TPC 29

“GRABE! Lahat yata nandito na sa school ninyo. May swimming pool, may sariling football field, at may park pa. Kaya naman pala mahal ang tuition dito,” komento ni Abegail habang kumakain ng ice cream sa isa sa mga upuan sa park ng Bright Future Academy. Iba’t ibang puno at halaman ang nasa paligid niya at di alintana ang lamig ng panahon dahil na rin sa lilim na dulot ng mga puno.
“The tuition is worth it. Magagaling ang teachers namin at magaganda ang programs. They teach us to be competitive,” sabi ni Roumel.
Nagprisinta ito na ipasyal siya habang ang tatay niyang si Marcel ang umasikaso sa enrollment nila ni Aiona. Hindi niya inaakala na may ganoon kagarbong eskwelahan sa Pilipinas. Sa dami ng facilities, di niya alam kung saan magsisimula.
“We still don’t have an ice staking rink and a ski park though. That would be so much better,” sabi naman ni Aiona at huminga ng malalim. “So I can stay there whenever the weather is this hot. Hindi ko na kailangang pumunta sa mall at makahalo ang ibang commoners.”
Nakataas ang kilay niya nang lingunin ang pinsan. “Commoners?”
Umiling ito. “Never mind.”
Hindi niya alam kung bakit kailangan pang sumama sa kanila ni Aiona samantalang lagi naman itong may side comment sa mga mahihirap. Di niya alam kung anong problema ng pinsan sa kanya o sa pagiging mahirap niya. Pero ayaw na lang niyang patulan dahil ayaw niyang masira ang mood niya.
“Pwede ba akong sumamang mag-training ng taekwondo?” tanong niya kay Roumel. “Gusto ko kasing ipagpatuloy ang alam training ko dati.”
“Meron kaming taekwondo team. Let’s see if they will accept trainees.”
"Aiona, I thought you are in Japan,” anang dalawang dalagita na kaedad niya.
"Nah! We have a family emergency,” simpleng sagot lang ng pinsan at hinalikan sa magkabilang pisngi ang dalawa.
“Hi, Roumel!” sabi ng babaeng kulot ang buhok at may braces. "Is that your cousin, Aiona? You must be Abegail.”
“A-Ako nga.”
“Hi! I'm Mindy.” At bineso siya ng babae.
“Ehra here,” anang babaeng maigsi ang buhok at bumeso rin sa kanya. “I heard so much about you."
"Sana magaganda ang naririnig n'yo,” aniya at bahagyang tumawa.
"You are a heroine of some sort. Ipinagmamalaki ka ni Roumel,” sabi ni Mindy.
Humalukipkip si Ehra. "So, you are part of the elite now. But why are you using that inferior phone?" Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa cellphone niya.
"I-Ito ba?" tanong niya at inangat ang bagong cellphone niya.
"That must be an old one. Of course, ikukuha siya ni Uncle Marcel ng latest model. She's practfically a princess now,” pabulong na sabi ni Mindy. “Abby, ganitong iPhone na ang ipabili mo. This suits you better.”
Umiling si Abegail. "Hindi. Ayos na ako sa cellphone na ito. Ang mahal kaya ng ganyang model. Ma-snatch pa iyan e di sayang lang. Pareho lang naman na nakaka-text at nakakatawag."
"Ah! I see. I will see you around then,” dismayadong sabi ni Ehra at umalis din ang mga ito.
Naging tahimik na si Aiona mula noon. Di niya maiwasang mag-alala dito. “Okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Abegail dito nang pumunta sila sa restroom. “Kanina ka pa di kumikibo?”
“Sino ba naman ang gaganda ang pakiramdam matapos ang ginawa mo?”
“Ano ang ginawa ko?” inosente niyang tanong.
“Kinontra mo ang tungkol sa pagpasok mo art program. While all I want is to expose you so you will become more cultured. Masaya ka na ba? Di mo lang ako naipahiya kay Uncle Marcel at kay Roumel kundi pati sa mga kaibigan ko."
"Paano naman kita ipapahiya? Wala naman akong ginagawang masama. Saka ano ba ang problema mo? Pati anong program na pag-aaralan ko, gusto mo ikaw ang masusunod. Magkaiba tayo.”
“Yeah! Magkaiba talaga tayo. Cellphone pa lang, magkaiba na tayo. Tapos ipinakita mo sa mga kaibigan ko ang cellphone mo na iyan,” angil nito at dinuro ang cellphone niya. “Pinagtatawanan nila ako. Iniisip nila na wala nang pera si Uncle Marcel. I told you we have an image to protect. Paano ka pa nila iimbitahan para maging kaibigan nila kung ganyan ang cellphone mo?”
“Bakit? Ang mga kaibigan mo ba kapag lang bago at maganda ang cellphone saka ka kakaibiganin?” Hindi niya gusto na magkaroon ng ganoong klaseng kaibigan kung sakali. Kaibigan ka lang kapag meron ka. “Hindi ako ang may problema kundi mga kaibigan mo o baka ikaw.”
“You will never understand. Kasi kami naman ang napapahiya at hindi ikaw. And you know what pisses me off big time? Ikaw na nga itong tinutulungan, ako pa ang masama." At nagdadabog ito na lumabas.
Pinalipas muna niya ang ilang sandali at tinapos ang pagpupusod ng buhok bago lumabas. Pero ang totoo ay mabigat ang loob niya. Kasasabi lang niya na ayaw niyang magdala ng kahihiyan sa pamilya. Mas dapat ba siyang makinig at maging sunud-sunuran na lang sa gusto ng pinsan niya kahit sa palagay niya ay wala na sa lugar? Malaking isyu ba talaga ang cellphone niya na di nuknukhan nang mahal?

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    20/09/2024

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    08/09/2024

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    16/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata