Nilisan ni Alea ang silid na kinaroroonan ng kaibigan niyang si Ash at nagtungo sa Kaharian ng Turingga. "Alea, kamusta ang iyong kaibigan?" bungad na tanong ni Avaleighra nang makita si Alea na pumasok sa kanyang silid. "Alea!" Sigaw naman ni Iris at agad na tumakbo palapit kay Alea. "Ayos ka lang ba?" tanong niya at niyakap nang mahigpit si Alea. "Bakit napakatamlay ng iyong mukha?" tanong ni Avaleighra. "Hindi ba't ikaw ay dapat na maging masaya dahil muli niyo nang makakasama ang inyong kaibigan?" dugtong nito. "Hindi pa rin siya nagigising," mahinang sabi ni Alea. "Sinong kaibigan ang iyong tinutukoy?" tanong ni Iris. "Si Prinsipe Akillus," sagot ni Avaleighra. "May pag-asa ba na muli siyang mabuhay?" Nanatiling tahimik si Alea. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong ng kaibigan. "Maiwan ko na muna kayo rito. Magpahinga ka na muna, Alea." Tumalikod si Avaleighra sa dalawa at agad na naglaho. Ibinagsak ni Alea ang kanyang katawan sa higaan ni Avaleighra at ipinikit niya ang kanyang mga mata. "Iris," pagtawag niya sa pangalan ng kanyang kaibigan. Lumapit naman si Iris at humiga rin sa tabi ni Alea. "Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Alea. "Gustong-gusto ko nang umuwi, Alea. Nag-aalala na rin siguro ang mga magulang ko sa akin. Ngunit inaalala ko rin si Ash. Hindi ba natin siya isasama pauwi?" "Bukas ay babalikan ko si Ash." "Kung isama na lang kaya natin si Ash pauwi, Alea. Kaya ko naman sigurong buhatin 'yon." "Sa tingin mo, papayag ang kanyang ama?" "Hindi naman natin sasabihin na kukunin natin ang katawan ng kaibigan natin." "Tiyak na uusok ang ilong niyon sa galit, Iris." "May karapatan din naman si tita na makita ang kanyang anak, Alea." "Naaawa ako kay tita. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang wala na ang kanyang anak." KINABUKASAN Maagang nagising si Alea. "Iris, gising na!" Saglit niyang niyugyog ang balikat ng kaibigan. Bumangon si Iris nang nakapikit pa rin ang mga mata. "Nasaan si Avaleighra, Alea? Wala bang suklay dito?" tanong ni Iris. "Ilang araw na kasi akong hindi nakakapagsuklay ng buhok," dugtong nito. "Hindi ko na nakita ulit si Avaleighra mula nang umalis siya kagabi. Halika, aayusin ko ang buhok mo." Inayos at sinuklay ni Alea ang buhok ni Iris gamit lamang ang mga daliri. "Uuwi na ba tayo, Alea?" "Pupuntahan muna natin si Ash." "Gusto ko nang makita at mayakap ang mga magulang ko." "Ako rin, Iris." Biglang bumukas ang pintuan ng silid kaya sabay na napalingon ang dalawa roon. Nakita nila si Avaleighra na pumasok. May dala itong basket na may lamang tinapay at mga prutas. "Kumain na muna kayo, Alea," sabi ni Avaleighra. "Tamang-tama, gutom na rin ako." Nilapitan ni Iris so Avaleighra at kinuha ang dala nitong basket at ipinatong iyon sa maliit na mesa. "Halika na, Alea. Kumain na tayo. Alam kong gutom ka na rin." Lumapit naman si Alea at kumuha ng isang tinapay. "Maraming salamat, Avaleighra. Halika, saluhan mo kami," pag-aya niya. Pagkatapos nilang kumain ay agad na nag-aya si Avaleighra na maligo sa ilog. "Tayo na, Alea. Saglit lang naman tayo." "Baka kasi nagising na si Ash." "Ano ka ba, Alea. Maligo muna tayo. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakaligo kaya pumayag ka na." Walang nagawa si Alea kundi ang tumango at pumayag. "Tayo na, Avaleighra. Dalhin mo na kami sa ilog na iyong tinutukoy." Habang nakatampisaw sa tubig si Alea ay may narinig siyang awit. Pamilyar iyon sa kanya dahil narinig na niya iyon mula sa ibong si Prexius. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses at hindi nga siya nagkakamali. Nakita niya si Prexius na nakatungtong sa sanga ng kahoy. Agad siyang umahon upang ito ay lapitan. "Alea, saan ka pupunta?" tanong ni Avaleighra. "Lalapitan ko lamang ang aking kaibigang ibon. Diyan muna kayo." Tumakbo siya papunta sa kahoy na dinapuan ni Prexius ngunit bigla na lamang itong lumipad. "Prexius, saan ka pupunta?" Hinabol at sinundan niya ito. Takbo lang siya nang takbo hanggang sa may nabangga siya. Matutumba na sana siya mabuti na lamang at may humawak na kamay sa kanyang likod upang hindi siya tuluyang bumagsak sa lupa. Hindi kaagad nakapagsalita si Alea sa kanyang nakita. Hindi siya sa kahoy nabangga kundi sa isang lalaking ninanais niya ring makita. "Yulan?" "Ano ang iyong ginagawa? Bakit mo hinahabol ang aking kaibigang ibon?" tanong ni Yulan. Tumayo nang maayos si Alea at tinitigan niya sa mga mata si Yulan. Akala pa naman niya ay naaalala na siya nito. Akala niya ay bumabalik na sa dati ang lahat. "Ikaw ay aking napanaginipan kagabi. Namamasyal ako sa mundo ng mga tao at ikaw ay aking nakita roon sa harap ng kanilang simbahan. Sino ka ba talaga? Isa ka bang tao?" "Alea! Nasaan ka?" Sigaw ni Iris. "Kailangan ko nang umalis. Hinahanap na ako ng aking mga kasama." Tumalikod kaagad si Alea kay Yulan at mabilis na naglakad palayo rito. "Masakit man ngunit mas mabuting hindi mo na ako maalala pa, Yulan. Mahirap man tanggapin ngunit baka hindi nga talaga tayo ang para sa isa't-isa," sabi niya sa isip. "Alea. Saan ka ba nagpunta?" tanong kaagad ni Iris nang makita si Alea. "Bakit niyo pa ako sinundan? Tapos na ba kayong maligo?" "Nag-aalala kami sa iyo." "Sinundan ko lang si Prexius." "Bakit parang ang lungkot ng iyong mukha?" tanong ni Avaleighra. "Napagod lang ako sa pagtakbo. Tayo na, bumalik na tayo sa palasyo upang makapagbihis na tayo." Nang makapagbihis ay agad na inaya ni Alea si Iris na puntahan na ang kaibigan nilang si Ash. "Pasensya na kung hindi ko kayo masasamahan, Alea," wika ni Avaleighra. "Ayos lang, Avaleighra. Sige, aalis na kami." Nang makapasok sa silid na kinaroroonan ni Ash ay parang nawalan ng pag-asa si Alea. Nakita niyang nakahiga pa rin ito. Ang puso nito ay hindi pa rin muling tumitibok. "Ako'y nawawalan na ng pag-asa na mabuhay muli ang aking anak," sabi ng hari sa malungkot na boses. "Hangga't nandiyan pa ang katawan ng prinsipe ay may pag-asa pa, mahal ko," sabi naman ng reyna. "Kalahating tao ang aking anak na si Akillus, aking reyna. Paano kung iyon ang dahilan kung bakit hindi siya sinundo ni Bantay?" Napayuko na lamang ang reyna at hindi na muli pang nagsalita. Humarap ang hari kay Alea. "Ito na ang panghuli na makikita ninyo ang aking anak. Hindi na kayo maaaring bumalik pa rito. Hindi ko na kayo pinahihintulutan na pumasok sa aming palasyo," seryosong sabi ng hari. "Mahal na hari, kami po ay kaibigan ng iyong anak," ani Iris. "Kaibigan? May kaibigan ba na ipapahamak ang isang kaibigan?" "Paano ang kanyang ina sa mundo ng mga tao?" tanong ni Iris. "Kung papayag kayo ay aming dadalhin si Ash sa aming pagbalik sa aming mundo," sabi ni Alea. "Hindi ako makakapayag!" galit na sigaw ng hari. "May karapatan din naman ang kanyang ina na siya ay makita, mahal na hari." "Umalis na kayo rito! At huwag na huwag na kayong babalik pa!" "Huminahon ka, mahal ko." Hinagod-hagod ng reyna ang likod ng asawa. "Alea, tayo na. Wala na tayong magagawa pa." "Paano si tita, Iris?" "Edi, sasabihin natin sa kanya ang lahat. Oo, masakit ngunit kailangan nating harapin at tanggapin." "Babalik na lang ba tayo sa mundo natin nang hindi siya kasama, Iris?" "Wala na tayong magagawa pa, Alea. Wala rin naman kasi akong kapangyarihan na bumuhay." Bumalik silang dalawa sa Kaharian ng Turing nang may malungkot na mukha. "Ngayon na ba tayo aalis, Alea?" "Oo, Iris. Ngunit bago iyon ay pupuntahan ko muna si Lola Freya. Magpapaalam lang muna ako sa kanya. Hintayin mo na lang ako rito." Nakita muli ni Alea ang mga ngiti ng mga faraya sa tuwing nakakasalubong niya ang mga ito. "Maraming salamat at muli silang nabigyan ng buhay," sambit niya sa isipan. Mahigpit na yumakap si Alea sa kanyang Lola Freya. "Paalam, lola. Maraming salamat po sa lahat." "Sana ay muli mo akong bisitahin rito, aking apo. Huwag mo sana akong kalimutan." "Sumama ka na lang sa akin, lola upang makilala ka nang lubusan ni itay at inay." "Hindi pa ito ang tamang panahon, Alea. Huwag kang mag-alala. Ako ay bibisita sa mundo ng mga tao upang puntahan kayo, pangako ko iyan." Sinamahan ni Freya sina Alea at Iris papunta sa lagusan. "Papasok ba tayo riyan, Alea? Iyan na ba ang portal?" tanong ni Iris. "Oo, Iris. Iyan ang daan papunta sa mundo natin." "Sa wakas ay makakauwi na rin tayo, Alea," nakangiting wika ni Iris. "Mas masaya sana kung kasama natin si Ash." "Kahit na wala na siya ay mananatili pa rin siya sa aking puso't isipan." "Hindi-hindi ko rin siya makakalimutan, Iris. Isa siya sa pinakamabait na taong nakilala ko." "Kahit na mapang-asar 'yon, mahal na mahal ko pa rin 'yon." "Nakaka-miss lang na makita kayong nag-aasaran." Bahagya namang natawa si Iris. Naalala niya bigkat ang mga kulitan nilang tatlo noon. "Tayo na, Alea," pag-aya ni Iris. "Sandali lamang. Hinihintay ko pa si Avaleighra." "Nasaan ba siya?" Sumulpot bigla si Avaleighra sa kanilang likuran. "Narito kami." "Boboy?"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (109)
Rvlyn Togonon
napa bitin naman nang story nong nakita niya yong kapareha niyang kamukha bilang nawala para bula, nawawala at siya din nawala magandan na saya kaso nabitin akoa dun sa nakita niya at bilang nalang nawala huhuhu, sana makita na niya na yung kapareha nya at mag kalapit na silang dalawa at mag kwento para masaya diba, para hindi na mag isip si alea Kung ano ano, para maka fucos nadin si alea sa school para may matutunan si alea at mag sama na sila sa kanyang friend at mag uusap nadinsila sa kambal
napa bitin naman nang story nong nakita niya yong kapareha niyang kamukha bilang nawala para bula, nawawala at siya din nawala magandan na saya kaso nabitin akoa dun sa nakita niya at bilang nalang nawala huhuhu, sana makita na niya na yung kapareha nya at mag kalapit na silang dalawa at mag kwento para masaya diba, para hindi na mag isip si alea Kung ano ano, para maka fucos nadin si alea sa school para may matutunan si alea at mag sama na sila sa kanyang friend at mag uusap nadinsila sa kambal
01/07/2024
0maganda at nkaka mangha
27/06/2024
0its very spectacular emotion for me
08/11/2023
1Tingnan Lahat