TSL 37

Maingat ang ginawa kong pagkilos nang umalis ako sa kanyang tabi baka kasi magising ko siya. Alas singko na ng umaga siguradong gising na si Nanay.
Dumiretso ako sa common bathroom para maghilamos. May trabaho siya ngayon at kailangan kong ihanda ang isusuot niya para sa trabaho mamaya.
"Magandang umaga po,nay." Bungad ko sa kanya nang maabutan ko siyang nagsasalin ng kape sa kanyang tasa.
"Masarap?" Nakangisi niyang tanong na ikinalaki ng aking mga mata. Si Nanay!
"Nay naman." Pamamaktol ko sa kanya sabay nguso. Naku ang aga aga! Napahalakhak siya dahil sa aking naging reaksyon.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong. "Hindi ba masarap ang tulog mo?"Taas kilay niyang tanong na may naglalarong ngiti sa kanyang labi. Natahimik ako dahil sa kanyang sinabi. Shutaa ako lang ba ang nag iisip ng kakaiba.
Yumuko ako at umiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag init ng aking mukha shutaa kakahiya!" Ako na lang ang magluluto ng ulam nay."Nakangiti kong pagpresenta sa kanya para maiba ang usapan.
"Halatang may iniiwasan." Pagpaparinig niya at ibinigay sakin ang isang tasa ng kape. Hinayaan ko na lamang siya pero ramdam ko ang  mapanuring titig niya sakin abaa si Nanay naman sobrang higpit kong makasuri sakin ah.
Kanina pa nakaalis si sir para pumasok sa trabaho pero heto kanina pa hindi mapakali.Nang magkasalubong kami kanina ay hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Parang ako lang talaga ang apektado lalo't na para sa kanya ay parang wala lang may nangyari kagabi. Dapat nga bang sanayin ko na ang sarili ko na wala talaga akong mapapala? Aminado akong may kasalanan rin,dahil sa nararamdaman ko para sa kanya ay may parteng ginusto ko rin dahil sa pagbabakasakaling masuklian ang nararamdaman ko.
Kanina pa ako parang kinakabahan na parang hindi ko rin maintindihan. Parang may kakaiba talaga akong nararamdaman pero hindi ko lang matukoy kong anong emosyon ang nangingibabaw. Humugot ako ng malalim na paghinga at tinungo ang kusina para uminom ng tubig. Hindi ko pa tuluyang nainom ay bigla ko na lang nabitawan ang hawak kong baso. Mabilis kong kinuha ang walis para iligpit.
"Yhanie?" Si Nanay panigurado narinig niya 'yon dahil sa ingay na dulot ng nabasag na baso. Kaagad ko siyang nilingon at napangiwi ako sa sakit nang aksidente kong nahawi ang nabasag na bagay. Dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ay naiiyak na lang ako. Hindi ko alam kong ano ang nangyari sa'kin. Hindi ko alam kong naiiyak ako dahil sa natamong sugat o baka may iba pang dahilan.
Mabilis na tumabi sakin si Nanay at hindi mawawala ang pag aalala sa kanyang mukha. "Ano ba kasi ang nangyari huh? Anong nangyari sayo?"Malumanay niyang tanong at inalalayan ako patayo. Hindi ko rin alam kong bakit. Naguguluhan din ako.
"Hindi ko po alam nay. Hindi ko alam kong bakit." Umiiyak kong sumbong sa kanya habang umiiling.
"May problema ba Yhanie?" Nag alaala niyang tanong at sinuklay suklay ang aking buhok gamit ang kanyang kamay. Umiling lang ako. Ano nga ba ang problema ko?
Dinala niya ako sa aming silid at pinaupo sa katapat na sofa. Ginamot niya ang aking sugat bago lumabas para iligpit ang nabasag ko kanina.
"Pahinga ka muna baka pagod ka lang." Malumanay niyang sabi at ibinalik ang mga gamit sa loob ng medicine kit. Maliit lang naman ang sugat pero bakit ang sakit? Hindi ko tuloy alam kong para sa ano ang sakit na nararamdaman ko. Siguro nga pagod lang ako? Masyado na kasi akong nag-ooverthink ng kong ano ano.
Gusto kong matulog pero hindi rin ako makatulog. Lumapit ako sa bintana at bumuga ng malakas na hangin. Sa ilang minuto kong pagtambay doon ay wala akong ibang ginawa kundi bumuga ng malakas na hangin.
Marami ang pumapasok sa aking isipan hanggang sa napatigil na lang ako bigla nang biglang sumagi sa isip ko si tatay. Parang lahat ng nasa isip ko ay nawala nang maalala ko si tatay parang siya 'yong iniisip ko pero hindi ko lang matukoy kanina.
"Kailan kita makikita Tay? Sobrang miss na kita." Umiiyak kong sumbong sa hangin habang marahas na pinapahiran ang walang pigil na pagtulo ng aking mga luha. Kaya siguro ako nagkakaganito dahil may na-miss lang ako na tao. Sobrang namiss ko na sila lalo na si tatay.
"Gusto kong makita si tatay, Nay. Maawa ka nay please,kahit boses niya na lang marinig ko." Umiiyak kong sumbong pa rin kay Nanay. I badly needed to see him. I'm so desperate to hear even only his warm voice.
Kasama si Nanay ay tinungo namin ang silid ni sir para hanapin ang cellphone ko. Sana lang nandito,kong hindi ko man makita si tatay ayos lang sakin kahit boses niya na lang ay marinig ko. Ngayon lang 'to nangyari sakin parang may kakaiba talaga. Bahala na kong malaman man ito ni sir Liam basta ang alam ko lang ay gusto kong makita si tatay ko.
Kahit ang telepono dito sa mansion ay hindi ko magamit kusa kasing pinaputol ni sir ang linya. Ayos lang naman na kunin niya yong cellphone ko pero di ko akalaing pati 'yong telepono ay ipagbawal niya rin.
Si Nanay hindi naman gumagamit ng cellphone ang kay kuya Carding naman ay nasira nang minsang malaglag ng nalasing sila ni sir. Napakamalas ba naman!
Oo alam kong hindi tama ang ginagawa namin ni Nanay mas lalo ko na bang ikinasasama dahil pati siya nadamay na dahil sa kagustuhan kong makausap ang tatay ko? Wala naman kaming balak na magnakaw o pakialaman ang mga gamit ni sir ang cellphone ko lang ang tanging hinahanap namin.
May mga drawers na naka-locked at wala kaming magagawa tungkol dyan ang tanging hawak lang ni nanay na mga susi ay lahat ng silid at parte ng mansion at ang nag iisang susi para sa silid na ito.
"Ikaw na bahala ang tumingin sa closet,si Carding na ang bahalang magbantay sa labas." Tinungo ko ang kanyang closet salamat talaga at kakampi ko sina Nanay at kuya hindi ko talaga alam ang gagawin kong wala silang dalawa.
Maingat kong sinuri ang laman ng kanyang closet isa pa ako naman ang laging nag aayos ng kanyang mga damit. May maliit na drawer sa ilalim sinubukan kong buksan at shutaa hindi naka locked. May isang box na kulay purple at may nakalagay na laso pa sa ibabaw nito. Sa kanya din kaya 'to o sa girlfriend niya?
Maingat kong binuksan ang kahon at sa loob nito ay nahati sa dalawang bahagi. May isang box na hindi naman kalakihan ang sa unang bahagi sandali ko itong hinawakan at hindi naman masyadong mabigat ang laman. Napaawang ang aking labi ng makitang isang relo na kulay purple at black ang sa gilid. Katulad ng relong gusto kong bilhin noon pero ang tanging nagawa ko ay i-save sa aking cellphone ang larawan dahil wala pa akong pera. Ang ganda talaga! Sa ilalim ng box ay may isang note na nakalagay.
To: Venice Trixy Mallari.
Mabilis kong ibinalik ang relo sa kahon potspaa para talaga 'yon sa girlfriend niya. Sa susunod makabili din ako n'yan.
Nawala ang pag aasam kong para sakin ang bagay na 'yon ng binuksan ko ang pangalawang bahagi ng kahon at doon nakita ang hinahanap ko. Mabilis kong binalik lahat ng gamit at tumakbo kay Nanay. Napansin niya ang aking pagtakbo at itinaas ko aking kamay na may hawak na cellphone.
"Nahanap ko na Nay." Nakangiti kong saad sa at kaagad na nilisan ang silid ni sir. Mabilis kong tinawagan si tatay. Nakailang tawag na ako pero walang may sumasagot sinubukan ko rin siyang i-text pero lumipas ang mahabang minuto na paghihintay ay wala akong natanggap na text mula sa kanya.
Sunod kong binasa ang mensahe na galing kay Azilly. Shuta binaha ang inbox ko dahil sa mga mensahe niya. Inisa-isa kong binasa hanggang bigla na lang nanlamig ang aking mga kamay dahilan para mabitawan ko ang hawak na cellphone. Para akong binuhasan ng malamig na tubig na para ding binagsakan ako ng langit at lupa.
"Yhanie?" Si Nanay. Hindi ako nakasagot sa halip ay bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit at doon ibinuhos ang lahat ng sakit at pighati na nararamdaman ko.
"Si tatay ko!" Nagpapadyak ako sa iyak habang mas lalo ng hinigpitan ang yakap sa kanya. Ayokong tanggapin! Hindi totoo ang lahat!
Sunod-sunod ang tanong ni Nanay sa'kin pero hindi ko kayang sagutin dahil hindi naman totoo ang lahat. Kasinungalingan lang ang lahat! Dinampot niya ang nahulog kong cellphone at nang tumingin siya sa'kin ay parang nagdadalamahati rin siya.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan Nay. Hindi 'yan totoo. Pati ba ikaw maniwala dyan?" Paos kong sambit sa kanya at sa huli'y pumiyok pa dahil sa nagbabadyang pag iiyak.
"Yhanie" paos niyang sambit at niyakap ako ng mahigpit mas lalo akong naiyak dahil sa kanyang ginawa.
Mabilis kong tinawagan si Azilly gusto kong sabihin sa kanya na bawiin niya 'yong sinabi niya bahala na kong magtatampo siya sa'kin.
"Bakit mo 'yon sinabi? Diba hindi naman 'yon totoo?" Umiiyak kong saad sa kanya. Hindi siya sumagot sa halip ay tanging paghikbi niya lang ang naririnig ko.
"Sabi mo ayaw mong makita na nasasaktan ako eh bakit mo sinabi 'yon? Alam ko na alam mong masasaktan ako." Sumbong ko sa kanya napaupo na ako sa sahig dahil sa pag iyak.
"Mais makinig ka,please. Ayokong masaktan ka pero mas lalo kang masaktan kong hindi mo malalaman." Pagpapaintindi niya na ikinailing ko. Tanging pag iyak lang ang sagot ko sa kanya.
"Huwag mong sabihin,please—
" Pero mais hindi ako nagbibiro at mga bagay na ganyan hindi dapat gawin na isang biro lang. Naiintindihan kita at alam mo kong kailan ako nagsisinungaling at wala." Umiiyak niyang sambit na mas lalong nagpabigat sa aking nararamdaman. Gusto kong makumpirma. Gusto kong makita si tatay kong totoo nga!
" He's gone. Kanina lang umaga siya natagpuang wala ng buhay."Malungkot niyang sabi na ikinailing ko kahit na hindi niya 'yon makikita. Ang pag iyak ko ay nauwi sa matinding paghagulhol. Ramdam ko ang kamay ni Nanay na humahaplos sa aking likuran.
Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. "Ang daya niya Nay hindi pa nga kami nagkita eh iniwan niya na naman ako." Parang bata kong  sumbong kay Nanay. Hinayaan niya lang ako na umiyak ng umiyak. Walang patid sa pagtulo ang aking mga luha na parang maging ang mga ito ay hindi tanggap ang nangyari kay tatay na parang alam ng mga ito na kahit gaano karami ang pumapatak na galing sa aking mga mata ay hindi maipahayag kong gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.
Kahit anong gawing pagpapagaan ni Nanay,ni kuya Carding at maging si Azilly kanina sa aking loob ay hindi ko magawang makinig. Hindi naman sa hindi ko binigyang halaga ang mga iyon sadyang mahirap lang talaga tanggapin. Alam ko na kapag sinabi kong ayos lang ako ay niloloko ko lang sila at maging ang aking sarili.
Wala akong ganang kumilos ni kahit kumain nga ay hindi ko kayang gawin. Parang lahat ng parte ng aking katawan ay nawalan na ng lakas. Ang tanging pag asa ko lang sa ngayon ay hintayin si Sir Liam. Kahit sa huling panahon at pagkakataon ay masilayan ko man lang ang tatay ko.
Hindi ko nagawa ang gawaing kadalasan kong ginagawa dito sa mansion sabi ni Nanay siya nga lang daw ang bahala. Nahiya tuloy ako kay Nanay dahil hindi ko man lang siya kanina pinansin. Parang tamad akong kausapin sila. Gusto kong makita ang tatay ko 'yan lang ang gusto kong mangyari sa ngayon. Alam kong mali pero sana maintindihan nila. Parang ako na lang lagi ang iniintindi nila samantalang sila ay parang binalewala ko lang.
I valued their concerns and presence it just like I felt so numb and lost that I failed to absorbed everything.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    Anamae Duma

    it's so Imotional but nice

    20/03

      0
  • avatar
    Gela Bangcong

    Ang ganda ng story 😍

    14/01/2025

      0
  • avatar
    Rhiannah Mae C. Mondido

    thank youu po

    26/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata