logo text

Nicolai (special chapter)

Nicolai
"Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari lahat ng ito! Wala akong magagawa kung hindi kitilin ang buhay ko! Kesa naman makasama ang walang kwentang inang katulad mo!" Tinulak nya ang babaeng nasa harapan nya upang mapalayo ito.
Hinabol sya nito nang pagapang, "Huwag, hindi ko kakayaning wala ka sa buhay ko. Pakiusap, ikaw na lang ang mayroon ako!"
"Cut!" sigaw ng direktor habang nakangiti sa dalawa. "Lubos kong inaasahan ang ganitong pag-uugaling ipapakita mo Nicolai, mabuti na lang at wala kang magulang dahil don nailalabas mo ang tunay mong nararamdaman." saad pa nito bago tuluyang lumayo.
"Sana iyon na ang huling palabas na gagawin ko, buo na ang desisyon ko Safira aalis na ako sa mundo ng kamera masyado pa sigurong maaga para imulat mo sa akin ang ganitong mundo." saad nito. "Marami pa akong pangarap una na dun ay ang makilala ang kapatid ko,"
Bumalik ng tingin ang direktor, "Aalis ka? Ilang beses kong sasabihin sayong hindi maaari!" Tumakbo ito nang mabilis sabay sakal sakanya. "Kulang pa ang mga nagawa mo marami ka pang utang na dapat pagbayaran, utang na mula sa nanay mo!" galit na galit itong umalis.
"Masyado pa akong bata para ganituhin nyo, hindi ko kayang magtrabaho ng buong araw nang walang kain, tulog at pahinga!" sigaw nya.
Lumapit naman sakanya ang kasamahan nito. "Bakit ka pa kase aalis? Napaka walang hiya mo naman,"
"Hindi ko kailangan ng komento mo," nanggigigil nitong sabi.
Di rin nag tagal ay umalis na sya sa lugar na iyon. Lumabas sya sa malaking gusali at nagsimulang maglakad kasama ang mga tagapagbantay. Hindi ito malayang nakagalaw dahil isang maling kilos nya lamang ay maaring masira ang buo nyang pagkatao. Kasalukuyan syang papunta sa isang sikat na restaurant upang makipagkita sa iilang taong lubos syang hinahangaan. Sa sobrang paghanga pa nga ng mga ito ay halos gayahin na nila ang buong pagkatao ni Nicolai.
Nang makarating sa restaurant maraming tao ang nagtilian, maghanda ng kamera at ang iba naman ay nagtatatalon sa tuwa ng makita sya. Kahit na napipilitan, ngumiti na lamang ito para sa ikabubuti ng lahat. Umupo sya sa gitnang parte ng lugar at nagpakilala.
"Hi! Ako si Sammy Nicolai Alfaro, also known as Nicolai! Natutuwa akong makita kayo!" bati nito.
Nag hiyawan naman ang lahat. Bagay na kinaiinisan ni Nicolai dahil sa antok na nararamdaman nito. Sinubukan nya ng sinenyasan ang mga tao para manahimik ngunit hindi naman nila magawa. Nanakit ang tenga nito sa sobrang ingay wala itong lubos na maintindihan sa mga nangyayari kaya napatili na lamang ito nang napaka lakas sa gitna ng maingay na paligid.
Nagtinginan ang mga tao sakanya halos hindi sila makapaniwala sa ginawa ng kanilang idolo. Napatitig din sa bawat tao si Nicolai. Wala itong magawa kundi yumuko na nalamang sa sobrang hiya.
"Gusto kong maging ikaw!" sigaw ng isang tagahanga.
Narinig ito ni Nicolai at agad na lumingon. Pinakita nya dito ang itsurang hindi pa nila nakikita sa harap ng kamera. Paulit-ulit na pumatak ang kanyang luha sa mukha. Nakita ito ni Safira kaya agad na inagaw ang mic mula kay Nicolai.
"Masaya lamang sya kase maraming tao ang nagmamahal sakanya, diba Nicolai?"
Ngunit hindi sumagot at tanging tinitigan lang siya. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa isang tagahanga bago tuluyang bulungan. "Nais mong maging ako?" mahinang tanong nito.
Hindi naman nakasagot ang babae sa sobrang kaba.
Kinuha ni Nicolai ang upuan at duon harap-harapang hinampas sa kanyang mukha ang upuan. Paulit-ulit nyang binagok ang ulo nya hanggang sa dumugo. Nagtakbuhan ang mga tao sa loob dahil sa takot. Tinakluban nila ng malaking tela si Nicolai upang hindi na makita ang mga pinagagawa nito.
Nang makaalis lahat ng tao ay tsaka nila tinanggal ang tela, pagkatanggal ay bumungad sa kanila ang nakangiting si Nicolai na parang isang baliw. Agad syang binuhat ng isang tagapagbantay at inilabas sa restaurant. Dumeretso sila sa kotse at magpaharurot ng sasakyan. Mabilis na umaagos ang dugo sa ulo nito hanggang sa mabasa ang buong damit. Nagtataka naman ang tagapagbantay dahil sa agrisibong pagtawa nito na tila nababaliw.
Naalarma ito nang bigla syang titigan nang masama ni Nicolai habang hawak-hawak ang bakal na galing sa upuan. Dulot ng matinding kaba ay nawala sa kalsada ang tingin nito kaya nagdederesto ang kanilang kotse papuntang gate ng paaralan kasabay ng pagtaob nito, mabilis na nakatalon ang dalawa kaya hindi nabagsakan ng sasakyan.
Kasabay ng pagtalon bumaon ang ulo ng lalaki sa isang gate samantalang si Nicolai ay kamay ang napuruhan. Dahan-dahang gumalaw si Nicolai mula sa pagkakabagok. Bumungad sakanya ang ulo ng lalaking hindi na gumagalaw kaya naalarma sya.
Tatlong babaeng papasok ang sa paaralan ang nakakita sakanya, mabilis syang sumigaw para marinig sya ng mga ito. Makalipas ang ilang sandali isang babaeng madungis ang lumalapit sakanya.
"Anong ginagwa mo dyan?" bungad sakanya.
Magmadali syang ituro ang kamay nya, "Ako si Nicolai maaari mo ba akong tulungan?"
Napatitig naman ito sa kamay ng babae, "Putulin na lang natin matetetano ka nan," suhestiyon nito.
Nagulat sya, "Huh? Huwag,"
"Bahala ka kung ayaw mo sige mauna na ako,"
Sumunod ang isang babae, "Huwag mo na syang tulungan Sammy, diba tuturuan mo pa ako sumayaw? Ano uunahin mo sya kesa sakin?"
"Shaira tayo na ambagal mo!" saad naman ng isa pang babae.
"Ang arte mo Alora kala mo naman ang galing mo sumayaw," bulong pa nya.
Dumeretso sila sa paglalakad at iniwan si Nicolai. Paulit-ulit na sinigaw nito ang pangalang Sammy na narinig na kanina. Napalingon sa kanya si Sammy tinitigan sya bago patuloy na naglakad.
Nang ilang saglit ang lumipas bumalik ito daladala ang matulis na lagari. Itinapat nya ito sa kamay ni Nicolai bago tuluyang hatiin. Sa gitna ng paghahati sunod-sunod na sigaw ang narinig sa buong paaralan na syang nag tawag ng mga estudyante para lumabas. Natawag din nito ang atensyon ng iba pang guro kaya agad silang pumunta sa pinangyarihan ng tunog.
Pagdating sa lugar, nakita nila ang kamay na hawak-hawak ni Sammy at putol na braso ni Nicolai. Takot na takot ito at nanginginig na nakatingin kay Sammy. Nagulat ang buong tao sa paligid. Agad silang kumuha ng telepono ay tinawagan si Safira na pumunta sa lugar bago tuluyang bigyan ng paunang lunas si Nicolai.
"Hindi kita mapapatawad Sammy! Ikaw mag dahilan kung bakit naputol ang kamay ko! Dapat kang mamatay! Hinding hindi ko nanaisin na makita kang ulit!" galit na galit ito. "Sana'y ito na ang huling araw na magkikita kita! Mamatay ka na!"
"Ginawa ko lang ang dapat!" sagot ni Sammy na tila naaaligaga.
Umiyak ito nang pilitan, "Naiinggit ka siguro sa akin! Isa ka siguro sa mga taong gusto akong pabagsakin kaya ganito ang ginawa mo sa akin! Paano ako ngayon mabubuhay nang maayos kung putol na ang isa kong braso?" Lumuha ito nang malala. "Isa ka lang namang di hamak na walang alam at palamunin! Ang yabang mo! Kayong mga estudyante, huwag nyong gagayahin ang babaeng ito dahil kung gagawin nyo yung ay walang mangyayari sa buhay nyo! Wala kayong mararating tulad ng babaeng ito!"
Napikon dito si Sammy, harap-harapan nya itong sinampal sa mukha nang dalawang beses. Hinayaan nyang masira ang emahe nya sa buong paaralan para lang mailabas ang hinanakit nya. "Matapos kitang tulungan papahiyain mo ako? Ang kapal mo!"
Narinig ni Shaira ang lahat ng matatalim na salita ni Nicolai mula sa malayo. "Wala kang utang na loob! Kung hindi pinutol ni Sammy yang kamay mo edi sana patay ka na sa tetano ngayon," bulong nya sabay padabog na umalis sa pinangyarihan.
Sari-saring pananalita ang narinig ni Sammy mula sa mga guro maging sa mag-aaral. Lahat ito ay nagagalit sakanya dahil sa krimeng ginagawa nya. Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng krimen, agad na dinakip si Sammy. Pinosasan ito at walang awang pinagsisipa. Pahagis na pinasok sa kotse at walang awang kinutyente.
Nang sumapit ang gabi duon lamang kumalma ang bawat sitwasyon. Matagumpay na, na gamot ang matinding dinanas ni Nicolai samantalang ang drayber na kasama nga ay binawian na ng buhay. Dinamdam ito ni Nicolai di nya lubos kayanin ang mga bagay na nangyari dahil sakanya. Hanggang sa tuluyang pumunta sya kay Sammy para magpasalamat sa tulong na ginawa nito sakanya at para iatras na di ang demanda laban sa kanya.
Pumasok si Nicolai sa loob ng kwartong pinagkukukulungan ni Sammy pansamantala. Nakita nya dito ang tulalang si Sammy. "Hi! Ako 'to si Nicolai,"
Tinitigan sya ni Sammy, "Umalis ka dito, Ikaw ang dahilan kung bakit makukulong ako!"
"Pagpasensyahan mo, hindi ko ginusto iyon naririto ako para ipaatras ang demanda laban sayo. Pangako gagawin ko ang lahat para hindi ka makulong." Lumuhod ito sa harap ni Sammy.
"Ang dami mong dada pare-parehas lang naman kayo!"
Umiling sya, "Hindi mabait ako, naniniwala ako na mabuti ang hangarin mo na tulungan ako. Alam kong gusto mo lang akong tulungan mabuti ka naman eh,"
"Mabuti?" tanong nya na naiiyak. "Ikaw lang ang taong nagsabi nan sa akin marahil ay kinukuha mo lamang ang loob ko para traydurin ako,"
"Oo mabuti ka! Kakausapin ko muna sila na iatras na ang demanda," matutuwang saad nito.
"Aasahan ko yan, pero kung hindi mo maiaatras ang kaso mabuting umalis ka na dahil baka hindi kita matansya!" nanggigigil nitong sabi.
Isang katok ang narinig nila mula sa labas, "Sammy?"
Boses mula kay Shaira.
Agad na tumayo si Sammy sabay sigaw, "Ikaw na lamang muna ang mag practice matatagalan pa ang paglabas ko dito!"
"Pero sabi mo,"
"Walang ng pero pero umalis ka na! Hindi kita kailangan ngayon! May kausap ako kaya umalis ka na,"
"May bayad na ang sayaw bukas kung sakaling hindi kita makakasama! Sammy naman pakiusapan mo si Primada na gawing libre ang sayaw ko bukas!"
"Mag bayad ka na lang, di ko na obligasyon ang mga bagay na problema mo o di kaya wag ka na sumali sa sayaw kase wala namang pera ang mga magulang mo,"
"Palibhasa nandyan si Nicolai, nandyan yung taong matagal mo ng gustong makita kase nagugustuhan mo ang boses nya! Hmp! Magsama kayo mabulok sana kayong dalawa!" padabog itong umalis.
Ngumiti naman mula sa narinig nyang salita si Nicolai. Napatitig ito kay Sammy at biglang lumapit. "Natutuwa ka sa boses ko? Alam kong hindi kagandahan ang boses ko pero salamat,"
"Yung pag-atras ng demanda aasahan ko pag di mo nagawa yun di na kita gugustuhing makita pa kahit kailanman hindi ko makakalimutan ang mga salitang binitawan mo kanina,"
"Pangako!" Tinaas nya ang kamay nya. "Nga pala Sammy din pala ang pangalan mo parehas tayo!"
"Alam ko," maikling sagot nya.
"Sana makilala pa kita nang lubos," dagdag pa nya.
"Sammy Alfaro, mula sa pamilyang Cruz ampon lang nila ako pero pamilya ang turing ko sakanila ewan ko lang sila. Nag aaral ako sa Dilimlim De Alfaro School, hindi ako mayaman mas lalong hindi ako matalino pinapaaral lang ako nang libre para sa sustento ni Safira. Yung babae kanina kapatid ko sya di ko alam kung buo o hindi pero buong kapatid ang turing ko sakanya para ko syang matalik na kaibigan." salaysay naman nya.
"Wow, nakakahanga ka naman isipin mo di ka matalino pero duon ka nag-aaral! Ako, matalino ako kaya naging scholar ako. Kitakits sa nalalapit na graduation!"
"Yung kaso wag mo kalimutan,"
"Bakit ba gusto mong mabilis na maurong ang kaso?" biglaang tanong nito.
Tumayo sya sabay hawak sa balikat ni Nicolai, "Marami akong pangarap kaya hindi ako papayag na mawala ako sa paaralan. Ayokong dumating sa puntong mawalan ako ng ganang mag-aral at mawalan ng pangarap!" masayang sabi ni Sammy.
Tumangu-tango si Nicolai at lumabas na ng kwarto nang may ngiti. Dali-dali itong nagpunta sa kanyang nakakataas para sabihin ang kanyang plano. "Sir, paki atras ng kaso di natin sya kailangang ipakulong,"
"Masusunod Nicolai," saad nito. "Paki atras ang kaso ngunit tuloy ang pangalawang kundisyon!" sigaw nito.
"Teka anong kundisyon?" Nagulat dito si Nicolai.
Nginitian sya nito. "Hindi na maaring mag-aral pa sa eskwelahang iyan si Sammy hanggang hindi ka nakakapagtapos ng pag-aaral,"
"Ano!?"
"Hindi ka maaring tumanggi dahil iyon ang napagkasunduan namin dahil kung hindi ka papayag ay ipapasara na lamang ang paaralan bagay na hindi naman namin kakayanin," sabi nito bago tuluyang umalis.
Natunganga nang panandalian si Nicolai. Iniisip kung paano sasabihin kay Sammy ang mga bagay na napagdesisyunan. Nalulungkot ito sa paraang sasabihin nga dahil alam nyang pangit ang magiging epekto nito sa magandang kinabukasan ni Sammy ngunit buo na ang loob nito sasabihin nito ang bagay na babago sa buhay nya.
Kumatok muna sya bago pumasok bumungad sakanya ang masayang si Sammy. Unang kita nya palang dito ay nakita na nito ang pagiging masaya nya sa balitang pag aatras ng kaso. "Sammy," bungad nya. "Naiatras na ang kaso, malaya ka na!"
Napatalon sa tuwa si Sammy halos yakapin nya hanggang sa hindi na makahinga si Nicolai sa sobrang kasiyahan. Nadidismaya sya sa bawat sandaling iyon dahil bigla-bigla nya na lamang sisirain ang masayang sandali ni Sammy.
"Hindi ka maaring mag-aral hangga't hindi ako natatapos mag-aral. Nakikita nilang panganib ka sa akin kaya bawal ka munang pumasok sa paaralan," saad nito bago tuluyang umalis ng silid.
Napanganga dito si Sammy hindi sya makapaniwala na hindi na muli syang makatungtong sa paaralang naging tahanan nya. Nanahimik ito ngunit nagwawala ang utak nya, hindi nya alam ang gagawin at tanging pagtunganga lang ang kaya nyang magawa. Hanggang sa magsimulang tumulo ang luha nya sa kanyang mata at sundan pa nang sundan ng maraming luha. Napahawak sya sa hita nya at napayuko. Tila naglaho lahat ng pangarap nya sa buhay. Ang balak na pagtulong ay naging malaking pagkakamali sa kanyang buhay ngayon.
Nablangko ang utak nya dahil sa sobrang pag-iiyak. Naghabol sya ng hininga at napatayo nang mabilis. Paulit-ulit bumabalik sa utak nya ang salitang pag-aaral. Kinuha nya ang upuan sa kanyang tabi at binalibag ito sa buong kwarto. Paulit-ulit syang nagwala. Lahat ng gamit sa buong kwartong yon ay binalibag nya mailabas lang ang nararamdamang sakit.
Dumating si Shaira sa loob at nakita ang nakahandusay na si Sammy sa sahig. Nung una'y akala niya'y ito'y natutulog ngunit ng subukan nitong lumapit ay duon nito nakita ang nakangiti ngunit umiiyak na Sammy. Nagtaka sya sa kinikilos nito siya agad nya itong pinatayo at niyakap. Tinitigan nya ito sa mata at sinubukang pakalmahin.
"Sammy tumingin ka sakin, Sammy! Anong nangyayari bakit ka ganyan?"
"Hindi ayos lang ako, umuwi na tayo," nakangiti nitong saad. "Si... Si Nicolai... Hindi na ako... Pwede... Pumasok.." Lumuhod ito sa harap ni Shaira habang bumubuhos ang luha.
Nagtaka si Shaira. "Ano?"
"Wala na lahat ng pangarap ko!" sigaw nya kay Shaira na may halong paghampas sa hita nito.
Napaiyak si Shaira, tinitigan nya ito bago tulungan tumayo. Sa bawat sandaling naririnig nya ang iyak ni Sammy ay nadadala sya sa mga ito. Naglakad sila palabas ng kwartong iyon at dumeretso sa rooftop. Duon ang lugar na naisipan ni Shaira upang pagaanin ang loob nito.
Pagkadating duon ay nakita nila na nagpapakasarap sa hangin si Nicolai. Dulot ng pagkainis agad binitawan ni Shaira si Sammy pababa ng hagdan gumulong gulong ito pababa bago tuluyang isara ang gate at agad na sinugod si Nicolai. Nang mapunta sya sa likod nito agad syang kumuha ng bato at binigla ng hampas si Nicolai mula sa likod.
Nagulat naman ito sa bagay na halos pumatay sa kanya. Agad syang tumayo at tumakbo papalayo. Hindi naman pinalampas ni Shaira ang pagkakataon at duon ay sinabunutan si Nicolai papalapit sakanya hanggang sa ibarog nya ito sa sahig. Pinatungan nya ito at muling kinuha ang bato sa sahig. Paulit-ulit nyang pinukpok ng bato si Nicolai hanggang sa dumugo ang ulo nito.
Lumaban naman ng saksak sa ulo si Nicolai gamit ang blade. Hiniwa-hiwa nya ang mukha niya Shaira upang mahirapan itong makakita. Sa oras na dumaloy nag dugo mula sa kanyang ulo ay mahihirapan na itong tumingin sa kanya.
Narinig ni Sammy ang paulit-ulit na sigaw kaya nagmadali ito sa pag-akyat muli. Winasak nya ang gate na sinarado si Shaira, paulit-ulit nya itong sinipa hanggang sa masira. Nakita nya ang agrisibong si Shaira kaya agad itong lumapit sa dalawa para pigilan mula sa madilim na nangyayari. Hinila nya ang damit ni Shaira upang ito'y tumayo. Sa sobrang higpit ng hawak dito ni Sammy ay biglang nawasak ang damit nito. Natanggal ang isang butones at tumalsik kung saang bagay na hindi nila napansin.
Nagkatitigan ang dalawa matapos matauhan. Hindi gumagalaw si Nicolai mukhang napuruhan ito ni Shaira. Tinapik nya si Nicolai sa binti, nanatiling hindi ito gumagalaw ngunit humihinga. Nagtataka si Sammy nakikita nyang may mali sa nagyayari. Nilapitan nya si Shaira at tinanong ang nangyari.
"Shaira? Anong ginawa mo?" nagtatakang tanong nito habang balot ng dugo.
"Si Alora! Bigla nya na lang akong sinugod, kaming dalawa ni Nicolai!" naiiyak na sabi nya. "Umalis na tayo dito tinawagan ko na sila mama pupunta ka sila dito,"
"Sinasabi ko na nga ba masamang tao si Nicolai, hindi ko na dapat syang hinangaan pa,"
Mula sa likod biglang tumayo si Nicolai sabay sapak ng blade sa mukha ni Sammy, binaon nya ito habang pinapagalaw ang blade taas baba. Pinahiga nya ito sa sahig at tinitigan nang masama.
"Kapatid pa naman kita akala ko ako ang kakampihan mo," bulong nito sa tenga ni Sammy.
Sinakal naman sya ni Sammy nang napaka higpit habang pinipilit na gumalaw. "Wala kang kwentang kapatid! Mapipilitan akong saktan ka!"
"Hindi mo magawa yan dahil ako lang ang kapatid mo!"
Tumawa si Sammy, "Sino ka ba para hindi ko saktan? Hindi naman kita nakasama nang matagal ah,"
Habang naghihintay ng tyempo agad na naghanap ng mabigat na bagay si Shaira para ipukpok sa ulo ni Nicolai. Nang makahanap ng bote, agad syang lumapit dito at agad na hinampas ang ulo ni Nicolai.
"Tigilan nyo sya!" sigaw ng isang babae sa gilid. "Sammy ano ba! Hindi ka pa ba nakontento na pinutol mo ang kamay nya!"
"Masamang tao si Nicolai!" Tumayo si Sammy matapos itulak si Nicolai ng buong pwersa. Hinila sya ng babaeng hindi nya naman kilala at agad na sinakal. Nahirapan kaagad ito sa paghinga dahil sa mahigpit nitong hawak sa leeg nya kaya hindi na nag dalawang isip pa si Sammy na sirain ang bistida ni Alora. Gawa lang ito sa manipis na damit at maraming butenas kaya madali nyang nasira.
Dulot ng matinding pagkasira ng damit na mula pa kay Safira. Hinili ni Alora si Sammy papalayo sakanya. Patulak nya itong hinagis sa pader dahilan para mabarog ang ulo nito nang malakas. Kasabay ng pagbagsak ni Sammy ang pagtagas ng dugo sa kanyang katawan. Napahiga sya sa sahig nang walang malay.
Nagulat si Shaira sa mga nangyayari, nang makitang patakas na sila Alora ay agad syang gumawa ng kilos para mapigilan ang mga ito. Sinipa nya pababa ng hagdan si Alora. Gumulong gulong ito pababa at napuruhan kaya mabilis na nawalan ng malay. Habang si Nicolai naman ay hinatak nya pabalik ng rooftop, sinabunutan nya ito at pinatayo sa dulong bahagi ng gusali. Pinakita nya rito kung gaano kalalim ang huhulugan ni Nicolai mula sa itaas pababa.
"Pinaalis mo si Sammy para lang makapag-aral ka nang mabuti. Pagbabayaran mo lahat ng pangarap na mawawala sakin!" Galit na galit itong tinulak si Nicolai sa rooftop. Mabilis itong mahulog mula sa panglimang palapag pababa. Malakas na kumalabog ang sahig na binagsakan ni Nicolai. Walang nakakita na kahit sino dahil malalim na ang gabi sa paaralang iyon umalis ang lahat kumpara sa kanila.
Tumawag si Shaira sa kanyang ina, hudyat na maari na silang pumuntang mula sa paaralan. Sakto namang naroroon na rin ang mga magulang nya kanina pa pala ito maghihintay ng tawag nya. Ilang sandali lang ang lumipas ay nakuha na ang katawan ni Nicolai, inilagay ito sa sako bago tuluyang ilayo sa pinangyarihan ng krimen ng mga kasamahan ng magulang ni Shaira.
Nang masigurong ayos ang lahat ay pinuntahan na nila ang kanilang anak sa itaas. Mabilis silang tumakbo sa mga hagdanan, nang makarating sa dulong bahagi ay duon nila nakita ang walang malay na si Alora. Nagtaka ang mga magulang nito siya mabilis na pumunta sa kinaroroonan ng kanilang anak. Kinamusta nila ito, tiningnan ang kalagayan at pinainom ng tubig.
"Anong nangyari?" tanong ng kaniyang ina.
"Napatay ko si Nicolai ma! Anong gagawin ko?" Naiiyak itong nakayakap sa ina.
Hinaplos naman ng kanyang magulang ang kanyang likod. "Tinawagan ko na si Primada, huwag kang mag-aalala ako na ang bahalang magpaliwanag,"
Nakampante naman dito si Shaira huminga sya nang malalim habang hinihintay ang pagdating ni Safira sa lugar.
Ilang sandali lang ay dumating na sya daladala ang mga puting tela. "Sino ang gumawa nito?" tanong nito na may malalim na boses.
"Ak-" putol na salita ni Shaira
"Si Sammy," singit ng kanyang ina.
Napatingin dito si Shaira kasama ng pag-iling.
"Napagod na ako sa batang iyan! Napaka sakit sa ulo! Ayoko na! Suko na ako ipaampon nyo na lamang yan sa iba!" reklamo naman nito kasama ang matinding pag-arte.
Lumuhod sa kanilang harapan si Safira. "Pakiusap huwag, Papaaralin ko pa rin naman sila basta bantayan ni lang si Sammy, pakiusap,"
Napangiti naman si Shaina. "Sa isang kundisyon,"
"Ano?"
"Saamin ang katawan ni Nicolai," nakakatakot na sabi nito.
Napaatras si Safira. "Teka, hindi naman patas yun!"
"Sige, ibabalik ko na lang-" tinakpan ni Safira ang bibig niya.
"Sainyo si Sammy maging ang katawan ni Nicolai, sige papayag ako pero sisiguraduhin nyong gagawin nyong misirable ang buhay ni Sammy!" galit na saad ni Safira.
"Masusunod mahal naming Safira maari ka na pong umalis pag-uusapan na lang po namin kung paano gagawing rebelde ang batang iyan,"
Umalis ng lugar si Safira na mayroong magandang ngiti.
"Anong plano mo mama? Malalaman nila na ako ang gumawa non!"
"Ipapasa natin kay Sammy ang kasalanan mo," simpleng sagot nito.
Napailing sya, "Pero pa'no?"
"Tatadtarin ko ang katawan ni Nicolai sa CR ng eskwelahan malapit sa lugar kung saan nangyari ang pagkaputol ng kamay nya. Saktong tulog si Sammy malaya nating mailalagay ang katawan nya roon at sya na ang paghihinalaamg suspek sa buong buhay nya," paglalahad pa nito. "Tingnan lang natin kung hindi maging misirable ang buhay nya at ang perang mapupunta sa pinaka matalinong bata ay sayo na mapupunta. Alam kong matalino si Alora pero magiging sisiw na lang ang pagpatay ko sakanya one down two to go,"

Komento sa Aklat (59)

  • avatar
    Mylene Pendon

    do to if do off do ya so

    24/11

      0
  • avatar
    Nacua D. Maxine

    Takot

    29/11/2024

      0
  • avatar
    BonillaMiraflor

    his

    12/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo