Homepage/BEHIND THE UNTOLD SECRET ( The Sequel of Hidden Secret of Room 207)/
S2: THE DEFENDER
Matapos ang klase ng umagang iyon ay nagpatiunang lumabas ng silid aralan si Sedy. Pupunta muna siya sa library. Kailangan niya ng ibalik ang mga natapos na niyang basahing novel at palitan ito na hiniram niya lang kahapon pagkatapos nilang kausapin ng Head Mistress. Hindi na niya nga sinama pa si Hope kasi gusto niyang mapag-isa at tsaka wala naman yun hilig sa pagbabasa. "Miss, balik ko lang sana." Aniya sa isang student assistant na nakatuka sa library. "Hiram ka ba uli?" Balik tanong nito matapos papermahan sa kaniya ang log book na nagsasaad na ibinalik na niya ang mga novel. "Yeah.Iiwan ko na lang ba dito?" Aniya. Minsan kasi ipinababalik na lang sa mga humihiram. Napansin niya yun nang manghiram siya kahapon pero minsan tinitingnan muna kung may nasira ba. Bawal kasing may mapunit pag pagmamay-ari ng library. "Pakibalik na lang. Hindi ko na itse-tsek. Base naman sa mukha mo...mas iingatan mo pa ang novel kesa sa jowa mo." Anito na napangiti pa. "Well, you're right. Para sakin mahalaga ng bawat aklat. That's why I value them and care them a lot." Anang Sedy habang sinisipat ang mga hawak na novel. "Siya nga pala. Bagong lipat ka ba sa school na 'to? First time kitang makita dito ah?" Usisa ni Sedy sa kausap. "Mmm, no. Pinalitan ko lang yung nakatuka dito. May inasikaso kasi. Madalas akong tumatao dito bilang sub. Siya nga pala, for your information...hindi ako estudyante. Pandak lang ako at mukhang bata but I'm not a student. Staff ako dito." Pagbibigay impormasyon nito. "Mmm, kaya pala." Naisagot na lang ni Sedy "Palagi ka bang humihiram ng aklat dito. Book geek?"Anitong ngumiti pa. "Well, second time palang. I'm a transferree and not that book geek. Pampalipas oras ko lang pagbabasa. Anyways, I'm Sedy. And you're?" "I'm Marycris Gayoso. Nice to meet you Sedy." Anitong inilahad pa ang kamay nito sa kausap na hindi naman agad nito tinanggihan. "Nice to meet you too. Mmm, punta na ko dun ha? Mukhang napahaba na usapan natin." Anang Sedy sabay talikod nang tumango ang babae. Ilang minuto na ring naghahanap ng mga novel si Sedy. She even seated sa sahig na para bang namimili ng mga novel sa book sale. Dahil sa pagkaabala ay hindi nito napansin ang unti-unting pagdami ng tao sa library pati narin ang paglapit ng isang lalaki. "Book geek,ha?" Anito sabay upo paharap kay Sedy that makes Sedy look to him with an arching eye brows. "Nagkita na naman tayo." Anito na hindi man lang inaalis ang tingin sa binabasang encyclopedia. "Nagkita? O baka sinadya mong magpakita sakin dito?" Pambabara ni Sedy. Kanina maganda ang mood niya pero nang makita niya ang estrangherong lalaki na pumatay sa babae kagabi na well, her knight narin. "Oy, walang ganun." Anito na tiniklop ang aklat upang makita ng lubusan ang mukha ni Sedy na hindi parin bumababa ang nakataas na kilay. "I am still your knight baka nakakalimutan mo." Anito na sumilay ang mga ngiti sa labi na sinagot naman ng pag-irap ni Sedy. " Hindi ko naman sinabing tulungan mo ako." Aniya na medyo napalakas ang boses dahilan upang may marinig silang pagtunog ng maliit na bell. "Kahit ano pa ngayon ang sabihin mo, we can't still deny the fact na iniligtas kita." Anito na naging mababa ang tono ng boses at naging seryoso ang mg mata. Sedy feels that kaya ito nanggugulo sa kaniya dahil nais na nitong malaman ang sagot niya. "Sa tanong mo sakin kagabi. Yes ang sagot ko dun." Aniya na agad ibinalik ang mga mata sa mga nobelang napili niya. Akmang tatayo na sana si Sedy nang hilain siya sa kamay ng lalaki dahilan upang ikabalik niya ng upo. "Ano bang problema mo? Nakuha mo na ang sagot ko so, get lost for a moment pwede ba?" Naiiritang turan ni Sedy na sinagot naman siya ng pag ngiti at taas ng kamay ng lalaki na badya na hindi ito papatol sa babae. "You asked me kung sino ako kagabi hindi ba? I'm Bryle. Bryle Jude Danuco. Your knight my princess." Anito na hinalikan pa ang kamay ni Sedy na agad naman nitong hinila sabay irap dito. "Princess your ass!" Pabulong na sabi ni Sedy sabay walk out sa harap ng lalaki. Malakas niya pang sinipa ang nakaharang na bente nito subalit halos madapa rin siya dahil sa napatid siya sa sarili niyang paa. "Ang bilis talaga ng karma." Anang Bryle sabay tayo at unat ng kamay na agad namang dinilaan ni Sedy sabay alis. "Tsk! Lampa na nga, isip bata pa." Nasabi na lang ni Bryle bago ibalik ang kinuhang encyclopedia sa pinaglagyan nito kanina. ************ [ Cafeteria ] "Hi, pwede bang makishare?" Tanong ng estudyante na nasa harap ng mesa ni Hope. Agad namang ngumiti ang babae kompermasyon na pumapayag itong may makasalo sa mesa. "New student?" Tanong ng lalaking inaayos ang mga dalang pagkain na galing sa tray. "Yes. Isa ako sa mga pinadala sa Black Souls Room kagabi." Walang patid na sagot ni Hope habang patuloy na kumakain. Hindi narin naman nakakagulat kung malalaman iyon ng kasama sa mesa na lalaki. Alam naman ata halos ng lahat ang nangyari. "Mmm. Okay. Anyways, I'm Bal." Anito na inilahad ang kamay sa kaharap. Agad namang ibinaba ni Hope ang hawak na kutsara at inabot ang kamay ng lalaki. "Nice to meet you." Aniya at ipinagpatuloy ang pagsubok ng kinakain. "Ganun ka ba kagutom para hindi na sabihin ang pangalan mo?" Natatawang turan ni Bal sabay subo narin ng pagkain niyang nasa harapan. Ilang saglit pang sumubo si Hope bago uminom ng juice sabay lunok. Pingmamasdan naman ito ni Bal habang ngumunguya. "Hehe! Pasensiya na. Nagugutom talaga ko,e. Hope nga pala." Anang babae sabay ngiti ng napakatamis dahilan upang mapangiti narin si Bal. "Okay lang. Gets ko naman na." Anito sabay subo uli ng pagkain. "Siya nga pala? Estudyante ka ba?" Usisa ni Hope na hindi tumitingin sa kausap. "No. I'm one of the school staff dito. Bakit?" Anito dahilan upang tingnan ito ni Hope at iatras ang upuan na ikinataka naman ng kasalo sa mesa. "Bakit ganiyan reaksyon mo?" Hindi maitago ang pagtataka sa mukha ni Bal. "Anong school staff? Don't tell me na baka ng dahil sayo ay bumalik na naman ako sa Black Souls Room,ha? Diyos ko! Hindi pa nga gumagaling ang mga pasa ko, mapapahamak na naman ako." Hysterical na turan ni Hope dahilan upang bumunghalit ng tawa ang lalaking nasa harap niya. Pinagtinginan tuloy sila ng mga estudyanteng malapit sa kanila. "Chill,okay? Hindi naman ako ang School President o Head Mistress. Hindi mo rin naman ako pinatay kaya don't worry okay?" Anito na tinapik pa ang kamay ni Hope ng tatlong beses na agad namang hinila ng estudyante. "Sure ka?" Paninigurado ni Hope na sinagot naman siya ni Bal ng pagngiti kasabay ng pagtango ng ulo. "Actually, ako ang mga dumedepensa sa mga estudyante bago sila mapunta sa Black Souls Room. Denedepensahan ko kayo hanggang sa makakaya ko pero kung ang School President at Head Mistress na ang kalaban ng estudyante, it is only the time na hindi ko na kayo madedepensahan." Anito. "O, siya. Mauna na ako sayo. Nice talking to you Hope." Anito na kumaway pa bago siya iniwan na ginaya naman ni Hope.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
💗💗💗💗
17/07/2024
0this is really amazing story for me 😍
11/06/2024
1I will read this book everday
27/05/2024
0Tingnan Lahat