Chapter 57

"Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.
Totoo kasi, e.
Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin.
"Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.
Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko maintindihan. Kung hindi lang siguro siya nanghihina ngayon, baka humahagulhol siya.
"What? Why? May masakit ba sa ‘yo?" tanong nung Arielle na alalang-alala ngayon.
Mukhang mahal na mahal niya nga si Leo. Nagpunas ako ng luha at lumabas na ng k'wartong 'yun. Tumawag na rin ako ng doctor para i-check nila si Leo. Nang makasalubong ko si Atty. Cha, niyaya ko na siyang umuwi.
May mag-aasikaso na rin kasi kay Leo.
***
"Are you really okay?" tanong ni Sol na kausap ko ngayon sa phone habang nasa byahe kami ni Atty. Cha pauwi sa bahay nila.
"Yeah. Okay lang ako.”
Pinilit kong maging okay ang boses ko kahit bakas na dito na pagod na pagod na ako sa nangyayari sa buhay ko. Kailan ba 'to matatapos? Nakakapagod na kasi, e. Ang sarap sumuko. Kaso hindi p'wede. Masasaktan na naman siya. Kung ako lang talaga ang tatanungin, hahayaan ko nang patayin ako ni Marcus kapag nakita niya ako para naman mahuli na siya. Para 'di na siya manggulo. Kaso hindi, e.
Si Sol ang tatanungin ko kung anong gusto niyang mangyari.
Hindi siguro magandang isipin pero mukhang nabubuhay na lang ako para sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag siya pa 'tong nawala.
"Good. I'll be there,” seryosong sabi niya kaya tumango ako nang bahagya. "Luna, stay strong, okay? We will be alright. Everything has an end,” sabi niya pa kaya napangiti ako.
"Salamat, Sol,” sabi ko na lang. Nang makarating kami sa bahay ni Atty. Cha, sinalubong agad kami nina Atty. Calisto at Nixon. Wala pa si Ate Jaida. Nag-aalala rin sila sa ‘kin. Nabigla pa si Nixon nang makita ako at in-explain sa kanya ni Atty. Calisto ang lahat.
Mabuti na lang at matalinong bata si Nixon kaya kahit papaano ay naintindihan niya.
"Almira, you okay?" tanong ni Ate Jaida na kasunudan lang namin na dumating sa bahay.
"I'm okay. Alam na nila na buhay ako. Sira na ang plano,” kinakabahang sabi ko pero umiling lang siya at napaiwas ng tingin.
"No. Hindi pa. Hawak ko 'yung files ni Marcus Ibasco nang magparetoke siya. May copy si Dr. Llanes."
Nabigla ako sa sinabi niya kaya agad din na lumapit sa 'min si Atty. Calisto at Atty. Cha. Nandito kami ngayon sa sala at wala namang ibang tao maliban sa 'min. Si Nixon, nasa k'warto niya na.
"Paano mo nakuha? Sa school?" kinakabahang tanong ko. Napakaimposible naman yata na magtatago siya ng confidential na gamit sa school.
Napangisi siya at umiling, "basta. Ang importante, hawak ko na,” aniya na lalo ko lang pinaghihinalaan. Ano bang ginawa ni Ate Jaida?
"Luna!" sabi ni Sol nang makapasok siya sa pinto ng bahay. Napatingin kami sa kanya kaya nabigla siya nang makitang nandito kami lahat. "Good evening po,” bati niya sabay lapit sa'min. "Lance Villaflor is having a flight tomorrow in the morning. I think he's going to escape again,” sabi agad ni Sol at nalipat sa ‘kin ang tingin niya. "Stay at home first. He might kill you anytime soon,” seryosong sabi niya.
Tumango ako at bahagyang ngumiti sa kanya. Parang nilipad niya pa ang sasakyan niya papunta rito. Palagi niya na lang akong inaalala. "Nag-iingat ka ba sa pagdadrive?" tanong ko na kinakunot ng noo niya.
"Are you really going to ask me that?" nagtatakang tanong niya kaya mas napangiti ako at umiling. Naiinis na naman siya. Palagi na lang siyang pikon. Since day one, madali na siyang mapikon, e. Kaya ang hilig kong pikunin pa siya lalo.
"Let's have dinner first,” yaya ni Atty. Cha.
"Okay. But I'm gonna make a call first,” paalam naman ni Atty. Calisto. Habang nasa dinner kami, napag-usapan namin ang tungkol sa mga gagawin namin at hindi na ito p'wedeng ipagpabukas pa. 10am kasi ang flight ni Marcus papuntang London at hindi ko alam kung bakit hindi niya isasama si Atty. Ibasco.
Malamang, mahahalata sila.
"Did we send bodyguards in Tori's house?" I asked and we're almost done eating. Atty. Cha nodded as she put her phone on the table. Nakahinga ako nang maayos dahil dun. Alam kasi ni Marcus na kaibigan ko si Tori. Baka iyon pa ang gamitin niya laban sa ‘kin.
"We can now make a report. I've talked with my connections and we're all fix,” sabi ni Atty. Calisto na kakabalik lang at hindi pa siya nagdidinner simula nang sinabi niyang may tatawagan lang siya. Ang dami niya yatang tinawagan.
"Wait, I need to answer this,” sabi ni Sol nang magring ang phone niya at pinakita niya sa 'min ang pangalan ni Lance. "Good evening, Mr. Villaflor,” bati niya kaya natahimik kaming lahat. Hindi niya p'wedeng iloudspeaker ang phonecall kasi mahahalatang may ibang nakikinig dahil sa feedback. "No, I can't make it tonight,” sabi ni Sol na kinakunot ng noo ko. "I understand. Why don't you just send it to my table instead?" ano bang pinag-uusapan nila? "Okay, I see. Gonna be there in an hour,” iyon ang huli niyang sinabi bago niya binaba ang phone at napatingin siya sa ‘kin. "He wants to give me the papers that I need in our latest project and that's confidential so he wants me to get it from him,” sabi niya sa ‘kin.
"Sa'n kayo magkikita?" nag-aalalang tanong ko.
"Sa office niya. Don't worry, I'll be fast and I think that's the best time to get him?" he asked to Atty. Calisto kaya napatingin kami sa kanya.
Tumango siya nang bahagya at may tinawagan ulit. Napatingin ulit ako kay Sol. "Sasamahan kita. Don't worry, sa kotse lang ako. I just want to make sure your safety,” sabi ko pero umiling lang siya.
"We can escort him with bodyguards. 'Di natin ipapahalata na may kasama siya,” sabi ni Atty. Cha kaya tumango naman si Ate Jaida.
"You should stay. Nang mamatay ka, nanahimik na siya so for sure, hihintayin ka niya ngayon gamit si Sol. Ikaw lang talaga ang gusto niyang tapusin,” sabi naman ni Ate Jaida.
Naramdaman kong hinawakan ni Sol ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Don't worry, I'll be safe,” nakangiting sabi niya kahit na alam kong hindi. 'Di niya ako maloloko.
"Okay. Ingat ka,” sabi ko na lang. He kissed my forehead first before he go. Huminga ako nang malalin at uminom ng tubig.
Jusko naman! Hindi talaga maganda ang kutob ko ngayon. Lumalakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Kahit sina Atty. Cha at Ate Jaida, halata kong kinakabahan.
Pero bahala na. Nagpaalam na ako sa kanila na pupunta muna ako sa dati kong k'warto rito sa bahay nila. Nakita ko pa nga si Alex na pusa ko. Malaki na siya pero 'di niya na ako kilala. Kakatampo.
Nilock ko ang pinto at nagpalit ng damit. Tinali ko rin ang buhok ko. Hindi talaga ako mapakali. Parang iniitan din ako kahit naka-aircon naman ang k'warto. Gagawin ko na 'to. Bahala na talaga. Binuksan ko ang pinto sa balcony at tiningnan kung paano ako makakababa rito. Masyadong mataas. Isa pa, garden ang babagsakan ko kung makakalabas man ako rito. Ang dami pa namang bantay ngayon. Hindi p'wede. Hindi ako papaalisin ni Atty. Cha.
I have to get out!
Nang tumunog ang phone ko, kinuha ko agad ito at nakitang may unregistered number na tumatawag. Sinagot ko ito at hinintay siyang magsalita. Sino ba 'to?
"Adira!" boses ni Atty. Ivan. Kinabahan ako tapos siya lang pala. Ilan ba ang number na gamit niya?
Huminga ako nang malalim. "Atty. Ivan, bakit ka napatawag?"
"May padespedida kasi si Mr. Villaflor kasi aalis na siya bukas. Gusto mong umattend? Nakilala ka na niya, 'di ba? He wants to see you, too and Tori, as well. Si Tori, papunta na rin dito,” masayang sabi niya dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Really, Lance Villaflor? You want to play like this? Hindi naman ako nagtatrabaho sa kanya at si Atty. Ivan ay nagtatrabaho sa firm nina Atty. Ibasco. Bakit kami invited? Dahil ba may pinaplano siya? Malamang!
Sinubukan kong tawagan si Tori pero hindi siya sumasagot. Out of reach daw. E nasaan ba siya? Bakit 'di mareach? I don't have a choice now!
Maingat akong lumabas ng bahay. Sinigurado kong hindi ako makikita nina Ate Jaida. Wala na ring katulong. Maraming guards sa labas ng bahay. Paano ko sila malulusutan? Aha! Alam ko na!
Dumaan ako sa k'warto ng mga katulong na nakabukod sa bahay. Sa likod ng bahay nila, may madadaanan ako roon. Medyo mataas nga lang at maraming damo. Nang makatalon ako sa bakod, may dalawang nagbabantay naman. Hindi nila ako napansin. Nakayuko akong dumaan sa gilid ng pader at nakarating ako sa kabilang kalsada, labas na 'to ng subdivision.
Bibihira ang dumadaan na sasakyan pero nang makakita akong jeep, sumakay na ako at sumabit na lang. Punuan nga lang kaya hindi ako pinapasakay ng driver pero nagpumilit pa rin ako. Sabi ko, bababa na lang ako sa bandang unahan kung saan may dumadaan nang mga sasakyan. Hindi naman siya mahuhuli dito kasi wala namang pulis o MMDA na nag-babantay.
Nang makalipat ako ng taxi, nagpahatid agad ako sa firm na pinagtatrabahuhan ni Sol dahil doon sila magkikita. Doon din gaganapin ang padespedida ni Marcus. Ganun ba siya kahalaga para magpadespedida ang mga empleyado nila? I can't imagine!
"Adira!" bati ni Tori nang makita niya ako sa labas ng firm. "Buti nandito ka na. Hindi ako makasabay sa kanila. Tara na!" sabi niya pa sabay hila sa ‘kin papasok at bumungad agad sa ‘kin ang mga taong nagkakasiyahan at nagkik'wentuhan.
May mga wine silang hawak at wala namang lasing. Parang normal na despedida party lang para sa isang investor na aalis but still, tuloy pa rin ang investment. Kung umasta si Marcus, parang hindi niya alam na kilala na namin siya.
"Sir, si Adira po pala,” pakilala sa ‘kin ni Tori kay Lance Villaflor na kakalabas lang ng office niya kasama si Sol. Nagulat si Sol nang makita ako rito. May mga hawak din siyang folders. Hindi niya ako p'wedeng pansinin kung gusto niyang manatiling kalmado ang lahat. Mahahalata ni Marcus ang mga pinaplano namin ngayon.
"Nice meeting you, Adira. You're Atty. Capili's friend if I'm not mistaken,” nakangiting sabi niya kaya ngumiti ako nang pilit at tumango. Napangiti naman siya at tumango nang bahagya. "He talked about you a lot so finally got the chance to have a conversation with you before I leave,” dagdag niya.
"B-bakit niya po ako kinik'wento sa inyo?" nagtatakang tanong ko habang nakangiti. Hindi ko pinuputol ang tingin ko sa mga mata niya.
Hindi ko siya mabasa. Anong pinaplano niya ngayon?
To be continued...

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    Saballa Louel

    thank you

    31/01/2025

      0
  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    neci,💟💟💟💟

    26/09/2024

      1
  • avatar
    RuedasGina

    super good

    06/12/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata