CHAPTER 24

CHAPTER 24
Nazli's POV
"You're two months pregnant Miss Sanchez" inporma sa akin ng doctor
Tinotoo ni Cielo ang sinabi niyang sasamahan niya akong magpa check sa OB, kaya naman maaga palang ay nasa condo ko na siya na may mga dalang pagkain at prutas
"Love naman talaga ako ng pinsan ko oh" masayang sabi ko pa nga sakanya pagka pasok niya sa unit ko na tanging pag irap lang ang isinagot sa akin
"I only love the baby Nazli, not you" masungit niya oa ngang sabi. Nahiya pamg umamin na may care siya sa akin na pinsan niya
Pagkatapos niya akong ihatid kagabi sa condo ko ay agad din siyang umalis, sabi niya ay may biglaan lang siyang meeting kaya naman nagmamadali, hindi na ako nag abalang tanungin pa siya dahil ramdam ko parin ang inis niya noong mga oras na iyon
Sa kakilala niya kaming OB nagpa tingin dahil para sakanya mas okay ng sa kakilala niya kesa sa ibang doktor, baka daw mapahamak pa kami.
Sinabi niya pa nga sa akin na baka biglang malaman daw ni Ferrit kung sa ibang doktor ako magoa tingin kaya maigi na raw doon sa sigurado
"You see this little thing?" tanong sa akin ng doctor habang naka turo sa monitor ng ultrasound
"This is your baby, medyo maliit pa siya dahil nga two months palang. The heart beat is fine at magandang sign iyon" pag pa paliwanag niya a sa akin
Nakatingin lang ako sa monitor habang nakangiti habang napaluha dahil sa tuwa. Hindi ako maka paniwalang may anghel na unti unting nabubuhay sa loob ng katawan ko.
Kung iisipin ay napaka galing ng panginoon dahil nagagawa niyang bumuhay ng isa pang buhay ulit sa katawan ng mga babae, at mapalad ang tulad kong babae dahil isa ako sa biniyayaan ng diyos.
May kulang man sa pagkatao ko ay hindi iyon magiging hadlang para hindi ko tanggapin ang blessing na bigay ng panginoon.
Natapos sa pag ultrasound sa akin ang doktor at nakaupo na ako ngayon sa harapan niya habang si Cielo naman ay tahimik lang na nakaupo sa sofa dito sa kuwarto ng doktor na kaibigan niya
"Do you feel some morning sickness? Like vomiting, headache, stomach cramps or some cravings?" tanong ni Doc
"She's moody that's all" singit ni Cielo
"Hindi naman ah!" tanggi ko
"Hahaha Cielo stop annoying a pregnant woman, baka ikaw amg magsisi sa huli" natatawang sabi pa ni Doc
"Doc Chelsea make sure no one knows about her, I am just protecting my cousin kaya sayo ko siya dinala" pormal na sabi ng pinsan ko
"And you owe me now" mayabang na sagot ni Doc
"Just always drink the vitamins that I'm going to prescribe to you, everyday uminom ka ng gatas. Dont make yourself stress masama yon kay baby, comeback here next month para sa iyong monthly check up" untag niya
Agad rin kaming nagpa alam ni Cielo pagtapos, paglabas namin ng kuwarto ni doktora ay agad akong kumapit sa braso ni Cielo
Nilingon niya ako sabay sinamaan ng tingin na sinuklian ko lang ng pag tawa
"Ayaw mo ba na naka hawak ako sayo?" tanong ko na kunwari'y nagtatampo
"So clingy Nazli" walang buhay niyang sagot
"Okay na yung clingy akong tignan at least iisipin ng ibang tao na taken ka, kawawa naman ang Redge ko kapag nagselos sa ibang babae.. Tignan mo yung mga nurse kung makatitig sa iyo parang hinuhubaran kana" untag ko habang papalabas na kami ng parking lot
"Tsss, I'm faithful to her Nazli" sagot niya sabay giya sa akin papasok ng sasakyan niya
"Do you want to go somewhere or eat something?" tanong niya ng makasakay na rin siya
"Hmm" pag iisip ko kunwari habang hawak ang dalawang pisngi ko
"Ako nalang, alam kong busy ka.. Isa pa abala na ako sayo ibaba mo nalang ako sa madadaanan nating mall" sabi ko sakanya
At agad na naman akong nakatanggap mula sakanya ng masamang tingin, minsan gusto ko ng kabahan sa pinsan kong ito parang tingin palang papatayin kana eh
And I'm also wondering kung bakit na handle ko ang ugali niya, naalala ko pa noong mga bata kami lagi kami nag aaway, and there's one event noon sa bahay nila grandma na nakagawa talaga kami ng eksenang dalawa, na sobrang kinagalit ng mommy niya at ni mommy. Naghabulan at nagbatuhan lang namin kami kung saan naka puwesto ang mga pagkain at dahil sa sobrang ligalig namin at walang may gustong sumuko sa habulan kaya naman natabig namin ang lamesa dahilan para tumaob iyon at matapon lahat ng mga pagkain
Sa sobrang galit din sa amin mi Grandma noon dahil napa hiya daw siya ay kinulong niya kami sa bodega ng bahay niya at mula noon ay naging close na kaming dalawa.
"Hindi ka abala Nazli stop thinking like that! And I told you na tutulungan kita at aalagaan!" syempre galit na naman niyang sabi
"Okay po, pero ibaba mo nalang ako sa mall gusto ko lang mag ikot ikot. Alam kong may meeting ka today, narinig kita kanina kausap yung sekretarya mo saka paano mo maayos yung trustfunds ko kung lagi tayong magkasama?" mahabang sabi ko sakanya
Sa huli ay ako pa rin naman ang nanalo sa aming mag pinsan, ibinaba niya nga ako sa pinaka malapit na mall. Sasamahan pa nga niya sana ako pero talagang tumanggi ako, gusto ko kasing maglakad lakad ngayon ng ako lang mag isa.
Hanggang ngayon ay pinag iisipan ko kung saan ako pupunta oras na tumuloy ako sa nabuo kong plano. Desidido at sigurado na ako ang iniisip ko lang ay ang seguridad ng kinabukasan naming mag ina
Gusto kong sabihin kay Daddy na buntis ako, dahil gaya ni Mommy kahit pinagalitan at sinabihan ako ng masasamang salita, alam kong kailangan pa rin niyang malaman bilang magulang ko. Ang takot lang naman ang pumipigil sa akin, dahil oras na pagsalitaan niya rin ang anak ko sigurado akong sasagutin ko siya, pinangako ko na hindi ko hahayaang may magsabi na kahihiyan ang pinagbubuntis ko.
Pagdating ko sa mall ay agad na muna akong dumiretso sa drugstore para bilhin ang mga niresetang vitamins sa akin.
Nag ikot ikot pa ako kahit wala naman akong bibilhin at ng mapagod ako ay pumasok ako sa iaang fast food saka kumain.
Nakaramdam na ako ng pagod pagtapos kong kumain kaya naman nag desisyon na rin akong umuwi, pero tila na pukaw amg atensyon ko sa isang baby store na katapat lang ng kinainan kong fastfood, kaya naman agad akong lumakad papunta doon.
Naengganyo akong mag ikot ikot, at talagamg nakakatuwa na makakita ng mga baby stuff, kung sana lang ay alam ko na ang gender ng anak ko ngayon palang ay bibiki na ako ng maraming damit niya
"Hi Mam" bati sa akin ng isang sales lady
"Hi" bati ko naman pabalik sakanya
"Anong gender po ng baby niyo?" tanong niya
"Two months palang kaya hindi ko pa alam, medyo natuwa lang akong makita yung shop niyo kaya pumasok ako" sagot ko sa tanong niya
"I'm sure Mam girl ang baby mo, ang ganda mopo kasi" masaya niyang untag
"Nako miss binola mo pa ako" usal ko pabalik sakanya
"Promise mam, saka sabin rin ng matatanda kapag mas blooming ang babae lalo na at buntis malamang babae ang magiging anak" dugtong pa niya
"Nako salamat sana nga, pero kahit ano masaya ako basta malusog" sagot ko
Nag ikot ikot pa akong sandali pagkatapos ng maigsing pag uusap namin ng sales lady, sa huli ay bumili lang ako ng isang pares ng mittens and socks dahil natuwa ako sa design nitong pink flowers
Paglabas ko ng mismong store ay abala ako sa pagbalik ng wallet sa bag ko ng biglang may maka bunggo akong tao at tumama pa ako sa mismong dibdib nito
"Aray!" daing ko
"The f*ck!" galit na usal naman ng naka bungguan kong pamilyar ang boses sa akim, at ng mag angat ako ng tingin saka ko nakumpirma kung sino siya
Si Ferrit na naka simangot habang salubong ang kilay, naka suot siya ng usual everyday outfit niya sa tuwing nasa opisina siya para sa trabaho wala nga kang suot na coat
Hindi ko napansin na kasama niya si Carell ngayon, samantalang mukha pa naman siyang tuko kung maka kapit kay Ferrit kaoag magkasama sila
Hindi ko inaasahang makita siya at dito pa talaga sa harapan ng baby store, kung minamalas nga naman.
Dahil sa praning kong pag iisip na baka pagdudahan niya ako na makitang lumabas sa isang baby shop ay bigla akong kinabahan, kaya naman dali dali akong lumihis sakanya at handa ng lumakad papalayo sana.
Pero mukhang malas nga talaga ata dahil hindi ko napansing nahulog ang binili kong mittens and socks sa mismong harapan niya
Tinignan niya ako, sabay lingon sa baby shop na nasa gilid namin saka huling tumingin sa maliit na paper bag na hawak ko
Pinakalma ko ang sarili ko, kailangan ay umakto akong hindi apektado ng sa ganoon ay hindi naman ako kahiya hiya sa harapan niya
Baka isipin niya pang masyado akong umaasa na mahalin niya, baka lalo lamg timaas ang tingin sa sarili
Alam kong hindi na niya ako gustong makita kaya naman ganoon nalang din ako kung kabahan ng maka bunggo siya ngayon dito sa mall
"Sorry sir hindi ko sinasadya" sabi ko sa kalmado kong boses
"Next time tignan ang dinadaan mo para hindi ka nakaka puwerwisyo ng iba!" sabi niya sa galit na boses
"Sorry again sir" sabi ko ulit bago tuluyang tumalikod sakanya
Agad na akong naglakad patungo sa exit ng mall
Naiiyak ako sa ngayon dahil ng makatagpo ulit ng tingin ko ang mga mata niya na paborito ko laging tignan sa tuwing magkasama kami noon, ay nakaramdam ako ng saya na sa wakas nakita ko ulit siya, pero talagang balewala nalang sakanya ang lahat, balewala nalang ako sa tulad niya, sino ba naman kasi ako hindi ba isa lang naman akong parausan noong mga panahong kailangan niyang makaraos.
Pinigil ko ang nagbabadyang luha saka hinimas ang tyan ko "Baby ko, narinig mo ba yung boses nong kaharap ko kanina? Siya ang Papa mo" mahinang sambit ko sa sarili ko
Kailangan maging matatag ako, hindi pwedeng kaonting bagay lang ay iiyak na ako, hindi yung makita ko lang siya ay iiyak na ako, kailagang matapang ako dahil ayon ang dapat.
Saka dapat na rin akong masanay mula ngayon na talagang hindi na ako kikilalanin ni Ferrit kahit man langbsana isang kakilala.
Pag uwi ko sa condo ko ay ginawa ko ang mga usual kong ginagawa, additional ang pag inom ng gatas saka vitamins.
Tinawagan pa nga ako ni Cielo nung kumakain lang ako oara magtanong, masyado raw siyang na busy kaya hindi na ako napuntahan. Sinabi ko naman sakanya na ayos lang ako kaya magtrabaho lang siya at ayusin na ang trustfunds ko
Nang makaramdam ako ng antok ay nahiga na ako para magpahinga.
"Hindi na ako aasang kahit sana bilang kaibigan ituring mo ako Ferrit,kasiyahan mo nalang sa buhay ang tanging hiling ko" mahinang sambit ko sa sarili sabay yakap sa unan
Hindi na rin siguro ako aasa na mamahalin ako n Mommy ko, kung saan siya nagkulang sa akin gaya ni Daddy, ay ibubuhos at ilalaan ko nalang lahat sa anak ko ang pagkukulang nila.
Naisip kong sabihin kay Redge ang pagbubuntis ko lalo na kay Tita Sierra, pero saka nalang din siguro kaoag naayos ko na ang lahat ng sa ganon ay hindi sila mag alala gayong nasa malayong lugar pa man din sila.
Buo na rin ang desisyon kong bago ako tuluyang lumayo, magalit man si Daddy at husgahan ako, ay ipapaalam ko sakanya na buntis ko.
Ngayon palang kailangan ko ng mag ioon ng tapang dahil alam kong hindi magiging madali ang buhay na pina plano ko para sa anak ko. Sisiguruhin kong magiging maayos ang lahat para sakanya
Hinimas ko muna ang tiyan ko bago tuluyang makatulog "Mamahalin kita buong buhay ko" pag kausap ko sa sarili hanggang sa nakatulog na ako
******

Komento sa Aklat (737)

  • avatar
    Mallari Al

    ganda

    10/07

      0
  • avatar
    Lucil Cati-an Siegue

    magandq ang story po

    14/06

      0
  • avatar
    PeraterChailitz Angel

    nice story. keep it up ms.aurhor😘

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata