TPC 38

“SOCIAL etiquette training?” bulalas ni Abegail sa ama nang sabihin nito ang hininging kondisyon ng pamilya ni Mindy para hindi na siya sampahan pa ng reklamo. Nasa library sila ng ama kasama si Aiona. Nakita niya ang pagngisi ng pinsan habang tinitingnan ang nail art nito na lady bug.
“Dapat magpasalamat ka dahil iyan lang ang hinihingi ng pamilya ni Mindy dahil sa pakiusap ko. Do you know that can damage the family’s reputation after what you did? Pwede kang di tanggapin sa Bright Future Academy. Baka pati ako hindi na rin nila papasukin,” anang pinsan.
“Tama ang pinsan mo, hija. At malaki ang maitutulong sa iyo ng social graces training para matuto kang gumalaw sa bago mong mundo. Di na basta-basta tao ang makakaharap mo ngayon. There are people you can control our future. They have connections. Impression is really important. You should know how to conduct yourself properly. Kung paano ang tamang pagharap sa mga tao. How to talk to people with class. Kung paano mo kokontrolin ang emosyon mo at nang hindi ka nasasabihan na barbaro o asal-kalye.”
Napapitlag siya sa tawag nito sa kanya noong huli. Pangit palang pakinggan kung galing sa bibig ng tatay niya. Na parang pinagsisisihan pa nito kung bakit nagkaroon ng anak na tulad niya. “P-Pagbubutihan ko po para sa inyo. Hindi ko po kayo ipapahiya.”
“Two weeks. Binibigyan ka ng two weeks para mag-training. Lahat ng kailangan mong malaman sa social graces at pakikiharap sa ibang tao, kailangang maipakita mo sa birthday party ni Mindy,” deklara ng tatay niya.
“P-Po? Dalawang linggo lang? P-Pero ang bilis naman po,” protesta niya. Anong magagawa niya sa loob ng dalawang linggo?
“You have to make it work. They will judge your appearance. Pati ang director ng school nasa party.”
“S-Si Dr. Kintanar?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong.
“Yes. Kapag di ka pumasa sa panlasa ng mga Lobredo at di ka pumasa kay Dr. Kintanar, di ka na makakapasok sa Bright Future Academy,” sabi ni Mindy.
“So this is really important, Abegail. You need to make it work,” anang ama niyang si Marcel.
Napalunok si Abegail. Nai-imagine na niya ang sarili na naglalakad suot ang bonggang ballgown tulad ni Cinderella, tuturuan siya kung paano yumukod sa mga tao, kung paano gumamit ng sampung klaseng kutsara at tinidor na di niya alam kung maalala pa niya kung para saan. Bakit parang mas kumplikado pa ang buhay ng mga mayayaman? Kahit pala ang mga ito mismo ay naglalaro sa kanya-kanyang buhay. Paano naging magkakaibigan ang mga ito? Normal ba iyon sa may kapangyarihan at mayayaman?
“Magpahinga na kayo,” anang ama at kinintalan siya ng halik sa noo.
“Uncle, I am staying here. I think you need a massage,” malambing na sabi ng pinsan. “You are too stressed and I am responsible for it.”
Nag-relax ang ama sa swivel chair at ngumiti. “Sige nga. Nami-miss ko na ang pagma-massage mo. How’s that event you attended a while ago?”
Malungkot na nilingon ni Abegail ang ama at pinsan. Pawang may ngiti sa labi ng mga ito. Pakiramdam niya ay sampid lang siya doon kaya lumabas na lang siya ng kuwarto. Ni wala man lang siyang maialok para mabawasan ang pagod ng ama. Parang panggulo lang siya sa buhay ng mga ito.
Di pa rin makatulog si Abegail kahit na isang oras na siyang nakahiga. Iniisip pa rin niya ang nangyari sa araw na iyon at ang social graces class niya bukas. Barbaro pala siya. Kaya ba niyang malampasan ang lesson na iyon? Paano kung pumalpak siya? Ibig sabihin ay ibabalik siya sa public school?
Mas okay naman sa akin ang public school. Walang plastikan doon. Di mayayabang ang kaklase ko. Kaso paano naman si Tatay? Siya ang mapapahiya dahil sa akin.
Iniisip niya kung kanino siya hihingi ng tulong sa social graces class. Di naman sila close ng pinsan niyang si Aiona. Wala namang alam sa social graces ang taga-looban.
Naputol ang pag-iisip niya nang makatanggap ng text message mula kay Roumel. U still awake?
Tinawagan niya ito. “Hello. Nagpapaantok lang ako. Bakit gising ka pa?”
“Ngayon uuwi ang parents ko from the cruise. I am waiting for them. Bakit di ka pa rin natutulog? Nasa Looban ka pa rin?”
“Sinundo na ako ni Tatay kanina saka ni Aiona.”
“Nag-sorry ba si Aiona sa iyo?” marahang tanong ng lalaki.
“O-Oo.”
“Good. Mabait naman si Aiona. Sometimes we just say or do things that hurt other people but we don’t really mean it.”
“T-Tama ka,” sabi niya. Buti pa si Aiona naipagtanggol nito. Samantalang siya lang yata ang naparusahan sa pangyayari. Di patas. Nasaan ang hustisya? “Pasensiya na. Baka ikinahihiya mo na ako bilang kaibigan. Maiintindihan ko naman kung mas gugustuhin mong dumistansiya sa akin. Baka masira ka dahil sa akin.”
“Of course not. Sabi ko nga naiintindihan ko kung ano ang nangyari kanina. Pero kailangan mong masanay na kontrolin ang sarili mo. Kung maiiwasan ang gulo, mas mabuti. Di lahat ng laban kailangang daanin sa komprontasyon. Minsan mas mananalo ka kung mas mahinahon ang usapan.”
“T-Tama ka. Sabi ni Tatay bukas daw a-attend na ako ng social graces class para daw matuto ako sa pakikiharap sa ibang tao.”
“Noon pa gusto ni Ninong na ipasok ka sa ganoong training pero ayaw niyang ma-offend ka. Gusto daw niya na kusa kang matuto. Sana hindi mo masamain. Kahit si Aiona dumaan sa training na iyan.”
“Talaga?” tanong niya.
“Yes. By the way, my mom is excited to meet you.”
Kuminang ang mga mata niya. “T-Talaga? Gusto akong makilala ni Tita?”
“Yes. She’s also excited start your lesson.”
Nagsalubong ang kilay ni Abegail. “L-Lesson? Teacher ba siya sa Bright Future Academy?”
“No. She will be your social graces teacher. She’ll teach you how you can blend in to your new environment.”
“Siya ang magiging teacher ko?” pasigaw niyang tanong at biglang tinutop ang bibig.

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    20/09/2024

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    08/09/2024

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    16/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata