TSL 47

"You look excited." Puna ni Audrey habang sabay kaming naglalakad pababa para sabay na kumain ng almusal. Tipid ko siyang nginitian bago tumango. Hindi ko rin alam kong bakit ganito ako ka excited parang kahapon ay sobrang emosyonal ko pa.
" Excited naman talaga ako,pero,sa totoo ay kinakabahan din ako." Pag-amin ko sa totoo kong nararamdaman,'yon naman talaga ang totoo at hindi nakatutulong ang pagtago ng totoong nararamdaman. Kaya pala umamin ako sa kay sir Liam noon? Kinagat ko ang aking labi nang namalayan ko ang aking iniisip. Gusto kong kutusan ang aking sarili pero baka mahalata ni Audrey. Ang maisip ba siya ay isa ring pagtataksil? Haysts.
" I believed in you, besides I'm always here. One call away." Pagpapagaan niya ng aking loob na kinagaan ng aking nararamdaman. Kabado ako lalo't na ay bago sa'kin 'to. Sinong mag-aakala na ang bagay na akala ko noon ay imposible kong marating ay makamit ko na? Na ang dating akala kong hanggang pangarap lang ay magkatotoo? At may isa pang dahilan kong bakit ako kinakabahan pero hindi ko lang matukoy.
Pagkatapos kumain ng almusal ay kaagad namin tinungo ang sasakyan para makaalis na. Umupo ako sa shot gun seat at hindi ko na hinintay na si Audrey pa ang magsusuot sa'kin ng seatbelt. "Kaya ko na. Malaki na ako." Nakangiti kong sabi sa kanya nang bumaling siya sa aking direksyon. Mahina siyang natawa dahil sa aking sinabi. Tiningnan niya kong maayos kong ikinabit ang seatbelt bago niya pinaandar ang sasakyan.
" Pwede ka pang matulog medyo may kalayuan ang pupuntahan natin." Mahinahon niyang sabi habang ang isang kamay ay pumipindot sa stereo. Sa halip na sundin ang kanyang sinabi ay inaliw ko ang aking sarili sa pagtingin sa labas ng bintana ng kanyang itim na SUV habang nakikinig sa tugtog ng musika. Time really flies,in a span of time there's so many unexpected things that happened. Sa sobrang dami ng pangyayari ay parang nahihirapan pa akong i-digest ang lahat. Ipinikit ko ang aking mga mata nang kong ano-ano na naman ang aking iniisip. Ayokong makita ni Audrey na nagkakaganito lalo't na may dinadala rin siya na hindi ko alam kong ano.
Buong byahe ay ginusto kong hindi matulog para makita ko ang kabuuan ng daan lalo't na hindi pa ako nakapunta sa lugar na 'to. Sandali kaming huminto sa isang convenient store dahil bumili si Audrey ng makakakain at inumin. Parang familiar sa'kin ang landmark malapit sa convenient store. Parke ang harap ng convenient store at sa gitna ay may nakatayong istatwa na katabi ang dalawang leon. Sigurado akong hindi pa ako nakapunta o nakadaan man lang sa lugar na 'to pero bakit sobrang familiar sa'kin? Saan ko nga ba ito nakita?
"Gusto mong lapitan? Kong gusto mo ay may oras pa naman." Bungad ni Audrey nang naabutan niya akong nakatingin sa istatwa sa gitna ng parke. Tipid ko siyang nginitian bago umiling. Gusto ko rin pero tamad akong bumababa. Sadyang nagtataka lang talaga ako kong saan ko nakita ang ganitong lugar dati. Ilang beses pa akong tinanong ni Audrey pero umiling lang ako. Nang mahusto ay pinausad niya na ang sasakyan at habang dahan-dahan kaming umalis sa lugar na 'yon ay siya ring unti-unting pagbalik ng aking alaala kong saan ko nakita ang lugar na 'yon.
" Dahan-dahan sa paglilinis baka mabasag mo 'yan at lalabas ang dalawang lion." Kunot-noo kong nilingon ang direksyon na pinanggalingan ng boses. Prenteng nakaupo sa sofa si Sir Liam malapit sa kanyang working table dito sa loob ng kanyang silid. Maingat kong inabot ang frame na nakapatong sa lamesita. Larawan 'yon ni Sir Liam na nakangiti sa harap ng isang istatwa sa gitna ng dalawang leon. Batay sa larawan ay parang parke ito.
Nakaalis na ang sasakyan at may kalayuan na kami sa lugar na 'yon pero automatic na gumalaw ang aking ulo para lingonin ito. Posible kaya 'yon din ang lugar na nasa silid ni sir Liam? Patago kong pinitik ang aking noo nang mapagtanto ko ulit ang aking ginagawa. So ano naman kong ang lugar na 'yon ay iisa nga katulad ng larawan na nasa silid dati ni sir Liam? Hindi ko maintindihan kong bakit ako nagkakaganito.
Mula sa pagkakapikit ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman kong may malambing na humahaplos sa aking mukha." Sorry for cutting your sleep of but we're already here." Malambing niyang sambit at iminuwestra ang kamay sa harap ng gusali. Inayos ko ang medyo nagulo kong buhok at nagusot na dress. Nakatulog pala ako sa byahe at hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami.
"Is it?" Tanong ko sa kanya sabay turo sa gusaling nasa harap namin. Tipid siyang ngumiti at tumango. Pinagmasdan ko ang buog paligid at hindi pa nga ako nakapunta rito. ZLM COMPANY—'basa ko sa nakasulat sa ilalim ng logo. Kahit pangalan ng kompanya ay hindi man lang familiar sa'kin pero sabi ni Audrey ay isa ito sa mga malalakas na kompanya sa bansa at magiging sa amin na ito. Kilala ang kompanyang ito at mas lalo na akong kinakabahan dahil sa akin ibinigay ni Audrey ang responsibilidad.
Binati kami ng security at ng mga taong nakasalubong namin. Panay din ang ngiti at pagbati ko sa kanila. Mukhang mababait naman ang tao rito at sana nga ay magkakasundo kami. Kay Audrey na ang kompanyang ito pero pinag-usapan na namin na hindi namin papalitan ang mga empleyado.
"This way ma'am and sir." Pagbati sa'min ng babae na kalaunang sekretarya ng dating may-ari ng kompanyang ito. Sabay kaming naglakad ni Audrey papasok sa hallway. Working hours ngayon kaya kaunti lang ang mga taong nakasalubong namin dito sa itaas.
" Maybe this week I will put the meeting on schedule. Are you ready?" Nakangiti niyang tanong dahilan para bumils na naman ang tibok ng aking puso. Alam kong kabado ako para sa responsibilidad na mapunta sa'kin pero may isa pang dahilan na nagpapakaba sa akin at hindi ko lang matukoy kong ano talaga." Sobrang busy pa ng former owner at naiintindihan ko naman siguro hindi pa siya handa?" Dugtong niya at biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.
" Siguro nahihirapan talaga siya lalo't na kompanya niya ito." Mahinahon kong sagot sa kanya na sinang-ayunan niya ng pagtango. Sino kaya siya? Ano kaya ang nangyari at napunta kay Audrey ang kompanya niya? Hindi ko na tinanong si Audrey kong sino siya dahil sabi niya magkikita naman kami sa darating na meeting. Surprise yarn?
Magkasama naming tinungo ang opisina ng kalaunang may-ari. Pagbukas ng pinto ay tumambad sa'min ang malaki at malawak na silid. Napaka-manly ng dating ng silid at kahit saan ako tumingin ay wala lang man akong nakitang nagkalat na mga papel. Baka inaayos na ang mga ito lalo't na mapunta na sa iba ang kanyang kompanya. Parang familiar ang interior at kulay ng silid na ito. Nakita ko na 'to dati sa silid ni Sir Liam. Palihim kong kinurot ang aking sarili dahil sa naisip. Hindi lang naman siya ang mahilig sa kulay na ito diba? Pinaniniwalaan ko talaga 'yon.
Umupo ako sa bakanteng sofa na nakaharap malapit sa bintana. Napakaganda ng paligid mula dito sa ibabaw at napakagaan sa pakiramdam ang malamig na simoy ng hangin. Nakatalikod ako sa gawi ni Audrey habang may kausap siya sa telepono. Hindi ko narinig ang kanilang pinag-uusapan dahil mahina ang kanyang boses pero dinig ko ang tigas at pagpigil niya sa kanyang boses. "Her?" Tanong niya sa kausap at nang lumingon ako sa kanyang direksyon ay nakatingin na rin siya sa aking gawi. Ang galit na nakasulat sa kanyang mukha ay napalitan ng ngiti nang makita niya akong nakatingin sa kanya. Kaagad niyang ibinaba ang telepono at lumapit sa aking direksyon." Let's eat first before going home." Nakangiti niyang sambit at inilahad ang kanyang kamay hindi naman akong nag-alinlangan pa na abutin 'yon.
Tahimik kaming bumaba habang magkahawak ang kamay pero ramdam ko ang madalas niyang pag-sulyap sa akin. Marami na akong nakitang empleyado dahil lunch break na. Agaw atensyon ang aming dating sa iba dahil siguro ay ilan lamang nakakita sa aming pagdating kanina at mas lalong agaw atensyon ang dating ni Audrey. May mga babaeng empleyado na palihim na kumakaway sa kanya pero ang atensyon niya ay nasa akin dahil kanina niya pa pala ako tinatanong kong ano ang kakainin ko. Nginitian ko siya bago sinabi ang gusto kong kainin. "Wait for me here." Sambit niya bago tumayo at sinagot ang tawag sa kanyang cellphone.
Pinagmasdan ko ang mga taong nakapaligid at lahat sila ay nakatingin sa papalayong bulto ni Audrey. Ayoko man sanang makinig sa mga usap-usapan nila pero hindi maiwasan dahil malapit lang sila sa puwesto namin. Iba't ibang usapan ang aking narinig sa huli ay kinuha ko na lamang ang aking cellphone para maglaro. Tiningnan ko ang direksyon ni Audrey at nakaharap siya sa'kin habang nagpapalitan ng salita sa kausap. Gamit ang isang kamay ay kumaway ako sa kanya na nginitian niya. Naputol ang aking tingin sa kanya nang marinig ko ang sinabi ng isang empleyado sa bandang likuran. Gusto kong magtanong pero nahihiya,kinakabahan at natatakot ako sa aking malaman. Nilingon ko muli si Audrey at papalapit na siya sa aming puwesto. Binalingan ko ang babaeng empleyado sa aking likuran pero nakatayo na sila at papaalis na.
"So Sir Zach Moreno won't no longer be our CEO?"
Parang sirang plaka na pabalik-balik sa aking isipan ang sinabi ng babae. Moreno? Zach? Zach Liam Moreno? Siya nga ba ang nagmamay-ari ng kompanyang ito?

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    Anamae Duma

    it's so Imotional but nice

    20/03

      0
  • avatar
    Gela Bangcong

    Ang ganda ng story 😍

    14/01/2025

      0
  • avatar
    Rhiannah Mae C. Mondido

    thank youu po

    26/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata