“Pero di naman ako inosente. Hindi ko maaakit si Daniel kung wala akong alam doon. Gusto ninyo ng tips?” tanong nito. “Huwag na,” sabay nilang wika ni Dreamilyn at nagkasundo silang tingnan muli ang menu para sa hapunan nila. Nagkukulitan sila tungkol sa magiging design ng wedding gown niya nang tumunog ang cellphone niya. May natanggap siyang picture sa Multimedia message niya mula kay Arci. Si Stefan na may kausap na isang babae habang nakaupo sa bar stool. Ang isa pa ay naka-abrisyete ang babae dito at parang may pagka-intimate. Di niya alam kung ganoon nga o sadyang ginawan lang ng malisyosong anggulo para galitin siya. Nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Arci. Ayaw na sana niyang kausapin ito pero mukhang hindi maiiwasan. The picture piqued her curiosity. “Nakita mo na ang pictures?” anitong may himig ng pagkasabik sa boses. Waring nakakaaliw ang ipinadala nitong larawan. Of course, ito lang ang naaaliw dahil alam nitong miserable ang pakiramdam niya nang mga oras na iyon. "Anong ibig sabihin nito?" tanong niya sa malamig na boses. "Iyan ang ex-girlfriend ni Stefan na si Marione. Nagkayayaan ang ibang kaibigan namin sa bar ni Marione. Nagkita sila and the rest is history. As you can see, mukhang interesado si Stefan sa anumang sasabihin sa kanya.” Huminga siya ng malalim. “I am sure ikaw ang nagdala sa kanya sa bar na iyan.” “Of course not. Si Lounell ang nagdala sa amin dito sa bar.” "Ginugulo mo ba kami?" tanong niya sa mataas na boses. "Ayokong magmukha kang tanga. You know how much I care for you. Hindi ko matanggap na habang nagpapakamartir ka at hinihintay mo si Stefan na mahalin ka, heto siya at kasama ang ex-girlfriend niya. And who knows what will happen after this? Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil nagmamalasakit ako sa iyo, hindi ba?” Mariin siyang pumikit. She trusted Stefan but not that woman. Kailangang mailayo niya ito sa babaeng nanakit dito. Ngayong nandito na siya sa buhay ni Stefan, hindi siya papayag na mahulog pa ito sa ibang babae. ”Nasaan kayo ngayon?” “I will send you the address." May himig ng tagumpay sa boses nito. "Ano iyon?" tanong ni Yngrid. "Gusto ba ninyong mag-bar?" tanong niya. "Mag-bar? Para mag-enjoy o para sumugod sa giyera. Mukha kasing may gulo,” nag-aalalang wika ni Dreamilyn. "Depende sa maaabutan ko,” sabi niya at tumayo. “Are you coming with me?” “Oo,” sabay na sagot ng mga ito na parehong bakas ang pag-aalala sa mukha. “A-Ako na ang magmamaneho,” sabi ni Yngrid. “Kotse na natin ang dalhin ko.” “Ano bang nangyari?” tanong ni Dreamilyn nang bumibiyahe na sila papunta sa Artemis Bar, ang bar na pag-aari ng dating nobya ni Stefan na si Marione. Ikinuwento niya sa mga ito ang tungkol sa larawang natanggap niya mula kay Arci. Di na lang niya binanggit mismo na si Arci ang nagpadala at di na niya binuksan pa ang intensiyon nito dahil tiyak na hahaba ang usapan. “Kumalma ka lang. Huwag kang gagawa ng gulo,” paalala sa kanya ni Dreamilyn. “Huwag kang gagawa ng eksena.” “Ako ang bahala sa iyo. Sasabunutan ko ang babaeng iyon kapag nakita ko siyang nakalingkis kay Stefan,” sabi ni Yngrid. “Ang lagay matapos niyang ipagpalit si Stefan sa iba, gusto pa niyang makuha?” “Tumigil ka nga diyan, Yngrid!” saway ni Dreamilyn dito. “Gusto mo bang ma-turn off sa iyo si Kenji kapag nalamang nakikipagbabag ka sa bar?” “Isang sapak lang pwede ba o isang sabunot?” hirit pa ni Yngrid na nakangisi. Huminga siya ng malalim. “Hindi naman ako pupunta doon para makipag-away. G-Gusto ko lang makita ang babaeng iyon.” Gusto rin niyang malaman kung mahal pa ito ni Stefan. Kung anong nakita ni Stefan dito para patuloy nitong mahalin. Masokista na siya kung masokista. Pero dir in naman siya papayag na paikutin pa ulit ng babaeng iyon si Stefan at saktan nito. Maya maya pa ay dumating na sila sa Artemis Bar. Madilim sa loob ng bar maliban sa pulang ilaw at manaka-nakang pag-ikot ng stobe lights sa dance floor para mailawan ang mga nagsasayaw. Mabuti na lang at mellow ang musika kaya hindi gaanong masakit sa tainga. Hinagilap agad ng paningin niya si Stefan. Ayon sa huling text ni Arci na ipinadala nito bago siya pumasok ng bar na nasa bar counter pa rin ito Hindi naman siya nahirapan na hanapin si Stefan dahil nakita niyang nakaupo ito sa bar stool at kausap pa rin ang babaeng kasama nito sa picure. Sinubukan siyang harangan ni Arci. “Justine, anong ginagawa ninyo dito?” Matiim lang siya nitong tiningnan. She hated his face. He disgusted her. Paano nito nagagawang magpanggap na inosente habang tinatraidor nito si Stefan sa kanya? Ginagawa nito ang lahat para sirain sila ni Stefan. “We came here to party,” wika naman ni Yngrid sa masayang boses at bahagya pang umiindak sa tugtog para di halata ang tunay na pakay nila. “Excuse me,” aniya at nilagpasan si Arci. Nakatalikod si Stefan sa kanya at mukhang abala pa rin ito sa pagkausap kay Marione. "Stefan!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Very good story. Love it 😍
07/09/2024
1Ang ganda🥰🥰
14/05/2024
1😍😍❤️❤️
24/04/2024
1Tingnan Lahat