Humalukipkip siya. “Huh! Roleplay? Sa palagay mo ba may oras na maglaro ng ganito si Prince Rostam? Sana man lang may kaunting discretion man lang siya. Or since he is the prince of Far, Far Away that he doesn’t have any qualms at all. Na okay lang ipakita kung paano niya alipinin ang mga babae dito. Pilipinas ito! Unless nabili na niya ang buong Pilipinas at napalitan na niya ang Philippine Constitution, hindi pwede itong ginagawa niya. I need to have a word with him.” “Calm down,” pang-aalo ni Zach at hinawakan ang balikat niya. “Gusto mo ba mag-tea? You haven’t tried lavender tea…” “Mukha bang may oras akong mag-tsaa? Kakausapin ko ba siya ngayon sa harap ng maraming tao o mag-uusap kami nang kami lang. Or I can easily alert my boss about this. You choose.” Sinapo nito ang noo. “Be reasonable!” Huminga siya nang malalim. “Hindi ko mapapayagan ‘to. Magkumpisal ka na lang. Sabihin mo na lang sa akin kung may itinatago kang harem sa bulsa mo.” Nagdilim ang paningin niya nang ma-imagine si Zach nakasuot din ng makulay na flowing robe habang sinasayawan at pinagsisilbihan ng mga halos hubad na mga babae. Pinaikot siya ni Zach. Sinabi na wala si Prince Rostam doon. Pero nandoon lang pala ang prinsipe nito at makikita pa niyang inaalipin ang mga babae. Harem! May harem sa lugar na iyon. Kailangang mabulgar ang totoo. Hindi siya pwedeng magbulag-bulagan lang. “Anong nakain ng mga babaeng ito? Nagtitiyaga sa fake na Prince Rostam?” usal ng isang babaeng nakasandal sa puno habang may hawak na natutulog na baby tiger. Ni hindi man lang ito nakikigulo sa mga babaeng nagkakandarapa kay Prince Rostam at mukhang wala itong balak mag-join sa harem. “Fake na Prince Rostam?” tanong niya at nilapitan ang babae. “Sigurado ka, Miss? Fake lang ang Prince Rostam na iyon?” Tumango ito. “For the amusement of the guests. They came to this island for fantasy. Hindi nila basta-basta malalapitan ang tunay na Prince Rostam. Kaya kumuha siya ng clone na aaliw sa mga bisita nila.” “So hindi niya harem ang mga Sirens?” tanong niya. “Harem?” Humalakhak ang babae. “Pinaglololoko lang nila ang sarili nila. Ni hindi nga ako mailibre ng lalaking iyan sa Jollibee. Paano pa niya magagawang suportahan ang santambak na babae? Maliban na lang kung malaki ang sweldo niya sa pagpapanggap na Prince Rostam dito. Mahal ba kinikita ng con artists?” “My dear Yvankka. Hindi ko alam na pangarap mo palang i-date kita kahit sa Jollibee lang,” sabi ng impostor ni Prince Rostam. Pumalatak ito. “Jollibee lang pala ang kaligayahan mo basta makasama mo lang ako. Your wish is my command.” Namutla si Yvankka. “Excuse me, Mr. Raschid San Roman! Anong kaligayahan…” “Day off ko pero sinundan mo pa rin ako dito.” Itinaas nito ang kamay. “Okay. Papayag na akong makipag-date sa iyo. Walang Jollibee dito kaya doon na lang tayo sa restaurant ni Rouen. Wala nga lang kiddie meal.” Saka nito hinatak ang kamay ni Yvankka. Nag-flying kiss pa ito sa ibang mga babae. “Sorry, girls. Kailangan ko lang paligayahin ang Tiger Lady. Adios!” Halos maglupasay ang mga miyembro ng Sirens na nadismaya sa pag-alis ng “prinsipe” ng mga ito. Mukhang hook na hook ang mga ito kay Raschid kahit na alam ng mga ito na isa lang itong replika ni Prince Rostam. Naguguluhan pa rin siya nang sundan ng tingin sina Yvankka at ang impostor ni Prince Rostam na si Raschid. Impostor lang ba talaga ito ni Prince Rostam? Parang hindi. Hindi dahil kamukhang-kamukha ito ni Prince Rostam. There was something princely about him. Very royal. Na parang ipinanganak itong dugong bughaw. And she could feel the attraction between Yvankka and Raschid. Ipinilig niya ang ulo. Hindi niya alam pero nadadala na yata siya ng magic ng islang iyon. Lalo na’t puro mga babaeng maganda ang lovelife ang kasama niya kanina. “Galit ka pa rin ba?” Hinawakan ni Zach ang balikat niya. She jumped when she felt electricity run through her body. “Anong…” “Are you okay?” he asked with concern. Tumango lang siya at hinawakan ang balikat na hinawakan nito kanina. She was suddenly physically aware of him. Hindi naman siya ganoon kapag kasama si Miyong. “Yeah. Sorry pala kanina. Kung anu-ano ang sinabi ko. Hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag mo. So there’s really no harem? Kasi parang sineseryoso ng mga Sirens ang ginagawa nila kanina.” “If we do things at the edge of decency, ladies here would be appalled. Sila mismo ang aangal kung pakiramdam nila nababastos ang kabaro nila,” paliwanag nito. “Wala talaga si Prince Rostam dito. Di namin siya itinatago o ang harem niya.” “Wala ka ring harem?” “No way! Isang babae lang ang gusto ko. I don’t need a harem girl type. I just want a simple girl who will love my and my children.” That dream again. Parang may nagbabagang bakal na tumatarak sa puso niya. bakit nanghihinayang siyang hindi siya ang babaeng iyon?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (79)
Ruth Marte
Thanku
01/08
0
Naneun Imi Imjagaissda
❤️❤️❤️❤️❤️
bumabalik aq sa pagka studyante q 😍
reader from hard book ngayon happy to read again online hihihi di nkakasawa❤️
always love your work po ms. sofia
23/01
0
Angella Petalcorin
Been wanting to read this since I saw the one book from my sister. Thank you so much author
Thanku
01/08
0❤️❤️❤️❤️❤️ bumabalik aq sa pagka studyante q 😍 reader from hard book ngayon happy to read again online hihihi di nkakasawa❤️ always love your work po ms. sofia
23/01
0Been wanting to read this since I saw the one book from my sister. Thank you so much author
20/01
0Tingnan Lahat