Homepage/I Hate You But I Love You/
CHAPTER SEVENTY-ONE
Winter's POV
Nagreready na ako dahil Christmas Party na namin ngayon! I'm super duper ultra mega excited!
Nagsuot lang ako ng high waist na pantalon with matching off-shoulder croptop.Nag-chat kasi ako kagabi kay Jasmine.Nagtanong kasi ako ng magandang isuot na damit.Sabi naman ni Jasmine ay dress daw.Nag-send pa nga siya ng picture nito.Sabi pa niya na sa akin na lang daw! Hindi naman ako pumayag.Hindi ako masiyadong sanay sa dress saka 'yung itsura ng dress ay parang labas na ang kaluluwa ko!
Kaya ayon, kung ayaw ko daw eh di simple na lang.Sabi niya mag-croptop na lang daw ako tapos high waist na pantalon.Okay na daw 'yon.
Mukhang okay talaga kasi nakatayo ako ngayon dito sa harap ng salamin.Para na talaga tuloy akong dalagang tingnan.Pero dalaga na ba ako? Dalaga na ba ang 14 years old?
"Win?"
Natigil ang pagpapacute ko sa salamin nang may tumawag sa akin.Bakit naman kaya nandito ang tukmol na Charlie na 'yon?
Dali-dali ko naman na isinuot ang doll shoes ko.Tumingim ulit ako sa salamin at napapalakpak kasi ang simple simple ko lang tingnan pero may appeal!
"Win?"
Inis kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang isang pulang rosas.Natulala ako sa bulaklak.
"Good morning,Win.Flower for you."
Kinuha ko naman 'yon at hindi makapaniwalang tiningnan si Charlie na ngiting - ngiti.
"Wala bang thank you?"tanong niya.
"Hoy, anong ibig sabihin nito?"
"Don't worry.I just wanted to give you that.Do you like it?"
"Walang kapalit?"
"May ipapalit ka ba?"ngumisi siya kaya hinampas ko ang dibdib niya.
"Seryoso ako!"
"Oo na,oo na! Walang kapalit.Akala mo naman inlove na inlove ako sa 'yo? Naaawa lang ako kasi nainggit ka kay Jasmine,that's why I also give you—"
"Oh, ayan! Sa 'yo na 'yan! Nakakabwisit ka talaga! Sinisira mo ang araw ko!"
Binalik ko sa kaniya ang bulaklak at nilampasan siya.Nako, ang aga aga nae-stress ang ka-cute-an ko.Baka pagdating ko sa school ay sobra ko nang haggard.Paano kapag nakita ako ni Nixon na sobrang panget?Napangiwi ako.
Ano naman ngayon?
Bakit naman ako mag-aalala? Hindi ko kaya siya pinansin no'ng pagkadating niya.Hanggang ngayon nga ay iniiwasan ko siya,eh.Naiinis lang kasi ako sa pagmumukha niya.
"Win! Wait for me!"
Huminto ako at nilingon si Charlie na hinahabol ako.Nang makalapit na siya ay ibinigay niya ulit sa akin ang rosas.
"Ayoko na nga nito."
"I'm just kidding.Ikaw talaga! Kapag seryoso ako nagbibiro ka.Kapag nagbibiro naman ako,ang seryoso mo."
"Wala naman kasi sa lugar ang pagbibiro mo."
"Really?Okay,fine.Nagbibiro lang ako mula dito sa Pinas hanggang sa America."
Binatukan ko naman siya kaya napa-aray siya.Akala mo naman kasi nakikipaglokohan lang ako.
"Tara na!"
*
Nakatambay kami ngayon dito sa room at nakapalibot ang upuan.Kami lang kasi ang nandito na magkakaibigan.'Yung ibang students kasi ay nasa labas at kung saan saan.May three hours pa naman kami dito sa school kaya naisipan muna namin na tumambay.Hindi namin kasama si Nixon kasi hindi naman siya nakasali sa christmas party
"Buksan na natin ang mga regalo!"masayang sabi ko.
"Huh? But I used to do it in our house when Christmas eve."sabi ni Jasmine.
Talaga?
"Sige, let's open it! Gusto kong makita mga regalo sa inyo."sabi naman ni Charlie kaya napangiti ako at nag-thumbs up sa kaniya.
"Okay, I will start."sabi ni Thomas.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.Ako kasi ang nakabunot sa kaniya.Magustuhan naman kaya niya ang regalo ko?
"A book?"dismayadong sabi ni Thomas.
Hindi ba siya natuwa sa regalo ko? Pinag-isipan ko kaya 'yang mabuti! Ibig sabihin ay nasayang lang ang effort ko!
"Gagsti, mag-aral ka daw mabuti!"asar ni Charlie.
"Nako, pandak."hirit pa ni Kevin.
Biglang inagaw ni Jasmine ang libro kay Thomas.Tiningnan niya ang cover nito at nagsalubong ang magkabila niyang kilay.
"Book Of Love?! Kanino ito galing? Is that her way to confess her feeling to you?!"galit na tanong ni Jasmine kay Thomas.
"Hey, I don't know what are you saying, babe."
"Sa akin galing 'yan!"singit ko.
Baka kasi mag-away pa sila nang tuluyan,eh.Napatingin silang lahat sa akin.
"Ano? Kaya ba binasted mo ako dahil gusto mo si Tom?"gulat na tanong ni Charlie.Napairap ako.
"How about Nix?"umimik na din si Charlotte.
"Nagpapakatanga ka na naman?"Sabi ni Kevin.
Inis ko silang tiningnan lahat.Iba naman kasi kaagad ang iniisip nila.Mga mapanghusga!
"Hindi sa gano'n,okay?"
"Eh, ano?"
"Pinili ko 'yan para basahin ni Thomas at maintindihan naman niya ang tunay na love!"inis na sabi ko.
Nakatingin lang sila sa akin.Mukhang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.Dumaan pa ang ilang minutong pagtititigan hanggang sa tumawa ng malakas si Kevin.Sinundan na iyon ni Charlie,Charlotte at Jasmine.Samantalang si Thomas naman ay nangunot ang noo at tinanggalan ng plastik ang libro.
"Hanep! That made sense! Read it pandak so you can truly understand what is love."asar pa ni Kevin.
Hindi naman siya pinansin ni Thomas.Naging seryoso ang mukha ni Thomas habang binabasa ang libro.Mukhang desidido naman siyang maintindihan ang tunay na love.
"Thank you for this gift, cutie girl."sabi ni Thomas nang hindi ako tinitingnan.
"Ako pa."proud na sabi ko.Nag-thumbs up naman sa akin si Jasmine.
Bubuksan na din sana ni Charlie ang gift sa kaniya nang makarinig kami ng mga hiyawan at tilian.Nagkatinginan kaming anim.Sabay sabay kaming sumilip sa ibaba.
Teka, si Nix ba 'yon?!
"Is that Nix?"
"Siya nga!"
Nagmamadali kaming bumaba papunta sa first floor.Nang makarating kami ay nadatnan namin ang mga estudyante na nakapalibot kay Nixon kaya hindi namin siya makita.
"Padaan!"sigang sigaw ni Charlie.
Napatingin sa amin ang mga estudyante at binigyan naman kami ng space para makadaan.
"Why is he holding a guitar?"nagtatakang tanong ni Charlotte.
"Anong meron?"tanong ko naman.
Lumingon sa amin si Nixon.Isa isa niyang tiningnan itong mga kasama ko hanggang sa mapunta ang paningin niya sa akin.Nagkatinginan kami.
"Tss...This is the first time that I will do this."sabi niya.
Nag-strum siya sa guitar niya at nanatili lang ang paningin sa akin.Bakit niya ba ako tinititigan? At bakit ko din ba siya tinititigan?!
Oh every time I see you
Geudae nuneul bol ttaemyeon
Jakku gaseumi tto seolleyeowa
Nae unmyeongijyo
Sesang kkeuchirado
Jigyeojugo shipeun dan han saram
Bakit ganiyan ang kanta niya?
Everytime I see you lang ang naintindihan ko! Anong language ba 'yan?
Baby oh oh oh oh
Oh oh oh oh
Baby oh oh oh oh
"What the hell."bulong ni Kevin.
Oh every time I see you
Geudae nuneul bol ttaemyeon
Jakku gaseumi tto seolleyeowa
Nae unmyeongijyo
Sesang kkeuchirado
Jigyeojugo shipeun dan han saram
Ano bang nangyayari? Bakit parang guguho ang mundo ko?
Geudae nareul barabol ttae
Nareul bomyeo miso jil ttae
Nan shimjangi meomchul geot gatayo nan
Geudaen eotteongayo
Nan jeongmal gamdanghagi himdeungeol
Onjongil geudae saenggakhae
Jogeum meolli uri dorawatjiman
Jigeumirado nan gwaenchana
Wahh! Hindi ko maintindihan! Huhuhu!
Oh every time I see you
Geudae nuneul bol ttaemyeon
Jakku gaseumi tto seolleyeowa
Nae unmyeongijyo
Sesang kkeuchirado
Jigyeojugo shipeun dan han saram
Pero kahit hindi ko maintindihan ang kanta niya ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Parang gusto ko pang maiyak!
Nal tteonaji marayo
Gakkeumeun al su eopneun miraera haedo
Nal mitgo gidaryeojullaeyo
"Naiintindihan mo ba, Tom?"tanong ni Charlie.
"I understand nothing."
Wo namane geudaeyeo
Naegen jeonburaneun mal
Gobaekhan jeogi isseotnayo
Nae unmyeongijyo
Sesang kkeuchirado
Jigyeojugo shipeun neo
"Everytime I see you lang naintindihan ko saka baby."sabi naman ni Jasmine
Baby oh oh oh oh
Saranghallaeyo
Oh oh oh oh
Ni nunbitgwa ni misowa
Geu hyanggikkajido
Baby oh oh oh oh
Gieokhaejwoyo
Oh oh oh oh
Eonjena uri hamkke isseumeul
I love you
I love you?
Teka, para ba sa akin ang kanta na 'yon? Hinaharana niya ba ako? Imposible!
"Nix has a talented voice!"
"Is he sang that for Winter?"
"Maybe, did you heard the humors that he's into Winter?"
"Really? Oh my gosh!"
Iba-iba ang mga komento ng mga tao.Bigla tuloy na naman akong nahiya.Ganito din kaya ang naramdaman ni Jasmine nang sinorpresa siya ni Thomas?
"May pagkakorni din pala si Nix."sabi ni Charlie.
Naglakad papalapit sa akin si Nixon.Inabot naman niya kay Thomas ang gitara na agad naman nitong kinuha.Tinitigan ako ni Nixon.
"Did you like it?"tanong niya sa akin.Napalunok ako.
"Para saan 'yon?"
"I'm asking you."
"Hindi."matapang na sabi ko.Biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya sa sagot ko.Bakit? Inaasahan ba niya na 'oo' ang sagot ko? Asa siya!
"Oooohhhhhhhh!"sigaw nila.
"W-Why?"
"Ayoko nang kinanta mo, hindi ko naintindihan ang lyrics!"reklamo ko.
"Oh, that.You want me to explain—"
"Hindi na kailangan.Pinagtitripan mo na naman ba ako?"
"No."
"Sus! Ewan ko sa 'yo!"
Tinalikuran ko siya at balak na sanang maglakad paalis nang hawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan ako.
"Ano ba? Bitaw!"
"Don't leave."sabi niya.Medyo naawa naman ako sa pagmumukha ng tukmol na ito kaya hinarap ko siya.Binawi ko ang braso ko.
"Bakit ba?"
"I am making a confession here."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya.Pati ang mga students ay natahimik din.Parang pati paghinga ko kailangang huminto.
"When I firts met you, I'm so irritated.But at the same time,I became interested in you."
Ano namang sinasabi nito? Sa libro lang naman at kay Fatima siya interesado di 'ba?
"I hate the way you act, being clumsy and doing stupid all day.I hate your round face, it makes me want to pinch your cheeck."sabi pa niya.
Sabagay cute ako,eh.Pero ano daw? Hate niya ako?!
"I hate the way you talk because it makes my ears ring."
Hmp!
"Did you know that your Dad wants me to guide and protect you? Of course you do not know.He never tell you."
Ano? Sinabi 'yon ni papa? Bakit naman kailangan pang si Nixon ang sabihan niya no'n? Bakit hindi na lang si Kuya tutal kapatid ko naman siya?
"I started to observe and watch you since you transferred here."
Kaya pala laging siya ang nagliligtas sa akin.Tapos siya din ang nauunang nakakahanap sa akin.Kaya pala lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin dahil inutusan pala siya ni Papa.
"I always watch you,Winter.But one day, I realize that I'm not doing that because of your father's will.I am doing that because I want."
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.Iniintindi kong mabuti ang mga sinasabi niya pero di ko ma-gets.Ano bang gusto niyang iparating?
"Weeks passed by.I felt something different here."tinuro niya pa ang dibdib niya sa bandang puso.
"I get nervous when you suddenly disappear. In the last few months, I can say that you have become a big part of my daily life."
"Nalamigan ba ang utak mo? Bakit ganiyan ka magsalita?"tanong ko at inis siyang tiningnan.Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"You better shut up and listen to what I'm saying."
Oh tologo bo?
Kahit kailangan talaga napakaano ng tukmol na ito!
"Everyone!"tiningnan niya kaming lahat.
"Today I will be true to myself. You are the witness to this incident."
Eh, di wow.
"Winter..."humarap ulit siya sa akin.Inirapan ko naman siya.Mukha siyang timang ngayon.
"I hate you."seryosong sabi niya.Wow,ah? Sino ba nagsabing—
"From head to toe, I don't like you."
Ang kapal ng punyetang ito!
"I really hate you,Winter.I hate you, but I love you..."
Ano daw?
Umingay sa paligid.Kinukurot din ako ni Jasmine sa tagiliran ko.May mga kinikilig at hindi makapaniwala sa sinabi ni Nixon.
Bigla akong nanggigil kay Nixon.Sinamaan ko siya ng tingin at hindi na ako nagdalawang isip pa na suntukin siya sa pagmumukha niya.
"Oh!"
"What the..."
"Gago ka ba?!"gigil na sabi ko habang nakatingin sa kaniya na natumba sa lupa.
Nakatingin din siya sa akin at nanlalaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa ginawa ko.
Nainis ako,eh! Biruin mo, hate daw ako tapos love niya? Ano 'to, lokohan?!
-to be continued...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (24)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
pano po makakoha ng pera sa novelah na ito🙏
29/07/2024
0nice 🙂
21/03/2024
0good
24/10/2023
0Tingnan Lahat