Pumasok ako ngayon sa school na tila isang sundalong sumabak sa gyera na pinagkaitan ng armas. Nasa point na rin ako ng buhay ko kung saan puro katanungan ang binabato ko sa sa aking sarili. Hindi ko lubos ma-isip na napa-oo ako sa kalokohan ni Archie at ng kapatid ko. Yes, my sister came in the picture. Oh, and Archie’s sister too, Chantelle, who turned out to be in my sister’s advisory class. My sister cut my hair into a bob cut that rested 3 inches below my chin. I didn’t get the irony, but she said that I’d look feminine that way. Gusto pa akong lagyan ng bangs pero malakas akong tumanggi. Gagawin ba naman akong si Dora! Chantelle plucked my brows and gave it a soft arch shape. She even taught me how to put cheek and lip tint. Damn, were those even necessary? Ang bilis ko lang din nakapagpalagayan ng loob itong kapatid ni Archie. She’s very nice and she has this little sisterly vibe. I heaved a deep sigh and focused on my path. I walked straight to my homeroom with my eyes on the ground. Nakaiirita ang binibigay na tingin sa akin ng mga estudyanteng nakasabay at nakasalubong ko. Lintik na Archibald! Bakit ba ako nagpauto sa lalaking iyon? Reaching my homeroom felt like reaching heaven for me. Pero panandalian lang dahil sa naging reactions din ng mga kaklase ko. Napailing na lang ako at umupo sa proper seat ko. “Kaia?” bulalas ng kaklase ko. I got annoyed in an instant. Napaka-high pitch ng boses nito. “Broken na broken, ah!” kantiyaw naman ng isa. Naniniwala talaga sila sa mga ganoon? Na sa tuwing nagpapagupit, broken hearted? Well, she’s partially correct. Broken hearted nga naman ako. Napalingon ako sa upuan ni Kirsty. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad naman siyang bumawi ng tingin. Lihim akong napangiti. Did I affect her? I think my new looks affected her! Hmmm. Mukhang magandang idea rin pala itong kalokohan ng kapatid ko at ni Chantelle. Ilang minuto na ang nakalilipas pero inaasar pa rin ako ng mga kaklase ko hanggang sa natigilan kami dahil sa bagong dating. Naglakad si Archie sa loob ng classroom at halos lahat ng atensyon natuon sa kanya. Ganoon kalakas ang dating ng lalaking ito. Kahit ako napatingin sa kanya. He caught my eye and refused to let it go. Nope, my eyes refused to let go. Parang magnet na napako sa mga titig niya. Yawa! He stopped in front of me. Nang maramdaman ang marahas na tapik ng kaklase kong lalaki saka ako napaiwas ng tingin. Tangina! Ano ‘yon! Naramdamn ko rin ang mapanuksong tingin ng iba kong kaklaseng lalaki pero hindi ko na iyon binigyang pansin. Tumikhim ako at umayos ng upo. Hindi na binalik ang tingin sa lalaking nakatayo sa harap ko. Bigla akong napasandal sa upuan ko ng dumukwang si Archie sa harapan ko! Ay gagi! “Good morning… future girlfriend!” masiglang niyang bati at inabot ang kanina pang nakatagong rosas sa kanyang likod. Sunod-sunod na hiyawan at tudyuhan ang namutawi sa paligid namin. Nakatingin lang ako sa rosas na sumulpot sa harapan ko. Damn him! Masyadong attention seeker! Nayayamot na inagaw ko iyon sa kanya at marahas na nilapag sa arm chair ko. ‘Ikaw pa yata ang galit, ghurl? Ito ang gusto mong mangyari, ‘di ba?’ Tangina rin ‘tong boses sa isip ko, eh! This is going to be a long day! VACANT time namin ngayon kaya nagdesisyon akong tumambay sa library nang marinig kong tumunog ang aking Messenger tanda na may nag-chat. Mabilis kong tiningnan iyon dahil baka announcement sa GC pero nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Si Kirsty, nag-chat! Magkita raw kami sa vegetable garden ng cookery. Mabilis pa sa alas kuwatro akong tumakbo Hingal na hingal ako pagdating ko kaya napasapo ako sa aking dibdib pero hindi ko na ininda iyon. Ang tanging naglalaro sa isip ko ay ang pag-uusapan namin ni Kirsty. Ito na ba iyon? May realizations na ba siya? na-realize na ba niya na ako talaga ang mahal niya at nasilaw lang siya sa kaguwapuhan ni Archie pero iyong totoo ako talaga ang totoong iniibig niya? Isang kalabit lang. Isang kalabit lang at bibigay agad ako. Kakalimutan ko agad ang deal namin ni Archie! “Anong ginagawa mo?” She snapped angrily. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ang galit sa mga mata niya. Nagulat pa ako dahil sa bungad niya. Pero baka siya galit dahil ayaw niyang may kaagaw sa akin? Na-realize niya! Lumapit ako kay Kirsty at tangkang hahawakan ang mga kamay pero iniwas niya. “Huwag mo akong hawakan!” Lalapit pa sana ako pero tinaas niya ang isang kamay para pigilan ako. Naguguluhan ako sa mga sinasabi at kinikilos ni Kirsty. Miss na miss ko na siyang hawakan at yakapin pero pinapahirapan pa ako lalo. “Seriously, Kaia?” galit na niyang tanong at tiim bagang akong tinitigan. Kaia and not Kirby. It only meant that she no longer saw Kirby in me. “Bakit kailangang landiin mo rin si Archie? Dahil ba nakipaghiwalay ako sa ‘yo? Ganoon ba? Ang dami-daming lalaki rito sa school, bakit siya!” Naghihimutok si Kirsty na parang batang hindi binilhan ng laruan habang sinisigawan ako. Kulang na lang, kuyugin niya ako sa sobrang galit. So, galit siya dahil feeling niya inaagaw ko si Archie? ‘Na totoo naman!’ Shut up! “Kirsty…” “You’re declaring war against me by flirting with him, Kaia! Trust me, I can give it to you. Kaya tigilan mo na iyang ginagawa mo!” May diin ang bawat salitang binibitawan ni Kirsty, puno ng lason ang bawat salita niya. Naguguluhan pa rin ako dahil parang ibang Kirsty ang nasa harap ko. Nasaan na ang Kirsty ko? Pilit akong nagpapakatatag. Kung gusto ko siyang malinawan sa pag-iisip kailangan ko siyang saktan. “Ako ang nililigawan niya, Kirsty.” “It’s because you’re on the way! Alam nating dalawa kung anong tipo mo, Kaia! Hindi si Archie ang nababagay sa ‘yo. A lesbo like you will only ruin his reputation here in our school!” Tila libo-libong lason ang tinurok sa puso ko dahil sa mga salitang binitawan niya. Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Masyadong masakit dahil kahit konting pagmamahal hindi ko nakikita sa mga mata niya ngayon. “Pero ako ang gusto niya. Ako ang nililigawan niya!” masakit man pilit kong sinabi iyon para labanan siya. Para ipa-realize sa kanya na wala na siyang pag-asa kay Archie. “But if you’ll only go back to me…” Humalakhak si Kirsty sa huling sinabi ko. Ang lakas ng tawa niya, nang-iinis, nang-uuyam. “See! You’re still a slave of your feelings for me. Paano ka maging good enough kay Archie? Listen, Kaia, and listen very well. Nandidiri ako na pinatulan kita! Nagsisisi ako na binaba ko ang pagkababae ko para sa isang katulad mong tomboy!” Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Asin na binudbod sa sugatan kong puso ang bawat salitang binitawan niya. Ganoon ka liit ang tingin niya sa akin. Tangina! Ako yata ang tanga! Masyado akong nalulunod sa alon ng mga luha ko kaya hindi ko agad napansin ang nagsidatingang estuyante. Lihim kong pinunasan ang mga kumawalang luha sa aking mga mata at sinubukang umalis nang harangin ako ng isa sa kanila. Naamoy ko agad ang yosi sa uniform nito kaya napa-angat ako ng ulo. Senior high sa TVL strand. Apat na lalaki. Mukhang mga adik. Kayang-kaya kong ipagtanggol ang sarili ko dahil may ala mako sa Taekwondo pero wala ako sa huwesyo para makipag basag ulo. Huwag lang silang magkamali. Ngayong durog na durog ang puso ko. Huwag ako. “Dito ka muna, babe!” Natatawang pigil ng isa at hinawakan ako sa braso. Mariin kong tiningnan ang lapastangang kamay nitong nakahawak sa braso ko. Hindi naman iyon ang ikinagagalit ko, eh, kundi ang pagtawag nito sa akin ng ‘babe’! “Naku, Kaia. Kung alam ko lang na ganito ka ka-anghang. Sinimot na kita noon pa!” sabi naman ng isa at inamoy ang buhok ko na tila takam na takam sa paborito nitong pagkain. Nagtawanan naman ang mga kasama nitong malalansa! Shit! Manyak ang gago! Kinilabutan ako sa pinagsasabi ng mga ito! “Bitawan mo nga ako!” Marahang binawi ko ang braso ko at inayos ang sarili ko. “Halikan mo na, Pre!” “Huwag kang mag-inarte, Kaia! Di ka pusong babae, uy!” “Eh, gago pala kayo, eh!” Aambahan ko na sana ng suntok ang isang hambog na baboy sa kanan ko nang mapatigil ang kamao ko sa ere dahil sa isang napakalas na boses lalaki. “Don’t you dare lay your filthy hand on my girl!”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
best
26/09/2024
0nc the hatdog
20/06/2024
0🥺🥺🥺
06/06/2024
0Tingnan Lahat