CHAPTER 19

CHAPTER 19
Nazli's POV
Mga araw ang lumipas mag mula ng umamin ako kay Ferrit, at hindi na ako magtataka na umiwas siya sa akin. If I were him hindi dapat siya umiwas dahil hindi naman siya ang umamin, ako kaya sa aming dalawa ako dapat ang iiwas sakanya.
Pero maigi na rin siguro na hindi kami nagkikita sa mga lumipas na araw lalo na kung bumalik na si Carell.
Abala ako ngayon dito sa party shop dahil may tanggap na birthday celebration sila Jude, ako ang inatasan ni ate Helen na gawin ang mga invitations at give aways na napili ng client.
Kaya naman umaga palang ay naging abala ako sa pag gawa at pagta trabaho. Mula ng pumunta ng ibang bansa ang pamilya nila Tita Sierra ay iilan nalang kaming nag stay dito sa shop, karamihan ay lumipat na sa hotel nila at doon nag patuloy ang pagta trabaho.
Madalas pa rin nila akong kamustahin kahit magkaka iba ang oras namin, na sobra kong na appreciate dahil kahit malayo sila ay hindi nila ako kinakalimutan, hindi tulad ng mga magulang kong hindi ako magawang maalala.
'Ring, Ring, Ring' tunog ng telepono ko hudyat na may tawag mula na naman sa kung sino
'Daddy Calling'
Bakit naman kaya ako tatawagan ng Daddy, kung hindi ako pagagalitan ay nasisiguro kong may ipapagawa na naman siya, dahil gaya ni Mommy maalala niya lang din ako kapag kailangan niya ako sa isang bagay.
"Hello Dad" sabi ko pagka sagot ng tawag
"Come here at exactly five pm, we are going to my friends house" sabi ni Daddy
Parang bago yata iyon dahil pupunta sila sa isang kakilala at isasama nila ako.
"Pero may trabaho pa ako Dad, saka bakit parang biglaan po?" tanong ko
"It was a sudden invitation from my friend, basta pumunta ka dito ng sabay sabay tayong pumunta doon" sagot ni Daddy sabay patay ng tawag
Nakaka panibagong isasama ako ni Daddy ngayon sa isang dinner kasama ang mga kaibigan niya.
Hindi ko na itanong kay Daddy kung ano ang dapat kung suotin, pero dahil wala naman siyang sinabi okay na siguro ang suot ko ngayong araw.
Isang simpleng halter top dress na kulay cream at black na flat shoes, mukha naman na sigurong kaswal ito kaya hindi na rin ako mag aabalang umuwi para magbihis pa.

Natapos ang oras ng trabaho at thankful naman ako na natapos ko rin ang mga ginagawa ko, kaya agad akong nag ayos ng gamit at sarili ko para umalis na rin kaagad.
"Ate Helen, Jude una ako sainyo" paalam ko sakanila paglabas ng opisina ko
"Madaling madali girl may date kaba?" tanong ni Jude
"Wala pero may pupuntahan ako kasama family ni Daddy, kaya sige na alis na ako at baka ma late ako yari na naman" sagot ko kay Jude
"Mag ingat ka Nazli, wag mo hayaang may mangyaring hindi maganda sayo doon" pahabol na sabi ni Ate Helen
"Opo Ate, salamat" sagot ko saka tuluyang lumabas na ng shop
Bukod kay Tita Sierra alam ni Ate Helen ang sitwasyon ko sa mga magulang ko, kaya pag nalalaman niyang may pupuntahan ako na sila Daddy o Mommy ang kasama ay lagi siyang may paalalang wag kong hahayaan na na may mangyari sa akin gaya ng pagka pahiya, na madalas ginagawa ni Tita Elisse sa akin
Sakto ala singko ng hapon ng makarating ako sa bahay nila Daddy at halos paalis na sila ng makarating ako.
"What took you so long Nazli? At bakit ganyan ang suot mo?!" iritadong tanong ni Tita Ellise sa akin pagsakay ko sa sasakyan nila ni Dad
"Huh five pm palang ah, saka okay naman ang suot ko" sagot ko
"Hindi mo ba sinabihan ang anak mo kung saan tayo pupunta?" baling na tanong ni Tita Ellise kay Dad
"That's fine Ellise" sagot ni Dad na nagpa tahimik sakanya
Sa van kami na kasakay para magkakasama nalang daw ika ni Dad. Katabi ko sa bandang likod ang dalawang kapatid ko na halos hindi nakibo, mukhang isa ito sa mga araw na wala silang interes sa akin gaya nalang ng mga nakakaraang trato nila sa akin.
May ugali si Mathew at Mateo na minsan ay hindi nagsasalita kahit pa anong pilit mo, na kinasanayanan nalang ng magulang nila.
Hindi ako nag abalang pilitin silang magsalita, as long as okay kami. Tahimik kami sa byahe at makalipas ang trenta minutos ay narating namin ang isang exclusive village na nagsusumigaw sa laki at pagiging magarbo.
Tuloy tuloy na pumasok sa sasakyang sinasakyan namin sa isang malaking gate na sigurado akong dito na ang bahay ng sinasabing kaibigan ni Daddy
"Nazli wag kang gagawa ng kahit anong ikaka pahiya ko dito" maawtoridad na sabi ni Daddy bago bumaba ng sasakyan
Bakit naman ako gagawa ng ikaka pahiya niya dito, at bakit pa ako isinama kung nag iisip naman ng ganoon sa akin
"Just be you Ate bahay ito ng mga De Alvez, at hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka isinama ni Daddy dito" sabi ni Mathew na ikinagulat ko
Bahay ito ng mga De Alvez, kung ganoon ay sigurado akong nandito si Ferrit, anong gustong mangyari ni Daddy at isinama niya ako dito, gusto niya ba akong ipahiya sa mga ito?
"Kahit kami nga nagtataka kung bakit kasama pa tayong tatlo magpapa consult lang naman sila para sa isang case. I think props lang tayo dito" si Mateo
"What are you guys still doing on the van, baba na!" inis na sabi ni Tita Ellise
Sabay sabay kaming lumakad papunta sa tanggapan ng pagka laki laking bahay na ito at ng nakalapit sa malaking pintuan ay diretso kaming iginiya ng mga katulong sa dinning area ng mansion
Papalapit na kami sa dinning area ng biglang sumulpot ang mag asawang De Alvez
"Kumpadre" masayang salubong ni Mr. De Alvez sa amin
"Good evening amiga" bati ni Tita Ellise kay Mrs. De Alvez "I'm glad you came, matagal na din tayong hindi nakakapag kuwentuhan" sabi ni Mr. De Alvez kay Dad
"Alam mo naman na abala ang pagiging abogado, gaya mong abala din bilang negosyante" sagot ni Daddy saka sila sabay na tumawa
Tahimik lang kaming nakatayo nila Mathew at Mateo sa gilid nila habang masayang nagkaka mustahan.
"Oh by the way diba anak mo si Nazli, yung magaling mag organize ng party?" biglaang tanong ni Mrs. De Alvez sa kabila ng pagkaka mustahan nila ni Tita Ellise
"Oh she's here, hija come here" sagot niya sa pinaka plastic na tono niya
"Good evening Mam, nice to see you po" magalang na bati ko sabay beso sa ginang
"It's nice to see too hija, Im planning to book an appointment to you para sa engagement ng isang anak ko" sabi niya
Sinong anak kaya? Sa pagkaka alam ko ay kasal na ang panganay niya. Oh shoot ayokong isipin na si Ferrit iyon
"Sure Mam, wala pong problema" maikling sagot ko
Pagkatapos ng ilang minuto pang kamustahan ay nag aya na silang pumunta sa dinning para kumain na
Laking pasalamat ko nalang na wala dito si Ferrit, dahil hindi ako handang makita siya ngayon
Tahimik ang hapag at halos ang mga matatanda lang ang nag uusap tungkol sa mga negosyo nila at mga kasong hinawakan na ni Daddy
Tama nga ang sabi ni Mateo, props nga lang kami dito dahil halos hindi naman kami relate sa pinag uusapan nila.
"Good evening everyone" boses ng isang lalaki na kilalang kilala ko, dahilan para bumilis ang kabog nh dibdib ko
Parang gusto ko ng bawiin ang pagpapa salamat ko lang kanina na wala siya dito
Ramdam ko ang pag tigil niya sa likurang banda ko, kung saan naka upo ako malapit sa Mommy niya para humalik siya
"Hi Mom, Hi Dad" bati niya
Halos hindi ako humihinga ng maramdaman kong ang lapit niya lang talaga sa akin
"Hijo your here, at ang ganda naman ng dalagang kasama mo" malakas na sabi ni Tita Ellise habang nakatingin sa akin
Hindi ko ma gets kung ano ang gusto nilang ipunto ni Daddy at ginagawa nla ang bagay na ito sa sakin
Ramdam at pansin ko ang mapanuring titig sa akin ni Daddy na nakaupo lang sa kabilang dulo ng dinning table
Tahimik lang na kumakain ang mga kapatid ko at tila walang pakialam sa paligid kaya ginaya ko nalang silang dalawa na hindi kumibo
"Oh hello everyone, by the way this is Carell Fernandez my fiance" confident na pakilala niya
"You too looks so good together hijo" bati ni Tita Ellise sakanila sabay tayo,na agad naman sinundan ni Daddy ng pakikipag kamay
Dahil ayokong matawag na bastos ay tumayo rin ako gaya ng ginawa nilang lahat.
Pagtayo ko ay agad kong napansin ang magandang babae sa tabi ni Ferrit. Maputi gaya ng kutis ko, mahaba ang brown na buhok, sexy ang katawan at masasabi kong pang model ang itsura niya
Hawak niya sa bewang ang babae habang masayang nakikipag kamay kila Daddy at Tita Ellise kasama ng magulang niya
Eto siguro malamang ang dahilan ng hindi na namin pagkikita mula ng umamin ako sakanyang gusto ko siya, he was busy chasing her love to that perfect woman in front of me now.
Mabilis na nagtagpo ang tingin namin ni Ferrit pagtayo ko, na agad ko ring iniwasan, sinikap kong mag mukhang okay at maayos kahit ang totoo ay libo libong punyal na ang nakatarak ngayon sa puso ko
"Carell dear this is my sons Mathew and Mateo" pakilala ni Tita Sierra sa dalawang kapatid ko ng makalapit silang dalawa ni Ferrit sa gawi namin
"Hello I'm glad to meet you" mahinhin niyang bati na tanging ngiti at pag tango lang ang isinukli ng dalawa sakanya
Akmang hihilahin siya ni Tita Ellise kay Ferrit para sana igiya paupo sa hapag ng bigla siyang huminto sa tapat ko mismo
"Wait, ikaw sino ka?" turo niya sa akin ng hindi ako ipakilala ni Tita Ellise
"Oh I forgot, she's my husband bastard" natatawang sagot ni Tita Ellise
"Mom!" sabay na saway ng dalawang kapatid ko
Buti nalang ay nauna ng maupo ulit sila Daddy at ang mag asawang De Alvez at hindi nila narinig ang sabi ni Tita Ellise
"Oopps sorry to hear that" pigil tawang sagot ni Carell
Mukhang may tinatagong mabantot na ugali ang banae na ito
Magkaka sunod silang bumalik sa sa hapag habang ako naman ang huli
Gustong gusto ko ng umuwi dahil pakiramdam ko mapapahiya lang ako kapag nanatili ako dito, pero pag balik ko puwesto ko ay parang na gets ni Dad ang gusto kong gawin, kaya naman ay tinignan niya ako ng tingin na nagsasabing wag akong gagawa ng mali.
Sa katapat ko na upuan pumuwesto si Ferrit at Carell, at ramdam ko ang kakaibang tingin sa akin ng babaeng ito.

Sige lang sila ng kuwentuhan at bidahan ng mga achievements sa buhay, kasali nila sa usapan ai Carell na dalang dala ang sarili sa pagpa pabango ng katauhan sa ibang tao
Isang beses niya akong sinulyapan ng tingin at agad na tinaasan ng kilay pero dahil nice ako ay nginitian ko siya pabalik
"What's the sudden reason of engagement hijo?" tanong ni Dad kay Ferrit
"We've been apart for a very long time sir, kaya ng bumalik inaya ko agad na ikasal para maitali ko na sa pangalan ko" mayabang niyang sagot
Mula ng magkita kami dito kanina sa pagmamahay nila ay hindi ko siya makitaan ng kahit isang senyales na ipinakitang magkakilala kami, kahit man lang sana 'someome that i uses to know' pero talagang binalewala niya ako at pinaramdam na hindi ako nag e exist sa harapan niya
Ano nga bang magagawan ko bumalik na si Carell, burado na ako sa isip niya
"Actually sir" agaw atensyon ni Carell
"May higad kasing kumapit dito sa fiance ko, kaya ng malaman ko ay agad akong bumalik at inaya na siyang magpakasal.... Baka kasi matuklaw pa ng makamandag na ahas maagaw sa akin" maarteng sabi niya sabay tingin sa akin
"At sino naman ang ahas na iyan hija? I'm sure Ferrit is a good man kaya hindi magpapa tuklaw iyan" untag ni Mr. De Alvez

Saka sila sabay na nagtawanan
Nilagok ko ang wine na nasa harapan ko at nagpunas ng bibig, gusto ko ng umalis sa lugar na ito dahil unti unti kong nararamdaman ang pgsikip ng dibdib ko sa mga nangyayari, yung pakiramdam na parang sinasakal ako
Kaya bago pa ako atakihin ng panic attack ko ay aalis na ako dito
"Excuse me" magalang na sabi ko
"saan po comfort room tanong ko sa maid na nakatayo lang sa gilid ng mesa
Agad niya akong tinuro sa kaliwang parte ng kusina at nagpunta na doon
Saglit kong tinitigan ang sarili sa salamin bago naghilamos, pinakalma ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay pinagkaka isahan ako dito.
Siguradong may alam si Daddy sa pagkaka kilala ko kay Ferrit, dahil hindi niya gagawin ito sa akin kung wala. Gusto niyang ipamukha sa akin ng harapan na hindi ako bagay sa tulad ni Ferrit.
Magpapa consult daw ng case kaya kami andito , pero parang ako ang binigyan ng case para tuluyang masaktan. Ang galing lang talaga
Huminga ako ng malalim bago nag desisyon na lumabas ng banyo at ganoon nalang ang gulat ko ng madatnan si Ferrit na nakatayo sa gilid ng pintuan
"Sorry natagalan" tanging nasabi
"Nazli" hila niya sa akin ng akmang tatalikuran ko na siya
Sa mga oras na ito ay hawak niya ang kamay ko, na siyang nagpa init ng mata ko para maramdaman kong gusto kong umiyak at awayin siya.
Gusto ko siyang awayin at sisihin pero alam kong wala akong karapatan na gawin iyon, dahil umpisa palang naman ay sinabi na niyang hindi ko siya pwedeng magustuhan
"Pwede pakisabi nalang sa Daddy ko na nauna na ako, medyo sumakit kasi ang tiyan ko,salamat" sabi ko saby baklas ng kamay niya naka hawak sa kamay ko, at tuloy tuloy na nag martsa palabas ng bahay nila
Mabuti nalang at may nakita akong katulong at tinuro niya sa akin ang ibang daan palabas ng mansion
Habang naglalakad ako palabas ay hindi ko na napigilan ang pag tulo ng mga luha ko kaya hinayaan ko nalang
Alam ko na sa mga oras na ito, tapos na ang kasunduan namin na siya lang ang may gusto noong una, na pilit kong tinatapos noon pero hinihiling ngayon na sana ay hindi nalang pala, para kahit pinagbawal niyang mahulog ang loob ko sakanya ay pwede ko siyang mahalin kahit palihim lang basta kasama ko siya.

Komento sa Aklat (737)

  • avatar
    Mallari Al

    ganda

    10/07

      0
  • avatar
    Lucil Cati-an Siegue

    magandq ang story po

    14/06

      0
  • avatar
    PeraterChailitz Angel

    nice story. keep it up ms.aurhor😘

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata