TPC 55 (Wakas)

“Okay. Just tell me about your interests next time. Baka makatulong ako.”
“Opo, Ma’am. Sa ngayon po wala pa po akong maisip. Gusto ko na lang pong malaman kung papasa ako sa pagsubok o hindi.”
Pinisil ni Graziella ang balikat niya. “You passed it. I will make sure of it. Kumain ka na. Kanina ka pa hindi kumakain. Tomorrow, we’ll pig out. There’s this Korean buffet in Vito Cruz. Let’s try it. And call me tita.”
“Tita,” usal niya. Akmang kakainin niya ang naiwang pagkain sa mesa pero niligpit na iyon ng waiter pagdating niya sa mesa. Napansin niya na ang ibang mga plato din ay wala halos bawas ng pagkain pero inililigpit na.
“S-Sandali po, Kuya. Hindi ba uubusin ang mga pagkaing iyan bago ninyo kuhanin?” tanong ng dalaga sa waiter.
“Ma’am, kumuha na lang po ulit kayo ng pagkain. Marami pa naman po. Gusto ninyong ikuha ko kayo?”
Umiling siya. “H-Hindi na. Nanghihinayang lang ako sa sayang na pagkain.” Tapos hihingi na naman ang mga bisita pero itatapon lang din dahil di naman uubusin. Samantalang maraming batang nagugutom sa mundo katulad ng mga batang kalye sa labas ng hotel kanina. Alam naman niya na itatapon lang ang mga pagkain na iyon gaya sa mga restaurant. Mas gugustuhin pang itapon kaysa sa ibang mahihirap. “Kuya, pwede po bang magpa-take out ng pagkain? Pero isekreto na lang natin.”
Ngumiti naman ang waiter at tumango. “No problem, Ma’am.”
Makalipas ang sampung minuto ay isang berdeng paper bag ang inabot sa kanya. Matapos magpasalamat ay dinala niya ang paperbag palabas ng hotel. Sinamantala niya ang pagkakataon na abala pa ang ibang kasama. Di naman siya magtatagal sa labas. Babalik di siya agad kapag nagawa ang misyon niya.
Tumuloy siya sa driveway palabas ng hotel area. Nang makarating sa kalsada ay nakita niya ang mga bata na nakikipagpatintero sa sasakyan. “Pssst! Mga bata!”
Dalawang batang wala pang pitong taon ang lumapit sa kanya. “Bibili ka po ng sampaguita?”
“Ano.. wala akong pera pero pagkain para sa inyo,” sabi niya at inabot ang paperbag ng mga ito.
“Para sa amin? Salamat po,” anang mas malaking batang babae sa dalawa. Dali-daling umupo sa gutter ang mga ito at binuksan ang laman ng paper bag. Nanlaki ang mata ng mga ito nang makita ang pagkain na nakabalot sa aluminom foil at ang may sabaw naman ay sa plastic container.
“Mukhang masarap. Ganito siguro ang kinakain ng mayayaman,” sabi ng isang bata. “Kanina pa kaming umaga di kumakain.”
Sunud-sunod ang subo ng mga ito nang nakakamay. Di alintana kung madumi man ang mga kamay. Alam niya kung gaano kahapdi sa sikmua ang magutom. Kung di pala siya dumating, paano makakakain ang mga ito?
“Anong ginagawa mo dito?”
Gulat na nilingon ni Abegail si Roumel. Hinihingal pa ito. Sinundan pala siya nito sa labas ng hotel. BUmaling ang tingin nito sa mga batang kalye na abala sa pagkain habang maang na nakatingin dito.
“Ano… Roumel…”
“Pinapakain mo sila?” nanggigilalas na tanong ng lalaki.
“Kasi sayang naman ‘yung mga pagkain. Di naman nila kinakain. E bakit di na lang ipakain sa nagugutom?” tanong niya.
“Ate, bawal po ba na pakainin kami? B-Babawiin ba ninyo?” mangiyak-ngiyak na tanong ng isang bata.
“Hindi. Kumain ka lang,” sabi niya at hinarap si Roumel. “Di ko sila matiis. Sana di na ito makarating sa iba.”
“You might get into trouble for this. Di ko alam sino pa ibang nakakita dito.”
“Mas masama naman kung itatapon ‘yung pagkain. Huwag kang snob.”
“Di ako snob. Pero di natin alam kung ano ang magiging reaksyon ng pamilya ni Mindy oras na malaman nila ito.”
“May problema ba dito?” At naestatwa si Abegail habang papalapit ang direktor ng Bright Future Academy sa kanila na si Dr. Kintanar.
“Wala po, Ma’am,” tanggi niya at humawak sa kamay ni Roumel.
“Binigyan lang po kami ni Ate ng pagkain,” sagot naman ng mas bata sa dalawang batang pinakain niya.
“Sabi nang huwag maingay,” saway ng mas matanda sa dalawa.
“Pinakain mo ang street kids?” nanlalaki ang matang tanong ng direktor.
Yumuko ang dalaga. Wala na siyang kawala ngayon. “Sorry po. Pinag-take out ko po sila dahil di ko po maatim na makitang natatapon langa ng ibang pagkain pero may mga bata po na walang makain. Parang walang katarungan kapag ganoon. Naisip ko po di naman kawalan kung bibigyan ko sila. Kaysa naman matapon lang ang pagkain. Kung… kung unethical ang ginawa ko o dahilan po iyon para di ako
tanggapin sa school nyo, maiintindihan ko po.”
Hinawakan ni Roumel ang kamay niya. “Kung parurusahan po ninyo si Abegail, I supported her and urged her. A-Ako po ang may kasalanan talaga.”
“Roumel…” Pati ito ay madadamay pa sa ginawa niya. Kahit pa totoo, di niya ipapahamak ang lalaki. Graduating na ito.
Malakas ang kaba niya habang hinihintay ang pagtitimbang ng direktor. Pagkuwan ay ngumiti ito. “Bakit naman ako magagalit? Pinakain mo ang nagugutom. Di mo naman ninakaw ang pagkain. Hiningi mo na lang. Kung natatakot ka na magalit sila, sekreto natin ito.”
Natutop ni Abegail ang bibig. “Talaga po?”
Nakangiting tumango si Dr. Kintanar. “You have a good heart. Despite being brash, I think your heart is in the right place. We need kids like you. Welcome to Bright Future Academy.”
“Pasok ka na!” sigaw ni Roumel. “All your efforts paid off. Congratulations!”
“Magkakasama na tayo sa school,” usal niya. “Di ako makapaniwala…” Di siya makapaniwala na yakap siya nito. Na ito ang unang nakaalam na nakapasa siya.
“Better believe it. Kahit naman di ako nawalan ng tiwala na makakapasa ka. Excited for school, princess?” tanong niya.
“Oo naman.” Sa palagay niya ay magiging interesante ang pagpasok niya sa Bright Future Academy. At anumang pagsubok ay kakayanin niya dahil alam niyang di siya bibitawan ni Roumel.

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    20/09/2024

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    08/09/2024

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    16/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo