Homepage/My Two Step Brothers/
Epilogue
EPILOGUE
MAKALIPAS ANG APAT NA TAON...
Abalang-abala ang lahat ng tao sa reception ng binyag ng anak nila ni Arturo na si Liam. Ang iba ay nagkakantahan, nagsasayawan, nag-iinuman, nagkakainan at nagke-kwentuhan. Kahit saan mang parte ng bahay ay makikita na masayang-masaya ang lahat.
"Ang swerte mo talaga kay Arturo, friend! Ang gwapo-gwapo pala talaga niya, 'no? Ang layo-layo na niya roon sa nerd na naging kaklase natin dati. Sino ba kasing mag-aakala na ganyan pala ang totoong hitsura niya? Kung alam ko lang, nako, inunahan na sana kita!" Habang kumakain sila ay daldal nang daldal si Patty.
Kasalukuyan kasi nilang tinitingnan mula sa lamesa na kinauupuan nila si Arturo na hawak ang baby nila at kausap ang mga kaibigan nito.
Nagbalik tuloy sa isipan niya ang mga nangyari matapos silang puntahan ni William at Ivan noon sa Cebu. Kinabukasan din noon ay nagbalik sila ni Arturo sa Manila at siya ay tumira na sa Nanay Cora niya. Pinagpatuloy nila ang pag-aaral ni Arturo at siya ay nagtayo ng negosyo para matustusan ang sarili. Habang nag-aaral ay nakalaya na rin mula sa Rehabilitation Center ang Tatay Waldo niya at nagbagong buhay na rin ito. Katunayan nga ay naging katuwang na rin ito ng ina sa business na pinatayo nila.
Kasama naman nilang nakagraduate si Patty. Sobrang sising-sisi ito sa ginawang panlalaglag sa kanila noon pero pinatawad din naman niya ito agad dahil naiinintindihan din naman niya kung bakit nito nagawa iyon. Nagpapasalamat na nga lang siya na hindi na ito binalikan pa nina Ivan at William kaya nakapanganak ng maayos ang ina nito.
Si Ivan naman, bilang pagsisisi sa ginawang kasalanan sa kanya ay nagpari na lang. Tuluyan na nitong iniwan ang pag-aartista at ngayon ay isa nang ganap na pari sa isang simbahan. Nakakatuwa ngang isipin na ito pa ang nagkasal sa kanila ni Arturo noong nakaraang taon at ito rin ang nagbinyag sa anak nila kanina.
At si William... Hindi na niya ito nakausap ulit simula noong gabing iyon. Ang huling naging balita niya rito mula kay Ivan ay nangibang bansa na ito at doon pinagpatuloy ang business nito.
"Nina, may gustong kumausap sa 'yo." Bigla siyang nakarinig ng tawag mula sa likuran nila. Boses iyon ni Ivan.
Pero nang lumingon siya ay nagulat siya nang makitang hindi lang si Ivan ang naroon dahil kasama nito si William!
Nang makita naman ni Arturo ang lalaki ay agad nitong pinahawak sa Nanay Cora niya ang anak nilang isang taong gulang pa lamang. Lumapit ito sa kanila.
"Pwede ba kitang makausap ng mag-isa, Nina?" tanong ni William sa kanya.
"Hindi pwede. Baka kung ano ang gawin mo sa asawa ko—" Pinigilan niya sa Arturo sa sinasabi nito.
"Ayos lang ako, Arturo. Gusto ko ring makausap si Kuya William. Please lang..." pagpapaintindi niya sa asawa.
Wala na itong nagawa kundi ang sumang-ayon na lang kahit halata naman na medyo natatakot pa rin ito na baka may gawin sa kanya si William.
Iniwan na nila roon si Arturo, Patty at Ivan saka naglakad na sila ni William palabas ng bahay.
"Kuya William, saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya habang naglalakad na sila.
Hindi ito sumagot hanggang sa namataan nila ang kotse nito.
"I just want to introduce you with someone," sabi nito.
Pumunta ito sa pintuan ng sasakyan at mula roon ay lumabas ang isang napakagandang babae na ngayon lamang niya nakita. Blonde ang buhok ng babae. Matangos ang ilong nito, mapula ang mga labi at may asul na pares ng mga mata. Ang suot naman nito ay maihahantulad sa suot ng mga babaeng model na nakikita niya sa mga fashion series sa Netflix.
"I want you to meet my fiancee, Tiffany. Tiffany, this is Nina. My little Sister," pakilala ni William sa babae.
"Hi, Nina. It's nice to finally meet you. How is it going?" nakangiting inabot ni Tiffany ang palad nito sa kanya.
Medyo nagulat man ay nagawa pa rin niyang abutin ang kamay nito.
"A-Ah, h-hi. I'm good. I'm glad that you came," sabi na lang niya na medyo nabubulol pa. Sobrang ganda kasi ng babaeng nasa harapan niya. Talagang maganda ang taste ni William pagdating sa babae.
Biglang tumunog ang cellphone ni Tiffany.
"Oh, sorry but I have to answer this. William, you can go ahead and have a chat with your sister. I'll just take this, okay?" malumanay na pamamaalam ni Tiffany sa kanila saka lumayo ng kaunti sa kanila at sinagot ang tawag sa cellphone.
"I met her noong nagpunta ako sa US. I was so heartbroken back then kaya ang akala ko ay hindi ko na magagawang magmahal ulit but I was wrong..." Ibinitin nito ang sasabihin. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. "I realize na mali ang nagawa ko sa 'yo noon, Nina. I force myself on you and that was the biggest mistake of my life. I'm really sorry, Nina. Tama si Ivan, naging masyado kaming obsess sa 'yo. We even deserve to be put on jail because of what we did—"
Pinigilan na ng daliri niya ang labi nito para hindi na nito matuloy pa ang sasabihin. "You are my family, Kuya William. I understand why you did that at ang pagsisisi ninyo ni Kuya Ivan sa ginawa ninyo ay enough reason na para patawarin ko kayo. Kaya please, huwag mo nang ime-mention ulit iyang jail na 'yan dahil masaya na ako ngayon at alam ko na ikaw ay masaya na rin. Time really heals everything at iyong mga nangyari dati? Kalimutan na lang natin ang lahat ng 'yun and let's just start all over again. As siblings."
"Yeah. As siblings," sabi pa nito saka na sila nagkatawanan.
Doon na bumalik ulit si Tiffany. Mukhang tapos na itong makipag-usap sa tumawag dito.
"Oh, paano, Kuya? Let's go? I want them to meet Tiffany," sabi pa niya.
"I really want to meet your son as well, Nina. That's the reason why I came here but William said that he wants me to meet you first that's why I just waited on the car," sabi naman ni Tiffany.
Iyon lamang at bumalik na sila sa loob at sa pagkakataong ito. Kasama na nila si William at Tiffany sa kasiyahan sa loob.
Gusto niyang magpasalamat sa Diyos dahil sa wakas ay nagkabati at nagkaayos na silang muli ng dalawang kuya niya na noon ay 'obsess' sa kanya. Sino ang mag-aakala na sa pagkakahiwalay nilang tatlo ay magkakaroon ng bagong dahilan para mabuhay ang mga ito? Si Ivan ay sa matinding pananalig nito sa Diyos na nag-umpisa lang naman noon nang dahil sa kunsensya nito sa nagawa sa kanya at si William ay nagkaroon ng panibagong tao na magbibigay ng kulay sa buhay nio. Ngayon niya nakikita na talagang natutunan na ni William ang tunay na kahulugan ng pag-ibig sa katauhan ni Tiffany.
At higit sa lahat, para kay Arturo na minahal siya sa kabila ng madilim niyang nakaraan at hindi siya sinukuan. Ito at ang anak nila ang pinakamagandang regalo na natanggap niya sa buong buhay niya...
"SAY CHEESE!"
Isang malaking ngiti ang pinakawalan nilang lahat nang iclick na ng photographer sa binyag ang camera nito. Hindi niya akalain na makakasama niya sa iisang larawan si Arturo at ang anak nila kasama sina Ivan at William na parehas na naging bahagi rin ng buhay niya. Hindi niya akalain na magiging masaya pa ulit sila pagkalipas ng apat na taon.
Totoo talaga na kapag pinagdasal mo ang isang bagay ay gagawa ng Diyos ng paraan para makuha mo ang pinakahihiling mo. At iyon ang pinakahihiling niya sa buong buhay niya. Isang buhay kung saan masaya sila, walang samaan ng loob at buo ang pamilya...
Wakas...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (45)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
The unexpected turn, bakit naiiyak ako sa ending chapter
12/04/2025
0👍👍👍
27/10/2024
0napakabait ni Nina kahit paman sa kabila ng mga nagawang kalaswaan ni Ivan at William ay napatawad niya parin ang mga kuya niya.
24/07/2024
0Tingnan Lahat