Homepage/The Maxmoon Spy/
Chapter 12: Teamwork
MOONSTAR'S POV
"MOONSTAR.. Moonstar.. Moonstar.. wake up.. wake up.. wake up.." Mahinang bulong sa tainga ko.
"A-anu ba crcrzzz.." Inaantok kong tugon habang nakapikit pa din ang mga mata ko.
"Apo, gumising ka.. gising.. kailangan mong gumising.." Panggigising sakin ni lolow. Hay naku! Panigurado magtraitraining na kami niyan. Aga-aga pa eh, aishhh!
"Uhh.. natutulog pa po si Moonstar crcrzzz.." Muli kong tugon at nakaiglip ulit. Pero kahit ganun ay gising ang diwa ko. May narinig akong mahinang boses na para bang napakalayo niya. Isang bigkas niya na ipinagtaka ko.
"Anak."
Baka si lolow lang iyan, siguro ay APO ang pagkakabigkas diyan at hindi ANAK. Namali lang siguro ako ng pagkakarinig... PERO TEKAAA?!!!
Ngayon ko lang narealize na w-wala na pala sila lolo at lola ngayon at yung nagsalita ng 'Anak' ay sa ibang boses talaga nanggaling!
'Nananaginip ba ako?'
"Lolow i-ikaw ba 'yan? pero paanong--" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw na parang gusto niya talaga ako magising.
"Gumising ka apo, gumising ka!"
O__O
Nagising ako ng wala sa oras at hingal na hingal akong napabangon sa pagkakahiga. Pawis na pawis din ako kahit naka-aircon naman kami--wait what? Nakasarado na ngayon ang aircon, parang sobrang kulob na ng kwarto ngayon.
Napayuko ako sa mga tuhod ko at sandaling pumasok sa isip ko ang panaginip ko kanina. Parang totoong totoo talaga ang panaginip ko. Pero bakit nga kaya ako pilit ginigising ni lolow? Anong mero--
Habang inaalala ko ang panaginip ko, may naramdaman akong tubig sa paanan ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at laking gulat ko ng may tubig na umaapaw sa loob ng kwarto namin at mabilis na tumataas.
O____O
Napatayo ako sa kama ko at nilingon ko ang mga kasama ko na mahimbing pa din natutulog!
"OPEN THE LIGHT! Keisline, Ayen, Lexi, Ainsley GISING!!" malakas na sigaw ko. Nagising naman ka'gad sila at pupuwing puwing pa ang mga matang nakatingala sakin.
"Urgh! Why are you shou-- OH MY GOD!! paanong nagkaroon ng tubig dito?! WAHH!" nanlalaking mga mata ni Lexi ng tumaas na ang tubig sa kama niya. Lahat sila ay nagsitayuan sa mga kama nila at natataranta kung ano gagawin.
"I-i don't know, basta naalingpungatan lang ako tapos ganiyan na nakita ko." pagpapaliwanag ko. Nasa tuhod na namin ka agad ang tubig!
"Anong nangyayari?? saan nanggaling ang tubig na 'yan?!"
"Stay calm guys!" sabi ni Ainsley at nagulat ako ng tumalon siya sa tubig at lumangoy patungo sa pintuan. Malinaw ang tubig kaya nakikita namin si Ainsley sa ilalim nito.
Pero nagsalubong ang mga kilay namin ng umahon siya sa tubig at sabihing nakalock ang pinto!
'Eto ba dahilan kung bakit ginigising ako ni lolow?!'
"Fvck shit! paano nayan? anong gagawin natin?!"
"K-kasalanan mo 'to Moonstar! kung hindi mo sana kami pinilit na magsama-sama tayo dito, edi sana hindi mangyayari 'to!!' galit na usal ni Lexi at dinuro-duro pa ako.
"H-hindi ko alam na ganito ang mangyayari. A-akala ko gusto lang tayo pagbatiin ni Commander kaya sumang-ayon ako. Hindi ko naman alam na ganito pala ang plano niya."
"Urghh buwisit!! sana pala hindi na lang din ako sumang-ayon sayo! Eto na naman tayo oh haystt!! COMMANDER ANO NA NAMAN BA 'TO HAH?! HINDI PA BA TAPOS ANG TRAINING NAMIN?!" galit na sigaw nito at tumingkayad na ng umabot na ang tubig sa dibdib niya.
'At dahil kinulang ako sa height! nasa leeg ko na ang tubig kahit na nakatingkayad na ako!!!'
"Wag na kayo maraming satsat! huminga na kayo ng malalim.. *ahoop*" pahabol na sabi ni Keisline at huminga kami ng malalim pare-parehas ng lumagpas na ang tubig sa uluhan namin.
Nasa ilalim na kaming lahat, at naglapitan isa-isa. Ang iba ay sumesenyas kung ano ang gagawin pero nagkibit-balikat lang kami.
Lumangoy kaming lahat patungo sa pinto at pilit itong binubuksan. Isinalampak na nila Ainsley at Ayen ang paa sa pinto at malakas na hinahatak ang doorknob pero wala pa rin.
Inilibot ko ang paningin sa paligid habang hinahampas ang kamay sa tubig at nakalobo ang bibig. Nakita ko ang malaking flatscreen TV. Nararamdaman kong may kakaiba doon kaya nilapitan ko iyon.
Huminto ako sa harap nito. Humawak ako sa gilid ng bakal at malakas na sinuntok ang flatscreen TV. Hindi ko alam kung ano ang nag-undyok sakin para gawin ito. Kahit hirap akong gumalaw sa tubig ay pinilit ko pa din sumuntok sa flatcscreen.
Patuloy lang ako sa pagsuntok at napalingon ako nang tumabi sakin si Keisline sa gilid at kumapit din siya sa kabilang bakal. Nagulat ako ng sumuntok din siya sa flatscreen TV.
Hindi na ako nagsayang ng oras kaya nagpatuloy ako sa pagsuntok. May crack na ang screen kaya mas lalo ko itong sinuntok. Hindi ko namalayan ang paglapit ng tatlo at pumwesto sa tabi namin. Napatigil pa ako sandali ng kalabitin ako ni Ainsley at takhang sumesenyas kung bakit namin sinusuntok ito.
Sumenyas ako na gumaya na lang sila para mapabilis ang pagbasag nito, dahil nauubusan na ako ng oxygen. Nakuha naman niya ang ipinahihiwatig ko kaya umayos siya ng pwesto at kumapit din sa bakal na kinakapitan ko para may pwersa siya sa pagsuntok.
Lahat kami ay sumusuntok na sa flatscreen TV ngayon. Malapit ng mabasag ang screen at malapit na din kami mawalan ng oxygen kaya binilisan pa namin lalo.
Ang iba ay mahigpit na humahawak sa bakal at malakas na tinatadyakan ang screen. Konti na lang at mababasag na pero ang ilan samin ay napapahinto na at humahawak na sa kanilang mga leeg.
Nagpatuloy lang ako sa pagsuntok, umaasang kapag nabasag ito ay maliligtas na kami. Hindi ko na din kayang magpigil ng hininga at sa pagkakataong ito, isang malakas na malakas na suntok ang pinakawakan ko na naging sanhi ng tuluyang pagkabasag ng screen.
Nabasag na ito at isa-isa kaming lumusot dito. Napahiga ako sa sahig na napagbagsakan ko at mabilis na tinakpan ang mukha ko dahil dito umagos ang maraming tubig galing sa kwarto.
Nang maubos ay hingal na hingal akong kumuha ng oxygen. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. At nakita kong may dalawang magkapares na sapatos ang nasa harapan ko.
Unti-unti kong itiningala ang ulo ko at nakita ko si Commander na nakatingin sa relo niya habang may hawak na ballpen at papel sa isa niyang kamay.
"7 minutes and 13 seconds. Natutuwa ako't humahanga sainyo.. Hindi niyo pa din nakakalimutan ang salitang TEAMWORK, kahit na hindi kayo magkakasundo." masayang saad niya habang sumusulat sa papel.
Tumayo ako at sinulyap ang mga kasamahan ko. Si Ainsley, Keisline ay nakayukong nakaupo na, habang si Ayen ay nakatayo na. Sumulyap ako kay Lexi na nakahiga at nakapikit pa din!
Agad akong lumapit sa kaniya at tinapik siya sa pisngi. Umangat naman ang mga ulo nila Ainsley at mabilis na lumapit samin. Lumapit din si Commander pero nanatali siyang nakatayo at kalmado.
--.--
'Kasalanan mo 'to Commander eh!'
"Lexi, hey wake up!"
"Uyy, Lexii gising! I-imouth to mouth mo siya, Ainsley!" naiusal ko sa kaniya. Ginawa naman niya iyon at sa pang limang mouth to mouth, nagising na si Lexi.
Uubo-ubo siya habang inaalayan namin siyang tumayo. Napasandal ako sa pader at nakahinga ng maayos.
"Commander bakit hindi niyo man lang ho sinabi samin 'to? paano kung may isa saamin ang hindi marunong lumangoy edi natigok na ho? tulad niyan! muntik na siyang mamatay!" reklamo ni Keisline sabay turo kay Lexi. Kahit man ako, 'yan din ang irereklamo ko kay Commander.
Huminga ng malalim si Commander bago ito magsalita. "Patawarin niyo ako pero, ikinalulungkot kong sabihin na parte talaga ng training niyo ang magbuwis ng buhay. Sa tingin niyo ba ay sasabihin din ng kalaban ang plano nila sainyo tulad ng ginawa ko ngayon? 'diba hindi naman." tinignan niya kami isa-isa bago magpatuloy muli. "Magiging ganap na kayong ispiya at ikaw Moonstar, isa kang princess agent. Kayo ang magliligtas ng buong mundo at parte sa pagliligtas ng buong mundo ang inyong mga buhay. Hindi natin masasabi kung mabubuhay ka o hindi, kaya ngayon pa lang ay sinasanay na kayo sa ganito. Sana ay maunawaan niyo ang sinasabi ko."
"Pero Commander--" ani Keisline pero agad niya din itong pinutol at napabuntong-hininga na lang. "Sige ho, n-naiintidihan ko."
"Paumanhin muli at salamat sa pag-unawa. Sya nga pala, nais ko lang ding ipaalam sainyo na hindi pa natatapos ang training na inilaan namin para sainyo." saad ni Commander. Nakatingalang tumango kami pare-pareho sa kaniya.
Yun lang at umalis na si Commander. Naiwan kaming limang basang sisiw dito at wala kaming ginawa kundi mapabuntong hininga na lamang.
_____
"Are you all guys ready?" tanong ni Ms. Ki na katabi lang si Commander.
Nasa panibago na naman kaming training. Nandito kami ngayon kung saan nakaparada lahat ng mga sasakyan at mga paliparan.
Nakasuot kaming lahat ng all black at may dala kaming mga kagamitang pang protekta at mga kinakailangan namin sa skydiving. Tulad ng helmet, goggles, parachute, altimeter, activation device at syempre hindi mawawala ang earpiece para may connection kami sa isa't isa.
We are riding a plane for our training, kasama sa training na dapat kaming bumaba sa target. According sa instruction ni Commander, dapat sumakto kami sa tamang timing dahil kapag maaga namin bubuksan ang parachute, posibleng hindi kami makababa sa target place.
"Yes, we are ready." sabay-sabay na sagot namin na para bang isa kaming sundalo na lulusob sa gera.
Isa-isa kaming sumakay sa salipawpaw.

Nagpaiwan si Commander upang bantayan ang MAX⚡SHIELD. Wala daw kasing maiiwan dito dahil kasama na namin si Ms. Ki, maliban sa mga alagad niya, ngunit hindi pa rin dapat makampante. At kahit maiwan siya dito, nakakaya niya pa rin kaming matiyagan sa pags-skydiving.
***
~ 30 minutes later ~
"Drop zone coming up 20 seconds." usal ni Ms. Ki at pinindot ang buksanan ng pinto ng eroplano.
"We gotta go." Ainsley said.
Huminga muna kaming lima at sabay-sabay na tumayo. Nang makita namin ang labas ay sobra kaming nalula, ang iba ay napaatras pa. Sa tansya ko, 14,000 ft ang masusukat ko rito.
"Oh my god! I really don't think I can do this!" naiusal ni Lexi.
"Of course you can." wika ni Ainsley at nauna ng tumalon.
"Wait, hang on! Whooo!" sabi pa ni Ayen at sumunod ng tumalon, maging si Keisline. Kami na lang ni Lexi ang naiwan.
"Come on." nakangiting ani ko at hinawakan siya sa kamay. "1..2..3 Jump!" sigaw ko at sabay kaming nagskydiving.
"Waaahhhh Moonstar whoohoo hahaha.." masayang tili niya.
Lumapit kami sa mga kasamahan namin na nakapabilog na sa himpapawid. Naghawak-hawak kami ng kamay.
"We made it yahooo!" nakangiting sigaw niya pa pero binawi din yun ng magsalita si Commander sa kabilang linya.
"Everybody listen.. ASAP! May problema tayo!" sigaw ni Commander!
"A-ano ho 'yun Commander?!" kinakabahan na tanong ni Keisline.
"Isa sa inyo ang walang parachute!" Aniya kaya nanlalaking tinignan namin ang isa't-isa.
"Huh p-pero paano po nangyari 'yun? diba dinouble check niyo pa 'yun kagabi?!" tanong ko.
"Tama, ngunit may isa sainyo ang nagkamali ng nabitbit! May isang parachute ang naiwan dito." saad niya pa. Magtatanong pa sana ako ng mabitawan ni Lexi ang mga kamay namin!
"Fvck! Oh shitt!!" sigaw niya!
"Lexii!!!" naisigaw namin ang pangalan niya ng mas lalo siyang napahiwalay samin at bumalik-baliktad pa siya sa ere.
Gu-gustuhin man ang isa sa amin ang tulungan siya ay hindi maari! Hindi namin alam kung sino sa amin ang walang parachute at kapag nagbitaw bitaw kami baka mas lalong mapalayo kami sa isa't-isa.
"WAHHH!!"
"Lexi, buksan mo na ang parachute mo!" sigaw ko. Ginawa naman niya 'yun. Napalingon ako kay Ainsley ng magsalita ito.
"We got a plan, pair off! Grab the closest person to them." sabi ni Ainsley pero nahuli na siya dahil siya mismo ay napabitaw na saamin kaya tatatlo na lang kaming magkakasama! Binuksan niya na din ang parachute niya.
"Quick, make it circle!" sigaw ni Ayen ng isang linya na ang nagawa naming hugis dahil nga napabitaw na samin si Ainsley at sa sobrang impak ng hangin hindi ka 'gad kami nakapaghawak kamay ni Keisline.
Ako<--Ayen-->Keisline.
Malakas na hinahawakan kami ni Ayen sa magkabilang kamay. Pilit namin inaabot ni Keisline ang sarili pero dahil sa lakas ng hangin, napapaatras ang katawan naming dalawa.
'Mahirap kalabanin ang hangin at tubig!'
"Bilisan niyong maghawak kamay! baka mabitawan ko kayo pareho dahil sa impak ng hangin! Hindi pa naman natin alam kung sino sating tatlo ang walang parachute!" sigaw ni Ayen.
Hinawakan ko siya sa damit niya gamit ang isa kong kamay, ganun din ang ginawa ni Keisline kaya agad kaming naghawak kamay.
Tumingin kami sa paligid at nasa malayo na ang dalawa na nakaparachute na at kumakaway pa saamin. Mga kampante na dahil ligtas sila.
Titignan ko sana ang parachute ko sa likod kung meron pero bigla akong napabaliktad sa ere kaya napabitaw ako kay Keisline!
Pero nagulat ako ng may dalawang kamay agad ang humawak sakin at yun ay ang dalawang kamay ni Ayen!
"WAHH!" napatingin ako kay Keisline.
Sh*t! Nabitawan niya si Keisline ng 'di niya sinasadiya kaya napahiwalay ito saamin.
"Keisline!!" sabay na sigaw namin at pilit siyang nilalapitan ngunit ang hangin ay tinutulak kami palayo sa kaniya.
"Keisline buksan mo na din 'yung parachute mo!" sigaw ko sa kaniya. Ginawa naman niya agad iyon pero nagtaka kami ng walang parachute ang lumabas
"A-ayaw bumukas!!"
O_O
"Whatt?!" pagsingit ni Lexi sa malayo.
Mabilis na naglingunan kami ni Ayen! "Siya ang walang parachute!!"sabay na sigaw namin sa isa't-isa.
"I-iligtas mo siya!" sabi ko at binitawan ang mga kamay niya.
Tumango ito at pilit nilalabanan ang hangin, malapitan niya lang si Keisline. Lumutang pa ako saglit saka ko binuksan ang parachute ko.
Pinanood ko lang ang dalawa na malapit ng maabot ang isa't-isa. Maging sila Ainsley, Lexi at Commander ay nanonood din.
"You have 30 seconds! Come on now, hurry!" sigaw ni Commander. Natatanaw ko na ang ibaba at doon babagsak sila Ayen at Keisline.
"Hurry up guys! malapit na kayong bumagsak sa lupa!" sabi ni Lexi at may paulit-ulit na Warning ang lumabas sa mga goggles namin.
"❌WARNING: Low Altitude!❌"
"❌WARNING: Low Altitude!❌"
"❌WARNING: Low Altitude!❌"
"❌WARNING: Low Altitude!❌"
"❌WARNING: Low Altitude!❌"
Nang maabot ang isa't-isa ay agad na yumakap si Ayen kay Keisline at mabilis na binuksan ang parachute. Pero hindi pa dun natatapos ang lahat dahil unti-unting dumudulas pababa si Keisline!
"Keisline!" muling sigaw namin. Napakapit si Keisline sa paanan ni Ayen at babagsak na sila sa lupa!
"Hold on!"
"Wahhh!!" sigaw ni Keisline at mahigpit na kumapit sa paanan ni Ayen.
"Ayen, Keisline!!" pahabol na sigaw pa ng dalawa.
Marahan akong napapikit at bahagyang itinagilid ang ulo ko. Ayokong makita kung paano sila bumagsak sa lupa.
*DOOOOGGGSH!!*
Rinig na rinig namin ang pagbagsak nila sa lupa. Kinakabahang iminulat ko ang mga mata ko. Nagzoom pa ang high-tech goggles ko para makita silang dalawa na nakahiga na sa damuhan. Nanlalaki pa ang mga mata ko sabay sabing---
"Nagawa niyo Ayen! ayus haha." malakas at masayang sigaw ko sa kanilang dalawa dahil maayos na bumagsak sila sa pinakasaktong target place.
^__^
Narinig kong malakas na napabuntong hininga si Commander at sabihing "Good job!"
"We did it yahoooo!" sigaw ni Ayen sabay tayo sa damuhan. Tinulungan niya ding tumayo si Keisline at pinagpag ang sarili.
Unti-unti kaming bumababa nila Ainsley at nang makatapak na sa lupa ay agad naming tinanggal ang parachute na nakakabit sa likod at mabilis na tumakbo patungo sa dalawa.
^___^
Sinalubong namin ng yakap ang isa't-isa at nag group hug pa. Ang sarap lang sa feeling na nagkakaisa kami pagdating sa ganito. Simula pa lang, nararamdaman ko ng kami at kami pa rin ang magtutulungan sa huli.
"Grabe! kinabahan ako sainyo akala ko talaga mabibisak na kayong dalawa sa lupa huu!" bungad ko sa dalawa ng makalas ang pagkakayakap namin.
"Hahaha napag-alala ba namin kayo ng sobra?" tanong ni Ayen.
"Oo sobrang-sobra, lalo na nung dumulas ka!" ani Lexi kay Keisline. Nagtawanan lang kami.
"Woi.." pagtawag ni Keisline kay Ayen sabay mahinang itinulak ito. "Ang galing mo dun ha, haha!"
"Ano? bilib ka na naman ba sakin?" nakangising sabi ni Ayen.
"Oo." maikli nitong sagot.
"T-talaga?"
"Oo nga tss. Hahaha!"
"Tsk let's go na nga haha, let's celebrate guys!" usal ni Lexi kaya napatingin kami sa kaniya.
"For what?" Ainsley asked.
"For us. You, you.. and you and.. you." nakangiting itinuro niya kami isa-isa.
'Aww, nakakatouch naman.'
"Ahh gusto ko 'yan! halika na! Woi, halina kayo." masayang tugon din ni Keisline at umalis na ang dalawa. Naiwan kaming tatlo nila Ayen at Ainsley.
'Mukhang magkakasundo na kaming lahat!'
^__^
"Naka-one point ka agad dun dre ah! ayus ka haha!" biglang sambit ni Ainsley sabay akbay kay Ayen.
"H-huh?" takhang tanong nito.
"Nakita naming niyakap mo siya."
"Syempre kinakailangan 'yun bro!" pagdidispensa agad nito pero mas tinitigan namin siya ng may kasamang nakakalokong ngiti. "Aishh.. 'wag niyo ngang bigyan ng malisya 'yun kasi... hindi pa 'yun ang kaya kong gawin. HAHAHA!" dugtong pa niya at mabilis na tumakbo habang natatawa pa din.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Ainsley at sabay na natawa. Masayang nagkwekwentuhan kaming sumunod sa tatlo.
___
"Commander." sabay-sabay na pagbati namin kay Commander ng makasalubong namin ito sa labas ng MAX⚡SHIELD.
"Ang galing ng pagkaka-teamwork niyo mga bata--" naputol si Commander ng sumingit si Lexi.
"Urghh, Commander don't call us like that! ang panget pakinggan. Tawagin niyo na lang kaming mga ispiya niyo tutal magiging ganap na rin naman na kami dun e, hehe.." sabi ni Lexi.
"Osige sige mga ispiya ko ha ha ha.." sabi ni Commander kaya nakisabay kami sa pagtawa niya.
"Yan! ganiyan nga Commander haha. Sarap sa ears 'diba guys?" nakangiting tumango lang ako sa sinabi niya.
"Hmm.." nakangiting sagot ni Keisline.
"Hahaha Oo."
"Osya hali kayo sa loob may seryoso tayong pag-uusapan." nakangiting ani pa ni Commander at nauna ng maglakad.
Naglakad kami papunta sa opisina ni Commander habang nagkakatuwaan. Nagtutulakan pa kami kapag nagbibiro. Nakita ko pang sumesenyas si Lexi na dahan-dahang lumalapit sakin at tatangkaing itulak ako sa likod pero agad akong gumilid kaya tuloy-tuloy siya sa harap at si Commander ang naitulak niya!
'Hahaha lagot ka pfft.'
Napahawak ako sa bibig upang magpigil ng tawa at tumingin sa ibang lugar.
"LEXII!!" umalingawngaw ang boses ni Commander at dahan-dahang tumayo.
"Oh my gosh! Commander I-im sorry, i-i didn't mean that!" at tumingin ng masama sakin si Lexi. "Y-youu! kasi Commander siya dapat 'yung--- Hey wait, where are you going?!" sita niya ng pasimple kaming apat na umaalis sa pwesto.
"Sa opisina ni Commander, mauuna na kami dun." sabi ni Keisline.
"B-but how 'bout me?"
"Bahala ka diyan. Ayusin mo problema mo pfft haha let's go!" sabi ni Ayen at mabilis kaming tumakbo.
"Heyy!! huhu 'diba sabi niyo dapat magka-isa?" pahabol na sigaw niya samin.
"Si Commander lang naman 'yang kaharap mo, hindi ka naman niyan sasakmalin haha.." balik na sigaw ni Keisline.
"Eii!! help me hey huhu peace tayo Commander right? h-hehe runn!" rinig pa naming sambit niya at tumakbo paroon samin.
"Lexi!" pagtawag pa ni Commander dahilan para mas mauna pang tumakbo si Lexi samin.
**Opisina ni Commander**
Nauna na kaming pumasok sa loob at tahimik ng umupo. Nagkatinginan kaming apat ng makita namin si Lexi sa isang sulok na nakayuko at walang kibo.
"Uyy? ayos ka lang?" natatawang tanong ni Ayen kay Lexi. Umangat ang ulo nito at umiling ng umiling.
"Psst ayus lang 'yun, ikaw kasi e haha..." ani ni Keisline.
"Huhu.."
TT__TT
"Haha lagot ka! huu lagot! sasabihin ni Commander. Bawal ka ng maging ispiya ko, umalis kana sa MAX⚡SHIELD. Hahaha.." pag-aasar pa ni Ayen kaya natawa kami. Lalong humaba ang nguso ni Lexi.
"Woi haha 'wag mo ng asarin 'yan baka matrauma haha.." dagdag pa ni Keisline.
"Shut the fvck up! Buwiset kayo!!"
"Hahaha.."
Napalingon kami ng bumukas ang pinto. Nagpipigil tawa akong nilingon si Lexi na yukong-yuko na na para bang mababali na ang leeg nito. Napapailing na ibinaling ko ang tingin kay Commander.
Dumeretso si Commander sa swivelchair niya at umupo doon. Huminga muna siya bago lingunin si Lexi.
"Yumaruh Lexi Leigh.." pagtawag ni Commander sa buong pangalan nito. Dahan-dahang inangat ni Lexi ang ulo niya pero ang tingin ay nasa ibaba.
Nakita ko sa peripheral vision ko na pasimpleng ngumiti si Ainsley.
"Tumingin ka sa mata ko ng deretso."
'Parang si lola lang ahh?'
Tumingin si Lexi ng deretso kay Commander at may namumuo ng tubig sa mga mata niya. Mahinang natawa kaming apat, samantalang ang dalawa ay seryosong nagkakatitigan.
Napatingin kami kay Commander ng sumilay ang ngiti sa labi nito. Napatigil kaming lahat maging si Lexi ay takhang tumingin kay Commander.
"Pasalamat ka at na sa kondisyon ako makipagbiruan sainyo ha ha ha ha."
"C-Commander.."
"Ha ha ha, 'wag kang umiyak Lexi Leigh hindi naman ako nagagalit sayo. Ayos lang 'yon, 'wag ka ng umiyak, sige ka papanget ka niyan ha ha ha ha.."
"Aishh si Commander natakot ako dun ah huhu.. eto kasi umilag e!" sumbong pa niya habang nakaturo pa sakin.
'Alangan salabungin ko 'yan?'
"Ha ha ha, basta hindi na mauulit ang nangyaring iyon. Maliwanag ba?"
"Yes Commander.."
"Good. Bukas na bukas din ay sisimulan na kayo ni Ms. Ki na i-ensayo sa pakikipaglaban at sa kung ano pa." saad ni Commander habang pinagdidikit ang mga kamay.
"Pero tin-raining niyo na po kami simula pa lang?" ani Ayen.
"Sinubukan ko lang ang mga kakayahan niyo, ngunit hindi pa iyon sapat na training upang maging ganap kayong mga bagong ispiya. Kahit marunong pa kayong proteksyunan ang sarili niyo, kinakailangan niyo pa rin turuan. Tuturuan din kayo ni Ms. Ki kung paano humarap sa misyon at sa kung ano pa.."
"Ahh okay, I understand."
"Sige na, kumain na kayo't magpahinga sa inyong mga silid.." nakangiti niyang sambit at nilahad pa ang isang kamay patungo sa pinto.
"Opo.." sabay-sabay naming sagot at umalis na sa opisina ni Commander.
***
THIRD PERSON'S POV
Ngayon ang araw ng kanilang pag-e-ensayo kaya't naghahanda na sila upang pumaroon na sa tinutukoy na lugar. Ngunit hindi nila inaasahan ang nadatnan nila doon, isang daang robot ni Commander ang mga nakahilera ng maayos at sa halip na baril ay espada ang mga hawak nito.
Naguguluhang nagpalitan ng tingin ang lima at parehong ibinaling ang tingin kay Miss Ki na ngayon ay nasa harap na nila habang may hawak na bag sa kabilang kamay.
"What's going on here??" tanong ni Lexi habang tinitignan ang mga nakahilerang robot. Ngumiti si Miss Ki sa kanila at binati.
"Ang isang daang robot na ito ay makakasama sa inyong page-ensayo. Kailangan niyong mapatumba ang lahat ng 'yan, kaya inaasahang kong malakas at matibay ang lahat sainyo ngayon.." seryosong saad ni Miss Ki sa kanila. Muling nagsulyapan ang lima at sabay sabay na tumango.
"Mabuti at gano'n. Kumuha na kayo ng inyong mga sandata dito at maghanda na.." ibinaba ni Miss Ki ang dala niyang bag na may laman pa lang iba't ibang sandata. "Kapag napatumba niyo na ang lahat ng iyan, ako na ang makakaharap niyo." huling sambit nito.
Isa-isa silang kumuha ng mga sandata at tumayo ng maayos sa harap ng mga robot. Halos ang apat ay dalawang espada ang hawak samantalang ang princess agent ay may kahita na puno ng palasong nakasabit sa kaniyang likod at may isang espadang hawak niya sa kaliwang kamay.
Kinuha ni Miss Ki ang mga natitirang sandata at ngumiti pa muna ito sa limang estudyante bago umatras at naupo sa isang tabi.
"Simulan na ang page-ensayo!" anunsyo ni Miss Ki at sumenyas sa mga robot na sugurin na ang mga ito.
Naalerto ang lima at inantay ang pagsugod ng mga robot.
*TIIIINNNKK*
*TIIIINNNNNKKK*
*TIIINNNKKK*
Tila sa bawat hampas ng kanilang mga espada lamang ang maririnig sa loob ng silid. Sa sobrang libang nila sa pakikipaglaban, hindi nila namalayan na nasa gitna na pala sila at pina-ikutan ng isang daang robot.
Sabay-sabay na umatake ang mga robot rito, maliban sa isa, sapagkat si Moonstar pa ang sumusugod sa mga ito at tila walang kahirap-hirap niyang itinutumba ang humaharang sa harapan niya.
Halos kalahati ng isang daang robot ang napatumba niya. Kung ano ang itsura niya mula ng pumasok siya sa loob ay gano'n pa rin hanggang ngayon, walang pagbabago maliban sa butil ng pawis na tumutulo sa kaniyang noo at ang mabilis na paghinga niya.
Tila mas lalo siyang humusay sa pakikipaglaban. Kahit anong haba at talim ng mga espada ng kaharap niya ay hindi pa rin siya nito nagagalusan.
Pagod at habol-habol ang hiningang natapos ang mga kasamahan niya. Tumayo si Miss Ki at kumuha ng isang mahabang espada.
"Mahusay.. pinahanga niyo ako ng sobra. Napakabilis at napakalakas" papuri nito at kita sa mga mata nito ang pagkislap ng tumingin siya kay Moonstar. "Kahit pa ang ibang nauna sainyo ay hindi pakikitaan ng ganiyan kagaling.." ngumiti ang lima sa isa't isa.
"Ngayon, ako naman ang subukan ninyo. Alam kong hindi patas, ngunit isa-isa lamang ang makakaharap ko at kung sino ang makakatalo sakin ay isang linggo siyang makakapagpahinga.. Sino gustong mauna?"
"Me, ako na ang mauuna.. ang mauunang magpapatumba sayo.." nakangising sambit ni Lexi at lumapit sa harap ni Miss Ki.
"Sige kung 'yan ang gusto mo.." nakangisi ring sabi ni Miss Ki at mabilis na sumugod kay Lexi.
Umatras ang apat at gumilid sa isang tabi. Tutok na tutok ang mga mata nilang pinapanood ang dalawang babaeng nagsasanggaan ng mga espada.
Tumambling sa ere si Lexi upang maiwasan ang paa ni Miss Ki na papatid sa kaniya pero hindi niya inaasahan na may kasunod pa pala ito upang patirin muli siya. Napahiga siya sa sahig at tatangkain pa sana niyang tumayo ng itutok ni Miss Ki ang espada sa mukha nito.
Wala ng nagawa si Lexi kundi tanggapin ang pagkatalo niya. Tinulungan siya ni Miss Ki na tumayo at sumenyas sa gawi ng apat kung sino ang susunod.
____
~>>To Be Continued...<<~I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (31)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Wow, the story got my interest. This is the story I’m looking for. And Finally, I found it. Thanks for making this. Will start reading now. It’s highly recommended guys! For those who wants action, this story is worth it to read! Keep your journey, author. I salute you. Godbless!💕💕💐
07/05/2022
4codm
26/10/2024
0So good.
26/07/2024
0Tingnan Lahat