TPC 51

“Thank you for the compliment, hija. But the rest is all Abegail’s doing. Look how confident she is. How she carried herself,” sabi ni Graziella at pinisil ang kamay niya. Ibig sabihin ay kakampi siya nito.
“Let’s dance, Roumel,” yaya agad ng pinsan niya at hinatak na ang lalaki.
Di na magawang habulin ni Abegail ang kaibigan. Parang masasakal siya nang makaharap ang pamilya ni Mindy. Kinuyom niya ang palad. Wala siyang aasahan kundi ang sarili niya mula ngayon. Di niya pwedeng iasa ang kapalaran niya.
“I love your hand-painted gown, Mrs. Lobredo,” bati ng dalaga sa nanay ni Mindy.
Sinapo nito ang dibdib. “Oh, thank you!” Kumunot ang noo nito na parang kinikilala siya. “You are the other Malvarosa girl. Ayaw nga ni Mindy dahl mas maganda daw sa gown niya. How do you like the party and the music?”
“S-Sorry po. Parang di familiar sa akin ang music.” Akala kasi niya ay classical music ang patutugtugin sa party.
“It is electronic classical. That is Dabrinka Trabakova’s music. He is a child prodigy who won Vienna’s International Music Competition at the age of fourteen. I know, mas mahilig kayo sa mga pop music. But I want my daughter to be inspired with young artists just like Dabrinka. Perhaps you don’t like classical music…”
“Gusto ko po. Favorite ko po ang Spring ni Mozart. Nakaka-energize lalo na po kapag pakikinggan mo paggising sa umaga.”
“Why not Taylor Swift music or Katy Perry?” tanong nito. “Or Daniel Padilla’s music or K-pop? Mindy blast her speakers with those music every morning.”
“Classical music has a calming effect. Gusto ko pong I-explore.”
Mukhang natutok ang atensiyon sa kanya. Di niya alam kung dahil sa pagiging Malvarosa sa kanya o dahil kasama iyon sa exam niya. Idinaan na lang niya sa ngiti ang kaba niya. Kahit habang kumakain ay may tanong sa kanya ang kasama sa mesa. Ang masaklap, kasalo pa nila ang school director na si Dr. Kintanar sa mesa. Nakabantay ito sa kilos niya. Nakikinig sa bawat sinasabi niya. Minsan gusto na lang niyang humingi ng saklolo o assurance na tama ang ginagawa niya pero malayo sa kanya si Roumel at sinolo ng pinsang si Aiona. Nagkakasalubong lang ang mata nila sa mesa pero hanggang doon lang.
Matapos makakain, tumuloy agad siya sa dessert bar para takasan ang panibagong question and answer portion na ihinanda sa kanya. Kailangan niya ng matamis para mawala ang tensyon niya.
“Beautiful,” narinig niyang sabi ni Roumel sa likuran niya habang kumukuha siya ng strawberry oatmeal bar.
“Maganda ‘to?” tanong niya at itinaas ang tong na may nakaipit na strawberry oatmeal bar.
“No. You are beautiful,” sabi nito.
Nanginig ang kamay niya at lumuwag ang pagkakaipit niya sa tong. Sinabihan siya nitong maganda. Nanlaki ang mata niya nang makita ang pagkain sa carpeted na sahig. “Hala ka! Nalalaglag ‘yung oatmeal bar.” Takam na takam pa mandin siya doon.
Yumuko siya para linisin ang kalat nang pigilan siya nito. “O! Huwag mo nang pulutin.”
“H-Hindi. Kasi baka mamaya makita nilang nagkalat ako. Nakakahiya naman.”
“Patay-malisya ka lang then tapikin mo ng paa papasok sa ilalim ng lamesa,” sabi ng binata at sinipa ang nalaglag na pagkain sa table cloth.
“Ganoon lang?” tanong niya.
“Yes. Just like that. Huwag kang masyadong guilty. Huwag kang magpahalata,” sabi ng lalaki.
“Pero kalat ko iyon. Dapat ako ang maglinis.”
“There are staffs to do that. Trabaho nila iyon. And they understand. Relax.” Kinuha nito ang plato ng dessert at ang tong. “Let me.”
“Okay,” aniya at huminga ng malalim. “Ikaw kasi, kung anu-anong sinasabing kalokohan sa akin.”
“Na maganda ka? Totoo iyon.”
“E bakit gayon mo lang sinabi sa akin?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“Sorry. I… hindi lang kita nakilala kanina. I just didn’t expect that you would be like this...” Tumikhim ito. “Basta huwag kang lalayo sa tabi ko.”
“Natatakot kang gumawa ako ng palpak?”
“No. Nakita ko kung paano ka tingnan ng ibang lalaki diyan. I think they like you. Most of the guys here are sweet talker. Baka mamaya mauto ka lang at yayain kang makipag-date. Don’t say yes.”
Itinuro niya ang sarili. “Mukha ba akong uto-uto? Di ko napansin. Gusto ko lang naman kumain. Di ako nakakaing mabuti kanina sa table. Ang dami nilang tanong sa akin kaya babawiin ko sa dessert. Sa palagay mo ba mate-turn off ang lalaki kapag nakita nila kung gaano kadami ang dessert na kinain ko?”
“I don’t mind. Ikukuha pa kita ng maraming dessert kung gusto mo. I will feed all anything you want. And you are doing great. Nakita ko na nasasagot mo ang lahat ng tanong nila. Marami ka talagang natutunan sa loob ng dalawang linggo. You are impressive.”
“Salamat,” sabi niya at nadadagan ang kompiyansa sa sarili. “Wala pa naman akong nagagawang palpak, di ba?”
“Nothing noticeable. Fake it till you make it,” sabi nito.

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    20/09/2024

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    08/09/2024

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    16/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata