Tatlong buwan ang matuling lumipas. "Bilisan mo, Jenny! Late na tayo sa first subject! Kung bakit naman kasi hindi ka maawat sa paggamit ng cellphone kagabi! Alam mo namang may quiz tayo ngayon!" Bwisit na hinampaa ni April ang pinsan gamit ang malambot na unan. "Five minutes pa!" "Isa! Kapag hindi ka pa tumayo riyan--" "Tatayo na nga!" Habang nagto-toothbrush si Jenny ay nagsusuot na ng sapatos si April. Naglagay lang siya ng kaunting polbo at lipstick sa labi bago nagpusod ng buhok gamit ang sanrio. Ginaya niya ang pusod ng mga kaklase na nakahati ang buhok sa gitna saka itinirintas iyon sa magkabilang bahagi bago muling pinagsama ang dulo ng pony sa likod. Nang makuntento ay tumayo siya sa harap ng whole body mirror at tinitigan ang repleksyon sa salamin. Suot niya ang isang lampas tuhod na puting palda at katerno niyon ang isang ruffled na pink blouse. Sneakers lang ang sapatos niya at ang LV Palm Springs Mini Bagpack. "Wag ka ng tumitig sa saamin, maganda ka na!" Binunggo siya ni Jenny sa braso kaya napasubsob si April sa kama. "Ano ba, Jenny!" "Pa'no iniisip mo na naman si Jay!" "Baliw!" "Di ka nga makapag deny. Meaning totoo, hmp!" Nagbihis na rin si Jenny ng blue jeans saka white shirt. Nag-spray si April ng paborito niyang Tooty Fruity Pink Cologne saka sila naglakad palabas sa Wilsonville Subdivision--kung saan bumili ng bahay ang tatay niya para hindi na nila problemahin ang pagrerent. Hindi pa sila lumalagpas sa gate ng subdivision ay nagrereklamo na si Jenny. "Pinagmadali mo akong gumayak tapos maglalakad lang pala tayo papasok? Halos isang oras din ang layo no'n! Baka naman pwede kang mag-book sa grab? Eight minutes lang makakarating na tayo. Kaso one hundred fifty ang ibabayad mo." "Fine, sumakat na tayo sa taxi. Pero ibabawas ko to sa allowance na bigay ni Papa sa'yo!" ***** Nauna pa silang dumating sa professor nila sa first subject, at ipinagpapasalamat iyon ni April kahit na siningil sila ng driver ng one hundred seventy pesos! Sa klase ay magkahiwalay sila ng upuan. Ayaw kasing ipaalam ni April na pinsan niya si Jenny. Ayaw niyang malaman ng mga kaklase ang estado niya sa buhay sa probinsya. Magkaiba rin sila ng circle of friends. Pati sa group assignments, magkaiba sila. Unless alphabetical ang groupings. "May transferee student! Nakita ko kanina sa principal's office!" "Talaga? Gwapo ba?" "Oo, sobra! Papasang artista!" April rolled her eyes. Paano, lagi namang gano'n ang pinag uusapan ng mga kaklase nila. Nagsasawa na siya. Ang sabihin mo, si Jay pa rin kasi ang gusto mo! "Class, sa atin na assigned ang bagong transferee. Halika, pumasok ka!" "Hi, my name is David Jay Lester, just call me DJ or Lester." Nagtilian ang mga kaklase niya. Nag-uunahan pa ang mga ito na paupuin sa bakanteng silya ang lalaki. Samantalang si April ay walang pakialam sa paligid niya. Ang siste ay iisa na lang ang bakanteng upuan--ang nasa tabi ni April. "Jay, nasa'n ka na ba kasi?" "Kilala mo ba 'ko miss?" Nakakunot-noong tanong ng lalaki kay April. "Ha?" Those eyes, I swear I saw them somewhere... Hindi napigilan ni April ang mapatunganga sa katabi. "Kabilis namang tuparin ni Lord ang panalangin ko?!" "What? You're insane!" Natatawang sabi ng lalaki. ***** Wala sa sariling naglakad palabas sa Sunken Garden si April. Katapat lang iyon ng UP College of Education Building para magpahangin. Pakiramdam kasi niya ay naso-suffocate siya. Nasa sampung minuto na siyang nakatitig sa mga naglalakad ng may tumapik sa balikat niya. "Pwede ba, Jenny, mamaya mo na lang akong asarin! May iniisip ako!" "Hulaan ko, si Jay ang iniisip mo." Nanigas ang leeg ni April pagkarinig sa pamilyar na baritonong boses. Hindi nga ako nagkakamali! Siya si Jay! Marahang natawa ang lalaki. "Silly!" Marahas na nilingon ni April ang lalaking basta na lang tumabi sa pagkakasalampak niya sa bermuda grass. "Ano namang pakialam mo sa iniisip 'ko? Why don't you mind your own business to begin with?" "You sounded very familiar. Actually, may kung ano sa pagtitig mo sa'kin na hindi ko maipaliwanag. Kilala mo ba ako? I don't remember anything." "What?!" May mailang mga dumaraan ang napatingin sa kanilang dalawa. "Masyado ka namang maka-react d'yan! So kilala mo nga ako?" Jay smiled for the first time. Naglanding ang mga mata ni April sa dimples ng lalaki. Unang beses niyang nakita itong ngumiti. Unang beses na kinausap siya nito ng maayos. Unang beses na--nakalimutan siya nito. O sinasadya lang ng lalaki na magkunwaring hindi siya nito kilala? "You know what? I don't know who you are, I don't care what you do and I don't need your company, ever!" "Seatmates tayo, baka nakakalimutan mo?" Jay smirked. Hindi na nakipagtalo si April. Sa halip ay tumayo na siya saka nagmartsa pabalik sa UP College of Home Economic Building para sa next subject nila. ***** Alas kwatro y media na ng hapon. Nakabusangot na naghihintay si April sa tapat ng Quezon Hall habang hinihintay si Jenny. Si Jenny ay Bachelor of Arts in Secondary Education ang course samantalang siya ay Bachelor of Arts in Economics. Tatlong subject lang ang magkaparehas nilang klase sa loob ng isang linggo. Gayunpaman ay sabay silang umuuwi tuwing hapon at nauuna lagi ang tapos ng klase ni Jenny. Nakapagtataka na mas nauna pa si April sa pinsan. "I really hate this day, ever!" April rolled her eyes. "Bakit ba sobra ang galit mo? Sayang maganda ka pa naman kahit may pagkasuplada." Jay winked at her. "Ew! Sinusundan mo ba 'ko? Stalker ka?!" Natawa na naman si Jay. "Dito rin ang daan 'ko pauwi. Bakit binayaran mo ba ang daanang 'to?" April rolled her eyes again. "Just go! Don't mind me, then!" "Walang masyadong dumaraan ditong sasakyan kung iyon ang hinihintay mo. I can drive you--" "No, thanks! Papunta na ang boyfriend ko kaya pwede ba, umalis ka na?!" Nagkibit-balikat na lang si Jay. "See on our next class, then! Ingat!" Inilabas ni April ang dalang compact mirror. Masyadong namumula ang magkabilang pisngi niya! "Nakakahiya!" She hissed at herself. Nag-text na lang siya kay Jenny na mauuna na siyang uuwi sa bahay nila. Baka bumalik pa si Jay ay mapapahiya lang siya dahil wala naman talaga siyang boyfriend na hinihintay!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
done
07/03
0sobrang gandaaa
17/01
0Maganda ung story
30/08/2024
0Tingnan Lahat