TSL 12

Umiling siya bago ako tinalikuran. Hindi pa man siya nakalayo ay narinig kong nagsalita siya muli.
"Nope. I just want you...only you."
Bago pa man ako makapag react ay nakita kong nakasakay na siya sa kanyang sasakyan. 
"Nope. I just want you...only you." Pag uulit ko pa sa aking sarili. Oh assume na naman selp. May double meaning kaya 'yong sinabi niya? Char.
Malamang wala! Kaya bago ko pa man paasahin ang aking sarili ay agad ko nang pinutol ang pag ooverthink.
Let's say na ako lang ang gusto niya–gusto niyang maging pambayad sa utang! Pero gago wala ba talagang double meaning 'yon?
Mabibigat na hakbang ang aking ginawa pabalik sa loob ng bahay. Naabutan kong nakaupo parin si tatay sa sofa. Iniisip ko pa lang na payag siyang ipambayad ako ay nasasaktan na ako.
"Ano pong gagawin natin ngayon tay?" Umupo ako sa kaharap niyang sofa. Pilit kong hinuhuli ang kanyang paningin pero umiiwas lamang siya.
"Wala na tayong choice." Tinapunan niya ako saglit ng tingin bago umiwas ulit. So wala na talaga? Hindi lang man siya gagawa ng paraan para makabayad?
"Anong ibig mong sabihin tay?" Malungkot kong tanong sa kanya. Kumurap kurap ako para hindi tuluyang tumulo ang aking mga luha.
Tinaasan niya ako kilay bago bumuga ng malakas na hangin."Kung maghahanap pa tayo ng pera ay wala na tayong oras at hindi natin mahanap ang ganyang kalaking halaga." Madiin niyang sabi sakin. Malungkot ko siyang tiningnan. "Para hindi na tayo magaaksaya ng oras....ikaw nalang ang gawin kong pambayad."
Ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng bumuhos. Nag uulap na ang aking paningin dahil sa pag iyak.
Ang sakit. Sobrang sakit. Kaya niyang gawin ito sakin? Kung tutuusin ay wala akong kinalaman dito eh sadyang nadamay lang ako dahil anak niya ako.
"Papayag ka tay?" Piyok kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kong ano ang nangunguna sa nararamdaman ko ngayon its either galit ,lungkot o sakit.
"And why not? Bakit pa ako magpapakahirap kong nasa harapan ko naman ang solusyon?" Mapanuya niyang sagot sakin. Anak niya ba talaga ako? Bakit parang ang dali lang sa kanya na ipamigay ako?
Kung makapag desisyon siya ay parang aso lang ako na kaya niyang ipamigay.
"Bakit parang ang dali lang sa inyo na ipamigay ako tay? Anak mo ako..." Mas lalo akong naiyak nang marinig ang sarili kong hikbi. Umiyak na ako ng tuluyan sa kanyang harapan baka sakaling maawa siya sakin at magbago ang kanyang desisyon.
"At anong gusto mo,makulong ako? Or worst ay ipapatay niya ako." Galit niyang asik sakin. Sarili niya lang ang kanyang iniisip eh hindi niya ako tinanong kung papayag ako o hindi. Hindi niya man lang naisip na nasasaktan rin ako.
Ang aking paghikbi ay nauwi sa hagulhol. Wala na akong pake basta gusto kong malaman niya na nasasaktan ako.
"Ga- gaano ba kalaki ang nagawa kong... kasalanan sayo tay?" Hindi ko na masyadong nasambit ang mga salita dahil sa aking pag iyak pero nagawa ko paring sumbatan siya.
"You want my forgiveness ,right? Gusto mong patawarin na kita diba? So be it. If you want me to forgive you then stick to the plan." Madiin niyang pagpapaintindi sakin. Gaano nga ba kalaki ang nagawa kong kasalanan para maranasan ko ang lahat ng ito? Kung alam ko lang sana na magiging ganito ang lahat,sana ako nalang ang nawala.
Alam mo kong ano ang masakit? Ang magtiis ka sa hirap at sakit sa mga kasalanang hindi mo naman nagawa.
Sana nga ako nalang ang nangutang para may rason ang sakit at hirap na nararamdaman ko ngayon.
"Ito lang ang tanging paraan para makabayad na tayo sa kanya. Ito lang ang paraan kong gusto mong patawarin na kita." Matigas niyang usal bago ako tinalikuran. Meron naman talagang paraan kung gustuhin niya lang.
Sabihin nalang natin na hindi niya talaga ako mahal,na gusto niya ng mawala ako ng tuluyan sa buhay niya.
Matagal ko ng gusto na patawarin niya ako,na magkaayos na kami. Pero gusto ko na kung maging okay na kami ni tatay ay magkasama parin kami at magsimula ng bagong buhay.
And now what? Makukuha ko na ang kapatawaran na gusto ko pero magkakalayo naman kami. Magiging walang saysay parin ang lahat.
Deserved ko nga ba ang lahat ng ito? Deserved ko rin ba ang kapatawaran na gusto ko? Dahil una sa lahat wala naman talaga akong kasalanan.
Am I that bad that I need to suffer like this? Am I that easy to let go? What did I do wrong that it is so hard for him to forgive me?
I don't know what to do anymore. I tried and gave all of my best to be the best version of myself. And now? I'm tired. I'm almost drained.Is this my purpose here on earth? To be alive just to suffer?
Nagmukmok ako sa aking silid buong maghapon. Buong hapon na wala akong ginawa kundi ang umiyak at mag isip ng kung ano ano. Mag isip kung bakit napakamalas ko. Iiyak. Matutulog. Gigising. Iiyak. Kakapagod.
Kakapagod ang paulit ulit at walang katupusang sakit. Kailan pa kaya ako lubayan ng kalungkutan? Wala na ba talaga akong lugar dito sa mundo para maging masaya?
Sumapit ang gabi na hindi ko man lang nagawang lumabas sa aking silid. Hindi na rin ako nag abalang magluto dahil wala naman akong ganang kumain.
It feels like I lost my energy for everything. I'm tired of hearing my own sobbed. So tired of seeing myself crying. And I'm so tired of comforting my own self.
Ang gusto ko lang naman ay mahalin rin ako ng sarili kong ama. At kung sakali mang mahal niya ako, ang gusto ko lang ay ipakita at iparamdam niya sakin ang pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.
Ang gusto ko lang ay magkasama kami na mamuhay para sa mga natira naming oras dito sa mundo. Ang gusto ko lang ay tuparin ang ang aking mga pangarap sa buhay na kasama siya.
Kahit walang materyal na bagay,kahit na simple lang ang pamumuhay basta kasama ko lang siya ay masaya na ako.
Gusto kong ipagtanggol niya rin ako at ipagmamalaki. Gusto kong marinig mula sa kanyang bibig na tawagin niya rin akong "anak". Gustong gusto ko.
Walang patid sa pagbuhos ng aking mga luha habang iniisip ang mga gusto ko sa buhay. Pero lahat ng gusto ko ay imposible ng mangyari.
Mawawala na ang lahat sa akin. Mawawala na rin ang aking mga pangarap. Magkakalayo na kami ni tatay at ang pagmamahal na hinahangad ko mula sa kanya ay lubusan na ring lalayo.
We will not only be apart physically, but also  the love that I need to be felt from him. The walls between us will grow bigger.
Sabog na sabog ako kinaumagahan dahil sa pag iyak at walang ayos na tulog pero pinili ko pa rin na pumasok. Kahit sa natitira kong araw ay makapag aral ako bago pa man ako titigil. Ayaw ko din sana  pero ano pa nga ba ang magagawa ko?
"Paano na 'yan? Paano na ang pag aaral mo?" Naiiyak niyang tanong sakin. Lunch break ngayon kaya magkasama na naman kami ni Azilly ngayon lang kami nagkita dito sa loob ng campus dahil late na naman siya kanina.
"Ayos lang ako." Pagpapaintindi ko sa kanya at saka ngumiti ng matamis. Shit I'm such a liar! Pilit kong pinapagaan ang atmospera sa pagitan naming dalawa. Ayaw kong magiging malungkot siya.
"Tskk at sinong gago ang maniwala?" Panghahamon niya sakin na ikinahalakhak ko. Kahit anong gawing kong pagsisinungaling ay mahahalata niya talaga.
"You know me that much huh?" Pang aasar ko pa sa kanya pero bigla niya nalang akong niyakap. Umiwas tuloy ako ng tingin dahil ayokong umiyak.
"Kilala kita no. Alam ko kong kailan ka nagsasabi ng totoo at hindi." Naiiyak niyang sumbong sakin. Niyakap ko siya at naiiyak na rin ako. Shuta ang drama!
"Salamat." Tipid kong sagot sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo na para bang nagtataka siya kung para saan 'yon. Ewan ko din basta gusto ko siyang pasalamatan sa lahat.
"Gago. Parang others !" Matigas niyang pang aasar pero umiiyak parin. Siya nalang talaga ang makakapitan ko sa lahat ng oras. Siya ang taong laging nandyan para sakin,at ngayon malapit na ang araw na magkakalayo kami.
"Mamimiss kita,Popcorn." Hindi ko na kaya at pumiyok na ako. Dahan dahan kong pinahid ang luhang kanina pang umaagos sa aking mukha. Mas lalo ko siyang niyakap ng mahigpit  nang marinig ko ang mumunti niyang paghikbi.
"Baliw may ilang araw pa para magkasama tayo. Pero kako mamimiss din kita sobra." Natatawa at naiiyak niyang sabi sakin. Tinawanan ko rin siya para hindi siya nag iisa char. I'll be always at your side through thick and thin. Through laughter's and tears. Ang drama Yhanie ,shuta!
Pareho kaming natawa nang makitang namamaga ang aming mga mata dahil sa pag iyak. Kaagad kaming umalis at pumunta sa cr para mag ayos.
"Kapag nandoon kana sa buhay ng Moreno na 'yan,lagi kang mag iingat ha." Paalala niya sakin habang nagreretouch. Tumango naman ako sa kanya at matamis na ngumiti. Inirapan na naman ako. Abaa parang kanina lang iniiyakan niya ako ah pero ngayon iniirapan niya na naman!
"Noted." Pang aasar ko sa kanya sabay kindat. Nakanguso siyang lumingon sabay ibinato ang suklay na hawak niya papunta sakin. Bago pa man ako maka ilag ay tumama na ito sa aking braso. Padabog kong pinulot ang suklay at ibinato pabalik sa kanya.
Nag aasaran pa kami habang papunta sa aming building hanggang sa nadaanan na namin ang kanyang classroom ay hindi parin kami tumigil sa pag aasaran.
Inaasar niya pa ako pero mabilis ko siyang tinalikuran. Narinig ko pa ang ilang pagtawag niya sakin na nang aasar talaga. Tahimik kong tinatahak ang hallway. Kahit na marami akong nakasabay na estudyante ay parang wala lang akong may nakita o narinig. Tanging sigaw ng kalungkutan na nagmula sa aking puso ang siyang naririnig ko.
Sasaya lang ako saglit pagkatapos ay malulungkot na naman. Kung bibilangin man ay mas malaki pa ang parte ng buhay ko na naging malungkot kesa naging masaya.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    Anamae Duma

    it's so Imotional but nice

    20/03

      0
  • avatar
    Gela Bangcong

    Ang ganda ng story 😍

    14/01/2025

      0
  • avatar
    Rhiannah Mae C. Mondido

    thank youu po

    26/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata