Chapter Eight

“BEH, huwag magpapasaway kay Ate Pektra huh? Papasok na kasi si Ate sa bago kong pagtatrabahuan. Maliwanag ba?”
Nakangiting tumango sa kanya si Aivan. Kinuha niya ang bag niya pati ang susi ng bahay nila. Isinilid niya din sa maliit na bag ng kapatid ang isang plastic ng chewy candy.
“Halika na, beh. Baka ma-late na ako sa work.” Lumabas na sila at ni-lock ang pinto ng bahay nila. Sinuklay-suklay niya pa ang buhok ni Aivan habang papunta sila sa bahay nila Pektra.
“Aivan!” Masayang tawag ni Peter sa kapatid niya. Nang makita siya nito ay kumaway pa sa kanya ang bata. “Hello, Ate Rin! Iiwan mo po ba dito sa amin si Aivan?” Dagdag tanong pa nito.
Tumango siya kay Peter saka iginiya papasok ang kapatid. Saktong kalalabas naman ni Pektra mula sa banyo. Nakatapis pa ito.
“Hello, Pektra! Pwede ko bang maiwan muna dito si Aivan? Wala kasing tao sa bahay...” Nahihiyang tanong niya sa dalaga.
Lumapit naman ito sa kanila saka ngumiti. “Ano ka ba, Ate Rin! Siyempre, oo.” Agad nitong kinuha ang maliit na bag ng kapatid niya saka hinawakan si Aivan sa braso. “Doon kayo sa sala maupo, Peter. Isama mo si Aivan.” Tugon pa nito sa kapatid na lalaki.
Nakangiting pinagmasdan niya ang dalawa na nagpaunahan pa papuntang sala. Mga pasaway...
“Sige Pektra, salamat huh? Utang na loob ko sayo ang pagbabantay kay Aivan habang wala ako. Salamat.” Pasasalamat niya sa babae. Ngumiti naman ito sa kanya.
“Walang anuman, Ate Rin. Sige po, magbibihis muna ako, ah?” Paalam nito sa kanya.
Nang umalis si Pektra upang magbihis ay saka lang siya lumabas ng bahay nito. Mabuti nalang at may dumaang tricycle kaya nakasakay siya agad.
Pagdating niya sa McBelli Company ay agad siyang nagbayad at bumaba ng tricycle. Inayos niya pa ang nagusot niyang pencil cut na palda.
Wala sa sariling napatingala si Ahrin sa mataas na gusaling nasa harapan niya. Sa pinakagitna ng building ay nakaukit ang pangalan ng kompanya nito.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hangin. Marami siyang taong nakikitang nagpabalik-balik sa loob at sa labas ng building.
This is it! Wala nang atrasan ito. Desidido talaga siyang magkaroon muli ng trabaho.
Naglakad na si Ahrin papasok ng McBelli Company. Lumapit siya sa isang guard na naroon.
“Manong, pwede po bang magtanong?” Tanong niya dito. Tumango naman ito. “Ahmm... Anong floor po ba ang office ni Mr. Ferrejas? I mean, Mr. Kiam Ferrejas.”
Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “New applicant ka po ba dito, Miss?”
Umiling naman siya. “New employee po, Manong.”
Hiningi nito ang I.D niya saka sinabi kung saang floor matatagpuan ang opisina ni Kiam Ferrejas. Her new boss.
3rd floor. Doon makikita ang opisina nito.
Pumasok siya sa elevator. Lihim siyang nagpasalamat ng makitang kaunti lamang silang nakasakay. Nang pindutin nung isang babae ang 3rd floor ay nagpasalamat siya. Nahihiya kasi siyang makipag-usap sa mga ito.
Pagbukas ng elevator ay nagsilabasan na ang mga ito. Naiwan naman siya sa loob. She sighed again. Siguro ngayon palang kailangan na niyang sanayin ang sarili na makihalubilo sa ibang tao.
Lumabas na din siya at hinanap ang opisina ni Kiam Ferrejas. Napatingin siya sa suot niyang wrist watch. Pasado alas otso  na pala. Kailangan niyang bilisan ang paghahanap sa opisina ng magiging new boss niya.
Lihim siyang nagpasalamat ng makita niya ito. Nasa pinakahuli ito ng pasilyo ng 3rd floor.
Huminga ng malalim si Ahrin bago kumatok ng tatlong beses. Nang walang sumagot ay pinihit niya pabukas ang doorknob. Akmang bubuksan na niya ng makarinig siya ng nagtatawanan mula sa loob. Nanatili siyang nakatayo sa labas. Hindi niya din maiwasang makinig sa mga ito.
“Seriously? Naks naman, dude! Bakit mo tinanggihan si Nikka kagabi? Sexy babe yun, eh. Hahaha!” Malakas na tawa ng isang lalaki.
Nagpatuloy ito sa pag-uusap kaya nagpasiya siyang buksan na ito.
Nang tuluyang bumukas ang pinto ay agad niyang napansin ang isang pamilyar na tao.  Agad naman siyang napatigil.
HINDI naituloy ni Rhum ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto kaya napatingin siya dito.
Doon niya nakita si Ms. Santanino. Halatang nagulat din ito ng makita siya. Napuno na naman ng katanungan ang isipan niya. What is she doing here?
Agad siyang napabaling kay Kiam na nakangiting aso na sa dalaga. Mahina siyang napamura. What the heck? Pati ba naman sa opisina niya?
Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Not bad. She looks decent with her outfit. Nagtatrabaho ba ito dito sa company?
Naputol lamang ang mga katanungang iyon ng magsalita si Brandon na nasa tabi niya lang. “Bakit hindi niyo paupuin si Ms. Beautiful?” Tumayo pa ito saka kumuha ng isang upuan para sa dalaga.
Napaingos naman siya. Pa-impress ang loko.
“Have a sit, Ahrin...” Sabi naman ng kaibigan niyang si Kiam. Pero hindi man lang ito natinag sa kinatatayuan.
Lihim siyang napangiti at sumandal sa kinauupuan niyang sofa. So, Ahrin pala ang pangalan niya? Nice name! Maganda. Kasing ganda ng may-ari...
Napakurap-kurap si Rhum ng mapagtanto ang mga pinagsasabi ng utak niya. What the heck?! At kailan pa siya nagandahan dahil lamang sa isang pangalan? Tsk.
“Ahr-----”
“I should have guess... Magkaibigan nga pala kayo. Plinano mo ba ito, Mr. Fontabelli?” Mariing pagputol nito sa sasabihin ni Kiam. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatuon sa kanya.
Napamaang naman siya. Plinano?
“What are you talk---------”
“Aalis na ako. Salamat nalang Mr. Ferrejas pero hindi ko matatanggap ang trabahong sinasabi mo.” Saka ito padabog na lumabas ng opisina niya.
What the heck is that? Ano na naman ang kasalanan niya?
Dahan-dahan siyang bumaling kay Kiam na seryoso ang mukha. “Kiam?” Tawag niya sa kaibigan. He just shrugged his shoulder.
“Ask yourself, moron. Not me...” Mapaklang sagot nito sa kanya.
Napakamot siya bigla sa ulo. “Answer me seriously, Kiam. Anong ginagawa ni Ms. Santanino dito sa kompanya namin?”
Hindi agad nakasagot si Kiam. Kitang-kita niya kung paano magtagis ang bagang nito. “It's your fault, Rhum...” Mahinang sabi nito.
Nagtaka naman siya. His fault? Wala siyang ibang maisip na kasalanan sa dalaga maliban sa pagpapakulong niya sa ama nito. Aside from that, wala na.
“Sagutin mo nga ako, Kiam... May relasyon ba kayo ni Ms. Santanino?” Tiim-bagang niyang tanong dito. Lumapit pa siya kay Kiam.
Naramdaman niya ang paghawak ni Brandon sa braso niya pero tinapik niya lamang iyon.
“Ano, Kiam? May relasyon ba kayo ni Ahrin Santanino?!” Pasigaw niyang tanong dito.
Akmang ku-kuwelyuhan niya sana ito pero tumawa ito bigla. Isang pagak na tawa.
“Eh, loko ka pala! Hindi ko alam na ganyan kadumi ang utak mo, Rhum. Sa ating tatlo, ikaw ang kilala kong madaling umintindi ng ibang bagay! Pero hindi pala, gago!” Galit nitong sigaw sa kanya pabalik.
Ramdam niya ang galit nito sa kanya. Kaya ba kanina pa ito hindi umiimik? Ano bang ginawa niya para umasta ng ganito sa kanya ang kaibigan niya?
Nalason na din ba nung babaeng iyon ang utak ng kaibigan niya?
“Pwede bang manahimik muna kayo?! Hindi ako referee dito para pumagitna sa inyong dalawa, okay?” Suway sa kanila ni Brandon.
Padabog siyang naupo pabalik sa sofa saka mariing ipinikit ang mga mata.
Napuno ng katahimikan ang buong opisina niya. Akmang tatayo na sana siya nang biglang magsalita si Kiam.
“Alam mo ba kung gaano naghirap si Ahrin nang ipakulong niyo ang ama niyang si Adonis Santanino?” Tanong nito sa kanya.
Natigilan naman siya. “What?”
“Ako ang nagpapunta kay Ahrin dito sa company niyo, Rhum. Inalok ko siyang magtrabaho dito dahil yun lamang ang naisip kong paraan. Naaawa ako sa kanya kaya nagawa ko yun...” Dagdag pa nito.
Sasagot na sana siya pero naunahan siya ni Brandon. “Eh, bakit dito mo sa company nila Rhum pagtatrabahuin? Dapat sa kompanya niyo nalang.”
Tama si Brandon. Bakit sa kompanya nila pagtatrabahuin si Ms. Santanino?
“Bakit di mo itanong sa mommy mo? For sure, alam ni Tita Reina ang tungkol doon. O di kaya sa mommy ng fiancee mong si Aemy...” Makahulugang sabi nito sa kanya.
Napaingos na naman siya. “Hindi ko pa siya fiancee.”
Ngumisi naman ito sa kanya. “Yeah, right.”
Napahilamos naman siya ng palad sa mukha. Argh! Wala talaga siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Bigla ay napaisip siya sa sinabi ni Kiam. Ano naman ang kinalaman ng mommy niya at ng mommy ni Aemy dito?
Napatingin sila kay Brandon ng magsalita ito. “Linawin mo nga ang sinasabi mo, dude.”
Huminga ng malalim si Kiam bago magsalita.
“Natanggal sa pinagatatrabahuan niya si Ahrin dahil sa pagi- eskandalo ni Tita Arian doon sa Yhumz restaurant noon. Pinahiya nito ang isa sa mga waitress ng Yhumz. At si Ahrin iyon...” Seryosong paliwanag nito.
Naisip bigla si Rhum. Naalala niya yung kaganapan noon habang nasa loob siya ng room ni Aemy sa hospital. Yung pagdating ng Mommy at Tita Arian niya. Ang galit sa mukha nito. Ang pag-walk out ng mommy niya...
He sighed deeply. “Kasalanan ko ba yun?”
Binatukan naman siya ni Brandon. “Hindi mo man kasalanan pero kasali ka na din!” Anito sa kanya.
“So, anong gagawin ko?”
“BWISET! Ang kakapal talaga ng mga apog nila para paikutin ako sa sarili nilang patibong. Mga walanghiya...” Nanggagalaiting sabi niya sa sarili habang sakay ng isang jeep.
Pauwi na siya ngayon. Pero naninikip pa din ang dibdib niya sa labis na sama ng loob. Mga walanghiya. Pinagkaisahan na naman siya. Bakit ba hindi niya naisip na magkaibigan pala ang mga ito? Iyan tuloy! Muli na naman siyang bigo ngayon. Hindi dahil sa pag-ibig kundi dahil sa pagkakaroon ng panibagong trabaho.
Ang tanga mo talaga, Ahrin! Masyado kang uto-uto. Pero anong magagawa niya? Nangangailangan siya ng trabaho, at sino siya para tumanggi di ba?
Mabigat pa din ang dibdib niya hanggang sa makababa siya ng jeep sa liwasan. Maglalakad nalang siya papasok sa eskinita nila.
Nakakailang lakad palang si Ahrin nang  napahinto siya at naupo sa isang may kalakihang bato na nasa tabi ng masikip na kalsada. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Kinakabahan siya. Pero hindi niya alam kung para saan yung kaba niyang iyon.
Naisip niya bigla si Aivan. May nangyari na naman bang masama sa kapatid niya? Pero hindi eh. Bigla ay sumagi sa isip niya ang kanyang ama. Ilang araw na niya itong hindi nadadalaw sa kulungan. Hindi niya na ito nabibilhan ng gamot para sa sakit sa baga.
Nag-alala siya bigla.
Mabilis siyang napatayo saka nagpatuloy sa paglalakad. Pangako. Bukas na bukas, dadalawin niya sa kulungan ang ama nila ni Aivan. Baka kasi isipin nitong pinapabayaan na nila ito.
Napatigil siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong dinukot sa bag upang tingnan kung sino ang tumatawag. Baka kasi si Morisse iyon.
Pero gayun na lamang ang pagdoble ng kaba niya ng makita ang pangalan ng caller...
'Muntinlupa Precinct calling...'
Nanginginig na pinindot niya ang answers button upang sagutin ang tawag.
“Hello?”
Nagtaka naman siya ng makarinig ng ingay mula sa kabilang linya. Anong nangyayari?
“Kayo po ba si Ahrin Santanino? This is SPO2 Guadalopez from Muntinlupa Precinct hall.” Pagpapakilala pa nito.
Kumunot naman ang noo niya. Gumilid pa siya nang biglang may dumaang motor sa gitna ng kalsada.
“Ako nga po ang tinutukoy niyo. Ano po bang kailangan niyo?”
“Ms. Santanino, kailangan mong pumunta dito sa presin------” Agad niyang pinutol ang sasabihin nito.
“Po?! Bakit? Ano po bang nangyayari?”
Binalot ng kaba ang dibdib niya nang marinig ang malalakas na sigawan mula sa kabilang linya. May nangyayari bang masama?
“Ms. Santanino, may nangyayaring suno----” Biglang naputol ang linya mula sa kabila.
Nataranta bigla si Ahrin. Kailangan niyang pumunta sa presinto! Kailangan niyang makita ang ama niya.
Sa halip na dumiretso sa bahay nila ay patakbo siyang bumalik ng liwasan. Alam niyang may masamang nangyayari sa presinto. Hindi man nito naituloy ang nais sabihin ay alam na niya kung anong nangyayari doon.
Nasusunog ang kulungan! Nasa kapahamakan ang kanyang ama.
Pagdating niya sa liwasan ay saktong may jeep na dumaan. Agad niya itong pinara. “Sa Muntinlupa po, Manong!” Nang tumango ang driver ay saka niya lang pinakawalan ang hanging inipon niya sa kanyang dibdib.
Nanghihinang ipinikit niya ang mga mata saka taimtim na nanalangin sa Panginoon.
'Lord, iligtas mo po ang ama ko pati ang lahat ng naroon sa loob ng presinto. Gabayan mo po silang lahat... Amen.'

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    레이디 앤

    so beautiful story 😍

    09/08

      0
  • avatar
    R-j Macanang Pascual

    impressive

    09/07/2024

      0
  • avatar
    SarraJunkense

    hello

    09/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata