Chapter 5

"Kuya!" I happily called him.
Tumatambol ang puso ko sa kaba at excitement. My homeschooling years finally ended. Ngayon ay sasamahan nila ako ni Mama na mag-enroll sa first semester bilang isang Grade 11 student.
Mama also told me that we were going to eat outside. That's an unnatural choice of hers!
Ito ang ikalawang pagkakataon na lalabas ako sa neighborhood namin mula ng na-homeshooled ako. Ang una ay iyong hinayaan ako ni Mama na pumunta sa mall at hindi inaasahang aking nakatagpo si Lysander.
Pilit kong pinukos ang sarili sa mga magagandang bagay. I tried to imagine how engaging it will be to start making friends, a lot of friends. Hindi ko rin pinalampas ang kaisipang magiging maganda ang takbo ng aking pag-aaral at magugustuhan ako ng mga teachers.
Ngunit aaminin kong hindi pa rin talaga nawawala ang takot ko sa katotohanang mapapalibutan ako ng maraming tao.
"Hindi ko maiintindihan kung excited ka ba o nagpapanic." natatawang saad niya.
He hugged me tightly and I buried my face on his chest.
"Mababait ba sila doon?" tanong ko.
I was trying to calm myself by diverting my attention to snorting his scent. Pero agad akong inilayo ni Kuya Revon mula sa kaniya.
"Mawawalan ako ng hininga sa ginagawa mo!" he spat, kaya bigla kong naalala na may kiliti pala siya sa dibdib.
Hinimas-himas niya iyon at tumingin sa akin.
"Dalawang uri ang mayroon ang mundo, Lorraine. Hindi nawawala ang masasama. Kaya ikaw, keep being lowkey."
Kumunot ang noo ko.
"Don't let them know you as someone easy to fool." patuloy niya.
Napatitig ako sa kaniya. Sa mahigit dalawang buwan niyang pananatili rito sa Davao ay madalas na siyang magsalita ng Ingles. Ganoon ba ang epekto ng Manila?
Si Ate Laury, nakarating na rin doon sa pagkakaalam ko. Mahilig siyang mag-ingles pero hindi ko naman iyon pinagtuunan ng pansin dahil english naman talaga ang major niya. At kadalasan na nagkikita kami ay sa tuwing learning session lang namin.
"Madali ba akong maloko?" simangot kong tanong sa kanya.
Napakagat ako ng labi ng walang alinlangan siyang tumango lamang.
Biglang tinawag siya ni Mama kaya bumalik siya sa loob ng bahay.
Nabaling lamang ang atensiyon ko nang makarinig ng tunog ng sasakyan. I saw that violet car again. It's the same car visiting Lysander's house these past few days. Bumusina ito at nang tingnan ko ang katabing bahay namin, saktong lumabas ang lalaki.
The girl got off of her car. Siya iyong babaeng nakita ko nang sumakay ako sa kotse ni Lysander. Katulad noong mga nakalipas na araw, ngiting-ngiti siyang sinalubong ang lalaki.
I shifted my weight. Iyong huling araw na punta ko sa bahay ni Lysander ay noong naghatid ako ng mga pagkain sa kaniya. Hindi na nasundan dahil palagi akong kinakausap ni Kuya.
They both walked towards the terrace of his house.
"I brought you the watch. Naiwan mo iyan si bahay ni Tito Greg. I went there on friday kasi akala ko nag-stay ka pa doon. And then, your father handed me this." pakita ng babae sa isang relo.
Tila normal na kinuha niya ang pulsuhan ni Lysander at isinuot iyon. Lysander didn't give a reaction and just let her. Hindi naman pinuputol ng babae ang pagsasalita.
"Sabi niya, ako nalang daw magbigay sa iyo. Tutal nagpupunta naman ako dito." she beamed.
Binitawan niya ang pulsuhan ng lalaki pagkatapos niyon ay ang dahan-dahang pagbuga ko ng pinipigilang hangin. As I was gawking at them, hindi ko mapigilang mapasabi ng 'sobrang bagay naman nila.'
Hindi na ako magtataka kung bakit tila natitigilan ang reaksiyon ko kanina dahil sa dalawa.
"Have you eaten your breakfast?" Lysander asked, which the girl unusually smirked.
"If I say no, will you cook?"
"That would be yes."
Tumawa ang babae. Pumasada ang tingin ko kay Lysander at hindi nakatakas sa akin ang maliit na pagngiti rin niya. He only relaxed his face when the girl stopped laughing.
"Then, sasabihin kong hindi pa ako kumain! Let's go inside." hinila siya ng babae.
Nawala na sila sa paningin ko ngunit nakatitig pa rin ako sa kinaroroonan nila kanina.
Does he like her? O girlfriend na niya? Pero para namang hindi kasi sa mga movies na napanood ko, kung girlfriend or boyfriend ang isang tao, hindi lang magyakapan. They should have kissed.
Sa ilang pagpunta ng babaeng iyon dito, hindi ko naman sila nakitang naghahalikan.
'Who knows they do it on private?'
Napangiwi ako ng ma-imagine iyon.
"Sigurado kang hindi cookery ang kukunin mo?" tanong ni Kuya nang magfill-up na kami ng form ko.
Pinigilan ko muna ang mag-isip sa nasaksihan kanina.
I looked at my mother. Tumitig lang siya sa akin.
"HUMSS talaga, Kuya." I confirmed.
Gusto ko ang pagluluto pero kung itatabi ko iyon sa psychology, mas pipiliin ko ang huli. I decided to take the strand of HUMSS because it's more focused to my aspired course.
It's the course that I could wholly feel my heart into. I want to study human mind and behavior. I want to be good at this, so I would be able to sense who are real, so I wouldn't regret letting another people to become part of my life.
My brother continued scribbling. Bumalik ulit sa paggagala ang mga mata ko. I suddenly felt uncomfortable again.
May napapatingin sa direksiyon namin. They were mostly students at mas bata sa akin. Yumuko ako dahil para na namang sasabog ang puso ko sa naramdamang sobrang pagkailang.
When I was in elementary, I was not this shy. Ngayon lang ako umabot sa puntong nakakaramdam ako ng panginginig at takot kapag nasa gitna ng maraming tao.
Humawak sa balikat ko si Mama at hinaplos iyon.
"Relax lang, Lorraine." sabi niya.
I heard her sigh. It sounded helpless to me. Napalingon ako sa kaniya.
"Ma, kapag ba simula na ng pasukan, ako nalang mag-isa pumunta? Hindi niyo ba ako pwedeng samahan?"
Biglang may umakbay sa akin at nang tingnan ko ay si Kuya Revon iyon. I glanced at the forms. He wasn't done filling in.
Nagtagpo ang mga tingin ni Kuya at Mama.
"Ayaw mo naman sigurong pagtawanan, Lorraine?" Kuya's brow raised.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal mula sa balikat ko. I faced him.
"Natatakot ako, Kuya Revon."
Kumurap siya sa narinig at pagkatapos ay bumuntung-hininga. Tumingin ulit siya kay Mama na tahimik lang sa gilid ko.
"Kahit sa first day lang naman," maliit ang boses na dagdag ko.
"Ako nalang ang sasama sa iyo." he said, sounded defeated.
"Pero hindi ba tinawagan ka na ng in-applyan mong firm?"
"Mag-e-excuse nalang ako."
Napaisip ako. Hindi ba iyon makakalikha ng bad impression? I refused his suggestion but he only answered me, "sa bahay nalang natin iyan pag-usapan."
Iginala ko ulit ang mga mata ko ngunit napatigil iyon ng may masagip.
In his royal blue long sleeves and maong pants, Lysander boyishly walked through the hallway from the entrance gate. Bumaba naman ang tingin ko sa kaniyang kamay na may hawak na laptop bag.
Papalapit siya sa building at sa enrollment desk kung nasaan kami. His eyes was fixed ahead.
Our eyes suddenly met. Ngingiti na sana ako sa kaniya ngunit pinutol niya ang tingin na tila ba naraanan lamang ako ng kanyang mga mata.
Umayos ako ng tayo at napalunok. Sigurado naman akong nakita niya ako.
Anong nangyari?

Komento sa Aklat (28)

  • avatar
    Maria Sophia Rodrigo Advincula

    its that coll

    09/11/2024

      0
  • avatar
    CaayonRichard

    ayos

    03/10/2024

      0
  • avatar
    VillanuevaEngellyn

    pleas direct my ml account diamond

    30/06/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata