“W-Wala.” Hindi ito kapatid ni Doc Darryl. Malabo. At iba ang ipinadalang picture sa kanya ng mga magulang nito. “May kahawig ka lang kasi.” “Lee Min Ho ba??” tanong nito at hinawakan ang baba. “Marami kasing nagsasabi.” Her lips twisted. Ang layo naman nito kay Lee Min Ho. “Ako si Cheska Reyes,” pagpapakilala niya at inabot ang kamay sa lalaki. Mahigpit siya nitong kinamayan at pinagsalikop niya ang palad dito. Gulat itong tumingin sa kanya. “Mannaseo bangawoyo. Nice meeting you, Cheska.” She looked at him with adoring eyes. Parang nailang ito sa kanya kaya dali-dali niyang binitawan ang kamay nito. Baka conservative. Bawal pa ang holding hands. Kalma lang. Ang mahalaga hindi ako nag-I-imagine at hindi siya naglalaho. “Anong ginagawa mo dito sa Korea. OFW ka ba?” tanong ni Manang Selina. “Anong trabaho mo?” “Baka naman maghahanap ng Kpop at Korean actor. O kaya mamumulot ng tuyong dahon dahil autumn ngayon. O baka naman sisigaw ng “Walang Forever” sa Namsan Tower,” suhestiyon ni Carter at ipinamulsa ang kamay sa jacket nito. Nakataas ang kilay niyang tiningnan si Carter. Parang ganoon din ang sinabi sa kanya ng intrimitidong kasabay niya sa Immigration. Mukha ba siyang baliw na fangirl o kaya ay babaeng ampaalaya na dadayo pa sa Korea para magpaka-bitter? Kung si Doc Darryl, tiyak na hindi iyon ang sasabihin nito sa kanya. Habang ang Carter na ito, walang habas kung makapanghusga sa kanya. Itinaas niya ang baba. “Dadalawin ko ang puntod ng lalaking mahal ko.” There, she said it. Nasabi na niya dito ang tungkol kay Doc Darryl. Napaghiwalay na sa wakas niya ang dalawa. Na walang koneksiyon ang mga ito na kahit ano. At kahit kailan ay hindi mabubuhay si Doc Darryl sa katauhan ni Carter. “Oh! Namatay siya,”malungkot na usal ni Manang Selina. “Nakikiramay ako sa iyo.” “Opo. Pupuntahan niya ako dapat sa Pilipinas para makita ako kundi lang nabangga ang sinasakyan niyang kotse. He died on the spot.” Yumuko siya at humikbi. “Nangako ako na dadalawin ko ang libingan niya.” “Nakaka-depress na Koreanovela pala ang kwento mo,” sabi ni Carter na wala man lang himig ng simpatya sa boses. Bakit parang di ito naniniwala sa kwento niya? “Hindi ko po siya nakitang nailibing. Ni hindi po ako nakapagpaalam. Ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon na dalawin siya. N-Natagalan pero tutuparin ko na rin po sa wakas ang pangako ko,” sabi niya at pinahid ang luha. “Saan ba siya nakalibing?” tanong ng matandang babae. “Sa Jeju Island po. Papunta nga po ako doon ngayon. Pababa nga po ako ng Gimpo Airport Station,” sabi ni Cheska. “Lampas na ang Gimpo Station kanina pa,” sabi ni Carter. “A-Ano? Lampas na ako?” bulalas niya at biglang tumayo. “Hindi ako pwedeng lumampas. May flight pa ako pa-Jeju. Kailangan kong bumaba!” “Hindi mo pwedeng parahin ang tren, ano ka ba?” anang si Carter at hinawakan ang siko niya para hindi siya mawalan ng balanse o gumawa ng kabaliwan gaya ng pagpara sa tren. “Anong oras ang flight mo?” tanong ng matandang babae. “Two thirty po. At kailangan naka-check in na ako bago mag-alas dos,” nanginginig na sabi ni Cheska. Kanina lang ay sapat lang ang oras niya para mahabol ang check-in time sa counter. Tiningnan ni Carter ang relo. “Two-ten na.” “A-Ano po? T-Teka! Babalik ako. Baka mahabol ko pa ang flight ko. Paano ba ako babalik doon?” “Seoul Staton ka na makakababa,” sabi ni Carter. “Di ka basta makakabalik.” “Gaano kalayo ang Seoul Station sa Gimpo Airport?” tanong ni Cheska. “Thirty seven minutes. Sa palagay ko hindi mo na mahahabol ang flight mo. Maiiwan ka na ng eroplano.” Napahawak siya sa braso ni Carter. “No! No! No! Hindi ito pwede. Ang flight ko. Paano pa ako makakapunta sa Jeju Island nito?” NAKATULALA si Cheska sa basag-basag niyang cellphone na nasa kamay ni Carter. “Ayaw na talagang bumukas ng cellphone mo. Mukhang bumigay na. Wala ring service center ang brand na iyan dito sa Korea. At dahil LCD scren ang nabasag, mas mabuting bumili ka na lang ng bagong phone.” Nasa Angel.in.us Cafe sila sa Seoul Station. Doon muna sila tumuloy nang bumaba sa tren. Nanlalambot na siya sa gutom at di na siya makapag-isip mabuti. Agahan pa ang huling kinain niya bago ang flight niya paalis ng Manila. Hindi niya alam kung bakit nagpapatong-patong ang kamiserablehang nangyayari sa kanya. Kanina ay dalawang oras na delayed ang flight niya. Ngayon ay tuluyan na siyang naiwan ng connecting flight niya at nasira pa ang cellphone niya. “Hindi ko basta-basta mapapalitan ang phone ko. Kailangan ko munang makapunta sa Jeju Island,” usal niya. Hindi pwedeng masira ang lahat ng mga plano niya. Kailangan niyang madalaw ang puntod ni Doc Darryl.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
WritesChanak
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author.
Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am.
By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
09/02/2022
1👌😊
17/11/2024
0Nice story author and I love it😍😍🫰🫰
14/05/2024
0Tingnan Lahat