindot ko ang gilid no'n upang makita ko ang personality ng lahat ng mga nandirito sa loob.
Nilibot ko ang paningin sa lahat at habang ginagawa ko 'yun ay naririnig ko ang mga magagandang papuri ng ilang mga babae sa dalawa kong lalaki ay este kaibigang lalaki. Bakit sila ang ganda ng feedback, samin puro insulto?! Tss!
Umiscan sa paningin ko ang bawat taong nasa harap ko at nang matapos ay saka na lalabas ang buo nilang pagkatao. Bumungad sakin ang isa-isa nilang mga unique na pangalan! At detalyadong-detalyado din ang tungkol sa kanilang mga buhay.
Nahagip ng mga mata ko ang batang lalaki kanina. Nais kong malaman ang pagkatao nito kaya't tinitigan ko siyang mabuti.
"Suwakiro Hyuie Erskine, 16 years old. The only son of the Erskine Family...~"
Ang dami pang kung ano-anong impormasyon ang nalaman ko sa kaniya at dahil sa haba ng detalye ay naubos ang atensyon ko sa kaniya.
'Masyado ata akong naging interesado sa kinder na 'to.'
Napayuko ako ng matapos ng magpakilala ang dalawa. Lumipat si Ms. Pating sa gitna ng harap at nagsalita.
"Tagal niyong magpakilala ah? Nabagok ako sa isang tabi." Reklamo ni Ms. Pating saka bumaling sa isang lalaki kanina. "Mr. President, its your turn to shining like a star." Ani nito na ikinataas lang ng kilay ng lalaking 'yun. "Charot! Eto naman hindi mabiro ng batang kumag na 'to! Ganti-gantihan lang 'to noh.." Dagdag pa ni Ms. Pating at mahinang sinabi ang huling salita.
'Kakaibang guro ito, parang kalevel lang namin kung makipagsabayan sa kalokohan..'
"O sya, may gusto ka bang itanong sa mga ito o gusto mong ligawan ang isa sa tatlong babaeng ito?" Hirit ni Ms. Pating na ikinalaki ng mga mata namin!
"Ms. Shark!" Pigil ng president.
"Biru lang ulit!" Pang-aasar nito kaya hindi ko maiwasang matawa. "2 point Miss Pating! Oh, ano ka ngayon?" Humahalakhak pang hamon nito.
'Kinginang 'yan!'
"T-tch!" Singhal na lamang nito.
"Hay nako, naubos na oras ko. May tatanong kaba sa kanila o may tatanong ka?"
Nababagok na tumingin samin ang president. Wala man lang kainteres ng suriin niya kami isa-isa. Medyo nanlaki pa ang mga mata ko ng magtama ang mata namin pareho. Bigla ay nagscan ang paningin ko sa kaniya at ikinagulat ko ng pangalan lang niya ang lumabas sa eye glasses ko.
Bahagya kong inayos ang salamin pero ng ibalik ko ang paningin sa kaniya ay ganon pa din, walang pinagbago. Walang lumabas ni anong karampot na impormasyon sa kaniya! Tangi ang pangalan lang niya talaga!
'P-paanong nangyari 'yun?!'
"You.." Nabalik ako sa reyalidad ng ituro niya ako!
dO__Ob
Itinuro ko ang sarili ko. "Me?"
"Nah, her.."
"Ha?"
"Tch! Slow.. Yeah, it's you."
"Oh, ano meron sakin?"
Ngumisi siya ng nakakaloko sakin.
"Nagalaw kana ba?" Kaswal niyang tanong na nagpatigil sa paligid ko.
'A-anong nagalaw?'
Tila nagpintig sa pandinig ko ang sinabi ng lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Basta ang alam ko may ibang meaning ang tanong niyang 'yon.
'..Nagalaw kana ba..?'
'..Nagalaw kana ba..?'
'..Nagalaw kana ba..?'
"Ryco!" Nananaway na sigaw ni Ms. Pating sa kaniya.
"Bro, walang ganyanan.." Bigla ay sumingit si Ainsley sa usapan. Lumapit siya sakin at itinago ako sa likod niya.
"Oh what? Sabi niyo magtanong ako? That is a question from your class president."
"'Wag mo siyang tanungin ng ganiyan, Ryco!" Bulalas muli ni Ms.Pating.
"Ano gusto mo? Sa mga lalaki ko 'yun itanong? Hey you, nagalaw kana ba? Gano'n? Hindi naman 'ata bagay sa pandinig 'yun.."
Bigla ay rumehistro sa aking isipan kung ano talaga ang ibig niyang sabihin! Nanlaki ang mga mata kong tumingin muli sa kaniya.
Kinginang 'yan!!
Gusto kong isigaw ang murang iyan sa kaniya! King*na niya! Bastos! T*rantado! Minus 100 kana sa langit! K*nginamo! G*go!
"Hindi magandang tanong 'yun, Ryco! Babae ang kaharap mo!"
"Look at around Ms. Shark. This is the lowest section. The Itaewon Class. Dapat hindi na kayo magtaka kung anong ugali ang mayro'n kami.."
'Where's your manner! Tanginamo!'
Hindi nakapagsalita si Ms. Pating. Napatingin ulit ako sa bastos na president na 'to na ngayon ay nakatingin pa din sakin. Ngumisi din ako sa kaniya. Bastusan pala ha?
"Hindi.." Sagot ko.
He smirk. "Well, nice to hea-" Muli akong nagpatuloy sa pagsasalita.
"Hindi ko kwekwesyonin ang pagiging president mo sa classroom na 'to pero may isang tanong din ako para sayo."
"And what is it?"
"Nagpatuli kana ba?" Panggagaya ko sa tanong niya kanina at ngumisi rin. Natigilan naman siya habang ang mga kaklase naman namin ay napa-'ooohhh'
"Sta- A-Awileih.." Pigil sakin ni Ainsley at muntik pa akong tawagin sa palayaw niya sakin.
"What? Nakikipagsabayan lang ako.." Mahinang sabi ko habang ang tingin ay nasa president parin na nagngangalang pa lang Ryco.. Ryco Hyzen Shusei Lee Cruz. Tss.
"Enough, enough! Hay nako! Ano magdidigmaan na kayo niyan?" Sambit ni Ms. Pating saka napahawak sa noo. "Tama na. Tama na 'yan ha! Ako gegera sainyo, sige! Kapag 'di kayo tumigil." Muli siyang bumaling kay Ryco. "Alam kona ang pang-uugali niyo... lalo kanang unggoy ka! Pero sana konting respeto man lang sa mga babae, pwede? Tsh, sabagay wala nga kayong respeto sakin e!"
"Buti alam niyo.." Bastos talaga 'tong lalaking 'to tignan niyo!
"Oo alam ko at kapag nakauwi ako sa probinsya namin, papakulam kita!" Pagbibirong banta ni Ms. Pating saka bumaling samin. "Sige na, magsiupo na kayo at magtuturo na 'ko." Bigla ay sumeryoso si Ms. Pating. Tumango kami sa kaniya at naghanap ng mauupuan.
Nakakita kami ng mauupuan at saktong lima ang nando'n ang kaso nasa pinakalikod nga lang.
Nadaanan pa namin kung saan nakaupo ang president at kita kong sinusundan niya ng tingin ang mga kilos ko. Itinaas ko ang dalawang daliri ko saka idinuro 'yun sa mata niya at sa mata ko bilang isang senyales na 'Magtutuos-pa-tayo!'
Inirapan niya lang ako. Aba, bakla 'ata 'to eh tss! Binilatan ko naman siya saka nagpatuloy nasa uupuan ko.
___
AWILEIH'S POV
ILANG ORAS pa ang lumipas bago tumunog ang bell na nangangahulugang breaktime na. Halos wala akong maintindihan sa lahat ng lessons. Palibhasa'y late na kami pumasok at lutang din ang isipan ko dahil sa bastos na lalaking 'yun.
Pinauna na muna naming palabasin ang mga kaklase namin bago kami tumayo at pumunta sa canteen. Sa pagpasok, bumungad samin ang mediyo siksikan ng mga karamihan at 'di masundang mga pila sa counter.
Napahawak ako sa tiyan ko ng kumalam iyon. Hindi pa nga pala kami nag-aalmusal, tss. Tumuloy na kami sa loob at hinabaan ang pasensya sa haba ng pila.
Nang matapos ang parada este 'yung pila ay laking tuwa ko ng ako na ang susunod na oorder ng pagkain. Pero 'agad iyon napawi ng may gumitgit sakin sa gilid at napasubsob ako sa sahig!
'Ay wow! Kapal ng mukha ng taong yun ah!?'
Napabuga ako ng malakas na hininga ng hindi man lang ako tinignan ng taong ito at nagpatuloy lang sa pag-oorder na sana ay ako na dapat ang gagawa!
"Give me a 1 set of this and this one also. Paki take out din ang isang 'to." Pag-oorder niya habang may tinuturo sa menu.
Padabog akong tumayo at pinagpag ang sarili at lalapit na sana ako sa kaniya ng may isang tinig ng lalaki ang magsalita.
"Are you okay, miss?" Napalingon ako sa taong iyon na ngayon ay hindi ko napansing nasa tabi kona pala at nakahawak sa aking braso. "Hyzen.." Nananaway na baling nito sa pangalan ng kaharap ko.
Bigla ay umiscan sa paningin ko ang pagkatao nito.
dO__ob
Raze Devv Montree ang pangalan ng taong ito ngunit pinagtaka ko kung bakit wala ng impormasyon ang lumabas tulad ng nangyari kay Ryco kanina.
'Bakit ba walang lumalabas?! May humaharang ba sa ginagawa ko o sadiyang nagloloko na ang gadget sa mata ko?'
Sa sobrang inis ay hindi kona pinansin ang pag-eerror sa mga personality nila. Hindi ko rin siya sinagot at sa halip ay inis akong bumaling muli kay Ryco!
"Yaa!" Sigaw ko dito at ginitgit rin siya sa gilid dahilan para siya naman ang mapaatras. "Kapal ng mukha mong sumingit! 'Di mo ba naisip na sooooobrang haba ng pila, makamit ko lang ang pagkaing minimithi ko?! Tapos eto ka ngayon, pasulpot-sulpot?"
"So what?"
"Sowating mo mukha mo! Nagugutom ako, tumabi ka diyan! Ako ang nauna dito!" Bulyaw ko at nauna na muli sa harap.
'Hay nako, ang pagiging nerd ko ay nawala na!'
Ilan sandali pa ang katahimikan ng biglang...
"Patay gutom.." Nagpintig ang tainga ko sa muli niyang hirit.
Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at nanlilisik ang mga matang tinignan siya.
"Ano kamo?!" Sigaw ko dito!
"You heard it."
"Pinariringgan mo 'ata 'yung sarili mo?" Pinagkrus ko ang dalawang braso ko. "Kasi ikaw nga iyong gumitgit dito para lang manguna sa pila! Oh, ano? Patay gutom ka pala eh!" Prangka kong sigaw sa kaniya.
"What did you say?" Tinignan niya ako ng hindi makapaniwala.
"Hakdog!"
"What did you say!?" Pag-uulit niya habang may diin sa kaniyang salita.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Edishing!" Asar ko sa kaniya at tumalikod na. Humarap na ko sa crew at sandaling tumingin sa menu. "Isang set nga po nito saka ito at ito at ito pa. Hindi po ako patay gutom, sadiyang hindi lang po ako nakapag-almusal kanina.." Pandederetso kona ka'gad dito. Tumango lang ito sakin saka umalis na upang asikasuhin ang inorder ko.
Muli akong tumingin sa likod at ang sama pa rin ng awra ng lalaking ito. Kung makatingin akala mo may masamang plano tss. Manigas ka diyan.
Inantay kong dumating ang order ko at nang maibigay sakin ay agad kong inabot ang bayad. Inirapan ko pa muna iyong president bago umalis sa pila at puntahan ang mga kasamahan ko na ngayo'y kanina pa sinisimulang kumain.
'Kahit kailan talaga! Palagi nalang ako hindi hinihintay ng mga 'to!'
Nakabusangot akong nagpatuloy at dere-deretsong umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Ayen. Padabog kong inayos ang pagkain ko at saka walang ano-ano'y sumubo ka agad.
"Oww easy.." Sambit ni Ayen saka sumubo ng kanin. "Nakita ko ang nangyari kanina.." Dagdag nito na ikinairap ko.
"Oh, ba't wala kang ginawa?" Mataray kong tanong.
"Eh, gutom ako, eh.. alangan unahin kita."
"Oo, ikaw dapat sinabihan ng patay guts diyan eh.."
"Relax, Moo—Awileih.. okay? 'Wag mo na lang patulan." Sabi ni Keisline at muntik na namang madulas sa pangalan ko.
"Ako ba nanguna?"
"Kaya nga 'wag mo na lang gantihan."
"Hindi ba't sinabi kona sainyo noon na kung ano ang ginawa sakin ay 'yun lang din ang gagawin ko? Iyon din ang sinabi mo samin noon, hindi ba?"
"Oo parehas tayong nagsabi nun pero... hinay-hinay lang, baka nakakalimutan mong isa kang nerd?" Mahinang-mahina na sabi ni Keisline.
Napabuga ako ng malakas na hininga. Unang pasok ko palang eto na ka'gad ang sumalubong sakin. Simula palang nag-init na ka'gad ang ulo ko, ngayon ko lang ulit nailabas ang ganitong pang-uugali ng dahil lang sa mokong iyon.
'Why naman gano'n author?'
"Oo na.. ewan basta! Parang bigla 'atang lumalabas ang kabilang side ko.." Nasabi ko.
"Ang alin?" Tanong ni Keisline pero 'di ko siya nasagot.
"Pagbutihin mo 'yan, Awi.." Sambit ni Lexi na ikinalingon naming lahat dito. Nilapit niya ang ulo samin at bumulong. "Pagbutihan mo ang ganiyang personality ng sa gayon ay hindi tayo mahalata ng kalaban." Napatango ako sa kaniyang sinabi.
"Tss! Gutom ka lang kaya mainit ulo mo.." Baling muli ni Keisline sakin at tinignan ang mga pagkaing inorder ko. "Sige kumain ka pa ng mabuti ng hindi magwala ang halimaw diyan sa tiyan mo.." Sabi pa nito na ang paningin ay nasa pagkain ko parin.
dO__Ob
Pinanlakihan ko siya ng mga mata!
"Ay grabe ha? Kakahiya sa bituka mong nguwa ng nguwa!" Bulyaw ko rin sa kaniya.
"Psst! Siraulo!" Agad na sabi nito saka tumingin sa paligid.
Nakumpirma naman niyang walang nakikinig samin kaya muli niyang tinitigan ang pagkain ko!
'Isa pa 'tong patay guts! Parang hindi pinapakain amp!'
"Hoy! 'Yang mata mo, dudukutin ko 'yan sige!" Pandederetso ko ka'gad sa kaniya at bahagyang sinakop ang lahat ng inorder ko sa lamesa.
'Baka manguha! Malikot pa naman kamay nito pagdating sa pagkain! Parang snatcher lang ang peg!'
"Teka sandali! Ano 'to? Woi, pahinge ako— woi!"
Sinasabi ko na nga ba e! Bago pa siya makadampot sa pagkain ko ay agad kona iyon inilayo sa kaniya at ipinatong sa bakanteng upuan.
'Wais 'to men wais..'
"Kung gusto mo, pumila ka ulit do'n at umorder ka ng sarili mo!" Sigaw ko sa kaniya at tatangkain niya pa sanang kunin 'yung fried chicken ko ng tapikin ko kamay niya. "Isa!" Pagbabanta ko dito.
"Oo na damot!"
"Aishh!" Napalingon kami pareho ng napasinghal ng malakas si Lexi habang may hawak ng chicken sa kamay. "Umayos nga kayo! Nasa harap tayo ng pagkain!"
"Eto kasi!"
"Ul*l ikaw 'yun!"
"Both of you need to stop! Umaalog 'yung lamesa oh! 'Di kami makakain ng maayos sainyo." Seryosong usal ni Ainsley kaya napatigil na kaming pareho.
Napatingin naman ako kay Ayen na wapakels sa paligid. Hayun at tuloy-tuloy parin sa paglamon habang may nakasalpak ng headphone sa tenga. Wala ng nagsalita kaya tinapos na namin ang launch.
Pansin kong walang pakialam ang mga tao dito. Nagsisigawan na kami lahat-lahat pero ni isa ay wala man lang lumingon o pagbulungan man lang kami, lalo na't newbies kami dito. Pati 'yung naganap kanina samin dalawa ni Ryco sa pila! Parang ghost lang kami do'n na nagsasagutan.
'Ayos na rin siguro 'yun. Kaniya-kaniyang mundo para hindi na rin kami mapansin ng kalaban..'
LUMIPAS ang kalahating oras ng makatapos ako sa paglamon. Walang share-share sa taong gutom kaya lahat ng inorder ko kanina ay aking naubos.
Napatingin ako sa mga kasamahan kona busy sa mga pinaggagagawa kahit kami ay nasa harap pa rin ng pinagkainan. Wala pa kaming balak bumalik sa classroom dahil mahaba-haba pa ang freetime. At bukod ro'n, ayaw din namin makasama ang mga kaklase namin na kung makatingin samin ay akala mong papatay.
'Inosente naman kami ah?'
Tss. Para namang may ginawa kaming hindi maganda sa kanila kung makatingin. Lahat 'ata iyon mga pinanganak na may galit, ano?
"Yaah.." Pag-agaw ko ng atensyon sa apat.
"Oh?" Tugon ni Keisline pero hindi ako nakasagot. "May sasabihin kaba?"
"Oo.."
"Importante ba 'yan?"
"Oo.."
"Sige, ano 'yun?—teka! Baka may makarinig!" Sabi niya at lumingid-lingid sa paligid. "Sige ibulong mo nalang samin, dali.." Mahina niyang sabi at inilapit pa ang tenga sa mukha ko.
Inosente naman akong napatingin sa kaniya at bahagya nalang din lumapit sa mga pagmumukha nila.
"CR lang ako.." Bulong ko na 'agad ikinasama ng tingin nila sakin.
'Bakeet?'
Naiglad ako ng padabog na tumayo si Keisline at inis na tinanggal ang sapatos sa paa.
'Wag mong sabihing...'
"Kingina mo! Ipupukpok ko sayo 'to!" Singhal niya at bago pa ko matamaan ng sapatos niya ay agad na kong kumaripas ng takbo.
'Flash mode: on!'
"Bumalik ka dito! Akala ko kung ano na amp*ta! CCR lang pala!" Rinig ko pang asik niya.
Hehehehehehe..
Nang makalayo ay saka ako tumigil sa pagtakbo. Habol-habol ko ang aking hiningang tumapat sa isang building. Nilibot ko ang paningin sa paligid, sinusuri at isinasautak na ang bawat pasikot sa lugar na ito.
Napalingon ako sa itaas at nakita ko ang signingboard na itinuturo kung nasaan ang restroom kaya sinundan kona iyon.
~Few minutes later..~
"Whoo.. successful den.." Mahinang sambit ko sa sarili at pinindot na ang flash sa inidoro bago lumabas ng cubicle.
Sumingot-singot pa ako sa paligid at grabeeee!
'Annggggg bahoooooooooo!'
SOBRANG BAHOOOO NAMAN SA LOOB!
'Nakakahiyaa naman 'to! Ngayon lang ba nakatae at tinodo ang labas?!'
Eeww.. Sa dami ba ito ng aking nakain o sa sama ito ng aking loob at sumabog ng gano'n kabaho?!
Agad kong kinapa ang aking bulsa, nagbabakasakaling may dalang sprayer o anu mang pabango! Matakpan lang ang kasumpang-sumpang amoy na 'to! Pero kung mamalasin ka nga naman!
"WALA AKONG DALAA! ENGOTT!"
Napabuntong hininga nalang ako at lumapit nalang sa lababo para maghugas ng kamay. Nasa ganoon akong posisyon ng may pumasok na grupo ng mga babae.
Pagpasok nila sa loob ay agad silang napatakip sa kanilang mga ilong.
"What the hell is that smell?!" Maarteng singhal ng kulot na babae na may bangs.
"Oo nga! Ang baho! Sinong babae ba ang nagpasabog nun? Kadiri!" Dagdag pa ng isang babaeng nakashort-hair at nilibot ang paningin sa loob.
"Tsh! Parang hindi babae amp*ta! Sino ba 'yun at maingudngud nga ang mukha sa inidoro!?" Gatong naman ng isa pang babae na nakashort-hair din pero kulay red ang buhok at nakabukas ang butones ng uniporme sa harap.
'Siga..'
Nagulat ako ng sabay-sabay silang napatingin sakin pero hindi ko pa rin ipinahalata at nagkunwari ring nabauhan sa amoy na 'yun habang winiwisik ang basang kamay sa lababo.
Umubo ako. "Whoo whoo whoo! Ang baho naman ng amoy na 'yun! Maghuhugas lang naman ako ng kamay ta's eto ang sumalubong sa ilong ko. Yucks! Kanino ba galing 'yun!?" Pagpapanggap ko at nagkunwari ring inis na hinahanap ang may gawa na 'agad namang ikina-uto ng mga grupong ito.
Lumingid-lingid sila sa paligid at isa-isa binubuksan ang pinto ng cubicle. Habang ginagawa nila iyon ay dahan-dahan naman ako lumalakad palabas.
"Makaalis na nga! Ang baho dito! Yucky!" Parinig ko pa sa kanila at aakma na sanang lalabas sa pinakapinto ng may magsalita.
"Teka.. diba siya 'yung kaklase natin?" Biglang usal ng isa nilang kasamahan.
Bahagya akong napatingin sa kanila at nakita ko ang babaeng maikli at may kulay na red ang buhok na napatigil sa pagsipa ng pinto sa bawat cubicle. Nagcross-arm itong tumingin sa nagsalita saka sumunod na lumingon sakin.
"Kaklase?" Takha nitong tanong.
'Ay bad.. nalimutan mo ang ganda ko?'
"Oo, 'yung isa sa newbies?" Sabi nito.
Tinignan ng babaeng ito ang buo kong katawan. Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at walang paalam na umalis na ka'gad don.
Narinig ko pa silang sinabihan ako ng 'bastos' pero hindi ko nalang pinansin at kumaripas muli ng takbo pabalik sa mga kasamahan ko.
Naabutan ko silang nag-aayos ng mga gamit at ng matapos ay napagpasyahan na naming bumalik sa classroom.
Bumungad na naman samin ang magulo at makalat na Itaewon Class. Kalat dito, kalat do'n. Tapon dito, tapon do'n. Bully dito, bully do'n. Tulog dito, tulog do'n. Laro dito, laro do'n. May nagpapaganda dito, may tomboy do'n—wuut?!
Para na naman kaming nastatwa dito sa may pinto at nakatungangang pinanood ang mga kilos nila.
Napangiwi ako at naipagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Pumasok na nga tayo.." Pag-aaya na ni Ayen sa loob at awtomatikong dumeretso sa kaniyang puwesto. Sumunod naman ang tatlo at susunod na rin sana ako ng bigla na naman akong sumubsob sa sahig!
'Talaga naman oh! Araw ba ng subsob sa sahig at palagi na lang ako nasusubsob!?'
MAY TUMULAK NA NAMAN SAKIN!!!
"Tss.. haharang-harang kasi.." Usal ng pamilyar na tao!
'Target ba ko nito at ako ang laging pinupuntirya?!'
Naramdaman kong dumaan na siya sa gilid ko ng wala man lang sinasabing sorry sakin! Nagsilapitan naman ang mga kasamahan ko at dahan-dahan akong itinayo.
'Ano bibigwasan ko naba 'to mga readers?!'
(A/N: 'Wag muna..)
'At bakit naman author? Sumosobra na eh!'
(A/N: May plano ako..)
'Tss! Siguraduhin mo lang na ako ang mananalo ha?!'
d–.–b
"Awileih! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Ainsley at tinignan ang mukha ko.
"Ayus lang, hindi masakit.." Nakangiting sabi ko at pinagpag ang sarili. "Buwisit na kumag 'yun!" Mahinang bulalas ko at minura-mura siya sa isipan ko!
"Halika na. Bumalik na tayo sa upuan, baka dumating na ang next teacher natin.." Sabi niya at iginayak na ko sa upuan.
Sa bawat lecturer na papasok sa section namin ay kinakailangan namin magpakilala. At kung minsan ay may katanungan rin sila na 'agad naman namin nasasagot.
Discuss..
Discuss..
P.E Class..
Breaktime..
Discuss..
Discuss..
Dismissed..
Parang si flash na mabilis natapos ang lahat. Parang relasyon niyo lang din. Joke! Baka may umiyak dyan at sabihing "Mahal ko parin siya eh.." ang rupok ah?
Kung gaano kabilis natapos ang buong klase ay gano'n din kabilis ang pagkarera sa pinto ng mga kaklase ko. Buong maghapon ay wala man lang nagkainteres na kumausap samin.
'Takot ba sila sa mga pagmumukha namin o sadyang wala lang talaga silang interesado samin?'
"Woi!" Pagtawag sakin ni Keisline. "Ano? Maiiwan ka nalang diyan?" Tanong nito habang nakasabit na ang bag sa likod.
"May sinabi ba ko?" Sagot ko at kumilos na.
Walang gana akong tumayo sa kinauupuan ko at sandaling inayos ang mga gamit ko. Nang matapos ay sabay-sabay na kaming lumabas ng classroom.
Mediyo napahinto pa kami sandali dahil ni isa man lang ay walang naiwan sa classroom para maglinis ng mga pinagkalatan ng mga kaklase ko.
'Wala bang cleaners dito?!'
Aba naman talagang! Kaya pala nag-unahan ang mga loko ay para matakasan ang obligasyon sa paglilinis! At nasa kapalaran naman namin ang mahuli para kami ang maglinis dito?!
'Grabe! Sobrang talino talaga nila! Kaya nasa Itaewon Class ang bagsak e!'
Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na napabuga ng hininga. Muli kaming bumalik sa loob at kumuha ng mga walis at basahan.
Sinimulan naming maglinis mula sahig hanggang kisame. Charot! Winalis-walis namin ang bawat sulok ng silid. Pinunasan ang mga bintana. Tinanggalan ng mga agiw sa itaas. Flinor-wax ang sahig hanggang sa kuminis. Inihilera ng maayos ang mga upuan. Mga nakadrawing na bastos sa dingding sa may likod ay pinagbubura namin. Lahat-lahat ng paglilinis ay ginawa namin hanggang sa umaliwalas at lumuwag na ang kapaligiran.
"Hay.. natapos din.." Nakahinga ng maluwag na sabi ni Lexi habang may hawak na walis sa kaliwang kamay.
"Nagugutom ulit ako.." Sabi ni Ayen na nakasandal sa isang table at hinimas-himas ang tiyan. "Tara, uwi na tayo." Tumayo na ito at kinuha ang bag.
Kinuha na rin namin ang mga bag saka dumeretso na sa labas. Inantay pa naming isarado ni Ainsley ang pinto bago magpatuloy sa paglalakad.
Ang paaralang ito ay may mga dormitory. Ang ilan sa mga studyante ay pinipiling magstay dito habang 'yung iba naman ay umuuwi pa rin sa kanilang mga bahay. Kung kami ang tatanungin, napagpasyahan din namin na umuwi nalang sa mansion.. Saka na kami mags-stay dito kapag may susubaybayin kaming isang kahina-hinalang tao.
Nang makapunta sa parking lot ay 'agad namin pinuntahan ang aming mga bisikleta. Tinanggal ang mga padlock at saka umangkas na.
Tahimik lang kaming dumaraan sa pasikot-sikot na lugar na ito hanggang sa makakita kami ng isang street foods!
Nagpaunahan kaming magpedal ng bisikleta papunta roon at ng makalapit ay 'agad kaming napatalon sa harap ng nagtitinda at iniwan nalang na matumba ang bisikleta sa kalsada.
"Kung makipag-unahan parang kumakain kayo nito, ah? Diba richkid kayong dalawa?" Baling ni Keisline saming dalawa ni Lexi.
"Hoy, kahit señorita ako no'n doesn't mean na hindi na ko kumakain ng ganto 'no, duh!" Protesta ni Lexi at nauna ng tumusok-tusok sa fishball. "Minsan nga, inuutusan ko ang mga tauhan ni dad na i-buy ako nito e. Kapag hindi naman pumayag si dad, tumatakas ako para lang makatikim nito." Dagdag niya pa at humarap sa tindero. "Lolow, how much of this po?" Magalang na tanong ni Lexi sa matandang lalaki.
"Ako den. Paborito ko kaya itong kwek-kwek!" Sabi ko at kinuha ang isang stick na may tatlong kwek-kwek. "Atsaka itong—chichaw ba 'yun? Nakalimutan kona 'yung tawag, tagal kona kasing hindi nakakakain nito."
"Paano ka naman nakakatikim ng ganiyan, eh diba hindi ka naman pinapalabas sa mansyon ng lola mo?" Tanong niya at tumuhog ng kikiam. Ang dalawang lalaki naman ay nakatayo sa isang tabi at nanatiling tahimik na kumakain.
Lumingon ako sa kaniya. "Sinubukan ko din tumakas dati hihihi.." Bungisngis ko at isinawsaw ang kwek-kwek sa suka bago isubo. "Sige, kain pa kayo, treat ko.."
"Yooownnn! 'Yan ang gusto ko sayo eh! Hahaha!" Magiliw na sabi ni Ayen at tumuhog muli ng fishball.
"Osige na kumain ka pa. Sandali, wala tayong inumin! Humanap ka nga ng store diyan sa tabi-tabi at bumili ka ng limang softdrinks—" Napatingin muna ako sa tindero. "Bumili kana rin pala ng isang bote ng tubig para sa kaniya.." Utos ko kay Ayen at nginuso ang matandang lalaki.
"Naku, iha. Hindi na kailangan, nakakahiya naman.." Nahihiyang tanggi ni lolow pero umiling lang ako sa kaniya.
"Hehehe.. ayos lang po," Nakangiting sabi ko at lumingid sa paligid bago muling bumaling sa kaniya. "Napansin kong wala pang bumibili sainyo, lolo. Kumain na po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko.
Pinunasan niya muna ng bimbo ang noo bago sumagot. "Ah-hahaha, sa katunayan ay hindi pa iha. Wala pa ngang bumibili sa akin—"
"Kung gano'n ay bibilhin ko lahat ng paninda niyo at sabay-sabay natin 'yan uubusin ngayon." Pigil ko sa kaniya at bumaling na kay Ayen. "Bumili kana ng iinumin natin.." Kinapa ko ang bag saka iniabot sa kaniya ang pera.
Agad niyang itinayo ang bike at mabilis na pinadyakan iyon papalayo.
"Naku, nakakahiya naman pero salamat iha, ha. Napakabuti mong bata.." Masayang-masaya na sabi ni lolo.
"Hehehe, walang anuman po. Simula sa araw na ito, kami na ang suki niyo!" Nakangiting sabi ko at kumindat pa sa kaniya.
Nagpatuloy na kami sa pagkain habang inaantay si Ayen para sa mga inumin. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin siya.
"Hetoo naa! Oh! Eto sayo, eto sayo, eto sayo, eto akin at eto ay kay grandpie!" Magiliw na sabi ni Ayen at isa-isa inabot samin ang mga binili.
"Oh, sukli ko?" Bungad ko sa kaniya at inilatag ang palad sa harap niya.
Nagsalubong naman ang mga kilay niya.
"Huh? Wala ng sukli-sukli!"
Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya. "Anong walang sukli ka diyan! Eh, tig te-ten lang 'ata itong mga binili mong softdrinks!" Singhal ko sa kaniya.
"Lol. Syempre ako ang bumili kaya akin na lang ang sukli!" Dahilan niya pa habang hinihimas ang batok.
"Tss! Nilibre na nga kita eh!"
"Tch! Oh, eto na!" Pagsasauli niya ng pera.
"Tss! Iyo na! Next time, hindi na kita ililibre diyan!"
"Yaman-yaman mo diyan, eh!" Hirit niya pa at ngumuso.
Sandali pa kaming tumambay doon bago umalis. Syempre binayaran ko muna si lolow at may kaunti pa ng paninda niya ang natira.
Habang nagbibisikleta ay may hawak pa rin kaming softdrinks na nakaplastik sa kamay.
Nagkakatuwaan kami sa daan nang may makita kaming kababaihan sa di kalayuan na nakapabilog sa isang gilid at tila may.... binubugbog!?
Nagkatingin kaming lahat at mabilis na pinaandar ang bike papunta sa kanila.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (31)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Wow, the story got my interest. This is the story I’m looking for. And Finally, I found it. Thanks for making this. Will start reading now. It’s highly recommended guys! For those who wants action, this story is worth it to read! Keep your journey, author. I salute you. Godbless!💕💕💐
07/05/2022
4codm
26/10/2024
0So good.
26/07/2024
0Tingnan Lahat