Tyler's POV I frustratingly threaded my fingers through my hair as I watched the video for the hundredth time. "I thought you talked to him?!" I yelled. He bowed his head and I rolled my eyes in annoyance. Trending na ngayon sa tweeter ang video ni Faye. Yes. Nakuhanan siya ng video ng hinayupak na lalaking 'yon. Broadcaster pala ang loko. Naiinis kong pinatay ang TV gamit ang remote na hawak ko. "You didn't saw him holding a phone?!" sigaw ko ulit sa kanya. Secretary Kim bowed his head apologetically. "I'll fix this, President," he said. I sarcastically laughed at him. Paano pa maayos 'yan eh 36 million views na? Beep Beep I grabbed my phone and answered the call. "What?!" Nanatiling tahimik ang kabilang linya kaya mas nag-init ang ulo ko. "Answer me!" I yelled. "L—Luigi..." Agad lumambot ang expression ko nang marinig ko ang boses ni Faye. Sinenyasan ko si Secretary Kim na lumabas muna. "Hey uhh sorry. Medyo stressed lang ako," I apologized. "Ang daming tao sa labas, Luigi. Gusto raw nila ako makausap," he said. Napapikit na lang ako sa inis. Ngayon alam naman nila kung saan ako nakatira? Fucking reporters. "Stay in your room. Huwag kang lalabas. Aalis din 'yang mga 'yan. Nandiyan naman ang security team 'di ba?" I asked. Narinig ko naman ang pagsang ayon niya sa kabilang linya. "Don't worry, I'll be home early, hmm?" I comforted. Nang matapos kaming mag-usap ay pagod akong napaupo sa sofa. I rest my head and looked straight at the ceiling. Bigla kong naalala ang camera na nilagay ko sa coffee table. I stared at it. Gano'n pa rin ang p'westo niya. I stood up and walked towards my desk. Pinagmasdan ko ang mga nakatambak na documents ro'n. Umagaw ng pansin ko ang isang kulay pulang sobre. I looked around for a second bago ko 'yun kinuha. Umalingasaw ang mabangong aroma nito sa ilong ko. Binuksan ko ang sobre at isang sulat ang bumungad sa'kin. Do you actually think a hidden camera of yours can spot me? Kumunot ang noo ko. Nagmamadali akong naglakad papunta sa coffee table at pagbukas ko ng libro ay sira na camera sa loob. Napakagat ako ng labi sa inis. "WHO THE HELL ARE YOU!" malakas na sigaw ko. Binato ko ang hawak kong papel sa sahig. I'm gonna fucking kill you. Ysmael's POV Napatingin ako sa hawak kong papel. "6144 Pinagpala street," I murmured. I scanned the old looking house in front of me. This is Jonathan's place. I knocked on the door. Ilang saglit pa ay isang babaeng buntis na may buhat na maliit na bata ang bumungad sa'kin. "D—Detective!" she exclaimed. Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa pamilyar na mukha niya. "Naparito kayo?" nakangiting tanong niya. "Pasok kayo. Naku! pasensya ka na at biglaan kasi ang pagbisita mo kaya hindi ako nakapaghanda ng meryenda," she apologized. "It's okay," I smiled. I scanned the small living room. A family picture caught my attention. Tamang bahay naman ang napasok ko. Wala sa background information niya na may pamilya siya. What a small world. Siya pala ang asawa nang naligtas kong babae not so long ago. Nagpaalam siyang kukuha ng maiinom kahit na sinabi kong huwag na. Napatingin ako sa nakasampay na uniporme sa likod ng pinto. Looks like walang ideya ang asawa ni Jonathan sa totoong trabahong meron siya. Ilang saglit pa ay bumalik na ang babae na may dalang baso ng umuusok na kape at dalawang piraso ng tinapay. Nakangiti ko 'yung tinanggap. "Josie pala, detective," pakilala niya. Tumango ako. "Salamat ulit sa pagligtas sa'kin, ah? Kung hindi dahil sa'yo baka kung ano nang nangyari sa'kin no'ng araw na 'yon," nakangiting pasasalamat niya. I nodded again. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtatanong tungkol sa asawa niya. "Bakit nga pala kayo napasugod dito?" she asked habang pinapadede ang maliit na anak niya. I cleared my voice before answering her. "I came here for Jonathan Magsaysay." Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan 'yon ng isang pamilyar na ekspresyon. Pagmamakaawa "May nagawa na naman bang katarantaduhan ang asawa ko, Sir?" nahihiyang tanong niya. Bakas sa boses niya ang pagod. Hindi ito siguro ang unang beses. "Pasensya na kayo, Sir. Mainitin kasi talaga ulo ng asawa ko. Pinapatulan 'yung mga bastos na customer," paliwanag niya. Napangiti ako. Wala nga siyang alam. Napatingin kami sa pinto nang biglang pumasok si Jonathan. "Ma, ito na ulam natin oh," masayang sabi pa niya. Suot niya ang uniporme ng isang deliveryman. Akala mo talaga kakagaling sa trabaho. Hindi nakaligtas sa mata ko ang sariwang sugat sa noo niya. "Ay! Jonathan si Detective nga pala. 'Yung kinukuwento ko sa'yo," nakangiting pakilala ng asawa niya sa'kin. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya nang mapatingin siya sa'kin. "M—Ma," nauutal na tawag niya sa asawa niya. Agad akong tumayo at inabot ang kamay ko sa kanya. "Detective Ysmael Omar." Nagtataka siyang napatingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng dalawang kilay at mukhang nakuha niya ang gusto kong sabihin. "A—Ah Jonathan nga pala," naiilang na pakilala niya rin sa sarili niya. Josie decided to give us some privacy. Nakatingin lang siya sa sahig habang nilalaro ang mga kamay niya. "Pa'no mo nalaman?" "Ang address mo o ang totoong pagkatao mo?" I asked. Tinigil niya ang paglalaro sa mga kamay niya at blankong tumingin sa'kin. Looks like he wants a serious discussion now. "You're a Hitman," I said directly to him. "You seemed to be living a humble life despite the fact that you're earning millions from killing people." I put out the envelope and pushed it towards him. Kinuha naman niya 'yon at binuksan. Hindi nakaligtas sa mata ko ang dumaang gulat sa mga mata niya nang makita ang litrato ng kakambal niyang walang buhay na nakahandusay sa sahig. "Your plan worked and he died for it," I taunted. Kita ko ang panginginig ng mga kamay niya habang hawak ang mga kuha mula sa crime scene kanina. "Kung nandito ka para ikulong ako... Ako na ang nagsasabi sayo. Mahihirapan ka. Sisiguraduhin kong hindi na ako humihinga bago mo ako madala sa selda," banta niya. Tumaas ang dalawang kilay ko sa sinabi niya. Mukhang mahihirapan akong makipagkasundo sa kanya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
yes
21/04
0I like this story
19/04/2025
0it's lovely
01/11/2024
0Tingnan Lahat