Chapter 13

Stefanno POV
I got impatient. Kanina ko pa tinatawag si shiena pero walang sumasagot hanggang sa napag desisyonan ko nalang sipain ang pinto.
I was startled when i saw my sister lying on cold floor with a cut in her wrist.
" Shiena!" I yelled.
Mibilis ko siyang binuhat palabas ng kaniyang kwarto.
" Ma!  Shiena harm herself!" i panicked. Sumulpot naman bigla si mama galing sa kusina.
" Ay jusko, anong nangyari? Dalhin na natin siya sa hospital." natatarantang ani ni mama.
I immediately run to my car while carrying my sister, sumunod naman agad si mama.
Kahapon ko lang nakuha ang kotse ko galing sa totoong ama ni shiena, simula bata palang si shiena ay may koneksiyon ako sa ama niya. Hindi kona magawang tumanggi sa tatay niya ng ibigay ang kotse dahil kailangan ko rin ng sariling kotse.
Pag pasok namin sa hospital ay laking pasasalamat ko ng inasikaso agad kami ng nurse.
Shiena POV
Minulat ko ang aking mga mata at nakita si kuya na nakatulog sa upuan na nasa tabi ng kama ko, napatingin ako sa kamay ko ng bahagya itong kumirot.
" Kuya," pag gising ko dito. Gumalaw naman ito at tumingin agad sa akin.
" Are you okay now?" he asked. Tumango lang ako. " Do you think that harm yourself is the best solution for all of your problems?" he seriously ask, napayuko nalang ako.
" Alam kong masakit sayo lahat ng nangyari, pero hindi lang ikaw ang nawalan Shiena ama ko rin siya. Hindi moba naisip na nasasaktan din kami sa ginagawa mo sa sarili mo? Nasasaktan din kami pag- nakikita kang ganyan kaya sana magpatatag ka Shiena, nandito lang si kuya, nandito lang kami na pamilya mo." yinakap ko siya at umiyak sa kaniyang mga balikat.
Halos isang oras akong nakayakap kay kuya at hinayaan niya lang ako, nakayakap pa rin ako kay kuya ng bumukas ang pintuan at nagulat ako ng makita sila shella at zack, pero hindi ko inaasahan ang taong kasama nila, si Hero.
" Lalabas lang ako sandali," paalam ni kuya bago lumabas.
" Girl ayos kalang ba? Oh right ba't bako nagtatanong obvious namang hindi. By the way may dala akong mga pagkain dahil kailangan mong kumain ng marami, look at  you oh para ka nang lantang gulay niyan." daldal niya habang hinahanda ang dala niyang pagkain.
Napatingin ako kay Hero na nakatanaw lang sa bintana. Parang laging ang lalim ng iniisip. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin at nagtama ang aming paningin. Ang mga mata niya, nakikita ko ang mga mata ni Hiro. Iniwas ko nalang ang paningin sa kaniya ng makaramdam na naman ako ng sakit sa aking dibdib.
" Oh, kumain ka ng marami ah, sabi nila tita hindi ka daw kumakain ng maayos. Sa tingin moba matutuwa si Hiro at ang papa mo sa pinag-gagagawa mo." sermon niya sa akin, napanguso nalang ako. Daig nya pa si mama mangsermon.
Inubos ko nalang ang pagkain bago tanungin si Shella.
" Uhm, nasaan pala sila mama?" i asked her.
" Nasa burol ni tito, kawawa nga si tita e, wala pa atang tulog yun." sagot niya habang nakain.
Bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doctor na babae.
" Hi Shiena, hindi naman masyadong malalim ang naging sugat mo so pwede ka nang makalabas, but please don't do that again okay. Fighting." masiglang saad niya, napangiti nalang ako.
" Thank you po doc," i said while smiling at her.
Nakalabas na ako ng hospital at pauwi na kami sa bahay. Nasa sasakyan kami ni Hero nakasakay dahil siya nalang daw ang maghahatid sa amin pauwi sa bahay.
Huminto kami sa tapat ng bahay at nagmamadaling lumabas si Shella at Zach. Anong nangyari sa mga yun? Bababa na sana ako ng sasakyan ng may naalala ako.
" Uhm, thank you pala sa paghatid. Hindi kaba papasok?" umiling lang siya kaya hindi kona pinilit at bumaba na ng sasakyan.
Hindi pa ako nakakapasok sa gate ng bahay ay mayroon nang pumarada na magandang sasakyan sa tapat ng bahay at napanganga ako ng lumabas si kuya Stefanno doon. Paano siya nagkasasakyan?
" Kuya," pagtawag ko sa kaniya at nagulat ng makita ako. " Paano ka nagka sasakyan? Grabe ang ganda." namamanghang ani ko habang pinagmamasdan ang sasakyan.
" U-uh ano kasi e.... Ano may nag regalo lang." saad niya at nag-iwas ng tingin.
" Sino? Girlfriend mo kuya? May Girlfriend kana?" hindi makapaniwalang sabi ko.
" Wala akong Girlfriend, at pwede ba tigilan mona ang kakatanong at magpahinga kana sa loob." supladong aniya, napanguso nalang ako.
" Napaka sungit mo talaga," bulong ko at pumasok na ng bahay.
Apat na araw nang naka burol si papa at sa susunod na araw na ang libing niya.
Lumabas ako ng kwarto at napakunot ang noo ko ng may makita akong lalaki na mukhang mayaman. Naka suot pa ito ng suit, para siyang business man sa itsura niya.
Bumaba na ako ng hagdan dahil mukhang nagtatalo yung lalaki pati si mama. Napatingin naman sila sa akin at biglang lumambot ang ekspresiyon ng lalaki pag tingin sa akin, pero sandali lang iyon dahil bumaling uli siya kay mama na seryoso ang mukha.
" Wala kang magagawa Sarah, sasama kayo sa akin sa ayaw at sa gusto mo." he seriously said to mama bago lumabas ng bahay. Nanghihinang napaupo si mama sa upuan.
" Ma, sino po iyong lalaki?" nagtatakang tanong ko.
" U-uh ano anak e, an--" naputol ang sasabihin ni mama ng magsalita si kuya.
" He's your true father," seryosong sabi niya sa akin.
" True what?" parang nabingi ata ako bigla sa sinabi ni kuya.
" Father Shiena, he's your true father." pag ulit niya.
" Tatay ko iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko kay mama. Mayaman pala ang tatay ko.
" Oo anak, siya ang totoo mong tatay." nakayukong ani ni mama.
" Anong ginagawa niya dito? Akala ko patay na siya? So siya pala ang kabit mo?" napaangat ang tingin ni mama dahil sa mga sinabi ko.
" Anong sinabi mo? Aba wala kang galang na bata ka." nanggagalaiting sigaw ni mama sa akin.
" Kaya pala niloko mo si papa dahil mayaman iyang kabit mo, magkano ang binayad niya sayo? Minahal moba ang lalaking yon o nagpagalaw ka lang dahil wala ka nang per--" naputol ang sasabihin ko ng malakas niya akong sinampal.
" Walang hiya kang bata ka, tatay mo pa rin iyon. Kung hindi dahil sa kaniya edi sana wala ka sa mundong ito. At wala kang karapatang bastus-bastosin ako ng ganyan. Kung ganyan ka pala ay lumayas kana sa pamamahay k--" naputol ang sasabihin ni mama ng biglang sumigaw si kuya.
" Enough!" malakas na sigaw ni kuya. " Ma, alam mong hindi sinasadya ni Shiena ang mga nasabi niya, magulo ang utak niya ngayon alam mo iyan. Una namatay si Hiro, pangalawa namatay si papa tapos biglang susulpot ang totoong tatay niya at kukunin tayo. Sana naman intindihin mo din ang pinagdaraanan niya." saad ni kuya bago lumabas ng bahay.
" Shiena anak, sorry hindi ko sinasadya." sinubukan niyang hawakan ang pisnge kong siguradong namumula na dahil sa lakas ng sampal niya.
Linagpasan ko lang siya kahit gusto ko rin humingi ng tawad sa mga sinabi ko kanina sa kaniya.
Pero kasi galit pa rin ako doon sa sinasabi nilang totoong tatay ko, ilang taon na ako ngayon tapos bigla siyang magpapakita dito at kukunin pa kami. Nasaan siya noong bata pa ako? O baka naman hindi niya ako mahal dahil baka pagkakamali lang ako.
Lumabas ulit ako ng kwarto upang puntahan si papa.
" Pa, alam moba pumunta dito kanina ang totoo kong tatay. Sasama poba kami sa kaniya?" tanong ko kahit alam kong hindi naman siya sasagot sa tanong ko.
I only stared and touch my father's coufin for almost one hour.
" Ano pong dapat kong gawin? Kaya kopa po ba? Sana kayanin kopa." ngumit lang ako ng maliit bago bumalik sa aking kwarto at magpahinga.
Sana malagpasan ko ang lahat ng pag hihirap ko ngayon.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Chary Magiwi Menor Nabanalan

    ganda ng storya love it

    06/02/2025

      0
  • avatar
    Jr Abanio Mahinay

    nice story I like this

    06/10/2024

      0
  • avatar
    Jessica Cerna

    maganda

    07/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata