Homepage/THE PSYCHO BROTHERS/
CHAPTER 39: WHERE'S THE COUPLE
Bella's Pov
Pagkatapos kong kumuha ng Cenomar ay umuwi na agad ako ng bahay. Nabigla naman ako nang makitang umiiyak si Nene, iyong yaya ng anak ko.
"Ate, mabuti at dumating ka na. Ate, pwede po ba akong mag-leave ngayon at tsaka bukas? May emergency po kasi sa bahay. Sige na naman ate, oh," naluluhang tanong ni Nene.
"Oo sige-sige, Nene. Ano ba kasing nangyari?"
"Inatake po kasi ang tatay. Papunta na po sila sa ospital."
"Ano? Halika ihahatid na kita sa ospital."
"Salamat po, ate."
Dali-dali kaming pumunta ng ospital dala-dala ang anak ko. Naging okay naman ang tatay ni Nene. Mabuti na lang talaga at nadala agad ito sa ospital kaya naagapan ang stoke nito.
Nang biglang nag text si Luke at pinapupunta kami sa opisina niya kasi may ibibigay daw siya kay King.
Pumunta kami sa kompanya ni Luke ngunit habang papunta sa kompanya niya ay nasiraan ako kaya ipinamekaniko ko na muna ang sasakyan ko at napagpasyahang sasakay na lang kami ng Jeep.
Nang marating ang opisina ni Luke ay sumigaw bigla ang anak ko.
"Daddy!" Tumatakbong pumunta kay Luke.
"Baby ko, I miss you," nakangiting sabi ni Luke bago niyakap si King.
Well guys daddy at mommy ang tawag niya kila Luke at Nathalie. Mama naman ang sa akin. Okay lang naman kasi sila na ang naging pangalawang pamilya ng anak ko at diba dito sa pilipinas daddy at mommy ang tawag natin sa mga ninong at ninang natin.
Super spoiled ang anak ko sa kanila. Kung bakit naman kasi wala pa silang anak. Ang tagal na nila saka wala silang problema sa pera kaya pwede silang gumawa ng marami.
"Miss you too daddy at si mommy. Nasaan po si mommy?"
"Nasa Paris ngayon si mommy, baby. Pero ang sabi niya bibili raw siya roon ng malaking car for you."
"Wow! Really daddy?" manghang tanong ng anak ko habang nagtatatalon.
"Yup. So better behave to your mama okay and always love mama."
"I always love mama, daddy. I love her so much." nakangiting sabi ng baby ko.
"Ayiiee mama loves so much more baby ko," nakangiting sabi ko bago niyakap ang anak ko.
Napansin ko namang nag-iba ang itsura ni Luke. Nagshave kasi ito at nagpahair cut ng hindi usual sa pinapagupit niya noon. Bagay naman sa kanya kaya lang nakakapanibago lang parang nag-iba konti ang itsura niya.
"Anong drama iyan Lucas McKenzie? Whats with the new look?"
"Huwag mo ng alamin Athena Bella."
"Ano nga? Bahala ka hindi kita palalabasin sa opisinang ito hanggat hindi mo sinasabi."
"Tsk! Si Nath kasi."
"Bakit? Anong meron kay Nath?"
"Siya kasi ang may ideya nito. Gusto ko pa naman sana iyong mustache ko at iyong pang old look ko. Pinaghirapan ko pa naman iyong look na 'yon. Manly cool and sexy."
Natawa naman ako sa sinabi niya manly cool and sexy. Naalala ko tuloy ang asawa ko, si Manuel.
"At ito pa kapag hindi raw ako nagpabago ng itsura kapag dumating na siya galing Paris ay hindi na raw niya ako kakausapin, Ella. Kaya heto nagluluksa ako ngayon."
Natawa uli ako, parang bata si Luke na nagsusumbong sa mama niya.
"Baliw! Bagay naman sa'yo, e. So, wala ka talagang ibibigay kay king?"
"Wala-- but gusto kong ipasyal si King sa amusement park."
"Nice, matagal-tagal na ring hindi nakakapunta ng amusement park si King."
"Gusto mo ba iyon, baby? Dadalhin ka ni daddy sa amusement park at maglalaro tayo doon?" tanong ni Luke.
"Really daddy? Yehey games!"
"Wait lang, diba sabi mo nagluluksa ka pa ngayon? Ayaw ka naman naming abalahin sa pagluluksa mo kaya..."
"Har har, Ella. Si King ang stress reliever ko kaya kesa magluksa ako ay ipapasyal ko na lang ang favorite baby ko."
Nakita ko namang kumunot ang noo ng baby ko.
"Pero daddy ako lang naman ang baby niyo ah?"
"Kaya nga ikaw ang favorite ko kasi nag-iisa ka lang, your unique baby King," nakangiting sabi ni Luke.
Naguguluhang nagkamot ng ulo ang anak ko.
"Ang cute talaga ng baby ko kung ganun Luke ipasyal na natin ang King ko."
"Okay! common Vamonos!" sigaw ni Luke.
"Dora, ikaw ba iyan?" tanong ko.
"Panira, tara na!"
Pumunta na kami sa Star City at pinasakay si King ng pambatang rides.
Masayang naglaro ang anak ko hanggang sa mapagod na siya kaya napagpasyahan na naming umuwi pero bago iyon ay kumain muna kami sa isang Japanese restaurant.
Nakisabay na rin kami kay Luke kasi nga diba pinaayos ko pa ang sasakyan ko.
"Maraming salamat talaga Luke. Nag enjoy ng todo si King," pasalamat ko.
"Walang anuman, Ella. Pero si King lang ba ang nag enjoy?"
Lumawak naman ang ngiti ko.
"Okay, count me in. Nag enjoy rin ako."
"Yown! Sige na, pumasok na kayo sa loob ng bahay."
"Hmp.. But daddy I wanna spend time with you."
"Sorry baby but I have an early meeting tomorrow, bawi na lang si daddy next time."
"King, say bye na to your daddy. May meeting pa siya tomorrow," singit ko.
"Please! Pretty please, daddy."
"Okay 20 minutes."
"Yehey!"
"Sinispoiled mo iyong bata."
"Hayaan mo na."
"Daddy, ikaw magpa-sleep sa akin."
"Okay, baby."
Pumasok na kami ng bahay. Pumunta naman sila sa taas para patulugin si King. Binabasahan niya ito ng mga bedtime stories.
Uminom muna ako ng tubig bago pumunta sa taas para tingnan sila.
Habang tinitingnan si Luke na binabasahan si King, naalala ko naman si Manuel. Ang asawa ko. Mapait akong ngumiti.
Ganito rin kaya ang gagawin niya kapag nalaman niyang may anak kami?
Mamahalin kaya niya ito? At babasahan ng mga bedtime stories?
Kalaunay nakatulog na ang anak ko.
"Luke salamat talaga sa pag-aalaga sa anak ko."
"Ano ka ba, Ella. Tinuring ko ng parang tunay kong anak si King."
"Magpakasal na kasi kayo at gumawa ng maraming anak ni Nathalie."
"Gustuhin ko man Ella ngunit tambak ang mga trabaho namin ngayon."
"Asus! Kung gusto maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan."
"Seriously, Bella? Marami talaga akong dapat asikasuhin kasi bumaba iyong sales ng kompanya ng ilang percent."
"Ganyan naman talaga sa negosyo, e. Minsan mataas ang sales, minsan mababa but Luke you should have consider Nathalie's feelings."
Nakita kong tumaas ang kilay nito.
"Marami ka ng taong pinalagpas. Sige ka baka magsawa si Nathalie kakahintay at makipagkalas sa'yo."
"Hindi mangyayari iyan, mahal ako no'n."
"Hindi mo ba naisip kung bakit ka niya pinachange look?"
"Kasi naiirita siya sa bigote ko?"
"Siguro, pero feeling ko kaya ka pinachange look ni Nath kasi gusto ka niyang mag man up parang step by step, ay basta! Ang punto rito pakasalan mo na! Parati ka na lang kasing nasa office mo malimit na lang kayong nagd-date."
"Nagd-date naman kami, ah."
"Oo, pero kasama ang anak ko."
"Yeah! Marami ngang nagsasabing perfect couple kami."
"Baka gusto ni Nathalie na gumawa na talaga kayo ng sariling pamilya. Nagbro-brought up ba siya sa'yo about marriage?"
"Hindi naman pero palagi niyang sinasabi noong nagd-date kami na kasama si King na sana totoong anak na lang namin siya."
"Anong reaksyon mo sa sinabi niya?"
"Wala lang ngumiti lang ako. Darating din naman kami sa puntong iyon."
"Baliw ka talaga! Magpakasal na kasi kayo. Bahala ka baka sa isang iglap iwan ka ni Nath."
"Subukan niya lang!"
"So go and get your girl."
"Tss... pero nasa Paris siya."
"Sabagay, edi tawagan mo baka naghihintay na iyon ng tawag mo."
"Yeah right! Sige mauna na ako, Ella. Salamat sa time at sa advise," sabi ni Luke bago bumaba ng hagdan.
Sinundan ko naman siya.
"Walang anuman, maraming salamat din Luke. Ingat sa pag-uwi."
"I will."
Umalis na nga si Luke kaya pumunta na ako sa taas at natulog sa katabing kwarto ng anak ko. Ayaw na niya kasing tumabi sa akin matulog kasi big na raw siya.
Umaga na kaya naghanda na ako ng agahan. Nang biglang may nagdoorbell kaya pinuntahan ko agad ito at binuksan.
"Hello po, ate."
"Oh, Nene. Bakit nandito ka? Diba pina-leave na kita?"
"Opo ate pero sayang po kasi kung hindi ako magtra-trabaho ngayon. Pambili ng mga gamot ni tatay."
"Kamusta na ang tatay mo?"
"Okay na po siya pero kailangan niya pa pong mag undergo ng mga test kaya hindi pa po siya makakalabas."
"Ganoon ba? Huwag kang mag-alala ako ng magbabayad sa bill ng ospital."
"Talaga po ate? Maraming salamat po ate, malaking tulong po ito para sa amin."
"Ano ka ba, walang anuman iyon. Sige na pumasok ka na. Nasa sala si King naglalaro. Naghanda na rin ako ng pang-agahan natin. Papasok ako ngayon sa trabaho."
"Okay po ate."
Pumasok na siya ng bahay. Ako naman ay dumeritso sa taas para maligo at maghanda para pumasok.
Pagbaba ko ay naabutan kong nasa hapag kainan na sila at kumakain.
"Mama! Mama! Mama!" sigaw ng anak ko.
"Baby, si yaya Nene muna ang magpapakain sa'yo, okay?"
"But mama I want you to eat with me."
"Sorry, baby. Mama will go to work na. Baka ma late si mama gusto mo ba iyon?"
"No, mama."
"Okay so dapat behave at goodboy ka lang kay yaya Nene, okay?"
"Okay po, mama."
"Bye, baby ko," paalam ko bago humalik sa maumbok niyang pisngi.
"Nene, huwag mong kalimutang painumin ng vitamins si King ha, sige bye."
"Opo ate, ingat."
Umalis na ako ng bahay at pumunta sa kompanya nila Nathalie. Isa kasi akong marketing manager sa kompanya nila. Taray diba? Okay naman ang lahat sa katunayan lumaki nga ang sales ng kompanya.
Nang mga hapon na ay biglang tumawag si Ashley.
"Bella, alam mo na ba?"
"Alam na?"
"So, hindi mo pa alam?"
"Ano ba iyan Ashley hindi ako magtatanong kung alam ko na. Spill it!"
"Okay. Anong una, good news or bad news?"
"Hmm... good news."
"Nasa Bali, Indonesia si Bea ngayon!"
"Good news ba iyon? Wala namang bago. Well, good for her. Alam mo namang lakwatsera iyon kaya natural na 'yon."
Natural na balita lang iyon kasi parati namang nagtra-travel si Bea sa ibat-ibang lugar. Naalala ko tuloy iyong motto niya, only with the nature at mother nature will lead the way.
"Wait lang noh, hindi pa ako tapos."
"Tss.. So ano ang bad news?" tanong ko.
"Bea is happily married! But we're not invited, so iyon! Nakaka-sad diba?"
"What? Married? Already? When? Where? How?"
"Okay, relax. Actually nabigla rin ako but I'm happy for Bea kasi ito naman talaga ang gusto niya diba ang makasal kay Jerome."
"Kailan sila kinasal?"
"Kanina."
"Huwat? Kanina? Nang hindi man lang tayo inimbitahan ng bruha?"
"Iyon na nga rin iyong pinagtataka ko, e. Sina tita rin kasi hindi pinapunta. Pinadalhan lang sila noong papel para pumirma para sa consent."
"Ano? Sa huwes kinasal sina Bea at Jerome?"
"Oo at ngayon nga'y lumipad na sila ng Bali, Indonesia para sa honeymoon nila."
"So hindi nagtra-travel lang si Bea?"
"Nope. Wala naman akong sinasabing nagtra-travel lang siya sa Indonesia."
"Well, I assume kasi parati siyang nagtra-travel."
"Akala ko nga rin at akala ko rin na sa simbahan gustong magpakasal ni Bea. Hindi ba iyon iyong dream wedding niya, ang maikasal sa altar ng simbahan?"
"Oo, pero ano itong ginawa niya? Naguguluhan ako."
"Baka hindi na sila makapag-antay ng kasal nila kaya boom... happily married!"
"Nabanggit niya ba sa iyo na magpapakasal siya ngayon?"
"Actually iyan din ang pinagtatakahan ko. Kumain pa kasi sila rito kagabi sa restaurant ngunit wala naman siyang binabanggit tungkol sa kasal pero nakita ko naman na ang sweet no'ng dalawa kaya baka hindi na talaga siya makapag-antay."
"Sabagay, mabuting tao naman si Jerome kaya wala tayong dapat ikabahala."
"Yezz! Saka alam mo naman iyong si Bea hindi ba napaka-outrageous. Mother nature will lead the way."
"Sabagay may point ka."
"2 weeks lang naman sila roon kaya tadtarin na lang natin ng tanong pag-uwi niya."
"Okay."
"Sige, Bella. Marami ng mga customer, tutulungan ko lang ang mga staff ko."
"Sige-sige," sagot ko bago nag end call.
Oh diba! San kayo, ang noo'y brat na Ashley ay naging mabait at matulungin na ngayon sa kapwa.
Kapag may leftover ang kanilang restaurant pinapack niya ito at pinamimigay sa mga pulubi sa lansangan.
Inayos ko na ang gamit ko malapit na kasing mag alas singko, uwian na!
8-5 kasi ang duty ko.
--------
Lumipas ang mga araw, linggo at 2 weeks na nga ngayon pero hindi pa rin namin ma contact si Bea.
Nandito kami ngayon sa restaurant ni Ashley.
"Ashley kinakabahan ako," sabi ko.
"Ako nga rin, Bella."
"Guys, kalma lang kayo okay!" pagpapanatag ni Luke sa amin.
"Hindi, e! Iba na ang kutob ko rito. Kahit naman noong nagtra-travel si Bea ay kinokontak niya pa rin kami pero ngayon..."
"Huwag kayong mag-isip ng masama baka ninanamnam pa nila ang honeymoon nila at ayaw nila ng istorbo," saad ni Luke.
"Sabagay may punto ka Lucas," sagot ni Ashley.
"Hindi naman siguro pababayaan ni Jerome si Bea diba? Kaya kumalma lang tayo," singit ni Nath.
Nakauwi na rin kasi ito galing Paris.
"Dapat nakauwi na kasi sila diba? 2 weeks ang sinabi niya sa mga magulang nila."
"Kalma ka lang Bella."
"Paano ako kakalma? Baka... huwag naman sana."
Huwag naman sanang maging tama ang iniisip ko. Na kinuha na si Bea ng mga Evans.
"Anong ibig mong sabihin Bella?" tanong ni Ashley.
"Wala."
"Ano nga iyon?"
"Hindi ito pwedeng mangyari. Baka kinuha na siya ng mga Evans."
"Ano? Bella, huwag kang magbiro ng ganyan. Wala na ang mga Evans," takot sa sabi ni Ashley.
"Bella, diba binaon na natin sa limot ang mga Evans? Huwag mo na ulit silang babanggitin kasi nagtri-trigger ka lang sa depression ni Ashley!" galit na sigaw ni Luke.
"I'm sorry, Ashley," sabi ko kay Ashley na ngayon ay umiiyak.
"Bella, ayoko ng bumalik sa lugar na iyon."
"Sshh... huminahon ka Ashley. Wala ng babalik sa lugar na iyon, okay?"
"Pero kung nandoon man si Bea ay kailangan na natin itong e report sa mga pulis!" sigaw ni Ashley.
"Girls! Kumalma lang kayo. Huwag ninyong kalilimutang nasa Bali, Indonesia si Bea kaya imposibleng mangyari iyon," paliwanag ni Luke.
"Oo nga. Hindi nga tayo kinidnap ng mga Evans na nandito lang tayo sa Pinas si Bea pa kayang nasa Indonesia?" singit ni Nath.
"Sabagay may point ka Nath," sang-ayon ni Ashley.
"Kaya kalma lang tayo. Maghintay lang tayo kay Bea. Alam nating uuwi siya kasi alam niyang marami siyang e e-explain sa mga kaibigan niya," paliwanag ni Nath.
"Oo nga naman Bella. Uuwi si Bea, baka wala lang signal sa Indonesia at baka na delay lang ang flight niya kaya wala pa siya," sabi ni Ashley.
"Okay. Sorry na Ashley, na praning lang ako kaya bigla ko iyong nasabi."
"Yeah! A totally mind impaired."
"Tsk! Halika nga rito," sabi ko saka niyakap siya.
"I'm sorry. Sa pagbanggit ng apelyido nila."
"It's okay Bella at sana nga mali ang kutob mo."
"Sana nga."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (37)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Highly recommend!
03/04/2025
0laksndjdhfifjfofjfofjdodjdidjdodjiffjfofjdkdjjdodjdjdodjdkdjrnfjfjfkdjdhdjdkfhhshsksbsidgdjfbfjdhdjdhfjdjdjdkdjdrirjhrjrjrhrrjfjhfkddjjd9wuwueyerryrjrjrhrejsjdbdjdjdhdjhbvvvifjdjdjdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhd
03/10/2024
0thank you
18/08/2024
0Tingnan Lahat