Homepage/When the f---ing world ends/
Chapter 28
Kirsten's POV
I used to be afraid of changes. Changes bring either joy or pain in our life. In my case, sa lahat ng pagbabagong dumating sa buhay ko, mas lamang ang sakit kaysa saya.
But changes are the only permanent thing in the world and it is inevitable. Sa ayaw man natin o sa hindi, time will fly. Feelings will fade. New things will eventually rot. People leave and people will come into your life to either bring pain or make your life significant.
Iminulat ang mga mata ko matapos ang mahabang pagtulog. Nakaguhit ang isang ngiti sa mga labi ko at kagaya nitong mga nakaraang araw, magaan na ang pakiramdam ko.
When Jenny saw me the first time after a long vacation week, she told me that something has changed pero hindi niya ma-pinpoint kung ano iyon. Nginisian ko lang siya at hindi sumagot pero sa lahat ng pagbabagong dumating sa buhay ko, ito ang pinakapaborito ko.
I was yawning while stretching my arms when I heard my phone rings. Inabot ko iyon mula sa bedside table at agad na sinagot ang tawag.
"May pagkain ka ba diyan, 'nak?" Napamaang ako dahil sa bungad niya. Ni hindi man lang ako hinayaang magsalita muna. "Nag-almusal ka na ba? Sinabi ko naman kasi sa 'yo na dito ka na lang kumain kagabi. Hintayin mo iyong ampon ko at papunta na diyan ha? May dalang almusal iyon. Kumain ka ng marami." Gumuhit ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sunod-sunod niyang wika.
"Ayos lang naman po ako, Tita. May naka-stock naman po na grocery dito," ani ko habang tumatayo mula sa kama.
Tinungo ko ang bintana saka hinawi ang kirtina nito dahilan upang masilayan ng liwanag ng sikat ng araw ang aking buong silid.
"Nako, alam kong puro cup noodles lang ang laman ng cupboard mo." I heard her sighed. "Hindi ba talaga puwedeng dito ka na lang tumira."
Napahagikhik ako dahil sa sinabi niya habang umiiling.
"Sinabi ko naman sa 'yo na hindi ka na dapat mahiya sa amin since magiging pamilya na naman tayo, yie!" Lumawak ang ngiti sa labi ko dahil sa pang-aasar niya sa akin.
I heard my doorbell rang kung kaya't mabilis kong tinungo ang front door. I immediately saw Guevarra standing under the doorstep of my house.
"Nandiyan na ba ang ampon ko?"
I chuckled before answering, "Yes po."
"Si Mama?" Guevarra mouthed and I nodded. Napakamot siya sa batok habang umiiling pagkatapos ay kinuha sa akin ang phone ko.
Pumasok siya sa loob at dumiretso sa kusina habang ako naman ay tumungo sa CR para makapag-ayos na.
Marami pang nakaka-aliw na kuwento si Tita bago niya ako tuluyang pinakawalan. Mabilis ang ginawa kong pagkilos pagkatapos no'n dahil malapit na kaming ma-late.
Months had passed. Isang linggo mula sa araw na ito ay makaka-graduate na kami sa senior high. In that short amount of time, I found a new home in Guevarra's family. Parang ako pa nga ang tunay na anak ni Tita kaysa kay Guevarra. Madalas ako sa bahay nila pero dito pa rin naman ako natutulog.
And in the process, I notice a series of changes-- positive changes in my life.
Nadatnan ko si Guevarra na nasa kusina pa rin at inaayos ang mga pagkain ko sa cupboard. I watched him sigh nang makita niya ang loob nito na punong-puno ng cup noodles.
Tuluyan akong pumasok sa kusina saka dumiretso sa refrigerator. Napangiti ako nang makitang may laman na iyon.
"Bakit ba nakasaksak pa iyan e wala namang laman kahit tubig man lang? Saka hindi ba sinabi ko sa 'yo na tigil-tigilan mo na ang pamimili ng cup noodles? Tignan mo nga laman niyang cupboard mo, kung hindi cup noodles, pancit canton naman. Ano? Gusto mong humaba buhay mo, gano'n?" panenermon niya.
I rolled my eyes saka uminom diretso sa mga pitsel. He palmed his face when he saw what I did.
"Ang ingay mo naman, Guevarra. Ang aga-aga e," saad ko.
Nagbuntong hininga siya pagkatapos ay kinuha sa kamay ko ang pitsel.
"Kumain ka na," nakasimangot niyang sabi. Inilapit niya sa akin iyong plato na may lamang sinangag, tocino at tuyo.
I nudged his side while grinning. "Galit ka?"
"Hindi ako galit." I pouted habang nakatingin sa nakakunot niyang noo. "Inis lang at dahil diyan..." Kumuha siya ng kutsara at platito pagkatapos ay tinanggal iyong tocino sa plato ko. "Tuyo lang ang ulam mo ngayon."
"Hey!" pag-alma ko na ginantihan niya lang ng pag-ngisi. He knows that I don't like tuyo or daing, masyado kasing maalat sa panlasa ko kahit na may suka pa. "Isusumbong kita kay Tita. Siguradong ipapatanggal na no'n apelyido mo."
Tumawa lang siya bago tumalikod sa akin para magpatuloy sa pag-aayos ng mga dala niyang grocery.
The doorbell rang again and I immediately stood up to see who's behind my door. Hindi ko alam na famous na pala ako ngayon.
Naabutan ko si Jenny at Bernard na nagbabangayan sa harapan mismo ng bahay ko. I'm quiet used to their bickerings, halos oras-oras yata ang mga ito nagsasagutan.
"Nagaaway na naman kayo?" tanong ko sa kanila saka binuksan ng malaki iyong pinto.
"Sunod kasi siya nang sunod sa akin. Nakakairita." Nagdadabog na pumasok si Jenny sa loob habang si Bernard naman ay kinindatan muna ako bago sumunod sa huli.
I shook my head before closing the door again. Bumalik ako sa kusina at napangiti nang makitang bumalik na ang tocino sa pinggan ko. Dinala ko iyon sa sala kung nasaan sila.
"Sumasakit ang ulo ko. Kung kailan naman malapit na magtapos ang school year saka pa mas nagiging complicated ang teachers," sabi ni Jenny habang nakatingin sa kaniyang phone at hinihilot ang sintido niya.
Tumuon ang atensyon ko kanila Bernard at Tyson na naglalaro sa TV ko.
"Bakit niyo binuksan iyan? Kayo ba nagbabayad sa kuryente ko, ha?" Pumameywang ako sa harapan nila.
"Alis, Mosqueda. Matatalo na ako." Imbes na sundin siya ay mas lalo ko pang hinarang ang katawan ko sa screen.
He sighed when the word defeat flashed on the screen. Bernard chuckled saka tinapik ang likod niya bago tumayo at tumungo kay Jenny para mangulit.
Nginisian ko si Guevarra.
"Ikaw," he said through his gritting teeth. I ran towards my room while squealing when he chased after me. Mabilis kong sinara ang pinto at ni-lock iyon nang makapasok ako sa loob.
I was still smiling when I opened my closet to get my uniform pero natigilan ako nang may mapansin akong nakadikit na sticky note sa bintana ng silid ko.
I put my uniform down on top of my bed saka naglakad patungo do'n. Tinanggal ko ang sticky note sa bintana saka binasa ang nakasulat doon.
'Happy now? -E'
Kumunot ang noo ko. I don't understand...
Inangat ko ang aking tingin at tila tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita ang pamilyar na mukha na nakatingin sa aking mula sa labas. I gasped kasabay ng pagkahulog ng papel sa kamay ko.
Nawalan ng lakas ang ibabang parte ng katawan ko dahilan upang mapasalampak ako sa sahig.
Slowly, his familiar face registered in my mind. His smug smirk, his disgusting touches, it all came back. Isa-isa, Sunod-sunod. Hanggang sa hindi ko na napigilang sumigaw nang pagkalakas-lakas.
Narinig ko ang mabibigat at mabilis na paghakbang mula sa labas ng aking silid kasunod ay ang sunod-sunod na pagkatok. I screamed again as I placed my shaky hands on top of my ears.
"Mosqueda!"
I remember the night when he destroyed the door of my room. His creepy face, that disgusting desire. It made me feel dirty.
"Mosqueda! Buksan mo ang pinto!"
"Kit, open the door." I embraced myself tightly when I heard Escobar calling me while knocking softly on my door. "I said open the door!"
Ang kaninang marahan ay unti-unting naging marahas. I stifled my cries when I heard the doorknob rustling. Maya maya pa ay napaigtad ako nang marinig ko ang malakas na tunog mula sa pintuan na para bang hinahampas iyon.
"Kit! Huwag mong hintayin na magalit ako!"
"Mosqueda!"
Stop! Go away! Leave me alone!
Patuloy ako sa pag-sigaw ni hindi ko magawang tumayo at buksan ang pinto dahil sa panginginig ng buong katawan ko sa takot.
Madiin ang pagkakawak ko sa aking tenga, halos dumiin na ang kuko ko sa likuran nito pero hindi ko inalintana ang sakit. I want all of this to stop. Gusto kong lubayan na ako ng mga bangungot ko sa buhay pero bakit parang napaka-imposible ng hinihiling kong iyon?
Why is he back? Hindi ba't nasa kulungan siya ngayon? Nakalaya ba siya? Bakit? Paano?
I can't think straight. Ang dami kong iniisip na halos sumabog na ang utak ko. How was that possible? Siniguro ni Mama na mabubulok siya sa kulungan bago...
"Mosqueda!" I heard three consecutive loud and rough noise coming from my door at sa panglimang pagkakataon ay tuluyan na nga nilang nabuksan ang pinto.
"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" agad niyang tanong matapos akong daluhan sa sahig.
Hinawakan niya ang nanginginig kong mga kamay saka pilit na hinuli ang aking tingin. Naramdaman ko ang pagsikip ng puso ko habang pilit kong hinahabol ang aking hininga.
"Kirsten!" he called my name. "Kirsten, breath!"
"E-Escobar..." nasabi ko rin sa wakas. "E-Escobar is here. He came to see me. He's back. Papatayin niya ako... Papatayin niya ako!"
Hinila ako ni Guevarra palapit sa kaniya upang yakapin ako nang mahigpit.
"Calm down. He won't get you, I won't let him," bulong niya sa akin.
"Bernard!" rinig kong sigaw ni Jenny kasunod ay mga mabibigat na yabag. "Saan ka pupunta?!"
"Hindi pa iyon nakakalayo!" I heard Bernard say pero masyado akong nanghihina para tignan ang ginagawa nila.
"Tapos ano? Anong gagawin mo?! Paano kung may dalang patalim iyon? May magagawa ka ba? Tumigil ka, dito ka lang! Walang aalis!" sigaw ni Jenny pagkatapos ay narinig ko ang papalapit niyang yabag sa amin. "Tatawagan ko si Papa. You have to calm down, Kit. Don't jump into conclusion. Namamalikmata ka lang siguro," dagdag pa nito.
I nodded my head then took a deep breath to calm myself down.
"It's fine. everything's fine," Guevarra chanted in the middle of chaos.
Sandaling nawala ang dalawa dahilan upang magkaroon ako ng sandaling minuto para pakalmahin ang sarili ko.
Jenny went downstairs to call her father. Pulis ang Papa niya na siya ring may hawak sa kaso ni Escobar. Si Bernard ay siguro sumunod sa kaniya.
"I'm fine. I'm alright," pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Bahagyang lumayo sa akin si Guevarra para mahigpit na hawakan ang nanginginig kong mga kamay.
"You're safe. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo." I nodded my head saka muling ipinulupot ang mga braso ko sa baywang niya.
I feel them familiar feeling of comfort when I buried my face on his chest.
"Uhm..." Sabay kaming nag-angat ng tingin noong marinig namin ang boses ni Jenny. "I hate to be the one to deliver this bad news but... Escobar escaped. Hindi pa nila matukoy ang lokasyon niya hanggang ngayon."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (20)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
thanks
28/08/2024
0nice story
18/06/2024
0nice
26/08/2023
0Tingnan Lahat