Chapter 17

Nandito ako ngayon sa classroom at hinihintay si Akiro makabalik dahil pumunta pa siya ng cr, sabay daw kasi kaming kakain.
" Ang tagal naman nun," naiinip na bulong ko.
May lumapit na babae sa akin at sa pagkakatanda ko ay kaibigan ito ni Heather.
" Kung ang hinihintay mo ay si Akiro ay naghihintay ka lang sa wala." bored niyang sabi bago lumabas ng classroom.
" Anong ibig niyang sabihin?" bulong ko.
Napagpasyahan kong pumunta nalang sa cafeteria dahil nakaramdam na ako ng gutom.
Papasok na sana ako sa cafeteria pero nawalan ako ng gana dahil sa nakita ko.
Magkasama si Heather at Akiro na nakain.
" Tss, kaya pala hindi na ako binalikan." bulong ko bago bumalik sa classroom kahit hindi pa kumakain.
Pagbalik ko sa classroom ay naupo nalang ako sa upuan ko at nagbasa ng online reading app.
Habang nagbabasa ay nagsibalikan na din sa room ang iba kong classmates. Kasama na si Akiro at Heather. Umupo si Akiro sa tabi ko.
" Kumain kaba?" he softly asked.
Hindi ko siya pinansin at sakto naman na pumasok ang next teacher namin.
Habang nagtuturo ang guro namin sa unahan ay nararamdaman kong kanina pa nakatitig si Akiro sa akin pero hindi ko nalang pinapansin.
" Shiena," bulong niya.
" Ano ba iyon?" naiinis kong saad.
" Galit kaba?" nagtatakang tanong niya.
" Wag kang magulo nakikinig ako," sabi ko at itinuon nalang ang pansin sa harapan.
Hindi na niya ako kinulit pero nakatitig pa rin siya sa akin.
Pagtapos mag turo ng aming guro ay uwian na kaya tumayo na ako sa upuan.
" Hatid na kita?" tanong ni Akiro. Sasagot na sana ako pero lumapit si Heather.
" Akiro pwede mo ba akong ihatid? Wala kasi yung driver ko eh." saad ni Heather.
Hindi kona narinig ang sinabi ni Akiro dahil mabilis akong lumabas ng classroom.
Habang naglalakad papunta sa gate ng school ay tinawagan ko muna si kuya.
" Hello Shiena napatawag ka?"
" Kuya pasundo ako," nakasimangot kong saad.
" Hindi moba kayang mag-commute?"
" Kuya naman wala akong pera," palusot ko kahit may pera pa ako dahil hindi naman ako kumain kanina.
" Oo na, hintayin mo ako diyan, mga 10 minutes." saad niya at binaba na ang tawag.
Paglabas ko ng school ay naghintay muna ako sa waiting shed. Napatingin ako sa gate at nakitang papalabas si Akiro kaya mabilis akong nagtago. Nasaan si Heather?
Maya maya ay nakita kona ang kotse ni kuya kaya tumakbo agad ako papasok doon.
" Ba't nagmamadali ka? Natatae kaba?"
" Eww kuya, nagugutom lang ako." palusot ko at tumingin sa bintana. Nandoon pa din si Akiro na parang may hinahanap.
May nag message sa akin at nakita kong kay Akiro galing. Hindi kona sana papansinin pero nakonsensiya naman ako kaya binasa kona.
From: Akiro
Nakauwi kana?
To: Akiro
Oo, sinundo ako ni kuya. Umuwi kana din ingat.
Pagtapos kong magreply ay pinatay kona agad ang cellphone ko.
Bakit ba kasi ako naiinis? Ano naman kung magkasama sila ni Heather diba?
Paguwi sa bahay ay naabutan ko sila mama at ang tatay ko sa sala.
" Oh anak nandiyan kana pala, magpalit kana ng damit mo at kakain na." sabi ni papa at lumapit ako sa kaniya bago mag-mano.
" Opo," tanging tugon ko bago pumunta sa kwarto ko.
Napagpasiyahan ko nang ayusin ang pakikitungo sa tatay ko dahil nakikita ko namang bumabawi talaga siya.
Pagtapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina.
" Wow manang, bakit po ang daming pagkain?" tanong ko kay manang Fe, isa sa katulong ng tatay ko.
" Ah, may bisita kasi ang tatay mo hija." sagot niya habang inaayos ang mga pagkain sa mesa.
" Sino daw po? Nasaan po pala sila?" tanong ko dahil wala pa sila dito.
" Hintayin mo nalang hija, nagaabang sila sa may pintuan." tumango nalang ako bago maupo.
Maya maya pa ay dumating na ang mga kapatid ko. Pero bakit parang ang ayos ng mga suot nila?
" Kuya bakit ganyan mga suot niyo?" nagtatakang tanong ko.
" May bisita si papa, business partner niya. Magbihis ka nga din ng maayos, mag dress ka bilisan mo." napasimangot nalang ako bago bumalik sa kwarto.
Grabe naman, kailangan paba nun? Naghanap nalang ako ng simple dress.
Ang napili ko ay red na hanggang tuhod ang haba. Naglagay na din ako ng kaunting liptint at polbo, nagpabango na din ako bago lumabas ng kwarto.
Pababa na ako ng hagdan ng makita ko sila mama na may kasamang lalaking naka suit at babaeng naka dress din, mukang mag-asawa sila. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.
" U-uh Good evening po," pagbati ko pagbaba ko sa hagdan.
" Siya ba ang kinekwento mo sa akin Robert?" tanong ng babae kay papa.
" Yeah, she's my daughter Shiena," pakilala niya at ngumiti sa akin ang babae.
" Nice to meet you hija, I'm Lecai, call me tita Lecai." she said and smiled.
" Nice to meet you too, tita Lecai." sabi ko at nakipagbeso.
" Hi hija, I'm Alazaro, you can call me Dad." tito Alazaro said and chukled.
" U-uh sige po, d-dad." saad ko at nakipagkamay.
He chukled. " Napakamasunuring bata, tawagin mo nalang ako kung saan ka komportable hija," sabi niya at tumango lang ako.
" Let's go to dining area," pagsingit ni mama.
Nauna na siyang maglakad kaya sumunod na kami.
Pagpunta namin sa dining area ay nandoon na ang mga kapatid ko. Naupo na kaming lahat.
" I'm sorry, my son have an emergency in his company so hindi siya makakapunta." paghingi ng paumanhin ni tito Alazaro.
" It's okay Alazaro, pwede naman sa ibang araw nalang." saad ni papa.
Pagtapos naming kumain ay nagpaalam na si Tita Lecai at Tito Alazaro, hinatid sila ni papa sa labas.
" Kuya sino ba sila? I mean bakit kailangan nilang pumunta dito?" tanong ko kay kuya na papunta na sana sa kwarto niya.
" Business partners sila ni papa, at oo nga pala sila ang mga magulang ng kasama kong lalaki dito kanina." saad niya at tumango nalang ako bago pumunta sa kwarto ko.
Nag half bath lang ako dahil malamig ngayon. Nagbihis na ako ng pantulog bago mahiga sa kama. Matutulog na sana ako pero tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at may mga notifications ako.
Facebook
Akiro kiel Cross sent you a friend request.
Instagram
Akirokiel started following you.
Tiktok
Akirokiel started following you.
Twitter
Akirokiel started following you.
Grabe Akiro, anong kalokohan ito?
Nagbukas ako ng messenger at may message request siya doon.
Akiro
G'evening Shiena:) galit kaba sakin?:(
Nagreply agad ako.
Me
Bakit ako magagalit sayo? May nagawa ka bang kasalanan?
Akiro
Sorry kanina kasi hindi ako nakabalik sayo. Bigla kasi akong hinila ni Heather sa upuan nila tapos may nakahanda nang pagkain, nakakahiya naman kung hindi ko kakainin.
Natuwa naman ako kasi nag explain siya.
Me
Okay lang anukaba, matutulog nako bye.
Akiro
Okay G'night, sweetdreams:)
Napangiti ako bago i-off ang cellphone ko bago matulog.
Sweetdreams:)

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Chary Magiwi Menor Nabanalan

    ganda ng storya love it

    06/02/2025

      0
  • avatar
    Jr Abanio Mahinay

    nice story I like this

    06/10/2024

      0
  • avatar
    Jessica Cerna

    maganda

    07/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata