Homepage/Becoming the non-existing characters/
chapter 44
NON-EXISTING XLIV
"Naalala mo ba nung sinabi ko sayong may ibig sabihin at may malalim na kahulugana ng keychain na yun? Kagaya ng wishing star, may malaking ganap din ang keychain na iyon sayo..." Tumigil siya at tiningnan saglit ang reaksyon ko
"Ang keychain na yun ang magliligtas sayo at ang nag iisang bagay para makalabas ka dito"
"Akala ng mga kalaban mong karakter na kapag napunta o naipatapon ka dito ay p*t*y ka na well, mali sila. Lahat ng mga naitatapon dito ay mga manunulat lang lahat na kagaya mo, akala nila, o akala ng mga tauhan mo sa nobela mapa extra man o ano pa ang role nil sa kwento mo na ang ipapatapon dito ay mga may mabibigat na kasalanan well mali sila..."
"Dahil lahat ng naipapatapon sa wasted Island ay mga manunulat lang na gustong ipatapon o sirain ng mga kalaban nilang karakter... Kagaya mo, kagaya ng kalaban mo" Huminga siya ng malalim
"Ngayon, balik tayo sa keychain na naiwala mo. Ang tanging paraan lang para makawala ka dito ay kung tutulungan ka ng karakter na iyon na palabasin ka dito... Kung hindi, problema na naman" Nagkibit balikat siya.
"P-paano ko po malalaman o makakausap ang karakter na iyon?" Hindi siya sumagot sa akin at tumalikod na
"Paano ka nakakasisiguro na hindi mo siya makakausap? Pagmamahal palang niya sayo nangibabaw na sa lahat... Malabong hindi ka niya matulungan" Saad niya at agad nang nawala sa paningin ko
Napatayo ako at hindi nakagalaw. Hinanap ng mata ko yung matandang lalaki pero wala na siya...
Tumingin ako sa kalangitan bago dinamdam ang lamig ng hangin
"Kung totoo man ang sinasabi ng matanda... Prinsipe Arkanghel... Iligtas mo ko nakikiusap ako sayo... Parang awa mo na" Tumulo ang luha ko.
"Alam kong hindi naging maganda ang huling pagkikita natin pero kung ikaw man o si Prinsesa Rhayla ang may hawak. Tulungan niyo naman ako..." Napahikbi ako
"P-pasensya na kayo kung hindi ko natupad ang pangako ko sainyo na babawiin natin ang trono niyo. Pasensya na kayo kung nangako ako tapos di naman pala natutupad. Gusto ko nang bumawi sainyo"
Napaupo ako nang wala akong marinig na kahit anong sagot mula sa sinuman. Napayakap ako sa tuhod ko bago isinubsob ang ulo ko at doon umiyak
"Sana panaginip nalang ang lahat... Sana hindi ko nalang hiniling na mapunta dito" Mahina kong saad. Napatingin ako sa paligid ng wasted island. P*t*y na isla talaga siya kung titingnan mo.
Napakunot ang noo ko at napatayo nang may marinig ako sa kung saan. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa may makita akong liwanag mula sa langit.
Napatayo ako dahil para itong ipo ipo na unti unting lumaki. Biglang sumilaw ang liwanag kaya napatakip ako sa mga mata ko. Biglang humanhon ng malakas dahilan para mapaupo ulit.
Biglang sumakit ang ulo ko na parang may humigop sakin pataas na ikinahina ko. kasabay nun ay nawalan ako ng malay.
Nang magising ang diwa ko ay kalansing ng espada ang narinig ko. Mabigat ang dibdib ko at agad hinabol ang hininga nang mapagtantong hindi ako humihinga. Malakas ang kabog ng dibdib ko at agad napadaing nang makaramdam ng kirot sa ulo ko
Nang imulat ko ang mga mata ko ay madilim na kalangitan ang nabungaran ko. Inilibot ko ang mga mata ko at dahan dahang napatayo nang mapagtantong nakahiga ako sa lupa.
Nang tingnan ko ang paligid ay doon ko nakita ang mga nagkakagulong mga kawal. Naglalaban sila at doon ko lang napagtantong nasa gitna ako ng isang digmaan.
Napaatras ako nang matumba ang isang kawal sa harapan ko. Dilat ang mata nito at napaubo nang dugo. May palasong nakasaksak sa dibdib nito
"MAGSITABI! PADAANIN NIYO ANG KAMAHALAN!" Napatingin ako sa di kalayuan nang may biglang sumigaw.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kung sinong sakay ng karwahe. Si Prinsipe Rhuss na walang emosyon at madilim ang awrang nakapligid dito.
Napatingin ako sa ulo niya at halos maiyak ako dahil sa nakita ko. Naka korona na siya. Naalala ko na iyon ang suot ng kanyang ama nung huli kong nakita.
Ibig sabihin ay siya na ang hari? Gusto kong maiyak sa tuwa. Bumaba siya at nagulat ako nang may kalaban na gusto siyang saksakin. Walang emosyon lang niya itong tinitigan bago bagot na kinuha ang espada niya at walang pasabi itong iginilit sa leeg ng lalaki dahilan ng pagkaputol ng ulo nito.
Napatakip ako sa bibig ko. Naestatwa ako dahil sa nakita. Hindi ako halos makahinga. Lalapitan ko na sana siya pero napadaing lang ako nang sumakit ang paa ko.
Natigilan ako nang makitang bumalik sa dati ang damit na suot ko. Nung nasa court hall ako at bago ako pinatapon sa wasted island.
Biglang nahilo ako at napahawak sa ulo ko bago napahawak sa dibdib at agad na napahiga saka nawalan ng malay.
Iginalaw ko ang mga kamay ko at agad bumilis ang paghinga saka iminulat ang mga mata ko. Magaan na ang pakiramdam ko. Gumalaw ako at napakunot ang noo nang makita ang damit na suot ko.
Nakaputi ako kagaya ng suot ko nung napunta ako sa wasted island. Napatingin ako sa higaan at natulala saglit nang makitang nasa maganda akong higaan.
Halatang malambot at mabango dahilan para mawala ang sakit ng katawan ko at makapagpahinga ako ng maayos
Biglang bumukas ang pinto at naestatwa ako sa kinauupuan nang makita ang taong hindi ko inaasahan. Nagulat din siya at halatang hindi makapaniwalang nakatingin sakin na ngayon ay nakaupo sa malambot na higaan.
"G-gising ka na pala..." Lumapit siya sakin at agad na inilapag ang dalang sariwang prutas.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tinitigan niya ako at nagulat nang hawakan niya bigla ang kamay ko. Pinisil niya iyon na parang hinhilot ng dahan dahan
"A-ayos na..." Maikli kong sagot habang hindi inaalis ang titig sakanya. Napapitlag ako nang tumingin siya sakin.
Malamlam ang mga matang tiningnan ako na puno ng pangungulila at pagmamahal.
"Mabuti naman kung ganun..." Umiwas siya ng tingin saka yumuko ulit habang hindi pa rin binitawan ang kamay ko.
"Asan tayo?" Tanong ko nang maproseso sa utak ko ang lahat. Napatigil siya at maingat na binitawan ang kamay ko bago kinuha ang isa at maingat itong pinisil.
"Nasa palasyo tayo" Sagot niya. Napatingin ako sa suot niya at halos mapasinghap ako nang makitang naka damit prinsipe na ulit siya. Malinis na ulit siyang tingnan
"Naibalik na--
"Oo... Maraming salamat sayo... Sa inyong dalawa ni Prinsipe Rhuss " Hinalikan niya ang kamay ko pero hindi ako nakapag react dahil natulala ako nang marinig ang pangalan niya
"Haring Rhuss na pala..." Pagtatama niya hahang nakatitig parin sa mga kamay ko. Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya.
"Naibalik na sayo ang korona mo... Masaya ako para sayo" Ngumiti lang siya sakin bago ako tinitigan nang hindi kumukurap. Hindi ko alam pero napatitig nalang din ako sakanya
"M-may problema po ba?" Malumanay kong tanong pero nanatili lang siyang nakatitig sakin
"Wala naman... Gusto ko lang matitigan ka kahit hanggang dito nalang..." Mahinahon niyang saad. Hinanap ko ang pait at sakit sa boses niya pero wala akong makita doon
"Alam ko naman una palang na siya na ang gusto mo. Hindi naman ako bulag para hindi mapansin ang mga nakaw niyong tingin sa isa't isa..." Napayuko ako
"Alam ko namang hindi mo ko gusto" Napatingin ako sakanya bago malungkot na nginitian siya
"Pasensya na talaga--
"Hindi mo naman kailangan humingi ng pasensya sakin... Tanggap ko naman. Pasensya na pala nung una na pinilit kitang sumama sakin. Pasensya na kung naging makasarili ako sa mga oras na iyon. Napaisip lang ako at natakot na baka mas lalo kang mahulog sakanya kaya nagplano ako na ilayo ka" Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin sakanya
Natawa naman siya sa naging reaksyon ko
"Pero napagtanto ko na... Hindi ko naman pala kailangan na ipilit ang sarili ko sayo. Natanggap ko na rin kalaunan na siya ang mahal mo at hindi ka para sakin... Masaya ako Aila..."
Inipit niya ang natitirang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko
"Masaya ako dahil ako ang naisipan mong gawing bida sa kwento mo" Ngumiti siya sakin kaya natigilan ako. Alam niya?
"Masaya akong mahalin at makilala ang manunulat na may gawa sakin. Salamat dahil ginawa mo ko. Salamat kase dahil kung hindi dahil sayo, wala ako dito" Mahinahon parin ang tinig niya.
"P-paano mo nalamang hindi ako taga dito?" Tanong ko hahang hindi iniiwas ang tingin sakanya
"Nung nawala ka at napatapon, isang buwan makaraan dumalaw ka sa panaginip ko" Hindi na siya nakangiti ngayon sakin
"Humihingi ka sakin ng tulong. Umiiyak ka habang nagmamakaawang tulungan kita. Ang keychain. Yun ang unang lumitaw sa panaginip ko" Saad niya. Dahan dahan siyang humugot sa bulsa niya at doon ko nakita ang keychain na pagmamay ari ko
"Nahulog mo nung tumakas tayo" Saad niya.
"Isusuli ko sana sayo kaso nakalimutan ko" Napakamot naman siya ng ulo na parang nahihiya siya
Hinawakan ko ang keychain bago siya nginitian.
"Salamat dahil tinulungan mo kong makaalis don" Ngumiti siya at tumango saka huminga ng malalim
"Wala yun, hindi ko hahayaang mabulok ka doon. Hindi pwede dahil pakakasalan ka pa ni Haring Rhuss. Galit na galit pa naman din yun parang tigre" Natatawang saad niya
Bigla akong napatigil nang may maalala.
"Si Reyna Hanara at Prinsesa Fahara! Sila ang may kasalanan sa lahat" Sumeryoso ang mukha niya nang marinig ang pangalang binanggit ko
"Oo alam ko. Sa makalawa, nakatakda na silang bitay*n"Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (247)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Grabeng kaklase to nagawa na ng story
30/08/2023
0Hello Author, keep doing amazing job! One of the best fantasy novel! Hindi ko pa tapos panoorin pero super ganda! I swear. First time ko rin maiyak habang nagbabasa ng novel🤦♀️
13/08/2023
0This story so beautiful
08/09
0View All