Last Chapter

"Congratulations Amaris and Tavris!" 
Napangiti ako nang makita ko ang pamilya ko. May dala silang dalawang bouquet na iniabot nila sa amin ni Tavris. Napapitlag pa ako nang papaputukin ni Fridge ag Hubert ang dala nilang confetti. 
"Talagang nagkalat pa kayo ah? Linisin niyo 'yan!" biro ko sa kanila. 
"Sa wakas ay graduate na kayo!" natutuwang sabi ni Ate Lise at pumapalakpak pa. Sa tabi naman niya ay si Kuya Sartin na nagcongrats din sa amin. 
Sobrang saya ko ngayong araw dahil bukod sa nakapagpatapos na kami ni Tavris ng pag-aaral, nandito ang buong pamilya ko para samahan kami sa pagcelebrate ng araw na ito. 
"Uy dali! Picture tayo!" excited na sabi ni Elie. Syempre hindi mawawala ang picture taking sa pangunguna ni Elie. 
May dala silang tripod kung saan nila inilagay ang camera. Inayos ni Elie ang posisyon namin at may remote naman siyang gamit kaya kahit walang magpicture sa amin ay ayos lang. 
"Wala nang malikot ha! Magpipicture na ako!" sabi ni Elie at natawa sa kanya si Mommy at Daddy dahil talagang sumigaw pa siya. 
"Para ka namang nakikipag-away niyan Elie" biro ni Mommy. Nagpeace-sign siya. 
"Sorry na Tita. Ganito na talaga ako hehe" napatawa na lang din ako. 
Nang magkatabi kami ni Tavris, tiningala ko siya. Parehas kaming may hawak na bouquet. Napatingin din siya sa akin at kaagad na ngumiti. 
"Ang ganda mo talaga" nakagat ko ang ibabang labi ko dahil aaminin ko, kinilig na naman ako. 
Alam kong simula nang magkita kami ngayong araw, bukang bibig niya ang salitang ang ganda ko raw. Masyado na niyang pinapataba ang puso ko. 
"Ikaw ah? Pinapakilig mo na naman ako" bulong ko sa kanya na ikinatawa niya. 
"Oh mamaya na ang daldalan. Picture muna tayo please" sabay-sabay na lang kaming natawa sa reklamo ni Elie. 
And so we did capture some photos. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses kaming nagtake ng picture. Basta pose lang kami nang pose hanggang sa magsawa si Elie sa kakapindot sa control na hawak niya. 
"Tara na at kumain!" siya namang sabi ni Fridge matapos naming magpicture. 
Nag-ayos kasi ang pamilya ko sa bahay at mayroon kaming salo-salo na kami-kami lang din. Ngayon ay magkasama kami ni Tavris dito sa likod ng sasakyan ni Kuya Sartin. Habang si Ate naman ang nasa harapan at katabi ni Kuya Sartin na aming driver. 
Dala ko ang camera dahil tinitingnan ko yung mga kuha namin kanina. Napangiti ako nang makita ko ang picture namin na mukha kaming magulo pero masaya. Mas lalo akong napangiti dahil ang lawak ng ngiti ko rito. Paano ba naman, si Tavris kasi ay biglang humalik sa pisngi ko na nakuha rin sa camera. 
"Baka mapunit na ang labi mo sa pagngiti" tiningnan ko si Tavris at ngumuso. 
"Ikaw naman ang dahilan bakit ako nakangiti. Ayaw mo 'yon?" tila ba hindi niya inaasahan ang sinabi ko dahil parang namula siya. Oh my. Kinikilig ang jowa ko. 
"Baby can I kiss you?" nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napatingin kila Ate Lise na tumatawa na sa harapan. 
"Sige na. Huwag na kayo mahiya. Don't worry Amaris, hindi kita isusumbong kila Dad" biro ni Ate dahilan para mag-init ang pisngi ko. 
"Asus. Inggit ka lang eh. Gusto mo rin ba ng kiss?" biro ni Kuya Sartin kaya naman hinampas siya ni Ate sa braso. 
"Gusto mong sipain kita palabas ng sasakyan?" tinawanan siya ni Kuya Sartin. 
"Ito naman hindi mabiro. Joke lang! Pero kiss mo ako mamaya ha?" napailing-iling na lang ako. 
Masaya ako na maayos naman ang takbo ng relasyon nila Kuya Sartin at Ate Lise. At talaga namang nakikita kong masaya ang kapatid ko. Nakakatuwa lang kasi kahit nagkahiwalay sila dati, nagkaroon pa rin ng way ang tadhana para magbalikan sila. And I guess they are really meant for each other. 
"Ako rin. Mamaya yung kiss ko ah?" naibaling ko ang atensyon ko kay Tavris. Ang lawak ng ngisi niya kaya nginisian ko rin siya. 
"Sure. Kahit ilan pa gusto mo" muntik akong mapatili nang bigla na lang akong hilain ni Tavris at inakbayan na parang yakap-yakap na niya ako. 
"Shit Amaris. You're driving me crazy" napangiti na lang ako. 
So do I Tavris. You really make me go insane 
Pagkarating namin sa bahay, nadatnan na namin doon sila Mommy at Daddy na nag-aayos ng table. Tumulong kami saglit para mabilis matapos. 
"Nasaan na ba si Hubert? Ang tagal naman nila" reklamo ni Fridge dahil for sure, kain na kain na siya. Ang sabi kasi, hintayin muna namin sila Hubert. 
"Saan pa ba? Aba syempre sinundo ang love of my life" saad ni Elie nang may kakaibang ngiti sa labi. 
Nito lang ay nalaman na namin kung sino ang babaeng nagugustohan ni Hubert. At lahat kami talaga ay nabigla nang malaman ang totoo, except na lang kay Tavris dahil matagal na pala niyang alam. 
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon. 
"Bakit ang tagal niyo!? Gutom na kami!" 
"Sorry po. Medyo may traffic kasi sa daan" paumanhin ni Lilia. 
Yes, that's right. Si Lilia ang babaeng gusto ng pinsan naming si Hubert. Hindi ko alam kung saan ba talaga nagsimula ang lahat pero masaya ako para sa kanila.
Noong una, ayaw nila kay Lilia dahil nga sa ginawa niya sa akin. Pero ako na mismo ang nagsabi sa kanila na nagkapatawaran na kami ni Lilia. Hanggang sa natanggap din nila dahil nakikita naman naming masaya si Hubert sa kanya. Sa ngayon, hindi pa nanliligaw si Hubert pero nagkakamabutihan na silang dalawa. 
Lilia's a nice girl naman.I'll just support the both of them. 
"Dahil kumpleto na rin ang lahat, umpisahan na nating kumain" ang lahat ay sumigla dahil sa sinabi ni Daddy. 
"Try mo 'tong teriyaki chicken na ginawa ni Ate. Masarap 'yan" sabi ko kay Tavris. Tumango naman siya at kumuha ng chicken. 
Pagkatapos ay nagtabk kami sa upuan. Nagsalo-salo kami at syempre, hindi mawawala ang kuwentuhan at kulitan. Mas dumoble ang saya ngayon dahil kumpleto kami. 
Hanggang sa nauwi kami sa pagka-ayaan na dito matulog sa bahay. Balak nilang mag-inom mamaya. 
"Daddy, okay lang bang sumama ako kay Tavris na kumuha ng damit niya sa bahay nila?" paalam ko kasi paalis na si Tavris. 
"Sure Amaris. Basta paalalahanan si Tavris na magdahan-dahan sa pagmamaneho ha?" nginitian ko si Dad at niyakap. 
"Yes Dad. Thank you! Love you!" 
Pagkalabas ko ng bahay, humabol ako kay Tavris na papasakay na sa motor niya. Iniwan niya kasi iyon kaninang umaga dahil gusto ng pamilya ko na sabay-sabay na lang kaming pupunta sa school at sa amin na siya sasakay. 
"Tavris! Sama ako!" napatigil siya sa pagtanggal ng stand ng motor niya nang humabol ako. 
"What? Sasama ka? Iiwan mo sila doon?" takang tanong niya. Ngumiti ako sa kanya. 
"Nagpaalam naman ako kay Daddy at pumayag naman siya. Ingat lang daw tayo. Sige na isama mo na ako. Gusto kitang masolo" natigilan na naman siya. 
"Amaris huwag kang ganyan. Baka bigla na lang kitang itakbo" sabay kaming natawa sa sinabi niya. 
Napangiti ako nang siya na naman ang magsuot ng helmet sa akin. Kahit kailan talaga, napakagentleman ni Tavris. Hanggang sa pagsakay ko sa kanyang motor, nakaalalay siya sa akin. At nang makasakay na rin siya, kumapit ako sa bewang niya. 
"Kapit kang mabuti" tumango ako. 
"Noted po" 
Nang umandar na kami ni Tavris, napangiti ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin sa aking balat. Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe, natrip-an kong tawagin siya. 
"Tavris!" mula sa side mirror, nakita ko ang pagtingin niya sa akin 
"What baby!?" medyo malakas ang boses naming dalawa dahil ang lakas din ng hangin. 
"I love you!" sigaw ko na nakapagpangiti sa kanya. 
"Kanina mo pa ako pinapakilig Amaris. I love you too!" napabungisngis na lang ako. 
Habang tumatagal, mas lalo lang akong nahuhulog kay Tavris. Ramdam ko na sobrang lalim na talaga ng nararamdaman ko sa kanya. To the point na hindi ko na nakikita ang buhay ko nang wala siya. 
Kumunot ang noo ko nang biglang ihinto ni Tavris ang kanyang motor sa tabing daan dito sa tulay na dapat ay lalampasan namin. 
"Bakit tayo huminto?" nagtatakang tanong ko habang inaalalayan niya akong makababa. 
"Let's watch the moon, stars, and city lights from here" nang matanggal ko ang aking helmet, inilibot ko ang paningin ko sa aking harapan. 
Napawow na lang ako dahil sa ganda ng tanawin ko. Mula rito sa may tulay, kitang-kita ang city lights. Mas lalo pang gumanda dahil ang daming bituin sa kalangitan at ang napakalaking buwan na nagbibigay ilaw sa kadiliman. 
Napatingin ako sa kamay ko nang kuhain iyon ni Tavris at hinalikan. 
"Congratulations to us. Finally, nakapagtapos na rin tayo" napangiti ako sa kanyang sinabi. 
"Yeah. Sa wakas ay graduate na tayo. Congrats sa atin" bati ko sa kanya pabalik. 
Sabay naming tinitigan ang napakagandang tanawin sa aming harapan. Idagdag mo pa ang malamig na hangin na humahampas sa aming katawan. Ang payapa lang ng gabing ito. 
Tiningala ko si Tavris na nakatingin sa may buwan. 
"I am sure na proud na proud sayo si Tita" dahil sa sinabi ko, napatingin siya sa akin. 
Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ang aming mga daliri. 
"Alam kong masaya siya na nakapagtapos ka ng pag-aaral sa sarili mong sikap. Kung nasaan man siya ngayon, sigurado ako na ipinagmamalaki ka niya. We're proud of you Tavris and we love you" 
Parang may humaplos sa puso ko nang makita kong nanunubig ang kanyang mata. 
"I would not make if you were not by my side. It's all thanks to you baby" nginitian ko siya. 
"Nah. You should thank yourself also for holding on. Ngayon na nasa punto na tayo ng buhay natin kung saan mas malaking responsibilidad na ang kahaharapin natin, gusto ko lang malaman mo na hindi ako takot na harapin ang mga iyon kasi alam kong nandiyan ka. Let's face together whatever awaits us in the future. Let's promise each other to keep on holding and never let go" lumapit siya sa akin at niyakap ako. 
"Kailanman ay hindi kita pakakawalan Amaris. Tandaan mo 'yan" bahagya akong napatawa. 
"Talagang huwag. Kasi ako, hinding-hindi rin kita bibitawan. Nangako ako sa sarili ko na kahit anong hirap ang dumating, pipiliin kong manatili sa tabi mo. Gagampanan ko ang ipinangako ko kay Tita dahil mahal na mahal kita. I love you so much Tavris. I really do. Thank you for loving me" naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin. 
"I should be the one thanking you for loving me back. Thank you for holding onto me, despite the fact that I did hurt you. Thank you for everything my love" kumalas siya sa yakap at tiningnan ako sa aking mata. 
Napapikit na lang ako nang halikan niya ako sa aking labi. 
"When the right time comes, marry me" nanlaki ang aking mga mata. 
"Tavris? Lasing ka ba?" natatawa kong tanong. Siya naman ay ngumisi. 
"I am serious Amaris. Gusto ko lang malaman mo na may plano akong pakasalan ka sa tamang panahon" napahawak ako sa aking labi. 
Oh ghad. My heart. 
Parang nakikipag-unahan ang aking puso sa kanyang sinabi. Alam kong hindi pa naman siya nagpopropose pero sobrang lakas ng impact 'non sa akin. 
"Wala na akong ibang nakikitang babae sa buhay ko kundi ikaw lang. Gusto kong malaman mo na seryosong-seryoso ako sayo. In the future, pakakasalan kita, bubuo tayo ng pamilya, at mamumuhay tayo ng masaya" ngayon naman, parang ako na itong maiiyak. 
"Tavris..." he flashed a sweet and genuine smile. 
"So when the right time comes and when the destiny finally allow us, marry me" wala akong pagdadalawang-isip na tumango at niyakap siya. 
"I will" 
Nang kumalas ako sa yakap, muli siyang tumingin sa akin. 
"Shall we go? Baka hinahanap na nila tayo" doon na ako napakalas sa yakap. Saka ko lang naalala na may mga tao nga palang naghihintay sa bahay namin. 
"Hala oo nga! Next time, tambay tayo ulit dito" nakangiting tumango si Tavris. 
"Sure. Anything for you" 
Naglakad kami pabalik sa kanyang motor. Bago ako makasakay, bahagya niyang hinila ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang halikan niya ang aking noo, pababa sa aking ilong, at huli sa aking labi. 
Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong kiligin. 
"Mahal na mahal kita Amaris. Sobra" I smiled at him and responded with the words that I always want to tell him. 
"Mahal na mahal din kita Tavris. Sobra" 
Just seeing my future with him, where we will get married, spend the time together, and build our own family, I can't help but to get excited. Ang sarap sigurong matulog at gumising na ang bubungad sayo ay ang lalaking mahal mo.
I can't wait to look forward to my future with him. Future with the man who stayed my by side, the man who genuinely loves me, and the man who I fell so hard with. And with this kind of love we have, I know we'll get there. 
Soon. We will get there.
 

Komento sa Aklat (62)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    9d

      0
  • avatar
    shiela marie dayson

    Hayyyyy sana all my Tavris❤️❤️❤️❤️❤️

    23/09/2024

      1
  • avatar
    Ipo Rnc

    subrang ganda nang story. kaya abang na abang talaga sa next chapter.

    19/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo