S2: HOSTAGE!

Ilang sandaling nakiramdam si Sedy sa silid na kaniyang kinalalagyan. Inaabangan niya ang mga susunod na mangyayari. Ang mga aatake. Hindi niya napaghandaan ang ganitong eksena. Paandar lang pala ang ganda ng building na kinaroroonan niya. Nilango siya sa ganda nito upang mabihag.
Nasa ganoong takbo ng isip si Sedy nang biglang gumalaw ang silid na kaniyang kinaroroonan. Aminin man si Sedy o sa hindi ay kinabahan siya. Parang pumasok siya sa lungga ng mga lion upang magpalapa.
"Bweset talaga!" Naiusal ni Sedy. Aaminin niyang nagpadalos-dalos siya sa desisyong sumama sa lalaki. Hindi niya pa talaga nasabihan si Hope. Baka mag-alala 'yun pag di siya nakabalik ng dorm.
Matapos ng sandaling pag alog ay biglang umandar ang silid na kinalalagyan niya. Hindi niya alam kung pababa ba ito o paakyat. Pero malakas ang kutob niya na pababa ang dereksyon nito dahil sa wala naman siyang napansin kanina na elevator pataas sa building na iyon. Kahit kasi binulag siya sa ganda ng lugar ay napansin niya ang hindi pagkakaroon ng elevator pataas.
Habang umaandar ang sasakyan ay nag isip na agad ng plano si Sedy. Inihanda niya ang sarili. Maaaring pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto ng elevator kung elevator man ang sinasakyan niya ay bubulagain siya ng mga pagsubok. Kailangan niyang maghanda.Nasa lugar siya na hindi niya alam kung ano ang pasikot-sikot at kung anong sistema meron sa loob nun.
Matapos ang halos dalawang minuto na paggalaw ng sinasakyan niya ay dahan-dahan itong huminto at kusang nagsibagsakan ang kaninang mga nakaharang upang makorner siya sa loob niyon.
"Welcome to Initiation Ground. Bago ka maging lehitimong kasapi ng grupo ay meron ka munang mga kakaharaping hamon. Bibigyan ka ng tig dalawang minuto sa bawat hamon na susuungin. You have three trials na kailangang malampasan. I won't say what it is for now dahil hindi na magiging exciting kung magiging ganun. Remember, kailangan mong malampasan ang bawat hamon." Anang nasa speaker na nasa bawat sulok ng training ground daw.
"Dalawa lang ang pwedeng mangyari dito sa loob ng training ground. Una ay ang matapos mo ang mga pagsubok at lumabas ng buhay o kung hindi naman...matapos ang buhay mo at hindi na makalabas sa training ground na ito. Use your brain. Finish the game? Or Die?" Dagdag pa ng boses ng lalaki na nasa speaker.
Malawak ang training ground. May bakod ito na tulad sa palabas na Squid Games pero hindi sa rooftop dahil ang training ground na kinaroroonan ni Sedy ay underground. Underground na training ground. Bermuda ang maaapakan mo at hindi semento o lupa. Maganda at maaliwalas ang lugar na iyon. Kung hindi lamang sa tatlong area sa unahan na mga mukhang silid ay maaari na ang lugar na iyon maging camping site. Pagtayuan ng tent. Mag bonfire at mag star guessing sa gabi kung full moon.
"Ang unang hamon ay magsisimula ilang sigundo na lang. Lumakad ka na sa unang area na may nakasulat na UNO." Anang lalaki sa speaker pero sa halip na sumunod si Sedy ay hinarap nito ang speaker. Nakipagsukatan ng tingin.
"Anong ginagawa mo?" Boses mula sa speaker.
"Paano kung ayaw kong pumasok?" Matapang na turan ni Sedy. Hindi makikita sa mukha nito ang takot o kaba kahit korner na siya.
"Madali lang naman ang sagot sa tanong mong 'yan." Sagot ng lalaki sa speaker. At ilang sandali pa ay napansin ni Sedy ang dahan-dahang paglabas ng mga silencer sa bawat corner ng training ground na iyon. Ang lahat ay nakatutok sa kaniya.
"Ngayon pumili ka. Lalaban ka ba? O hahayaan mo na lang na mamatay agad?"Nanghahamong turan ng lalaki sa speaker.
Huminga ng malalim si Sedy. Bago tinungo ang unang hamon.Wala na siyang magagawa. Kailangan niyang harapin ang tatlong hamon na nasa kaniyang harapan. Kailangan niyang mabuhay. Kailangan niyang tuparin ang pangako niya sa patay. Kailangan niyang makalabas sa training ground na ito para kay Hope at sa buong organization na tumulong sa kaniya.
Sa pagtapat niya sa pinto niyon ay kusang bumukas ang minigate nito. Hindi agad makita ni Sedy kung anong meron sa loob niyon dahil sa may bakod na semento roon na natatakpan ng cover plants.
"You only have fifteen second bago magsimula ang two minutes para sa Unang hamon." Boses mula sa speaker dahilan upang maglakad ng mabilis si Sedy. Walang tao sa loob niyon maliban sa speaker na kitang-kita niya na nasa sulok.
Nang marating ni Sedy ang bukana para sa unang hamon ay bumungad sa kaniya ang isang firing area. Agad niya ring napansin ang limang barekadang nakahilera roon na natatakpan ng itim na kurtena.
Madali lang naman ang gagawin ni Sedy. Kailangan niya lang matamaan ang lobo na nakadikit sa uluhan ng manikin. Kapag natamaan niya yun ay tsaka niya pa makikita ang sunod na kwarto. Tsaka niya parin makikita kung ano ang sunod niyang patatamaan at kung gaano ito kalayo. Sa harap ni Sedy ay may mesa. May isang kwarenta y singkong baril at may mga bala roon. Agad niya itong dinampot at tsinek kung may bala na ang magasin nito. Napahinga siya ng maluwag nang makitang puno ito ng bala. She only has five seconds bago magsimula ang unang round.
Sa pag hudyat ng boses sa speaker ay agad inasinta ni Sedy ang target na lobo. May layo ang target na one hundred meter mula sa kinatatayuan.
Bago kalabitin ang gatilyo ay pumikit muna si Sedy at pagkatapos magbilang ng tatlong sigundo sabay ng paghinga ng malalim ay dumilat na siya. Badya na handa na siya.
"Pew!" Tunog ng baril ni Sedy. Agad niyang natamaan ang kulay puting lubo na may lamang arena marahil iyon dahil sa pagputok niyon ay nagkalat ang laman nun sa dumuhan.
Pagkatapos ng isa ay mabilis ang naging kilos ni Sedy. Ang sunod niyang naging target ay ang kutsilyo na hawak ng isang kidnaper na manikin. Nasa malapit ng leeg ng batang hostage nakapwesto ang kutsilyo. Muling huminga ng malalim si Sedy upang siguraduhing maaasinta ang kutsilyo. Kung kanina ay one hundred meter ang layo sa kaniya, ngayon ay nadagdagan ito ng isang daan pa.
"Pew!" Sa unang tira niya ay hindi niya natamaan ang kutsilyo subalit sa ikalawa ay natamaan na ito dahilan upang mapahinga ng maluwag si Sedy. She only have one minute and thirty seconds left sa two minutes niya. Agad siyang lumipat sa ikatlong target. Sa ngayon ay three hundred meter na ang layo sa kaniya ng target. Isang baso naman na may lamang juice ang kailangan niyang tamaan na hawak ng isang matanda.
"Pew!" Agad sapol ang basong hawak ng matandang manikin kahit pa three hundred meter ang layo nito sa kaniya. Kailangang maging mabilis ang kilos niya subalit sigurado. Maliban sa hinahabol niya ang oras ay alam ni Sedy na kapag mas malayo ang target ay mas mahihirapan siyang asintahin ito dahil sa mas lumiliit ang target.
Limang plastic na pinaburot naman ang kailangang matamaan ni Sedy para sa ikaapat. Itinali ang limang plastic sa nylon. Maliban sa hindi ininat ng maayos ang nylon ay gumagalaw pa ang mga plastic kung humahangin dahilan upang mahirapang asintahin ito ni Sedy. Kung kanina ay three hundred meter ang layo mula sa kaniya ng target ngayon ay four hundred na. Mabuti na lang talaga at hindi transparent ang mga inilagay na plastic na kaniyang aasintahin.
Pitong sunod-sunod na pagputok ng baril ang umalingawngaw. Lumihis ang ikatlo at ikalimang bala subalit sa pitong bala namang iyon ay natamaan niya ang limang target.
Bago lumipat sa huling target ay binuksan niya muna ang magasin at dinagdagan ito ng bala. Mabilis ang kaniyang naging kilos dahil sa forty eight seconds na lang ang natitira. Matapos magdagdag ng bala ay mabilis niyang tinungo ang ikalimang target. Agad niyang itinutok ang baril subalit napatigil siya nang makita kung ano. Hindi mali. Kung sino ang kailangan niyang iligtas.
"D-Dos?"

Komento sa Aklat (44)

  • avatar
    Ma Angelica Muoz

    💗💗💗💗

    17/07/2024

      0
  • avatar
    Angela Zamora

    this is really amazing story for me 😍

    11/06/2024

      1
  • avatar
    Crisilda Villamor

    I will read this book everday

    27/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata