Homepage/La Vita è Bella con te (Book 2)/
Chapter 63 .
- Makiling's POV -
"Err.."
Napatigil ako sa paglalakad ko nang makita ko si Zero sa daraanan ko.
"Err? Ano'ng klaseng reaksyon 'yan?" sambit niya sa'kin
Gosh! Nagpapakita siya kung kelan niya gusto! Hindi man lang siya nagsasabi man lang!
"Ano namang kailangan mo? Akala ko ba hindi ka na magpapakita sa'kin ha." sambit ko
Mahigit dalawang linggo din kaming hindi nagkita.
"Nararamdaman kong miss mo na ako kaya tiaran, na'ndito na ako."
Sarcastic akong nagreact sa sinabi niya.
"Huh! Assuming!" sambit ko
"Aish! Tara na nga! Bilisan mo na." inis niyang sambit sa'kin tapos inagaw niya sa'kin ang mga dala ko, "Bakit pati ang dami mong dala? Naghahakot ka na ng mga gamit mo? Nasisante ka? Sabagay, sino ba naman tatagal sa kagaya mo."
(-______-)! Nagpakita lang ba siya sa'kin para painitin ang ulo ko?!
"Ano ba 'tong mga 'to?" tanong niya pa tapos tangkang sisilipin niya 'yung laman nu'n
"Ge, silipin mo at papatayin na kita." banta ko sa kanya
"Anak ng! Ginto ba 'to ha! Tss."
Nagreklamo lang siya sa'kin pero sumunod pa rin naman siya, hindi na niya tinangkang silipin pa.
Maruruming kasuotan ko kasi 'yun. Nagbawas ako ng gamit sa locker dahil mapupuno na. Minsan kasi ay naliligo ako sa hospital kapag nasosobrahan ang oras sa duty. Alam niyo na, kapag nurse e'di patayan ang duty. Kulang na lang maging pasyente ka rin. Tsk.
Naglakad kami ni Zero dahil wala pa kaming makitang tricycle na pwedeng sakyan. Tahimik lang kami pareho habang naglalakad. Nauuna siya sa'kin.
Sinadya ko talagang magpahuli. Ayokong sabay kaming maglakad, naiilang ako.
"Bilisan mo nga! Bakit ang bagal mo maglakad?" reklamo niya sa'kin
Nilingon niya pa ako pero agad akong nag-iwas ng tingin.
Naalala ko pa na umamin ako sa kanya nu'ng huli kaming magkita.
"Ano'ng drama 'yan ha, Makitililing?"
Agad akong huminto sa paglalakad ko nang mapansin kong humarap siya sa'kin at tumigil sa paglalakad niya.
"What? You go ahead now." utos ko sa kanya
"Ano'ng drama mo?" tanong niya pa
"Wala akong drama! Maglakad ka na, bilis!"
Imbis na sumunod siya sa'kin, naglakad siya palapit sa'kin kaya umatras ako.
"What the? Iniiwasan mo ako?"
"Hindi kita iniiwasan! Hindi dito ang tamang daan Zero!"
Bigla ay hinawakan niya ang braso ko para patigilin ako sa pag-atras ko.
"Bakit ka umaatras kung hindi mo ako iniiwasan?" tanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko
"Ah,.. Ah, dahil... aish! Sinabing bilisan mo na e!" sambit ko na lang kaysa kung ano pa ang masabi ko
Hinila ko mula sa pagkakahawak niya ang braso ko.
"Kung iniisip mo 'yung sinabi mo sa'kin nu'ng huli tayong magkita... Oo, narinig ko 'yun! Inamin mo na gusto mo ako. Geez! Halata naman sa'yo."
Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi tapos sinampal ko agad siya.
"Gaaaaah! Ang kapal ng mukha mo!" sambit ko pa sa kanya
"Aaaargh! Bakit may pagsampal!" reklamo niya, hindi niya kasi naiwasan 'yun
"Assuming kang bwisit ka! Ang kapal ng mukha mo!"
"Pambihira! Umamin ka tapos assuming ako? Anong klaseng nilalang ka ba!"
WAAAAAAH! Bakit gan'yan siya?! Kung magsalita siya parang wala lang sa kanya! Hindi niya ba alam na ang big deal sa'kin ng usapan namin?!!!
"Tara na, tambay muna tayo." sambit niya tapos hinila niya ako,
Hawak niya ako sa braso ko habang hila-hila ako.
Hindi siya naiilang?
Okay lang sa kanya na gusto ko siya?
"S-Saan tayo pupunta?" tanong ko
"Tatambay nga! Huwag ka pating pautal-utal at hindi ka cute."
(-______-)! Ba't ko ba nagustuhan 'tong taong 'to? Wala namang kagusto-gusto sa pag-uugali niya!
***********
- Ysabelle's POV -
"Okay ka na ba? Hindi ka ba nagugutom? Ano'ng gusto mong kainin?"
Umiling ako sa lahat ng tanong ni El.
"Okay lang ako, mag-usap muna tayo." sambit ko sa kanya
Naupo ako sa sofa. Wala naman si Zero kaya walang makakaabala sa pag-uusap namin.
Nasa bahay na kami, naihatid na kami nina Saijan. Sila ay umalis na rin agad dahil bab'yahe pa sila pauwi.
Naupo si El sa tabi ko.
"May problema ba Misis?" tanong niya
Sa lagay ng tanong niya mukhang wala siyang balak sabihin sa'kin ang tungkol sa pagre-resigned niya sa trabaho niya.
"Ano ang totoong nangyari sa'yo? Bakit gan'yan ang hitsura mo?" tanong ko
Sa totoo lang ay hindi pa gan'un kabuti ang nararamdaman ko pero pinipilit kong kayanin para sa kanya. Para makausap siya at malaman ang sitwasyon niya.
"Nabagsakan ako ng mga kahoy sa trabaho Misis."
Ayu'n pinanindigan niya pa rin ang sagot niya kanina.
"Bakit kasama mo sina Saijan? Saan kayo galing?"
"Ah, bibisita sana sila sa'yo kaya----"
"Pumunta kami ni Zero sa pinagta-trabahuhan mo." putol ko sa sasabihin niya para hindi na siya mahirapan pang magdahilan
"Ha?" gulat niyang react
"Nakausap ko si Vanessa, mag-iisang linggo ka na raw resigned."
"Ah."
Ah? 'Yun lang?
"Saan ka pala pumupunta nitong mga nakaraan? Maaga kang umalis, late ka umuwi. Sabi mo overtime ka."
Bumuntong-hininga si El. Hindi na siya makatanggi pa sa'kin.
"Bumalik ako sa underground Misis."
"What?!"
Napatayo pa ako dahil sa sinabi niya. Kaya naman pala gan'yan ang hitsura niya!
"Izzy Kiel naman!"
Nahawakan ko ang tiyan ko dahil bahagyang kumirot 'yun nang bigla na lang akong tumayo.
Hinawakan niya an kamay ko at muli akong pinaupo.
"Makinig ka muna sa'kin Misis, para sa inyo din ang ginagawa ko."
Ngayon ko mas naunawaan ang mga sugat sa mukha niya. Lumalaban na naman siya sa underground! Illegal 'yun e! Bukod du'n, baka kung anong mangyari sa kanya du'n!
"Ayoko El, ayoko na nandu'n ka. Nenerb'yusin ako sa'yo." sambit ko
"Kukuha ako ng tubig."
Tumayo nga siya para ikuha ako ng tubig. Ang plano ko ay mag-usap kami para linawin ang issue niya sa trabaho pero heto at may nalaman pa ako.
Bumalik si El sa tabi ko at pinainom muna ako ng tubig.
"Kumalma ka muna Ysabelle, okay? Baka kung mapaano ka pa."
Huminga ako ng malalim.
"Okay, back to the topic. Ipaliwanag mo sa'kin at makikinig ako."
Kailangan kong habaan ang pasensya ko kung ayaw kong mag-away kami ni El.
"Nag-resigned ako sa trabaho dahil... dahil kay Mam Vanessa. Naiinis na ako e."
Geez! That sh*t! Pinapahirapan niya ang asawa ko!
"Bumalik ako sa underground dahil ayoko naman na wala akong trabaho. Paano ko kayo mabubuhay ng anak natin? Paano kita mabibigyan ng maayos na buhay? Paano ako makakaipon para sa panganganak mo? Lahat 'yun iniisip ko kaya pinasok ko ulit ang pagiging underground fighter."
Tumango-tango ako sa lahat ng sinabi niya.
Itinuro ko ang mukha niya.
"Kaya gan'yan ang mukha mo ngayon." sambit ko, "Nagpapatunay na nahirapan ka sa kalaban mo."
Alanganin ang ngiting ibinigay sa'kin ni El.
"Hindi naman, medyo lang."
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay ko.
"Medyo? Medyo pa 'yang lagay na 'yan?"
Kumamot si El sa ulo niya.
"Okay lang ako----"
"Hindi! Hindi okay sa'kin Izzy Kiel! Ayokong nasa underground ka." kontra ko sa sasabihin niya pa
Paano kung mapatay siya du'n?! Tingin niya ba ay kakayanin ko 'yun?! No way! No way!
"Pero Ysabelle..."
"Ako ang bahala sa pera. May pera ako."
Kung pera ang iniisip niya kaya siya bumalik sa underground then meron ako nu'n! Kaya kong ihanda ang lahat ng gagastusin namin sa panganganak ko! Kaya kong ibili ng mga gamit ang anak namin! Hindi niya kailangang isakripisyo ang sarili niya sa underground na 'yun!
"Hindi ako aalis Ysabelle." determinadong sambit ni El
"What?"
"Hayaan mo akong lumaban pa hanggang sa makaipon ako ng tamang halaga para sa inyo ni baby, then hahanap ako ng ibang trabaho."
"El! Paano kung sa susunod mong laban ay higit pa d'yan ang matamo mo?"
Hindi ako makapaniwala na determinado pa rin siyang lumaban sa kabila ng pagtutol ko.
Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.
"Please Ysabelle, ilang laban pa please. Lalaki ako, asawa, at tatay, hindi pwedeng wala akong gawin para sa inyo."
Tila nadurog ang puso ko sa pakiusap niyang 'yun. Mababakas sa mga mata niya ang pakiusap na unawain ko siya.
Lalaki siya, .... una pa lang ay may pride na siya.
Asawa siya, .... pinangakuan niya ako ng maayos na buhay na gusto niyang tuparin.
Tatay siya, .... alam niya ang responsibilidad niya bilang Dada ng anak namin na hindi ko pa nailalabas.
Pumikit ako.
Pero natatakot ako. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.
"Kaya ko pang lumaban... at darating pa rin ako kapag kailangan mo ako, okay? Pangako 'yun. Hawak pa rin kita."
Ah... kung bakit kailangang 'yun pa ang maging paraan niya sa buhay.
Pero wala pa rin akong nagawa kun'di tumango.
Dahil kung hindi ko siya susuportahan...
Sino'ng susuporta sa kanya?
"Basta uuwi kang maayos Izzy Kiel." sambit ko sa kanya
Tumango siya sa'kin.
"Uuwi ako, pangako."
Sa bigat ng usapan namin ngayong gabi, hindi ko na nagawang banggitin pa sa kanya ang tungkol kay Philip.
Tsaka na siguro...
Ayokong dagdagan pa ang isipin niya.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (454)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
love
16/05/2025
0livro muito legal recomendo
11/01/2025
1great
02/01/2025
0View All