Homepage/Sweetest Deception/
Chapter 57
Sana hindi pa tapos 'yung laro para kahit papano ay makanood ako at matupad ko 'yung sinabi ko. Si Lucas nga lagi nalang akong pinapasaya, kaya kahit ngayon lang siya naman ang pasasayahin ko.
Nang malapit na ako sa may court ay naririnig ko ang sigawan ng mga tao. Puno na ata ang cover court dahil sa sobrang daming tao at may mga dala pa silang mga banner.
"S.O.A.R! SOAR! SOAR!" sigaw ng cheering squad ng school namin.
May cheering squad nga pala ang school namin at bukas ata ang laban nila. Hindi na ako nagtaka kung bakit nando'n si Kim sa may harap at nagc-cheer. Siya ata ang cheerleader ng squad nila.
Hindi ako makasiksik sa mga tao dahil sobrang dami nila! Pumwesto nalang ako sa may bleacher sa may bandang taas malapit sa may ring. Hindi naman 'yung sobrang lapit sa may ring, kumbaga parang kapag may mags-shoot na ay makikita ako. Gano'n lang. Tumayo lang ako roon at buti nalang ay pinatabi ako nung babae sa may tabi niya pero nakatayo nga lang ako. Pero okay na rin, kita ko naman.
Buti nalang matangkad ako.
Joke. Asa pa 'ko.
"Hala! Ikaw 'yung maganda sa socmed! Omg, pwede po bang mag-picture tayo?" sabi nung babae na nakaupo at tumango nalang ako. Nag-picture kami at nagpasalamat lang siya nang matapos.
36-50 ang score at ang laki ng lamang ng kabilang team. Hinanap ng mata ko si Lucas at nakita kong hingal na hingal na siya. Sumandal ako sa may pader at nag-cross arm habang nakatingin kay Lucas.
Hawak niya ang bola ngayon at hindi ko maintindihan dahil parang may hinahanap siya. Huminga siya ng malalim at nang titira na sana siya ay bigla siyang tumigil at napunta ang tingin niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at ngumiti lang ako sa kaniya at tumango habang nakasandal pa rin sa pader at naka-cross arm. Napangiti siya at tinira na ang hawak niya bola.
Sa liit kong 'to, nakita niya pa rin ako?!
"ENRIQUEZ, TUMIRA NG TRES, PASOK!"
Nagsigawan ang mga tao dahil sa three point shot ni Lucas. May mga nagtutumalon at nagsasabunutan pa!
"OMYGAD! AYAN NA! GO BABY LUCAS! MAHAL NA MAHAL KITA!"
Halos ata lahat ng mga babae roon ay ayan ang sinisigaw. Fourth quarter na pala kaya parang pagod na sila. Puro si Lucas nalang ata ang nakaka-shoot at lamang na sila ng isa sa kalaban.
Todo cheer ang lahat nang si Lucas nanaman ang may hawak ng bola. Tumingin ako sa oras at 5 seconds nalang ang natitira! Sunod ko namang tiningnan ang score at nagulat dahil tie 'yung score nila! Pumwesto si Lucas para tumira at ako naman ay pumikit dahil ako 'yung kinakabahan sa kanila!
Narinig ko ang maingay na buzzer, ibig sabihin ay tapos na ang laban at naghihiyawan na ang mga tao. Tumingin ako sa score at napatakip nalang sa bibig dahil sa nakita.
"73-70."
Hala, panalo sila!
Hinanap ulit siya ng mata ko at napangiti dahil kaliwa't kanan ang nabati sa kaniya. Ngunit napawi ang ngiti ko nang makita ko si Kim na lumapit sa kaniya at niyakap siya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at bago pa tumingin sa gawi ko si Lucas nagtago na ako roon sa may pader.
Ako dapat 'yon e...
Inalis ko sa isip ko ang salitang 'yan at umalis nalang ako roon sa may court at pumunta nalang ulit sa may school na pinaglalaruan namin. May mga napapatingin sa akin at binabati ako. Ningingitian ko lang naman sila bilang sagot sa mga bati nila sa akin.
Dumaan muna ako sa may playground at umupo roon sa may swing. Bakit kaya biglang kumirot 'yung dibdib ko nung makita ko sila-
"Hi." Napatingin ako sa lalaking bumati sa akin at inalok ako ng juice.
"Uy, Aaron!"
Umupo siya sa katabi kong swing at tumingin sa akin.
"Bakit parang malungkot ka?"
"Ako? Hindi ah," sabi ko at parang ayaw niyang maniwala.
Nagpaalam lang siya na may bibilhin lang at tumango lang ako sa kaniya. Bumalik siya ng may dalang paper bag at dalawang ice cream.
"Ice cream," alok niya sa'kin at tinanggap ko ito.
"Hindi pa nga ubos 'yung juice, ice cream naman." Tumawa ako at umiling sa kaniya.
Nagulat nalang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang tuhod ko.
"Huy," iniwas ko tuhod ko sa kaniya ngunit hinawakan niya ito.
Naglabas siya ng betadine at bulak para linisin ang sugat ko. Umangal pa ako ng pinahidan niya 'yon ng alcohol.
"A-aray! Mahapdi ah! Ako na, kaya ko naman." Umiling siya at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Stay still, ang dami mong gasgas at sugat oh."
"Sorry ha, hindi ko kasi abot 'yung shuttlecock e kaya ayon, kailangan kong lumuhod sa sahig para maabot." Tumawa naman siya dahil sa pagiging sarkastiko ko.
"Yeah, I know."
"Ha? A-alam mo? Paano? Nandoon ka?" takang tanong ko at nagulat nang tumango siya.
"I'm contented watching you from afar."
Nagkwento siya para hindi ko maramdaman 'yung sakit kaya naman tawa ako ng tawa. May humor side rin pala siya. Binati niya rin ako ng congrats at galingan ko pa raw sa susunod kong laro.
Nagpaalam na ako sa kaniya na babalik nang court dahil baka hinahanap na ako. Pagkarating ko ay sinalubong ako ni Elle ng tuwang-tuwang.
"OMG! Idol! Pareho tayong lalaro sa unit meet!"
"Ha? Nanalo ka?!"
May binigay siya sa aking certificate at tama nga! Nanalo siya! Binigay naman niya sa akin 'yung certificate ko at nag-thank you.
"Oo! Kaso hindi mo ako pinanood," lumungkot ang boses niya kaya nagsorry ako.
"Uy hala, sorry, may pinuntahan lang."
"De joke lang." Tumawa siya at nagsalita ulit, "Ay nga pala, nagkita kayo ni Lucas? Hinahanap ka sa akin e."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin siya sa may tuhod ko.
"Ay, nagkita nga. Sinabi ko kasing puro sugat ka e, hehe."
"Ha? Hindi naman-ay oo tama, nagkita kami. Diyan ka na ha, congrats! See you around nalang!"
Napilitan akong magsinungaling dahil baka magtaka siya kung sinong nag-gamot sa sugat ko. Teka! Hindi kaya nakita niya kami ni Aaron kanina?
Eh ano naman kung nakita niya kami? Wala namang malisya 'yon. Friends lang din naman kami ni Aaron. Tama! Friends lang.
Pumunta muna ako sa C.R para umihi kasi ihing ihi na 'ko. May nadatnan pa akong doon na mga babae at hindi ko nalang sila pinansin. Para naman akong nakiliti ng maka-ihi na ako at lumabas na.
"Hatid na kita."
"AY HATID NA KITA!"
Napatalon ako sa gulat dahil bigla nalang sumulpot si Lucas sa harap ko! Tiningnan niya lang ako sandali at naglakad na paalis.
"Uy sandali!" Hindi niya ako pinansin at lakad takbo ang ginawa ko.
Nakarating na kami ng parking at ako naman ay hingal na hingal at sinenyasan niya 'ko na sumakay na sa sasakyan niya. Sinunod ko naman siya at nilagay ang gamit ko sa may hita ko. Napatingin naman siya sa sugat ko kaya tinakpan ko 'yon gamit ang kamay ko.
"Okay na ba 'yan?" tanong niya at parang ang sungit niya ngayon!
"O-oo."
"Yeah, may naggamot kasi kaya gumaling," bulong niya ngunit narinig ko pa rin.
"Huh?" Tumingin siya sa akin at may binigay na plastic.
"Oh."
Tiningnan ko ang laman nun at nakita ko ang betadine, bulak, alcohol, bandage at band aid. Tiningnan ko siya nang may nagtatakang tingin.
"Para sa'n 'to?"
"Sa sakit ng tiyan ata," pilosopong sagot niya kaya sumimangot ako.
"Eh-"
"Gagamutin ko sana kanina, kaso may nauna na..." mapait na sagot niya at nag-iwas ng tingin habang umiiling.
"Congrats nga pala."
Iniba ko na ang usapan dahil naiilang na ako. Tiningnan niya ako at kumunot ang noo niya.
"Para sa'n?"
"Sa sakit ng tiyan ata," balik na sagot ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin.
"So, you mean nando'n ka kanina?"
Hinuhuli niya ba ako? O naninigurado lang siya?
"O-oo, saya niyo nga e. Sana all nagyakapan," bulong ko at bigla nalang siyang humalakhak na kinainis ko. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay at nag-cross arm sa harap niya.
"Someone is jealous," ngiting ngiti na sabi niya na akala mo ay nanalo sa lotto dahil wagas kung makangiti!
"Huh? Sino? Kawawa naman." Tumawa siya umiling.
"Tayo atang dalawa."
"Anong tayo? Baka ikaw lang!"
"Really? Bakit umalis ka noong nakita-"
"Ah oo na! Nagseselos na! Letche naman oh, 'wag mo nang banggitin 'yon! Naiirita ako!"
Nahiya naman ako bigla dahil napatingin sa akin 'yung driver niya! Tinawanan nila akong dalawa at sumimangot naman ako.
"Kuya, kunwari wala po kayong narinig," nahihiyang sabi ko sa driver niya at nag-iwas ng tingin.
"I was also jealous kanina, I know that gusto ka ni Aaron..."
"Huh? Hindi ah! Friends lang kami!"
"Ang manhid mo naman," sabi niya at umiling.
"I hope you don't like him," dagdag na sabi niya at tumawa naman ako ng bahagya.
"Jusko! Friends lang kami ni Aaron. Eh kayo ba ni Kim?" Humina 'yung boses ko nung tinanong ko 'yon. Ngayon siya naman ang tumawa.
"Si Kim? Friends lang din."
Pero nagyayakapan...
Tumango ako at hindi na umangal pa. Hindi ko na rin dinugtong 'yung nasa isip ko dahil si Christian nga niyayakap ako. Baka lamig lang 'tong nararamdaman ko o kaya kabag, kailangan ko atang uminom ng Lola Remedios mamaya.
"I'll wait for you and I'm not going to get tired of waiting for you, don't worry." Biglaang sabi niya at parang kinilig naman 'yung driver niya kaya napatawa ako.
Mas kinilig pa ata 'yung driver niya kesa sa akin mga teh!
"Huh? Bakit naman?"
"Because that's what happens when people are fall in love." Ngumiti siya sa akin at nilagay niya sa likod ng tenga ko ang natitira kong buhok na humaharang sa mukha ko. "They wait."
Gaya ng driver niya, kinilig naman ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Sana, sana makapag-antay ka. Sana tuparin mo lahat ng sinasabi mo dahil ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko na may isang taong nangako sa akin.
It's sounds selfish but...
I hope you never get tired of waiting for me, and that you are unable to find someone else to replace me...
Lucas, I think, I like you.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (55)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
yes
14/10/2024
0maganda cbbh I have a good time with the following ad to run the numbers and email it to the world to see you soon and we will be in the morning of the day and night and I will have a great weekend and we are looking for the world and that the world and the world and the other day and I am writing to you and your team and we are going well with you and your company to work on the world 🌎 to be able and willing to do it for the use of the day of the year and I am a bit to get the latest news miy
04/10/2024
0haha
22/09/2024
0Tingnan Lahat