Chapter 65 .

- Ysabelle's POV -
"Ha? May sinasabi ka?"
"Opo, opo, tuturuan kita gumalang sa tatay mo."
"Gusto mo na agad kumain? Bawal pa."
Mahina akong tumawa sa sinasabi ni El sa baby namin.
"Gusto ka na daw niya makita, Dada." sambit ko
Kanina niya pa kausap baby namin sa tiyan ko.
Hinalikan niya ang tiyan ko.
"Gusto na rin kita makita anak." bulong ni El sa tiyan ko
Napangiti ako ng malawak sa sinabi ni El. Masarap sa pakiramdam kapag kinakausap niya ang anak namin.
"Oh? Sumipa siya Ysabelle!" gulat na sambit ni El
"Hahahaha, naramdaman ko nga."
Amaze na amaze si El habang hawak ang tiyan ko. Hinihintay niya pa ulit na gumalaw ang baby namin.
"Tuturuan kita ng tamang pagsipa at pagsuntok anak. 'Yung tipong tatalsik ang kalaban mo at hindi na makakatayo pa. Walang makakapalag sa'yo. Whahahahaha!"
Gosssh! 'Yun pa talaga ang naiisipan niyang ituro.
"El huwag naman agad 'yan." saway ko sa kanya
Paano kung magising na lang ako isang araw underground fighter na ang anak ko, lalaki man o babae?
Napahawak ako sa dibdib ko.
Nenerb'yusin na naman yata ako sa naisipan ko.
Lumapit na sa'kin si El.
"Kailangan magpalakas ka Misis para malakas din si baby. Masaya 'yun!"
(-_-)    talagang palakasan ang gusto ah!
"Sana babae si baby para hindi mo maturuan." bulong ko
"Kahit babae pa ang anak natin tuturuan ko siyang lumaban! Para walang pwedeng umapi sa kanya. Whahahahaha!"
(-_-)
"Then, ako ang makakalaban mo Izzy Kiel."
"Eh? Hindi kita lalabanan Misis."
Medyo naghihilom na ang sugat niya sa mukha. Bumili ako ng mga gamot para sa sugat niya at sinabi ko rin kay Jamie na hindi niya muna bibigyan ng schedule si El sa Association nila.
Aminado naman akong higit na mas malaki ang naisulit sa'kin ni El ngayon kaysa sa dati niyang trabaho pero hindi lang naman pera ang mahalaga sa'kin kun'di siya rin mismo, ang pagiging ligtas niya palagi.
"Ano sa tingin mo? Babae o lalaki si baby?" tanong sa'kin ni El, mukhang hindi na siya makapaghintay na malaman ang kasarian ng anak namin
"Hmm, pakiramdam ko ay boy." sagot ko
'Yun talaga ang nararamdaman ko.
"Talaga? Sabi nila madalas daw tama ang pakiramdam ng buntis. Yeees! Lalaki agad! Mag-iisip na ako ng pangalan!"
Naupo siya malapit sa'kin at seryosong nag-isip.
"Izzy Kiel... Ysabelle... Izzy Kiel.... Ysabelle..."
Paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan namin, gusto niya sigurong pagsamahin.
"Izzysa!" sambit niya
(-_________-)
"Umayos ka El, sasakalin kita." banta ko sa kanya
"Ack! Joke lang 'yun. Promise aayusin ko ang pag-iisip. Hahahaha."
"Huwag mo ng pagsamahin ang pangalan natin. Korni naman e."
Tumingin sa'kin si El.
"Korni 'yun para sa'yo Misis? Nakakasama ka ng loob ha."
Natawa ako bigla dahil sa expression ng mukha niya. Mukha nga'ng sumama ang loob niya. Hahahaha!
"Mahirap naman kasi pagsamahin ang pangalan natin Mister. Huwag mo ng pahirapan ang sarili mo di ba."
Sumimangot si El sa'kin.
"How about Ezekiel?" suggest ko sa kanya
"Pangalan ko 'yun e!" reklamo niya
"Your name is Izzy Kiel, our baby's name will be Ezekiel." paglilinaw ko sa kanya since magkatunog
Umiling siya sa'kin.
"'Yoko! Paano kapag nag-away tayo? Tapos sumigaw ka, 'IZZY KIEL, YOU IDIOT!' E'di idiot din 'yung anak ko?"
Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi ni El. Napahawak pa ako sa tiyan ko kakatawa.
"Aba Misis, okay ka pa ba?"
"Hahahaha! Kung anu-ano kasi naiisip mo!"
"Sa totoo lang 'yun Misis. Pati gusto ko 'yung may pangalan mo rin. Baka isipin ni baby hindi kita mahal kaya sa pangalan ko lang nakasunod."
May point naman siya, natatawa lang talaga ako.
"Yechezkel."
"Ha?" react niya
"Ye-che-zkel!"
(~.~)?   < El
"Parang Ezekiel din siya, or pinagmulan ng name na Ezekiel. Kapag biblical meaning, ang ibig sabihin ay God's strength. Kapag kineme lang, brave or strength gan'un."
"Yechezkel." ulit niya
Nag-thumbs up ako sa kanya dahil na-pronounce naman niya ng maayos.
Tapos biglang sumipa si baby sa tiyan ko, naramdaman din 'yun ni El since hawak niya ako.
"Yechezkel." sambit ni El at gumalaw na naman si baby
Nagkatinginan kami ni El.
"Tingin mo nagustuhan niya ang ipapangalan natin sa kanya?" tanong niya
Tumango ako.
"Yeah, I can feel it."
"Wow! Good boy, good boy." ani El na tuwang-tuwa
Wala pa kaming ultrasound na naglalaman ng gender ni Yechezkel pero nararamdaman ko na lalaki talaga siya. (^__^)
"Yechezkel anak, magiging isang malakas at magaling kang fighter sa hinaharap! Whahahahaha!"
Hinampas ko ang ulo ni El.
(-_-)
"Aray Misis!"
"Sinabi ko na sa'yong hindi di ba?!"
"Ano ba ang masama sa pagiging fighter? May mga legal fights naman gaya ng WWE, MMA, or Boxing kaya? Hala! Saan ko kaya pasasalihin ang anak natin? Kailangan ko ng mag-isip!"
(-________-)   hindi siya nakikinig sa sinasabi ko!!!!!!!!!!
"Izzy Kiel!"
"Yes, Misis?"
"Maglaro tayo!" inis kong sambit sa kanya
"Ha? Ano'ng laro?"
Halatang nagtaka siya sa sinabi ko na malayo sa topic namin.
"Taguan ng anak! Bwisit ka! Kung 'yun lang din naman ang ituturo mo sa anak natin, magtaguan anak na lang tayo!"
"Haaaaaa?! Itatago mo sa'kin ang anak ko? 9 months na nga siyang magtatago sa loob mo, itatago mo pa rin?! Huwag gan'un Misis."
Inirapan ko siya.
"Basta't ayoko na tuturuan mo si Yechezkel ng basagan ulo!"
Hindi naman siya sumagot. Bumulong-bulong na lang siya sa tiyan ko at pinatalsik ako sa usapan nila.
Geez!
"El." tawag ko sa kanya since hindi niya ako sinasali sa usap nila ni Yechezkel
Pero hindi niya pa rin ako pinansin kaya hinila ko ang buhok niya.
"EL!!"
"Aack! Misis naman, mapanakit ka."
Binitawan ko na ang buhok niya. Medyo nagiging Jamie na naman ako sa kanya. Simula ng magbuntis ako ay ang sadista ko sa kanya.
"Hindi mo kasi ako pinapansin. May sasabihin ako sa'yo." sambit ko
Tumingin naman siya sa'kin.
"Here, here, ano po ang sasabihin?" tapos inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko
Halatang hindi ako sineseryoso!
Pinitik ko ang ilong niya.
"Umayos ka nga!" reklamo ko sa kanya
Hinawakan naman niya ang ilong na agad namula.
"Ang sakit naman Misis, grabe ka."
Matagal ko na siyang tinititigan pero ngayon ko lang napansin na maganda ang ilong niya kahit na may bangas pa siya.
Hinawakan ko ang mukha niya.
"Normal sa pinoy ay pango." sambit ko
"Ano?! Putcha!"
Akala niya siguro iniinsulto ko siya kaya nagmura siya.
"Pero matangos ang ilong mo El."
"Namana ko 'yan sa Lolo ko."
Tumango ako.
"Oh, may ibang lahi ang Lolo mo?"
Nagshrug siya.
"Ewan. Ano na ang sasabihin mo?"
Heto na naman siya, kapag pinag-uusapan namin ang pamilya niya lagi niyang binabago ang usap.
Na-realize ko tuloy na hindi pa namin kilala ng lubusan ang kanya-kanya naming pamilya.
"Na-meet ko ulit si Philip Bermudo." sambit ko
"Ha?"
Halatang nagulat siya.
"Lumabas ka na naman ng mag-isa, Ysabelle?!!" at aya'n, sumiklab agad ang inis sa'kin
"Noon pa 'yun, nu'ng pumunta ako sa site niyo. Kasama siya ni Vanessa. Magkakilala pala sila?"
Nagsalubong ang mga kilay nila.
"Hindi ko alam." sagot niya tapos tila nag-isip siya, "Bakit sila magkasama?" bulong niya tanong, mas tanong niya 'yun sa sarili niya
Isang palaisipan rin sa'kin nitong mga nakaraan kung bakit tila interesado pa rin sa'kin si Philip.
Gawa pa rin ba nu'ng utang ni Dad?
Geez, hindi ko pa rin pala 'yun nababayaran.
Bumuntong-hininga ako.
Kailangan ko na siguro siyang bayaran para hindi na siya magpakita ulit sa'kin.
Kal'hating milyon.
Malaking pera din 'yun.
Kailangan ko na namang kontakin si Yzon para du'n. Naiinis pa man din ako kapag kausap ko siya.
"Aalis lang ako."
Napatingin ako kay El na agad tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ko
"May bibilhin lang ako, dito ka lang. Ila-lock ko ang pinto at gate."
"El!"
Pero na niya ako pinakinggan. Ginawa na lang niya kung anong sinabi niya.
Mukhang nagdulot ng takot at matinding galit ang ginawa sa kanya ni Philip.
Hinaplos ko ang tiyan ko.
Hindi kami pwede sa ganitong set up, kailangan kong i-settle ano man ang problema. Kung pera man, e'di pakikilusin ko ang pera!

Book Comment (454)

  • avatar
    HlJoker

    love

    16/05/2025

      0
  • avatar
    AlvesMatheus Rodrigues

    livro muito legal recomendo

    11/01/2025

      1
  • avatar
    HoudaRabehi

    great

    02/01/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters