“Kung pwede nang ako ang mag-isang pumunta. Di na ako mang-aabala. Thank you, Imhan.” Sa wakas, matapos ang ilang araw na puro tulog, kain, DVD, gala at pagbabasa ay makakapagsayaw na ulit siya. Iyon talaga ang pinakagusto niyang gawin. Mabilis pa sa alas kuwatro ay naihanda na niya ang duffel bag niya na naglalaman ng leotard, thights, ballet shoes at music pod niya na may lamang classical music na siyang gagamitin niya sa work out niya. Nag-iwan siya ng sulat kay Yzaak na nagsasabi kung nasaan siya. Di dahil nasa Stallion Island siya at masarap mag-enjoy ay tuluyan na niyang kalilimutan ang pagsasayaw niya. Ayaw niyang maging stiff ang muscles niya. Isa pa, kailangan niyang tunawin ang mga cholesterol na naipon sa katawan niya. Sumakay siya ng jeepney at idinala siya nito sa Mist Valley Village. Iyon daw ang pinakamalapit na dance studio doon dahil ang isa ay nasa kabilang bahagi pa ng isla. Subalit kailangan pa niyang akyatin ang kahoy na hagdan para marating ang dance studio. Halos misty na ang paningin niya sa pagod nang marinig niya ang lagaslas ng tubig. Isang arrow ang nagtuturo sa kanya papunta sa Meditation Falls. Mali yata siya ng napuntahan. Pabalik na sana siya nang matanaw niya ang isang gusali na may Shinto style architecture at may magandang waterfalls sa background. Parang isa iyong bahay na nasa Japan. At sa palagay niya ay bagay iyon sa mga nagyo-yoga at nagme-meditate. Kaysa naman bumalik ay sinubukan na rin niyang puntahan. Mist Fusion ang pangalan ng lugar. Isang babaeng naka-yukata o summer kimono ang nakabantay sa reception. “Miss, do you have a dance studio that can cater to ballet?” Baka kung may dance studio man ang mga ito ay di naman para sa mga ballerina tulad niya. “Yes, Miss Nolliedo. Do you want your own dance studio?” “Can I have my own?” Gusto lang naman niya ay makapag-practice nang mag-isa. Ganoon siya kapag matagal na hindi nakapagsayaw. She wanted to dance and dance for hours so she could immerse into her own world. “Of course. We have an available room at the moment.” Na-excite siya nang makita ang dance studio. Tanaw sa labas ang magandang falls at ang binagsakan nitong lagoon. Kahit yata di na lang siya magsayaw. Tititigan na lang niya ang magandang view. Nang iwan siya ng staff ay nagpalit siya ng damit. Isinalang niya ang music pod niya at sinimulan ang pagwa-warm up. She was doing her barret exercise when five women enter the room. Nakasuot ang mga ito ng 1960s costume. Kasunod niyon ang receptionist. “Ma’am, na-late po kayo ng dating. Wala na pong bisa ang reservation ninyo. You have to wait for your turn…” “Excuse me!” putol ng babaeng mahaba ang kulot na buhok hanggang baywang sa receptionist. “Don’t you know me? I am Merian De Vera!” “And we are the Sirens!” sabad naman ng babaeng nasa likuran nito na halatang alalay lang ng nagpakilalang Merian. “Hindi mo ba alam kung sino kami dito?” “Ma’am, sinusunod lang po namin ang patakaran,” katwiran ng receptionist. Nakapamaywang na naglakad papunta sa gitna ng dance studio si Merian. “Kanino mo lang cheap na guest ibinigay ang dance studio?” Halos lumuwa ang babaeng naka-neon orange na damit. “Si Rayanne Nolliedo! Hindi totoo ang tsismis na nasa isang castle sa UK siya nagbakasyon.” “Shut up, Sassy! Di lang naman siya ang ballerina dito. I am also a ballerina,” pagmamalaki ni Merian. “Nag-aral pa nga ako ng water ballet para sa movie ko, di ba?” “Sa Vaganova Ballet Academy siya graduate,” sabi ni Sassy. “Sa Vagamundo Ballet Academy naman ako. Di nagkakalayo ang turo,” maangas na wika ni Merian. “At hamak mas sikat naman ako dahil artista ako.” Tumayo siya. “Aalis na lang ako.” Nandoon siya para magsayaw nang tahimik. Wala siyang plano na makipagpasikatan dito. Dito na ang kasikatan nito. “Ma’am, pasensiya na po kayo,” nahihiyang wika ng receptionist. Ngumiti siya. “It’s okay. I will just wait for my turn.” “Wait!” sabi ni Merian. “Pwede kang mag-stay para panoorin kung gaano kami kagaling. I am sure you haven’t seen anything like this…” May isinalang itong instrumental music. Todo project pa ito noong una. Akala niya ay may ibubuga. Pero nang magsayaw na ito, hindi polished ang galaw nito. She jumped on air and tried to do an arabesque. It was a failure. Nagpalakpakan ang mga alagad nito. They obviously know nothing about ballet. “Tama na!” Kapag tumagal ang pagsasayaw nito ay mapapahamak ito. Di siya pinansin ni Merian at nagpatuloy sa pagsasayaw. She gave her a haughty look. Parang sinasabi na naiinggit lang ito. She tried to dance on her toes as if she was on pointe. Bigla na lang itong bumagsak hawak at hinawakan ang binti. Halos mabasag ang eardrums nila nang tumili ito. “Ahhh!!! Naipitan ako ng ugat.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Ruth Marte
Thanku
01/08
0
Naneun Imi Imjagaissda
❤️❤️❤️❤️❤️
bumabalik aq sa pagka studyante q 😍
reader from hard book ngayon happy to read again online hihihi di nkakasawa❤️
always love your work po ms. sofia
23/01
0
Angella Petalcorin
Been wanting to read this since I saw the one book from my sister. Thank you so much author
Thanku
01/08
0❤️❤️❤️❤️❤️ bumabalik aq sa pagka studyante q 😍 reader from hard book ngayon happy to read again online hihihi di nkakasawa❤️ always love your work po ms. sofia
23/01
0Been wanting to read this since I saw the one book from my sister. Thank you so much author
20/01
0Tingnan Lahat