Homepage/The Maxmoon Spy/
Chapter 30 Punishment
“Kasalanan niyo tong dalawa, eh!” Biglang sigaw nung babae naming kaklase. “Kung hindi kasi kayo nag-usap hindi kayo masisita ni Ma'am! Look what just happened?! May patama na naman sa section na to!”
“Yang bunganga mo kasi Suwa! Sisigaw ka pa! Kaliit liit mo, ang lakas ng boses mo! Kalalaki mo ring tao, ang ingay ingay mo!” Paninisi naman nung lalaking nakatanggal ang butonis ng uniform.
“Isa ka rin!” Turo sakin nung isa pang babae. “Kay bago-bago mo, pabida ka rin minsan! Kababae mo ring tao, lakas mong patulan ang trip ng batang ito! Saang kaba nagmula? Bumalik ka nalang sa pinanggalingan mo!”
Utot mo..
“Woi, gagu! 'Wag mong pagsasalitaan ng ganiyan ang kaibigan ko!” Biglang sabat ni Keisline sa likod at naalerto ako ng bigla itong tumayo!
“Yish, calm down. 'Wag niyo ng patulan.” Pag-awat nila Ainsley sa kaniya at pinipigilan siya sa braso.
“What the.. m-minura mo ba ko??!” Gigil na sigaw nung babaeng nagsalita sakin kanina at tumayo rin!
Anu ba naman to! Simpleng bagay lang!
“Oo! May angal ka?”
“Yisoowa!” Pigil ko sa kaniya at napatayo na rin ako sa kinauupuan ko.
“Ha! Ang tapang mo ah!? Mga baguhan lang naman kayo dito! Kung umasta kayo dito akala niyo kung sino kayo! Alam niyo ba kung anong section tong pinasukan niyo?!”
“Oo naman. Marunong naman kaming magbasa ng signingboard, diyan sa labas. Nakasulat nga ro'n ay Itaewon Class.” Sarkastikong sagot nito!
d>>_<
“Uuy, tama na yann! Please!!”
“Kalma lang kayo mga, bruhh! Maya na yung resbakan niyo diyan, wala pa kong popcorn rito.”
“Hoy, ano ba!? Nasa kalagitnaan tayo ng klase! Hindi pa ba kayo nakuntentong nilayasan na tayo ng Teacher!?”
Awat nung ibang ayaw ng gulo pero walang nakikinig! Yung iba naman nakikisali pa! May mga natutuwa pa sa nakikita! At may mga taong mas pinipili namang manahimik!
“Huh!! The hell?!” Mataray at inis na bulalas nung babae kay Keisline! “Thats not what I mean! Stupid!!”
“The hell I care of your 'means'! Idiot!”
“Hey, both of you stop!” Pigil na rin ni Raze sa kanila!
Tinignan ko yung President na nakapikit at nakatagilid ang ulo sa mesa niya! Hindi man lang ba marunong makaramdam to? Nagsisigawan na lahat lahat, tulog pa rin ang loko?! O baka naman wala lang siyang pake!?
Hindi ko na maintindihan yung mga nasa paligid ko dahil samu't sari na ang mga boses nila! May mga nakikisali na rin talaga sa bangayan! Hindi ko na tuloy alam kung saan narating yung mga usapan nila!
“Nag-iisip ka ba?! Sa tingin mo, mapupunta ba kami dito sa Section na to kung hindi rin kami tarantado, barumbado, basag-ulo, loko-loko at kung ano-ano pang matatawag mo sa iba't ibang klaseng pang-uugali na mayron ang Section na to na tulad mo?” Rinig ko pang asik ni Keisline sa kaharap!
“Tsk! I dont understand what your saying! You're just making me to slap your face!”
“And you're making me to punch your coloring face, too!” Sabat na rin ni Lexi!
d>>__<
Nailibot ko ang paningin ko at saktong nagtama ang mata naming pareho ni Icom. Walang emosyon siyang nakatingin sakin habang nakacross-arm at prenteng nakaupo!
Tingin tingin mo dyan ha, CHAIRman?
Aishh! Umiwas nalang ako ng tingin at saktong huminto yun sa katabi ko! Tahimik lang siyang nanonood sa mga nagbabangayan habang may ngisi sa labi! Mukhang natutuwa pa siya sa mga nakikita!
“Hoy, Suwa! Ano bang ginagawa mo!?” Inis na bulyaw ko rito!
Lumingon naman siya sakin at ngumiti. “Hmm?”
“At nakuha mo pang ngumiti sa nangyayari ngayon dahil sa 'panlalaglag' na sinimulan mo!”
“Hahaha! Hindi ko mapigilan eh, kakatuwa yung mga pagmumukha nila! May lumalaki pa ng mga mata, ang pangit-pangit tuloy hahaha! Yung iba umuusok pa yung ilong! Akala mo tuloy tambutsu ng motor!Brrrrrrngg! Brutututututtt! Bwahahahaha!”
“Saya ka noh? Kasalanan mo kasi to!”
“Tch.. ako man ang nagsimula nito, sila naman yung nagpalaki ng gulo! Ninisi pa yung mga bugok dito!”
“Aishhh!” Napaiwas ako ng tingin!
“Hahaha, Awitot, tignan mo ko..” Sinunod ko yung sinabi niya. “Dito sa room nating puno ng gulo, nandito lang ako sa isang sulok, nangungulangot! Bwahahahaha!”
“Ha! Ha! Ha!” Peke kong tawa sa kaniya. “Dito rin sa room nating puno ng gulo, gusto kong manapak ng bansot! Suwa ang pangalan ng tatargetin ko!”
“Ayy, weg genyern—”
“HOOYY!!” Sigaw ng kung sino sa likod ko. Tumagilid ang ulo ni Suwa para tignan ang nasa likod ko na ginawa ko rin.
Psst.. Nandito na nga pala ang leader ng mga basagulera.
“Ba't?” Sagot ni Suwa.
“Hindi ikaw, tanga!”
“Ay, harsh..”
“'Wag na natin patulan..” Bulong ko sa kaniya at aakma sanang haharap kila Keisline na patuloy sa pagdedebate nang may humawak sa braso ko at pagharap ko ay hinawakan ka'gad ako nito sa collar.
“Ikaw ang tinatawag ko kaya 'wag mo kong tinatalikuran!!” Sigaw ni Rae-Rae sa mismong mukha ko.
“Oyy, bitawan mo nga si Awi!” Sigaw ni Suwa at tinangkang tanggalin ang kamay ni Rae-Rae sa collar ko pero nabuhat siya papalayo ng grupo ni Rae.
“Rae-Rae, ano ba?! Kaloka kang bakla ka! Pati si Awi, binubully mo na rin?!” Napapatayong sabi ni Joacaz.
“Ayaw mo nun? Babae sa babae, ha bakla!?”
“Tumigil kana nga diyan sa ginagawa mo! Kababae mong tao, pati ako binibik—”
“Mahina ka kasing bobo ka! Lalambot lambot! Tsk!” Bumaling ulit siya sakin! “Dumating ka lang, nagkakagulo na ang sectio—”
“Matagal ng magulo ang section natin, Rae-Rae. 'Wag mo sa kaniya isisi!” Sigaw pa ni Suwa at pilit kumawala sa mga nakahawak sa kaniya. “Ano ba! Nyanyanyansing niyo abs ko! Mga bantosss! Third?! Help me!”
Akmang tatayo si Third pero may pumigil sa kaniya. Pigil na para bang ayaw siyang madamay o masaktan..
“Manahimik ka sabi! Tatamaan ka sakin! Sinasabi ko sayo, isang palo ko lang sa pwet mo, iiyak ka ng todo!” Galit na singhal nito kay Suwa na nilakihan pa ng mata!
Subukan mo lang..
“Gosh, 'wag na nga kayong makisali! May nagbabangayan na nga dito, makiki-eksena rin kayo!” Sabi ng nakabangs na babae.
“Ang babaeng ito ang nagsimula ng lahat!” Paninisi niya.
“Bitiwan mo na nga yan, Yella.. 'Wag mo siya dito gantihan.. Oras pa rin ng klase.. At sa oras na to, naglilibot ang SSG President, baka pati kami mawarningan kapag nakita niya tayo!”
“Wala akong pake! Gusto mo, ipokpok ko sayo ang warneng na sinasabi mo eh!”
“Yella Rae!”
“Tangna! Gusto mo ikaw unahin ko!?”
“Ano bang problema mo?” Malamig kong sabat. Tumingin siya sakin at ngumisi.
“Ikaw! Ikaw ang problema ko! Akala mo tapos na ko sayo?? Nagkakamali ka! Hindi ko palalampasin yung ginawa mo sakin nung isang linggo!”
“Ahh, yun ba?” Bored kong sagot kahit nasasakal ako sa pagkakahawak niya sa leeg ko. “Hindi ka pa rin nakamove-on do'n?”
“Ha! Gago ka ba?! Ano to, relationship, Move-on?! Tsk! Parehas kayo ng kaibigan mong tatatanga-tangang nagmamatapang dito!”
“Bitiwan mo ko..”
“Sinabi ng wag mo kong inuutusan!!”
“Kung ganun magkusa ka! Bumitaw ka ng kusa kung ayaw mong nauutusan!”
“Tanginang babaeng to! Sarap durugin ng mukha mo!”
“Hanapen mo pake ko,”
“Haa! Gago ka talaga ah!” Malakas na sigaw niya at sinuntok ako!
“Yella Rae Santiago!!”
“AWII!!” Rinig kong sabay na sigaw ng mga kaibigan ko pero sinenyasan ko silang 'wag gagawa ng kilos.
“Awii! BITIWAN NIYO NGA AKO MG FEELING MAGANDAA!!!” Galit ng sigaw ni Suwa at talagang nagpupumiglas na!
“Awilei—” Nag-aalalang tawag ni Joacaz at akmang lalapit sakin.
“Subukan mo siyang lapitan! Lalambot ka talaga sakin!” Pagbabanta ni Rae-Rae kay Joacaz.
“President!? Vice President?! Ano, tutunganga nalang din kayo!? Wala ba kayong gagawin sa nakikita niyong physical harrassment??”
Nailigid ko ang paningin sa paligid at nakita kong nakatingin na sakin ang president habang walang reaksyon ang mukha. Nakacross-arm at parang walang paki sa nangyayari sa paligid.
Napasulyap ako sa mga kaibigan kong kitang-kita ang pagpipigil ng galit at manakit ng tao. Pero dahil sa isang senyas ko, hindi sila pwedeng gumawa ng hakbang na labag sa loob ko.. Ako pa rin ang leader nila.. kaya ako ang masusunod.
“Oh ano na?! Yabang mo magsalita, pahiya ka naman! Ano, tingin-tingin nalang sa paligid? Gaga! Walang tutulong o maaawa sayo dito! Dahil ang section na to ay ugaling tundo!!”
“One punch is enough, Rae-Rae.. You may go back to your seat.” Mahinahong sambit ni Raze habang nakatingin sakin ng may pag-aalala..
“Hindi pa yun sapat sakin, Devv.. At mas lalong hindi sapat sakin yang pang-uutos mo na wala naman sa posisyon.. Wala kang authority dito.. kaibigan ka lang ni Hyzen pero hindi ako masisindak doon. Knowing him, hindi niya ko pinapakelaman, kaya wag ka rin nangengealam!” Bulyaw nya rin dito at tumingin ulit sakin saka sa mga kaibigan ko. “Ho, ano na? Ha!? Bakit hindi ka nilalapitan ng mga kaibigan mo?? Natatakot na rin ba sila sakin?!”
“Siguro?” Pagsakay ko.
Sa halip na matuwa sa sagot ko ay umamba na naman siya ng suntok pero..
“As a Vice President of the Itaewon Class, I have the right to command you to sto—”
Hindi na natuloy ni Icom ang sasabihin ng walang pasabing lumapit sakin si Ryco at marahas akong hinatak patayo sa likod ng kwelyo ko.
A-Aray, teka naman! Nasasakal ako!” Angil ko dito at napa-ubo.
Hindi niya ko sinagot. Lumingon siya sa buong paligid bago tumingin kay Rae-Rae.
“I won't bring you in the Dean's Office but from now on, you're not allowed to beat someone inside of this room, especially infront of me. This is an order from your Class President.” Ramdam ng lahat ang lamig at awtoridad na boses na nanggagaling sa lalaking nasa harap ko.
Biglang gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Yella Rae, tila hindi makapaniwala sa hinakbang na pakikialam ni Ryco.
“Woahh, anong nangyari at bigla kang nakialam sa gulo ko?” Namamanghang bulalas ni Rae-Rae saka lumapit samin at tinignan ang nakahawak na kamay ni Ryco na ngayon ay nasa braso ko. “Ano 'to, Hyzen? May gusto ka ba sa babaeng to? Nasa'n na ang taste mo? Hindi ba't kay Aerin ka la—”
“Kung hindi ka pa tapos sa babaeng ito, gantihan mo siya sa labas at hindi dito.” Walang gana nitong sambit.
Hindi na nakasagot si Rae-Rae, bagkus ay nagpalitan ng matatalim na tingin ang dalawang nasa harap ko. Para bang naglalaban sila gamit lang ang mga mata.
Ilang sandali pa ang titigan nila bago napabuntong hininga si Yella Rae at umiwas ng tingin, senyales na suko na siya sa salita ng nakahaharap.
“And you,” Baling sakin ni Ryco. “I'll give you the punishment you deserve. Come with me,” Aniya sabay hila sakin ng walang pasabe.
“A-Aray! T-Teka, anong punishment?! Ba't ako? Anong ginawa ko sayo? Sainyo? Kay Yella? Ba't ako lang ang parurusahan mo? Wala akong ginawang mali dito! Anu ba! Bitiwan mo ko! Bitaw nga! Aray...” Reklamo ko at dere-deretso niya kong hinila sa hallway.
Mabuti na lamang at may sarili kaming building kaya walang mga nakakalat na studyante sa hallway.
“Woi, sandali, Mr. President! Sa'n mo dadalin ang kaibigan namin ha!? Woii!” Rinig kong sigaw nila Keisline mula sa likod.
Napalingon ako sa pinto ng classroom at doon ay nakita ko silang apat na nagpupumilit na sundan ako pero hinaharangan sila ng mga class officer.
Anu ba naman to? Ang unfair!
Itinaas ko ang kamay ko sa ere, nangangahulugang inaagaw ko ang atensyon nilang apat. Nang makita nila ito ay ngumiti ako sa kanila sabay pitik sa aking daliri. Awtomatikong napatigil sila at walang nagawa kundi pagmasdan nalang akong hinahatak papalayo.
Sa'n ba ko dadalin ng shokoy na to?
Pabatong binitawan niya ang braso ko ng huminto kami sa dalawang magkabilaang pinto.
Pareho kaming napatakip sa ilong ng umalingasaw ang mapanghing amoy.
“Ano 'to? Bakit dito? Anong gagawin ko dito?”
“Linisin mo ang dalawang restroom na yan.”
“Ano?! Bakit ako? Bakit hindi ikaw?”
Tadyakan kaya kita?
d-.-b
“This is your punishment, Miss Awishi Miyazuwak San Pedro,”
“Correction, Awileih Miyazuwa San Pedro!”
“I don't care what name you have there, Miss dumb creatures student.”
“Bakit ako lang pinaparusahan mo? Hindi.. tanggalin pala natin ang word na 'lang' kasi wala naman talaga akong ginagawang mali o nilabag sa rules mo.”
“Clean this two restroom, whether you like it or not. Or else..” He ignores my complain kaya nakaramdam na ko ng inis.
“Oh, ano? Sasapakin kita!” Nanghahamon kong saad.
“What?”
“Sige, tuloy mo yung sinasabi mo! Sasapakin kita kapag hindi ko talaga nagustuhan yan!”
“Ha! What a loser,” He murmured. “Linisin mo ang dalawang restroom ng section namin dahil kung hindi, doble ang aabutin mo sakin,”
Ay, gunggong!
d-_-b
CR pala ng mga Itaewon ito? Talagang pati CR hiwalay din? Sa bagay, medyo baboy ang Tae-ji! Dito palang sa labas, amoy mo ka'gad ang walang kadisiplinahan sa banyo! Buti nalang sa kabilang building ako gumagamit. Ang baho talaga dito!
Napabuga ako ng hangin at tumingin ng malalim sa kaniya.
“Pareho tayong maglilinis dito, period.”
“Hell, what?”
“Tutal, palpak kang president, dapat parusahan ka rin. Pasalamat ka nga sasamahan pa kita sa punishment mo.”
“Excuse me? 'Wag mo kong itulad sayo,”
“Ayaw mo? Sige, papuntahin mo dito si Yella Rae at siya ang paglinisin mo dito.”
“‘Wag mo kong utusan.”
“Ayaw mo pa rin? O'di sige.. maglilinis ka dito o doble rin ang aabutin mo sakin?”
“What the hell? I really can't believe you.” Bakas ang dismaya sa mukha niya.
“Believe me, then.”
“How could you talk to me like that?”
“Sa paanong paraan ba dapat kita kausapin?”
“I'm a President here and I have an autho—”
“President ka lang naman ng classroom, kung maka-ano ka naman.” Sagot ko saka tumingin sa gilid. “Yung President nga sa dati kong school, kaswal lang ang pakikipag-usap samin tapos sayo gusto mo igalang ng wagas? Aba, kapal mo naman.” Bulong ko habang nagmamake face.
“Let me tell you that being President in the classroom is not my only position.” He said in a serious tone.
“What do you mean?”
“You don't know me, Miss Newbie. I am warni—”
“Bakit sinabi ko bang kilala kita?” Pambabara ko.
Kaloka to. Wala naman akong sinasabi eh.
Napatitig ako ng may mapagtanto sa sinabi niya.
Oo nga, hindi pa nga pala talaga kita kilala. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang impormasyon sayo. May itinatago ka ba? O baka naman, ikaw ang matagal ko ng hinahanap na kalaban.
Ano kaya ang meron sayo? Aishh!
d>>__<
I let out a sigh para matigil na ang pag-iisip ko tungkol dito. Baka makahalata pa siya sa kilos ko, tegeboom na tayo. Magpapatulong nalang ako kila Commander para kilalanin ang isang ito. Masyadong bigatin eh, sinigurong secured talaga ang lahat.
“I'm just saying,” Mariin niyang sambit, nagtitimpi sakin. Paismid pa siyang umiwas ng tingin.
Tumitig ulit ako sa kaniya saka lumapit ng bahagya.
He was about to speak when I spoke again.
“Siguro..” Pambibitin ko muna saka muling lumapit sa kaniya. “..Gangster ka 'no?! Kaya ang tapang tapang mo kung umasta at gusto katakutan ng lahat!” Sabi ko.
He raised his left eyebrow at me.
“Tanga, mukha ba kong bagsakan at leader-an ng mga basagulero lang diyan?”
dO___Ob
Aba, tinangahan ako ng gagu..
“Kaya nga may 'Siguro' akong sinabi sa una kasi hindi sure. Bugok.” Katwiran ko at binulong na lang ang huling salita.
“Tch! Why am I talking to a—uh! Get the mop now and go inside!” Galit na nitong wika saka ako hinatak papunta sa loob ng restroom.
Napansin kong humawak ang isa niyang kamay sa ilong niya para hindi maamoy ang nasa loob. Ganun din ang nagawa ko!
“Hoy, sabi ko tayong dalawa ang—hoy!”
Napatigil ako ng itulak niya ko sa loob at isinarado ang pinto!
Wtf! Ambahoo!
Masosofocate ako sa ginagawa nito eh! Lumapit ako sa pinto at kinalampag yun!
“Hoy! Hindi ko pa nakukuha yung mga equipment na ipanglilinis dito!” Sigaw ko sa kalagitnaan ng kalampag.
“Ewan ko sayo..” Rinig kong usal niya sa labas.
“Hoy! Naririnig kita! Alam kong nandyan ka pa sa labas! Palabasin mo ko, feeling gangster ka!”
“I said I'm not a gangster! Di hamak na mas mataas ang posisy—” Napahinto ako ng hindi na marinig ang sunod niyang sasabihin. Mukhang pinutol niya ang sariling salita. Akma akong sisigaw ulit ng magsalita ulit siya. “Sige, kumalampag ka pa diyan ng mahuli ka ng SSG President at doblehin pa ang punishment mo.”
“Isusumbong kita sa kaniya! Sasabihin ko ikinulong mo ko dito!”
“Edi isumbong mo,”
“I will! At kapag nakalabas ako dito, babatukan talaga kita! Waaa! Grrr!”
“Tch, anata wa totemo urusaidesu..”
*Translation: You are very noisy..*
dO___Ob
Aba! Akala mo hindi ko maiintindihan yun? Bugok! Oioi, ryōkai! Anata wa motto urusaidesu!
Gusto ko sanang isigaw rin yan sa kaniya kaso baka magtanong pa kung bakit alam ko ang language niya kaya 'wag nalang.
“H-Hoy! Ano yang sinasabi mo ha? Ano yang binubulong bulong mo diyan ha? Kinukulam mo ko 'no? Ha! Isusumbong talaga kita!”
“As if he would listen to you. We're both from Itaewon Class Section, no one cares when its coming from us. So behave and do your punishment there.” Aniya na mas lalong nagpakalampag sakin sa pinto.
Hala! Iiwan ako nito!?
“H-Hoy! 'Wag mo kong iiwan dito! Hoy!!” Malakas na sigaw ko!
Paano na ko ngayon?
d╯3╰b
Pinakiramdaman ko ang paligid. Inilapit ko pa ang tenga ko sa pinto para marinig ang nasa labas pero naging tahimik na! Nilayasan nako! Putik!!
Napasibangot tuloy akong iniligid ang paningin sa loob. Ang dumi dito sobra! Ang baho baho pa! Dumidilaw na ang mga pader at may mga nakadrawing na kabastusan! Ang blurred na din ng wall-mirror dito. Sira sira pa ang mga pinto ng cubicle.
Kadiri naman ng mga to.. Ta's ako paglilinisin?
Napabuga ako ng hangin at kinapkapan ang panyo sa bulsa. Ipinangtakip ko yun sa ilong ko at itinali.
Lumapit ako sa sink para tignan ang repleksyon ko sa salamin. Kahit blured ay nasisilayan ko pa rin ang mukha ko.
Ganda ko talaga..
Lumingon ulit ako sa pinto ng may maalala.
“Humawak na naman sa braso ko, tibay.. Tss..” Sabi ko saka ngumisi.
___
~>>To Be Continued. . .<<~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (31)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Wow, the story got my interest. This is the story I’m looking for. And Finally, I found it. Thanks for making this. Will start reading now. It’s highly recommended guys! For those who wants action, this story is worth it to read! Keep your journey, author. I salute you. Godbless!💕💕💐
07/05/2022
4codm
26/10/2024
0So good.
26/07/2024
0Tingnan Lahat