“Yes. Magkausap sila ni Ninong kanina sa phone. Don’t worry. My mom is really good. She was trained in Europe along with princess from a minor royal kingdom. Kaya nang bumalik ang pamilya nila sa Pilipinas, nagtayo rin siya ng sarili niyang social graces school. You will be trained like a princess. Isn’t that exciting?” “H-Hindi ko naman kailangang maging parang prinsesa,” usal niya at sinapo ang didbib. Parang gusto niyang pangapusan ng hininga. Tumindi ang pressure na nararamdaman niya. Di lang basta training sa pagiging sosyal ang gagawin niya kundi training ng mga prinsesa. “You are a princess now, whether you like it or not. And my mother doesn’t do things half-heartedly. Excited na ako para sa lesson mo.” “A-Ako rin.” Di niya masabi sa binata na mas gusto na lang niyang mag-evaporate kaysa gawin ang napakahirap na parusa sa kanya. Walang magiging prinsesa sa loob ng dalawang linggo lang. “S-Sige matutulog na ako. Isinaklob niya ang unan sa mukha nang sa wakas ay tapusin ang pag-uusap nila ni Roumel. Makikilala na niya ang nanay nito pero haharap siya bilang estudyante nito. Paano pa siya magugustuhan ng nanay ni Roumel kung haharap siya dito bilang barbaro gaya ng iniisip ng iba? HINDI makahinga si Abegail habang nakaupo sa eleganteng sofa sa malawak na sala ng bahay nila Roumel. Kung nakakailang ang sopistikadong kapaligiran sa bahay ng mga Malvarosa, doble ang nararamdaman niyang panliliit sa mansion ng mga Vera-Perez. Animo’y nasa bulyawan siya ng isang palasyo. Ayon kay Roumel, inspirasyon daw ng ina niya ang siyudad ng Venice sa bahay na iyon na pinaka-paborito nitong siyudad sa mundo. Makulay ang tiles, may makulay na mural sa dingding at may hand-painted Murano glass chandeliers at ilawan pa sa paligid. Napanganga din siya sa glass dome na bubong kung saan kita ang asul na langit. Nakakapanliit. Isama pa ang ipinasuot sa kanya ni Aiona na itim na velvet long sleeve close-neck na dress. Pagkainit-init na nga sa labas, iyon pa ang ipinapuot sa kanya. Tapos ay itinirintas nito ang buhok niya para di daw siya mukhang sabukot. Bilin din nito na huwag siyang magsalita hangga’t di tinatanong at maging malumanay sa harap ni Graziella Vera-Perez. Lalo siyang hindi makahinga nang maisip ang nanay ni Roumel na pababa na sa grand staircase anumang oras. Wala siyang matinong tulog dahil sa tensiyon at di rin siya nakakain kaninang agahan. Hinanap niya sa Google ang nanay ni Roumel. Nakita na niya ang pictures nito sa bahay nito pero mas nakaka-intimidate ito nang malaman niya kung gaano ito kapopular at kasikat. Social butterfly ang tawag dito. Masasabing sosyal ang isang party kapag dumalo ito. Ito ang trainor ng mga biglang yaman na artista, kamag-anak ng negosyante bago sa liga ng mayayaman, naging asawa ng mga pulitiko at nag-aambisyong makapasok sa alta sociedad. Nakakapanliit kung ikukumpara siya sa mga naturuan na ni Graziella na mga tao. Wala pa daw pumapalpak sa tinuruan nito. Paano kung pumalpak siya? Maya-maya pa ay bumaba ng hagdan si Roumel at inaalalayan nito ang inang si Graziella. Napanganga siya at natulala na lang sa babae na animo’y isang diyosa habang bumababa sa grandstaircase. Parang di sumasayad ang paa nito sa lupa. Nakapusod ang kulot nitong buhok, maamo ang mukha at mukhang ismarte kung kumilos. Sa ganda dito, akala mo ay kapatid lang nito si Roumel. May aura ito na parang isang reyna. Mas bagay yata siyang tagalinis ng sandals nito kaysa estudyante. Mahirap maging katulad nito. Hinawakan ni Marcel ang braso niya. “Get up, Abegail.” Sinalubong ni Aiona si Graziella. “Tita Graziella, vacation suits you.” “Darling, you look prettier day by day. Is that a new shade of lipstick?” “Yes.” Pinatunog nito ang labi. “Like it?” “I love it. It suits you. Perhaps I should try it to make me look younger. Para maging magkaedad na tayo,” anang babae at humalakhak. “Ma, you have a teenage son,” paalala ni Roumel dito. “It is just a lipstick, son,” protesta naman ni Graziella. Di naman ito mukhang istrikta at nagagawa pang makipagbirua sa kaedad niya. “Graziella!” tawag ng ama niya dito. “You should take a vacation too, Marcel. You look tired and worn out. Ipapa-book ko kayo ni Zoran sa spa mamayang gabi. There’s a Korean spa nearby. Their green tea pool is heavenly.You are not getting any younger. Dapat alagaan mo ang sarili mo. That’s what the money is for,” suhestiyon ni Graziella dito. “Nah! I am not here for that. I am here for my daughter.” Inilahad ng ama ang kamay sa kanya. “Abegail, meet Roumel’s mother and a dear family friend - Graziella Vera-Perez. Graziella, my long lost daughter Abegail.” “H-Hello po, Ma’am,” nausal niya dahil di niya alam kung pano ang pormal na pagbati at inilahad ang kamay dito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. “Finally, the princess is home. Let me see you.” Hinakawan nito ang balikat niya at inikot. Lalo siyang na-conscious. “Nakakahinga ka pa ba sa suot mo?” “H-Hindi na nga po,” usal niya. “But it looks good on her. I mean, she looks matured, demure and subdued,” sabi ni Aiona. “I want her to make an impression.” “Okay.” Pumalakpak ang matandang babae. “Time for her lesson. Sit ins and guardians may go now. You know the way out.” “Make me proud, hija,” anang ama niya at niyakap siya. Animo ay kindergarten student siya na unang beses na iiwan ng magulang sa eskwelahan. “Opo, Tatay.” Nakasiksik na sa utak niya ang responsibilidad niya bilang isang Malvarosa at kung gaano kalaking bagay ang pagharap niya sa party na ihinanda ng pamilya ni Mindy. “Ma, can I stay here make her feel comfortable?” tanong ni Roumel at hinawakan ang kamay niya. “Do I look like a Mother Dragon to you, darling? Hindi ko siya bubugahan ng apoy. Aiona, can you bring my son someplace else. I want some time alone with my student.” Mas dominante ang tono ni Graziella. Animo’y sinasabi nito na ito ang reyna ng pamamahay na iyon at ito ang masusunod. Umabrisyete ang pinsan niya dito. “Let’s go, Roumel. Bye, cuz!” “Will you be okay?” tanong ni Roumel sa kanya. Tumango siya. “O-Oo naman. Okay lang ako. Pwede mo na akong iwan.” Pero hinigpitan niya ang hawak sa kamay nito. “Hindi makakaalis ang anak ko kung hawak mo pa rin ang kamay niya,” puna ni Graziella. Parang napaso na binitawan ni Abegail ang kamay ng binata. “S-Sorry.” “You will be fine. I will take care of you. My mom will take care of you. Won’t you, Mom?” Ngumisi ang nanay ni Roumel. “Of course. She’s in good hands.”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
nice good ❤️❤️❤️
20/09/2024
0viva
08/09/2024
0qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso
16/08/2024
0Tingnan Lahat