Karanasan

Pasado alas onse ng gabi ngunit hindi pa rin tapos sa paghihiwa ng mga gulay ang magtiyahing sina Joycel at Rosalinda. May maliit kasi silang karinderya sa loob ng palengke at napapaligiran iyon ng limang apartment complex kaya marami silang customer.
"Tita, mauna na po kayong umakyat sa itaas at matulog. Ako na po ang tatapo nito." Tipid na ngumiti si Joycel saka inagaw ang isang tali ng sitaw a singkwenta años na babae.
"Kung dalawa tayo ay mas madaling matatapos! Maaga pa tayong magluluto sa madaling araw!"
Bumuntunghininga ang dalaga-- tanda ng pagsuko dahil ito pa rin naman ang nasusunod.
Tumayo siya saka binuksan ang t.v.
"Lakasan mo nga ang volume. Mukhang maganda ang palabas."
Isang variety show ang pinapanood nila at nag-eecho iyon sa buong palengke.
Hindi tuloy nila namalayan ang pagparada ng isang kotse at puting van sa tapat ng eskinita na papasok sa karinderya.
"Sa wakas, natapos din!" Nag-inat si Rosalinda saka tumayo at naglakad papunta sa hagdan.
"Maganda 'tong show, tita. Tapusin na natin--"
Natigilan si Joycel dahil may apat na lalaking biglang pumasok sa pwesto nila! Nakasuot ng purong itong at nka facemask ang mga ito.
Hinawakan siya ng dalawa sa mga ito sa magkabilang braso.
"Itong bata ang kailangan natin bilin ni boss." Itinuro siya ng matabang lalaki-- ang pinakamaliit sa apat.
"Dalhin niyo na rin ang matanda! Wala namang maghahanap sa kanila dahil abandonado na 'tong buong lugar!" Sabat ng isa pang payat na matangkad.
"A-abandonado? A-ano'ng sinasabi nila, tita?" Kunot-noong tanong ni Joycel na nanginginig na rin ang mga paa.
"Dalhin na ang mga 'yan!" Muling sigaw ng matabang lalaki.
"T-teka! S-sandali--!"
Walang nagawa ang magtiya nang kinaladkad sila palabas ng pwesto. Nagawa pang patayin ng isang lalaki ang tv bago sila dinala sa sasakyan.
Ano ba ang kaya niyang gawin samantalang malalakas ang mga lalaki?
Pagkapasok sa sasakyan ay pinagitnaan si Joycel ng dalawang lalaki sa loob ng van. Ang tita Rosalinda naman niya ay sa kotse pinasakay.
"S-saan niyo kami dadalhin?" Hindi napigilan ng dalaga na kagat kagatin ang mga kuko sa kanang daliri habang hindi mapirmi ang mga binti niya sa pagtaas-baba dahil sa takot.
Para siyang nagsalita sa pader dahil walang sumagot sa tanong niya.
Mariing napapikit na lang ai Joycel para magdasal sa kaligtasan nila.
Sinamantala naman iyon ng katabi niyang lalaki dahil nilagyan siya ng piring sa mata at itinali rin ang dalawang kamay niya sa likuran.
"Malapit na tayo sa auction." Sambit ng driver.
"A-auction? W-wala kayong m-mapapala sa'kin!" Sigaw niya na pilit kinakalas ang tali sa mga kamay ngunit mas humigpit lang iyon kaya tinigilan na niya ang pagkislot. Mas magandang magtira siya ng lakas para makatakas mamaya.
Hindi niya alam kung gaano katagal na nasa sasakyan sila.
Halos mapasubsob siya sa harapan nang biglang magpreno ang van!
Ramdam niya ang mabilis na pagbaba ng mga kasama at ang mariing paghawak sa magkabila niyang braso na parang ine-expect na ng mga ito na tatakas siya!
"Sumabay ka lang ng lakad sa'min para hindi ka masaktan!"
Napapiksi si Joycel dahil sa bulong ng lalaking katabi niya.
Halos ayaw niyang lumakad dahil pakiramdam niya ay iyon na ang huling araw niya sa mundo. Masyadong mabigat ang bawat paghakbang at halos lumabas ang puso niya sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok nito.
"Saan ba ang lab?"
"Diretso pa."
Mas lalong nadagdagan ang kaba at nerbiyos niya pagkarinig doon.
Mukhang gagawin pa siyang test subject!
Mapapabilang na ba siya sa mga taong pinageksperimentuhan ng kung anu-anong gamot?
Mabubuhay pa kaya siya pagkatapos no'n?
Huminto sila.
Nagulat man dahil kinalagan siya ng tali sa kamay ay hindi nagpahalata ang dalaga. 
Rinig niya ang pagbukas ng isang kahoy na pinto at ang bahagyang pagtulak sa kanya papaaok roon habang nakapiring pa rin.
Maya maya pa ay tinanggal na rin ang piring niya sa mata.
Masyadong madilim ang paligid.
Wala siyang maaninag!
Ibinukas sara niya ang mga mata sa pag-aakalang makakapag-adjust siya sa dilim-- hanggang sa may maliit na liwanag siyang natanaw!
Marahang lumakad si Jocel palapit sa liwanag---
"Happy birthday, to you! Happy birthday, to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!"
Kasabay ng kanta ay ang biglang pagliwanag ng paligid kaya muling napapikit si Joycel.
Pagdilat niya ay tumambad ang nasa kulang bente katao sa harap niya na pawang mga hindi niya kakilala!
"S-sino k-kayo?" Mahina at nangangatal ang labing tanong ng dalaga.
Natahimik ang lahat.
Naputol lang ang katahimikan sa pagsigaw ng isang matandang babae galing sa likuran ng mga tao. "Bakit ibang tao ang dinala niyo rito? Nakaabala pa kayo sa iba! Hindi siya ang anak 'ko!"
Parang nauupos na kandilang napaupo na lang si Joycel sa kahoy na sahig. Iginala niya ang mga mata at napagtantong nasa isang Authentic Japanese Restaurant sila!
Sunod sunod ang naging paghinga niya ng malalim. Bago sumigaw ng walang boses.
Nang kumalma na siya ay saka siya nakapagsalita, "Halos mamatay ako sa takot at kaba dahil sa inyo! Siguraduhin niyo namang tamang tao ang durukutin niyo!"
Kahit nanlalambot ang mga tuhod ay pinilit niyang makatayo.
Sakto namang pumasok ang tita Rosalinda niya sa pinto. Masyadong malaki ang ngisi nito. Sinalubong siya ng matanda at inalalayan palabas doon.
Sa isang lamesa sila naupo, sa gilid lang mismo ng kwartong pinanggalingan nila.
Kaya pala wala aiyang narinig na kahit ano ay walang tao sa labas. Sadyang ipina-reserve ang lugar para sa may birthday.
"Kumain daw muna tayo. Pakunswelo sa pang-aabala nila sa'tin. Kumain ka ng marami ha? Para makabawi ka man lang." Tudyo ng matandang babae sa kanya.
"Tita naman!"
Tumawa si Rosalinda.
Maya maya pa ay lumapit ang waiter at sinabing pwede na silang kumuha ng pagkain. Itinuro nito ang mahabang lamesa na may mga pagkain.
"Buffet po ba 'to?" Mahinang bulong ni Joycel sa tiyahin habang naglalakad sila papunta sa lamesa.
"Eat-all-you-can daw."
Napairap na lang ang dalaga. "Wala namang pinagkaiba 'yon! Pinaganda lang ang pangalan. Saka, dadamihan 'ko talaga ang pagkain! Mukhang hindi naman sila mamumulubi sa pagbabayad!"
"Kumuha ka na lang ng pagkain, tama na ang daldal!" Binatukan siya ni Rosalinda saka muling tinawanan.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    07/03

      0
  • avatar
    Ashley Nicole

    sobrang gandaaa

    17/01

      0
  • avatar
    Airolg Aucsap

    Maganda ung story

    30/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata