logo text

CHAPTER 40: THEY'RE FINE, ARE THEY?

Magkayakap pa rin kami ni Ashley nang bilang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa. Nakita kong napatingin si Nath sa caller at napasigaw.
"Aahh! Oh my gosh! Si Bea!"
"Ano? Si Bea?"
Dali-dali kong kinuha ang cellphone para tingnan kung totoo nga at nagalak nang makitang totoong si Bea nga ang tumawag kaya ni loudspeaker ko agad.
"Bea, nasaan ka na ba? Bakit hindi mo man lang kami tinawagan o nakipag-Skype ka man lang?"
"I'm sorry, Bella. Wala kasing signal sa lugar na tinitirhan namin and I'm sorry kasi ngayon lang ako nakatawag."
"Okay lang Bea. Nag-aalala lang talaga kami sa iyo. Nandito rin sina Ashley, Luke at Nath, kailan ka ba talaga uuwi? Na delay ba ang flight ninyo?"
"Bella, ganito kasi 'yan. N-Napagpasyahan namin ni Jerome na dito na manirahan sa Indonesia."
Natulala naman ako sa sinabi niya.
Wtf, sa Indonesia na sila maninirahan?
Nabalik lang ako sa huwisyo nang biglang umiyak si Ashley.
"Ganun-ganun na lang ba iyon Bea? Iiwan mo na lang kami?" sumingot pa si Ashley bago nagpatuloy.
"Wala man lang pasalubong?"
"Hehe baliw ka talaga Ashley. Nakausap ko na sila mommy at daddy. Tanggap naman nila ang desisyon ko na dito na manirahan sa Indonesia. Huwag kayong mag-alala okay lang kami dito ng asawa ko."
"Bakit parang ang bilis naman ng desisyon ninyong tumira diyan? Kasing bilis rin ng pagpapakasal ninyo ni Jerome. Ano ba talagang nangyayari Bea?"
"M-Mahal na mahal namin ang isat-isa Bella kaya napagpasyahan naming madaliin na lang ang kasal tutal gusto na rin naming tumira sa ibang bansa."
"Nang hindi man lang nagpapaalam maski isa sa amin? Grabe ka Bea! Grabe ka! Hindi mo man lang kami inisip. Mga pamilya mo na rin naman kami, ah!" hysterical na tanong ko.
"I'm sorry, okay! It happened so fast, all I know is that I'm inlove. So, I'm sorry! I'm sorry!" paliwanag ni Bea habang umiiyak.
"Huwag ka nang umiyak Bea. Nasaan na ba si Jerome, pakausap kami."
"Hello Bella," bati ni Jerome.
"Jerome, buo na ba talaga ang desisyon ninyo na diyan manirahan sa ibang bansa? Paano na ang mga negosyo ninyo ang traveling agency ni Bea?"
"N-Napag-usapan na namin ni Bea iyan at sabi niya gagawa na lang daw siya ng traveling agency dito. G-gusto namin sa lugar na ito manirahan kasi tahimik malayo sa kabihasnan."
"Gagawa siya ng traveling agency diyan e kasasabi mo lang na malayo kayo sa kabihasnan, niloloko mo ba ako Jerome?"
"Basta Bella masaya na kami rito kaya huwag na kayong mag-alala pa."
"P-Pero..."
Tinap naman ni Luke ang balikat ko.
"Bella kung iyan ang desisyon nila ay wala na tayong magagawa pa," singit ni Luke.
"Oo nga Bella maging masaya na lang tayo para kay Bea," sang-ayon ni Nath.
Napayuko na lang ako saka napaluha. Indonesia? Ang layo ng Indonesia. Hindi ko na makikita ang best friend ko. Kahit ang kulit-kulit no'n sa mga pa hashtag adventure seeker niya ay mahal na mahal ko iyon.
"Bea, dadalawin na lang kita diyan paminsan-minsan kapag nagkapera na ako," sabi ko.
"Huwag na, Bella. Itabi mo na lang ang pera para kay King."
"Okay, pero sana naman madali ka naming ma-contact o kaya madalas mo kaming tawagan, hindi itong para kaming tanga rito na naghihintay sa tawag mo."
"Nasa bundok kasi kami nakatira... bundok dito sa Indonesia. Bumaba lang kami ng bundok para makontak kayo."
"Bundok? Oh my God, Bea.
Bakit sa bundok pa?"
"Kalma ka lang Bella," singit ni Luke.
"Okay lang kami rito sa bundok Bella. Gusto namin dito kasi tahimik at malayo sa siyudad. May pakiusap lang ako sa inyo."
Rinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Bea.
"H-Huwag niyo na kaming hanapin pa kasi masaya na kami rito sa bundok ng Indonesia. Tandaan ninyo mahal na mahal ko kayong lahat at sana bantayan at alagaan ninyo ang mga magulang ko," lumuluhang pakiusap ni Bea sa kabilang telepono bago ibinaba ang tawag.
"Bea! Anong pinagsasabi niyang huwag na natin siyang hanapin? Kung ganun gusto niyang hanapin natin siya?" naguguluhang tanong ko.
"Ano ka ba naman Bella. Ang pinupunto ni Bea ay tanggapin na lang natin ang desisyon niya at maging masaya para sa kaibigan natin," paliwanag ni Ashley.
"P-Pero iba ang tono ng pamamaalam niya. Parang... may gusto siyang ipahiwatig sa mga salita niya. Parati niyang sinasabing nasa bundok siya na okay lang sila pero bakit umiiyak siya kung talagang okay lang sila?"
Napalunok naman ako sa kaba.
"Si Jerome naman sinabing magtatayo si Bea ng travelling agency sa bundok. Kaloka! Iba ang kutob ko eh. May mali talaga, hindi nagtutugma ang mga sinasabi nila."
"Bella, tama na! Kung ano man iyang iniisip mo ay mali ka. Huwag mo nang e komplikado ang lahat. Narinig mo naman si Bea diba? Masaya na siya kaya maging masaya ka na rin para sa kanya! Parati mo kasi silang binibaby kaya mahirap sa loob mong maiwanan," buong sabi ni Luke.
Napayuko naman ako sa sinabi ni Luke. Sapol na sapol.
"Siguro nga mali ako."
"Mali ka talaga! Maayos na nagpaalam iyong tao tapos bibigyan mo ng ibang kahulugan," sigaw ni Luke.
Siguro nga na praning lang ako.
Ano ba itong pinag-iisip ko. Bakit ko ba naisip na nasa Mt.Canen si Bea eh may bundok naman sa Indonesia? Saka gusto nila ng payapa, tahimik at malayo sa kabihasnan? Bakit parang na p-picture out ko ang bundok na iyon. Grrrr... I hate it!
"Siguro nga tama ka Luke pinapakomplikado ko lang ang lahat."
Lumipas ang isang buwan at
isang buwan ko na ring napapaginipan na nasa Mt. Canen lang sina Bea at Jerome.
"Ano ba itong pinag-iisip ko!"
Para ma clear ang bumabagabag sa kin ay naghire ako ng private investigator para alamin kung pumunta ba talaga ang dalawa sa Indonesia at napag-alaman ko ngang nagpabook talaga sila ng flight papuntang Indonesia.
Nakahinga naman ako ng maluwag doon ngunit hindi pa rin ako mapakali sa huling sinabi ni Bea. Parang sinasabi niyang hindi na siya babalik pa kahit kailan. Pwede naman silang magbakasyon dito sa pinas ah! May something talaga eh! And I need to figure it out.
Pumunta ako sa bahay ni Bea para kausapin ang pamilya niya at saktong naabutan ko si Tita.
"Tita may balita na ba kay Bea? I mean tumawag na ba siya sa inyo?"
"Hindi pa, hija. Simula noong isang buwan ay hindi pa siya kumukontak sa amin."
"May nabanggit ba siya sa inyo kung saang dako ng Indonesia sila nakatira?"
"Iyon nga ang pinagtatakahan ko, hija. Ayaw sabihin ng anak ko kung saan sa Indonesia sila nakatira. Nag-alala nga rin kami kung hindi niya lang kasama si Jerome ay iisipin kong may nangyari ng masama sa kanya."
"Nag-aalala rin po kasi ako tita. Ang sabi ni Bea na huwag na namin siyang kontakin. Malakas ang kutob kong may hindi tama rito."
"Anong ibig mong sabihin, hija? Si Jerome ay isang mabuting tao. Hindi niya magagawang saktan ang anak ko."
"Alam ko po tita pero... parang may mali talaga eh. Simula noong bigla na lang silang nagpakasal napaka..."
"Hirap paniwalaan? Ganoon din kami, hija. Hindi rin kami makapaniwala pero wala kaming magagawa. Alam ko namang masaya ang anak ko sa piling ni Jerome kaya okay lang. Susuportahan ko siya kung saan siya masaya," nakangiting sabi ni Tita.
Napakabait ng mga magulang ni Bea.
"Hmm... wala po ba siyang kahina-hinalang nabanggit sa inyo?"
"Wala naman, hija. Pero sandali... noong kausap ko siya sa telepono ay may narinig ako sa background na parang may nag-uusap pero tagalog rin ang lengguwahe nila."
"Tagalog?"
"Oo, alam mo namang maraming Filipino sa Indonesia diba? Baka may dumaan lang na mga pinoy sa lugar."
No way! I won't buy that! Walang signal sa Mt. Canen kaya pinababa siguro sila ng bundok para kausapin kami at linlangin na nasa Indonesia sila. Nagpabook pa talaga sila ng flight para mas kapani-paniwala. Isa lang ang nakakagawa nito at iyon ay ang mga
.
.
.
"EVANS!" sambit ko.
"Anong sabi mo, hija?"
"W-Wala po tita. Mauna na po ako. Maraming salamat po. Miss na miss ko na po kasi talaga si Bea kaya nagbabasakali po akong tumawag siya sa inyo."
"Walang anuman iyon, hija. Babalitaan na lang kita kapag tumawag ang anak ko. Ingat sa pag-uwi, ikamusta mo na lang ako sa anak mo."
"Copy that tita!" sagot ko bago umalis.
Naging malakas ang kutob kong nasa Mt. Canen lang sina Bea at Jerome.
Ang tanong, anong ginagawa nila doon?
Kinidnap kaya sila ng mga Evans?
Bakit ngayon lang sila nagparamdam?
Kasi malapit na siyang ikasal?
Dahil ba hindi siya kay Matthew ikakasal?
Kung nahanap nila si Bea, imposibleng hindi nila alam ang bahay ko? Juskopo ang anak ko!
Subukan lang nilang kunin ang anak ko magkakamatayan na!

Komento sa Aklat (37)

  • avatar
    Park Yunah

    Highly recommend!

    03/04/2025

      0
  • avatar
    MuncadaTyron

    laksndjdhfifjfofjfofjdodjdidjdodjiffjfofjdkdjjdodjdjdodjdkdjrnfjfjfkdjdhdjdkfhhshsksbsidgdjfbfjdhdjdhfjdjdjdkdjdrirjhrjrjrhrrjfjhfkddjjd9wuwueyerryrjrjrhrejsjdbdjdjdhdjhbvvvifjdjdjdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhd

    03/10/2024

      0
  • avatar
    MendozaJames carlo

    thank you

    18/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata