chapter 5

NON-EXISTING V
Mas lalong hindi Ako nakatulog sa narinig. Pabalik balik ako ng lakad at di mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinaghalong pangamba ang nararamdaman ko. Napabuga Ako ng hangin bago napagdesisyonang lumabas ulit. Alam ko naman na mangyayari ang ganitonh bagay
Naisulat ko ito sa nobela ngunit Isang estranghero ang nilagay ko na siyang nagligtas sakanila. Hindi ko na ito binigyan pa ng pansin dahil alam kong extra lang naman ang Isang yun. 
Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit Ako mismo ang nakarinig nun. Sa pagkakaalam ko Isang estranghero din ang nilagay ko na siyang nakarinig at nakapagligtas sa kanila ngunit... Asan na siya? 
Hindi ko alam na hanggang langit Pala ang kaba pag Ikaw mismo ang nakarinig ng mga ganitong bagay. Napahinga ako ng malalim bago agad na lumabas. 
Naglakad ako ngunit nakailang hakbang palang nang makarinig ako ng pagdaing ng kung sino. Napakunot ang noo ko pero nangingibabaw sakin ang takot. 
May multo Kaya Dito? O di kaya nilibing ng buhay? 
Agad kong nilapitan ang pinagmulan nun at nanlaki ang mga mata ko nang Makita ang Isang nakahandusay na nilalang sa lupa. Napakurap Ako Bago agad itong nilapitan. 
Mula sa maputi niyang balat, manipis na kulay pulang labi, matangos na ilong maging ang magandang pangangatawan kahit na natatakpan naman ng kanyang magandang kasuotan na pwede nang pang model. Napalunok Ako at biglang pinagpawisan
Ngunit agad din nanlaki ang mga mata nang makitang may sugat siya sa tagiliran. Hula ko ay parang sinaksak ito. Napatakip Ako sa bibig. 
Kahit hindi dumilat ay alam kong gising ito. Nahihirapan na itong huminga
"Sir? Naririnig niyo po ba Ako? Okay lang po ba kayo?" Tanong ko dito ngunit daing lang ang Naging Tugon niya. 
Wala akong nagawa kundi punitin ang bestida ko ng konting piraso. Nakita kong nahihirapan na ito. Hindi ko masyado aninag ang Mukha niya. 
Nang mahawakan ko ito ay tila may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko at nang lingunin ko ang lalaking tutulungan ko sana ay nakadilat na Pala ito. Kulay asul ang mga mata niya
Biglang bumalik sakin ang alaala. Nanlaki ang mga matang tiningnan ko ito. Ito yung lalaking nakausap ko Nung napasok Ako sa nobelang ito! 
"T-tulungan na kita" Nauutal kong saad. Agad akong pinagpawisan hindi ko alam kung bakit. Nanatili parin itong nakatitig sakin na parang ako lang ang tanging tanawin na kanyang makikita. 
Hindi parin ito nagsalita... Napakunot ang noo ko dahil hindi manalang ito kumurap sa harapan ko. Napatikhim Ako
"Ehemm! Gagamutin po kita. Tingnan mo oh. May sugat ka po" Saad ko ngunit nanatiling nakatitig lamang ang asul niyang mga mata sa akin. 
Wala akong nagawa kundi gamutin nalang ito. Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang gamutin ito. Pabalik balik pa ko sa kubo Saka babalikan ko na naman siya na tulala lang at pag dadating Ako ay tititigan na naman Ako. 
"Ayan! Tapos na!" Nakangiti kong saad bago ilagay ang telang nakuha ko pa sa bestidang suot ko. 
"Masakit pa ba? Dahan dahan lang sa paglakad ha kase baka dumugo ulit sugat mo. Tsaka masakit pa talaga yan kase presko pa yan. Hayaan mo, baka bukas hindi na masakit Yan" Saad ko. 
Tinitigan ko ito ngunit nakatingin lamang siya sakin. 
Hindi ata to nakakaintindi ng Tagalog? Napakamot ako ng Mukha parang may malaking problema. Magsasalita na sana ako ngunit agad niyang hinawakan ang dalawang balikat ko
Akala ko kung Anong gagawin niya pero nagulat Ako nang agad siyang tumayo
"Sa susunod... Wag kang tutulong ng kahit na sino lang. Lalo na pag di mo kilala" Malamig at walang emosyon niyang Saad ngunit nakatalikod na sakin. 
Napataas ang kilay ko at agad na bumalatay sakin ang inis. 
"Excuse me lang ah? Ikaw na nga tong tinulungan. Naging good Samaritan na nga ako dito tas Naging bayani mo pa kahit thank you man lang Wala?" 
Humarap ito sakin. Wala parin siyang emosyon
"Hindi ko sinabing tulungan mo ko. Sa susunod, wag kang Basta basta tumulong ng kahit na sino. Ikapapahamak mo ang bagay na iyan" Nanatili siyang nakatitig sakin
Naguguluhan naman akong napatingin sakanya. Magsasalita na sana Ako ngunit naunahan niya Ako
"Sa susunod na magkita pa ang landas natin" Pinutol niya ang sasabihin at agad na tumingin diretso sa mga mata ko
"Pupugotan na kita ng ulo..." 
Ang huli niyang sinabi ang naging dahilan ng panalalamig ng buo kong Sistema.
Sabog at walang tulog. Yan ang naging itsura ko kinabukasan. Napapahikab pa Ako. Hindi ko alam kung Anong oras Ako nakatulog kagabi. Basta ang alam ko, dilat ako buong magdamag. Hindi ko alam kung nakatulog ba Ako o Hindi. Di ko na maalala sa dami ng bagay na tumatakbo sa isipan ko kagabi. 
"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Napalingon ako kay Aling Lucia nang magsalita siya. Nakabihis na kami pareho at parehong nagkakape. 
Napahikab ulit ako sabay iling
"Pagpasensyahan mo na ha. Marami talagang lamok sa bahay ko" Natawa siya Kaya natawa nalang din ako. Napahinga ako ng malalim. 
"Kung nabubuhay lang sana ang anak kong si Marisol, paniguradong magkakasundo kayong dalawa" Ngumiti siya ngunit bakas sa Mukha ang lungkot. Malungkot din akong Ngumiti. 
"O siya sige na. Magmadali ka na at atin pang sasalubungin ang mga maharlika sa ibang lungsod para sa kanilang pagdating" Saad niya kaya napakunot ang noo ko sabay simangot
"Kailangan pa bang mag pa welcome party para sa pagdating nila? Di naman po sila masyadong special ah?" Hindi ko alam pero naiinis na Ako. 
Alam ko naman at naisulat ko naman na sa nobela na importante ang mga maharlika at obligado lahat ng mga mamamayan na salubungin ang kanilang pagdating at pagsilbihan sila ngunit parang ngayon nawalan Ako ng gana. 
Ganito din kaya yung nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan? Napakamot ako ng batok
"Dahan dahan sa iyong pananalita. Baka may makarinig sa iyo at isumbong ka sa Korte ng palasyo" Saway ni Aling Lucia Kaya napatahimik Ako. 
Gumayak na kami paalis. Sakay ang Isang kalesa na halatang pang mahirap na tulad namin. Samantalang magagandang karwahe naman para sa mga maharlika at mga konseho ng palasyo. 
Maraming tao pagdating namin. Ang iba ay talaga namang pinaghandaan ang Araw na ito. May mga Dala pang mga mamahaling regalo ang iba sa kanila. Tiningnan ko ang dala naming regalo ni Aling Lucia, mga preskong prutas ito. 
Napakibit balikat ako at napangiwi nang makitang ang dala ng iba ay mga alahas. Ano kayang Akala nila sa mga royalties hindi makakabili ng ganyan?
Nakisiksik pa kami sa unahan. May mga kawal din na maayos na nakapila maging ang mga maids na maayos ring nakatayo. Medyo nalito pa ako dahil iba't iba ang mga kasuotan ng mga kawal nila. Doon ko lang napagtanto na iba't ibang kaharian Pala ang dadalo ngayon. 
"MAGBIGAY PUGAY PARA SA MGA KAMAHALAN NG LUNGSOD NG QUINONES!" Malakas na sigaw ng kawal. 
Agad naman nagsiyukuan ang lahat. Naiwan pa ko Kaya dali Dali ko ring binaba ang ulo ko. 
Dumating ang kulay kayumangging karwahe. Napapalibutan ito ng mga diyamante. Maganda ito. Sabay sabay na bumaba ang mga maharlika Doon. 
Nandoon ang hari at Reyna ng Quinones. Kasama ang tatlo nilang anak. Napatingin ako sa napakagandang dalaga. Mataray at sopistikada tingnan ang babae. Kahit di man nila Sabihin, alam kong ito ang nag iisang prinsesa ng mga Quinones. 
"Si Prinsesa Fahara Quinones" siya ang villian sa isinulat kong libro. Siya ang magiging mortal na kaaway ng bidang prinsesa sa nobela ko. 
Nais niyang sirain ang dalawa dahil nakatakda na itong ikasal at hindi siya makakapayag na ikasal  Kay Prinsipe Arkanghel Nevada ang bidang babae. 
Nagpapaypay lang ito at inilibot ang paningin. Nakataas parin ang kilay nito. Nagulat Ako nang bigla siyang tumingin sakin. 
Napalunok ako dahil napako talaga ang tingin niya sakin. Napangiwi nalang ako nang bigla ako nitong umirap sakin at tumalikod. Aba't! 
"MAGBIGAY GALANG PARA SA PAGDATING NG MGA KAMAHALAN NG LUNGSOD NG URSIANNA!" Agad na yumuko ang lahat. 
Dumating ang kulay pilak na karwahe. Kumikinang ito sa Ganda dahil sa mga brilyanteng nakalagay Dito. May mga magagandang bulaklak ding nakapalibot Dito. 
Napangiti ako at napatulala nang Makita ang Isang inosente at mayuming dalaga na kumakaway sa mga tao. Napapalakpak naman ang iba. 
Bumaba na ang mga ito... Napatakip Ako ng bibig at sumilay ang matamis na ngiti sa aking labi. Napahawak ako sa dibdib dahil proud Ako ngayon. Napakagandang babae ng ginawa kong Bida
"Si Prinsesa Rhayla Styx Ursianna " 
"Sh*t kinikilig ako right now" Napapaypay Ako. Proud author ako eh. 
Ngumiti Rin ito na mas Lalo niyang ikinaganda. 
Nakita ko si Fahara na napairap sa gilid. Napangisi Ako. Mainggit ka diay beh. Maldita ka kase masyado Buti Sayo di ka favorite ng madlang people and hindi ka famous sa spotlight 
"MAGBIGAY PUGAY! PARA SA MGA KAMAHALAN NG LUNGSOD NG ARKANGHEL!" Napahiyaw sa tuwa ang mga tao. Oo nga Pala, ito Pala yung lungsod namin. 
Nagsiyukuan kami at agad namang dumating ang kulay Kahel na may asul at itim na karwahe. Maganda din ito dahil napapaligiran ng mga rubies, gold, at mga pearls. 
Hindi ko magawang Ngumiti nang bumaba ang mga may Ari nun dahil hindi naging maganda ang encounter ko sa crowned prince nila. 
Natulala Ako dahil ang gwapo nito. Nakatitig ang gwapong prinsipe kay Rhayla habang si Rhayla naman ay nakatitig din sa prinsipe. 
Nakatingin naman ng masama si Fahara sa dalawa Saka padabog na bumalik sa karwahe. 
"MAGBIGAY PUGAY AT MAGBIGAY GALANG! SA PINAKAMAKAPANGYARIHANG KAMAHALAN SA LUNGSOD NG ASMODEUS!" 
Hindi ko alam pero... Bigla akong nalamig at agad na kinabahan dahil ngayon... Makikita ko na ang isa sa prinsipeng magiging hadlang ng aking dalawang bida...

Book Comment (247)

  • avatar
    Angel Magday

    Grabeng kaklase to nagawa na ng story

    30/08/2023

      0
  • avatar
    Ria Rivera

    Hello Author, keep doing amazing job! One of the best fantasy novel! Hindi ko pa tapos panoorin pero super ganda! I swear. First time ko rin maiyak habang nagbabasa ng novel🤦‍♀️

    13/08/2023

      0
  • avatar
    Hailey Pateño

    This story so beautiful

    20d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters