logo text

Amber Ann Aguirre Ralph Villamartin Hector Villamartin Anne Villafuerte Mark Villafuerte Jane Aguirre Roberto Aguirre

THIRD EYE
Chapter 28: Papeles
Calvin P. O. V.
Nandito pa rin ako sa hospital at naisip kong tawagan si tito Hector, gusto ko kasing ipaimbestagahan ang pagkakaaksidente namin.
Kanina ay pumunta ang mga pamilya ng driver at humingi ng tawad sa akin dahil matagal na daw nilang pinapatigil ang lalaki kasi adik daw ito sa alak.
“Sa totoo lang pwede pang iwasan iyon ni papa pero dahil sa hindi kumakagat ang brake ay hindi sana sasalpok ang truck at sinasakyan namin.” pagkatapos kong makipag-usap sa pamilya ng driver ay umalis na sila.
Nakita ko na lang ang sarili ko na tina-type ang number ni tito Hector.
“Hello, Calvin?” Sabi ni tito Hector.
“Hello tito.” sabi ko.
“Kumusta kayo?” tanong ni tito Hector.
“Hindi okay.” sabi ko habang nagsisimula ng pumatak ang luha ko.
“Bakit? May nangyari ba sa sa inyo? Sabihin mo sa akin, Calvin.” sabi ni tito Hector sa akin.
“Pupunta sana kami kina Amber para surpresahin sila p-pero naaksidente kami. Nandito kami sa hospital at ngayon ay wala pang malay sina mama at papa, huhuhu.” umiiyak kong kwento.
“Naaksidente? Nasaan kayo ngayon sa hospital?” pagkatapos kong sabihin ay alam kong pupuntahan niya kami dito sa hospital na sinabi ko.
Mga tatlong oras na paghihintay ay dumating si tito Hector.
“Alam mo tito, kaya ni papa na maiwasan iyon kasi malayo pa lang ang truck pero dahil nawalan ng brake ang sinasakyan namin kaya nagkabanggaan ang sinasakyan namin at ang truck. Ang sabi ni papa ay chineck niya naman ang kotse bago umalis.” pagtatapos kong ikwento ay napatingin ako kay tito.
“Hindi kaya may galit sa pamilya n‘yo? Di ba sabi mo sinigurado ng papa mo na maayos ang kotse bago kayo umalis. Tatrabahuhin ko ito at malalaman natin kung sino ang pakana ng pagkakaaksidente n‘yo tsaka pagbabayarin niya o nila ang nangyari sa pamilya mo.” sabi ni tito Hector.
“Salamat tito Hector.” nakangiti kong sabi.
Nang umalis si tito Hector ay dumating naman ang kaibigan kong sina Isagani at Conor.
“Kumusta na ang mga magulang mo?” Tanong ni Isagani.
“Hindi pa rin nagigising.” malungkot kong sabi.
“Huwag ka ng malungkot, alam namin na magiging okay ang mga magulang mo.” sabi naman ni Conor.
Makalipas ang dalawang buwan ay dumating si tito Hector na may malungkot na mukha.
“Tito, bakit?” nilapitan ko si tito.
“May nalaman kasi ako habang iniimbestigahan ang pamilya mo, Calvin.”
“Anong nalaman mo tito, sabihin mo sa akin.”
“Ang lolo Justin Medina mo, ang ama ng mama mo na si Cassandra.” nagulat ako sa sinabi ni tito.
“Anong tungkol kay lolo? Sinabi sa akin ni mama ang tungkol kay lolo na namatay ito dahil sa atake sa puso.”
“Palagay ko ay hindi atake sa puso ang kinamatay ng lolo mo, Calvin. At ang gumawa no‘n ay kilala ng lolo mo o malapit kay Cassandra kaya payo ko sa‘yo ay ipa-examine mo ang bangkay ng lolo mo.” mahabang sabi ni tito.
“At sa pagkakaaksidente naman sa inyo ay may taong galit sa pamilya n‘yo. Ang tao na iyon ay posibleng siya rin ang pumatay sa lolo mo, Calvin.” nagulat ako sa natuklasan ko.
“Sino kaya ang gumawa nito sa amin? Wala akong maisip na tao na may galit kila mama at papa.” lungkot kong sabi.
“Tito, uuwi muna ako sa amin para kumuha ng maisusuot.” pagpapaalam ko kay tito.
“Sige, ako ng bahala rito.”
“Salamat.” tsaka umalis na ako at pumunta na sa bahay namin.
Pagkarating ko doon sa bahay ay nakita kong nakabukas ang gate namin. Dali-dali akong pumasok at nagulat ako sa natuklasan ko ang lahat ng mga gamit ay nagkalat. May narinig akong papunta sa akin kaya nagtago ako sa kwarto ko.
“Nasaan tinago nina Cassandra ang papeles ng lupa, kailangan kong makuha iyon para mapasaakin na ang lupa na iyon.” narinig kong sigaw ng babae at binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto para makita ko ang mukha ng nagsasalita.
“Halos lahat ko na natingnan para lang makita ang papeles na iyon. Teka may isa pa pala akong hindi napupuntahan.” nakita kong pabaling na sa akin ang babae kaya bago pa man bumaling sa kinaroroonan ko ay sinarado ko na at nagpatago sa cabinet. Hanggang sa pumasok na siya sa kwarto ko at papalapit na sa cabinet na kung nasaan ako.
“Hello anak... Nandito ako sa bahay nina Cassandra, hinahanap ko ang papeles ng lupa.” hindi natuloy ang pagpunta sa cabinet kasi may tumawag sa babae.
“Sige, nasaan pala kayo?... Ah, papunta pa lang sa hospital kasi bibisitahin n‘yo sina Cassandra. Okay, mag-iingat kayo ni Conor, Isagani.” nagulat ako sa nalaman ko.
“At kapag nakita ko na ang papeles ay aalis na tayo. Sisimulan ko na ang paghahanap sa papeles na iyon, anak.” mas nagulat ako sa sinabi ng babae.
Ngayon ay sinilip ko kung nasaan na ang babae at ito ay pumunta sa higaan ko para hanapin ang papeles na sinasabi ng babae.
“Nasaan na iyon!!!” Sigaw ng babae.
Kahit hindi ko alam kung nasaan iyon ay sana hindi mahanap ng babae.
“Kung noon ay pinatay ko ang ama ni Cassandra dahil hindi sinabi kung nasaan ang papeles at ngayon naman ay na-comma ang anak nito dahil sa akin. Sana namatay na ang kaibigan ko na iyon pero salamat dahil may pagkakataon na akong malaman kung nasaan ang papeles ng lupa, hahaha.” kung gano‘n hindi inatake ng puso si lolo at siya ang may kagagawan sa pagkakaaksidente namin nina mama at papa.
‘Pagbabayarin mo ito.’ galit kong sabi sa sarili at napakuyom ako ng kamay.
Patuloy pa rin sa paghahanap ang babae hanggang sa umalis na sa kwarto ko. Aalis na sana ako ng marinig kong pabalik ang babae kaya bumalik rin ako sa aking posisyon.
“Kung hindi ko man mahanap iyon ay susunugin ko na lang ito para hindi mapakinabangan pa, hahaha.” tumatawang sabi ng babae.
Nakita kong may dala siyang container na lalagyan ng gas at ito ay sinaboy sa kwarto ko.
“Iyan ubos na ang gas, hahaha. Teka, kukunin ko pala ang posporo.” Nang umalis na ang babae ay may nahulog sa ulo at ng tingnan ko ay nagulat ako.
“Ito ay papeles ng lupa at ito rin ang hinahanap ng babae.” kinuha ko iyon at dali-daling umalis doon.
Salamat kasi may secret door kami, ginawa iyon ni papa para sa emergency.
“Ngayon ay mawawala na itong bahay, hahaha” nakita ko na lang na nasusunog na kalahati nitong bahay kaya lumabas na ako doon.
Habang tumatakbo ako ng palayo sa bahay ay tinawagan ko si tito Hector at sinabi ang lahat except sa kina Isagani at Conor.

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    Sofia Maraviles

    nice reading

    07/02/2025

      0
  • avatar
    PalisNenet

    ang ganda ng story❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    28/01/2025

      0
  • avatar
    darling

    🤪♥️♥️♥️♥️

    24/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata