Homepage/Babysitting 12 Troubles Plus 1/
Chapter 40: Pangako
[Seohki]
Maaga pa lang ay naligo na ako. Hindi na ako kumain kasi naka lock ang refrigerator at imbakan ng pagkain. Isa pa kailangan ko pang maglinis ng buong bahay bago papasok sa school. Inuna ko muna ang loob ng bahay saka nagwalis sa bakuran. Nagpupunas pa ako ng mga gamit. Saka ko nilabhan ang mga maruruming damit. Alas sais na ng matapos ako at naligo ako ulit.
"Ayan ang 500. Pagkasyahin mo yan sa isang linggo mo."
Inabot sa akin ni Dona Miranda ang limang daan. Gusto kong maiyak dahil kulang na kulang ang binigay niya. "Paano ko pagkakasyahin yan kasama ang pagkain ko?" gusto kong umiyak at magreklamo pero hindi ko magawa.
"Salamat po senyora."
"Naibigay mo ba sa apo ko ang pera kahapon at mga pinamili ko?"
"Opo."
"Sige na umalis ka na. Kung bakit kasi nag-aaral ka pa. Hindi kana dapat pa mag-aral. Kong ako lang ang masusunod habang buhay ka nang katulong. Kasalanan yan ng magulang mo dahil ipinaganak kang mahirap."
Malungkot akong naglakad. Masakit parin ang mga sugat ko dahil sa pagmamaltrato ng donya sa akin nang malaking pera ang napatalo nito sa sugal buti na lang at may gumamot ng sugat ko kahapon. Napangiti ako nang maalala ko ang mabait na lalaking tinulungan ako at naghatid pa sa akin dito sa bahay. Kahit weird ang hitsura niya dahil naka hood at shade kahit gabi ay masasabi kong mukha naman s'yang mabait.
Nang makababa ako ng jeep sa harapan ng school ay bigla akong nakaramdam ng takot. Kaliwa't kanan ang mga estudyanteng may tattoo at naninigarilyo na masama ang tingin. Niyakap ko ang sarili at binilisan ang lakad. Hinanap ko ang classroom ko medyo may kalakihan din ang school kaya nakakahilo sa paglilibot. Paakyat ako sa hagdanan ng may humarang sa akin.
"Paraan."
"Magbayad ka muna ng toll fee."
"Huh? Magbayad? Eh wala akong pera."
Sumenyas ito sa kasama at hinawakan ako. Kinuha nila ang bag ko at binaliktad ito. Nahulog ang mga notebook ko pero wala silang pakialam. Tiningnan din nila ang bulsa ko.
"Boss walang laman."
"Tingan ninyo sa bra baka doon nilagay ang pera."
"Parang awa n'yo na huwag. Wala akong pera. Wala talaga. Maawa na kayo."
Huhubarin na sana ng lalaki ang suot kong t-shirt nang bigla itong napabitiw dahil isang ballpen ang tumarget sa kamay nito kaya dumogo. Lahat kami napalingon sa pinanggalingan ng ballpen at isang nakahood at shade na lalaki na may suot na leather jacket at black pants ang nakita namin.
"Sino ka?"
"Bitawan n'yo siya."
"Hoy! Kung baguhan ka sa school na 'to nagkakamali ka ng taong binangga!"
"Paki ko! Ang sabi ko lang bitawan n'yo siya."
"Aba—t..."
Agad nilang sinugod ang lalaking tumulong sa akin. Agad kong pinulot ang mga gamit ko na nagkalat sa sahig at mabilis na ipinasok sa bag. Kitang kita ko kung paano iwasan ng lalaking tumulong sa akin ang mga suntok at sipa. Namangha din ako kung paano niya pinatamaan ang mukha ng mga lalaking humarang sa akin.
"Graveh ang galing niya!"
"Ok ka lang ba?"
"O—-o... ok lang ako. Ikaw? Salamat pala sa pagligtas mo sa akin huh?"
"Marami ka nang utang sa akin."
"Huh? Utang? Bakit naman ako magkakautang sayo?"
"Kita muna kahapon lang kita nakilala nakalimutan mo na ako agad."
Bigla akong napatigil sa paglalakad at hinarap siya. Wala akong nakilala kahapon maliban sa lalaking gumamot sa akin at naghatid sa bahay. Saka ko naalala na naka hood din pala siya at naka-shade. "Siya nga... pero paano siya nakapunta dito?"
"Base on your facial reaction ay naalala mo na ako tama?"
"Ikaw nga... si...si...."
"Don't tell me pati pangalan ko nakalimutan mo?"
Saka ako nag-isip. "Sino nga ba ang pangalan niya?" Binalikan ko ang tagpo kahapon pero blanko ang utak ko. Ang naalala ko lang ay Ya—ma— hindi ko na natapos ang pag-iisip nang bigla n'yang tinggal ang hood saka ang shade. Napatakip ako sa bibig ng makita nang tuluyan ang hitsura niya. "Hala, ang gwapo pa la niya." Kahit ang mga nasa paligid na naki-usyoso ay nagulat din nang makita ang gwapo niyang mukha. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin saka kinuha ang bag ko.
"Hay nako Seohki, nalulungkot ako alam mo ba yun? Alam mo bang walang ibang laman ang isip ko kagabe kundi ikaw? Tapos ikaw pala nakalimutan mo ako. Ako to, si Raiden Yamaguchi."
"Pasensya ka na Rai-den at salamat pala sa pagliligtas mo sa akin."
"Oo na. Marami ka nang utang sa akin kaya ilibre mo ako ng lunch."
"Huh? Ano kasi Rai—- pwede bang sa ibang bagay na lang kita bayaran? Ako na lang gagawa sa mga assignments mo. Kasi wala akong pera."
"Ganun ba? Sige iba na lang ang hihingin ko sayong kapalit."
"Sige kahit ano."
"Mula ngayon... papayag ka nang ilibre kita ng breakfast, lunch, snacks, dinner at ihahatid kita sa inyo pauwi."
"Ano? Di parang nadaragdagan ulit utang ko sayo n'yan."
"At meron pa palang iba. Hahayaan mo akong gamutin ang sugat mo. At kung kailangan mo ako dapat tawagan mo ako dahil kahit malayo ako darating at darating ako para saiyo."
"Huh? Pe-pe-pero.... paano ko gagawin yan? Ehh wala akong phone."
"You don't have to. Akin na ang kamay mo. Medyo masakit 'to pero tiisin mo huh? Kailangan mo to para kung kailangan mo ako darating ako para sayo. Para ma protektahan kita laban sa mga nananakit sayo."
"Pero——"
Bigla niya akong hinila at nagpunta kami sa malaking part na konti lang ang mga estudyante. Agad niyang kinuha ang thumb ko at sa gulat ko ay may tila htumusok dito kaya napaiyak ako sa sakit. Gusto kong kunin ang thumb ko pero di niya ibinigay. Kumuha siya ng maliit na blade at hiniwa pa ang skin ng thumb. Nagpupumiglas na ako pero hindi parin niya ako binitawan. Kitang kita ko na may pinasok siyang maliit na metal pagkatapos ay pinahidan niya ang dugo at nilagyan ako ng band aid.
"Magic band aid yan na may kasama'ng antibacterial cream. Mamaya gagaling na yan."
"Anong ginawa mo? Ano yung nilagay mo?"
"I can give you a phone to call me pero baka kunin lang din yun sayo useless. Kaya i asked my friend to make me a tracking device at the same time can be a device to call me if you need me."
"Ang maliit na yun ang laki ng magagawa?"
"Yes. Kaya ikaw.... pagkailangan mo ako just press your thumb harder with your forefinger. Kahit malayo ako pupuntahan kita."
"At bakit mo naman gagawin yun?"
"Dahil naaawa ako sayo. Alam mo bang i was a battered son of my father too? Like you, sinasarili ko din ang lahat. Until someone came to rescue me. Kaya ibabalik ko ang tulong na yun. If you need me i'll be there. I will rescue you if you want me too."
"Salamat Rai."
Naiyak ako sa sinabi niyang darating siya para sa akin. Buong buhay ko walang nagmamahal at nagtatanggol sa akin dahil namatay daw ang nanay ko pagkatapos akong ipanganak. Pero heto sa harapan ko ang isang lalaking handa akong iligtas. Isang lalaking naawa sa akin. Ang lalaking nagbigay sa akin ng pag-asa.
"Promise me Seohki. Promise me."
"Pangako Rai. Pangako."
Isang ngiti ang binigay niya saka hinatak ako at inakbayan. Sinuot na naman niya ang hood at shade. Saka kami naglakad papasok sa classroom kung saan klasmet kami. Magkatabi kaming naupo. Panay kalikot niya sa gadget na parang tablet. Nakatingin lang ako sa kanya. "Pangako din Rai... darating ang araw na babayaran din kita. Makikita mo makakabayad din ako sayo. Pagkailangan mo ako hindi ako aalis sa tabi mo. Good or bad. For better or worst."
"Hi... Yamaguchi tama? Ako si Andre—-"
"May girlfriend na ako, katabi ko." Bigla akong namula sa sinabi ni Raiden at tumingin ako sa kanya. Sa gulat ko ay bigla niya akong hinatak at walang pasabi ay hinalikan. Pansamantala akong na bato-balani. "Ayeeehhhh...." Kantyawan ng mga nasa paligid ang nagpabalik sa akin nang ulirat. Bigla kong tinakpan ang mukha ko sa hiya. "Kinahihiya mo ba akong maging boyfriend Seohki?" Napaangat ako ako ng tingin at tiningnan ko siya. Bigla akong nalito at hindi ko alam ang gagawin. Ang alam ko lang ay mabilis na tumitibok ang puso ko sa unang pagkakataon habang katitigan siya.
"Hin-di naman Rai... ano kasi... bakit mo sinabi? Ehh hindi ka naman nanligaw sa akin at wala pa ak—-"
"Good. I'm glad you like me too 'coz I really-really-really like you a lot."
"Huh?" nabingi ako sa really-really-really like you a lot niya at tila nag sommersault ng puso ko. "Joke lang yun di ba?"
"Nope! l really like you Seohki. A lot! Total hindi ka naman tumutol kaya tayo na!"
"Huh?"
"Bilang boyfriend mo pangangalagaan kita. Walang sino man ang makapanakit sayo. Pangako."
Nagtitigan lang kami. Wala naman akong makuhang pagtutol sa puso at isip ko kaya tumango na lang ako sa kanya at sa gulat ko ay hinatak niya ulit ako at hinalikan kaya na sapak ko na siya.
"Naka dalawa ka na alalahanin mo nasa classroom tayo."
"It's a territorial kiss. Your mine Seohki. Your forever mine."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (38)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
my fav🫶🏻
26/01/2025
0Author napa sobra naman ata sa Ganda Jusko, thank you talaga walang sawang pasasalamat para sa magandang story 😘💗💗
14/01/2025
0Ganda.🤎
30/11/2024
0Tingnan Lahat