LIS 53

“Yes. Tomorrow around ten in the morning. Titiyakin ko na di na lalampas ang tren ko sa pagkakataong ito,” sabi niya at magaang tumawa pero pagak iyon. Leaving Carter would be so hard and facing Doc Darryl’s tomb was harder.
“Sasamahan mo ba si Ma’am Cheska, Sir?” tanong nito kay Carter.
“Ihahatid ko siya sa airport.” Medyo malamig ang boses ng binata.
“How about you join her in Jeju Island?” Elixir asked with a secret smile.
Umiling si Carter. “No. Hindi ko siya masasamahan. I would love to but…”
“There is no but if you have this.” Isang papel ang inabot dito ni Elixir.
Napipilan si Carter nang mabasa ang laman. “Is this serious? A trip to Jeju Island? Paanong…”
“Sabi ni Eun Young gusto mo daw samahan si Ma’am Cheska kapag pumunta siya doon. Nakakalungkot dalawin ang Jeju Island nang mag-isa. Iyan ang pabor na hiningi ko kay appa para galingan ko sa CSAT. That is free. Hindi iyan utang.
Nag-thumbs up sa kanya si Eun Young nang lingunin niya ito. Masasakal niya ito sa tuwa. Nakipagsabwatan pa sa mortal nitong kaaway na si Elixir para lang mapaglapit sila ni Carter. Kung alam lang nito kung gaano siya nito napasaya. Pero paano naman si Carter? Papayag kaya itong sumama siya?
Nagpasalamat sila kay Park Gung na di rin matapos-tapos ang pasasalamat sa kanila. Di daw nito tutubuan ang utang nila Carter kaya mas malaking luwag iyon sa pamilya. Madaling-araw na nag-uwian ang mga ito. Umaasa siya na sa susunod nitong pagdalaw matapos ang tatlong buwan ay di na bilang malupit na gangster kundi isang kaibigan.
“O-Okay lang ba na sumama ako sa iyo, Cheska?” tanong ni Carter habang naglilinis sila ng pinagkainan. “It is your trip. At alam ko na importante sa iyo ang makapunta sa Jeju Island. Ayokong makaabala sa iyo. Moment mo iyon kasama si Doc Darryl.”
“Ikaw ang inaalala ko. Baka marami kang ibang gagawin dito.”
“Pwede kong I-adjust ang schedule ng klase ko. And I would drop everything just to be with you. Nag-aalala ako kung mag-isa ka. Baka malungkot ka doon at walang magpapasaya sa iyo. But that is your call, of course. Huwag mong isipin ang plane ticket ko. Kung saan ka komportable, irerespeto ko.”
“Ang totoo, natatakot ako na mag-isang pumunta ng Jeju. Na baka kapag dumating ako doon, maging malungkot na naman ako. Na mahihirapan na naman akong maging masaya. I… I don’t want to go back there. I could use a friend.”
Ginagap ni Carter ang kamay niya. “Don’t worry. I will be here for you.”
MAKULIMLIM ang panahon nang lumapag sa Jeju International Airport sina Carter at Cheska. Nag-check in sila sa isang guesthouse sa Jeju City. Mabigat ang pakiramdam ng dalaga. Di niya alam kung masama lang talaga ang panahon o may nagbabadyang di magandang pangyayari. Pero dahil naka-set na siyang dumalaw sa puntod ni Doc Darryl, wala siyang sinabi kay Carter.
“Cheska, anong paboritong bulaklak ni Doc Darryl?” tanong ni Carter sa kanya habang may hawak na white rose.
Natigilan ang dalaga. Ang totoo ay di niya alam. Naplano na niya ang dadalhin dito na bulaklak noon pero di niya maalala. “White rose will do.”
Kinausap nito ang tindera para sa flower arrangement. She was not herself. Parang na-stuck ang utak niya. And this was bad. Nag-aalala ba siya sa pagdalaw niya sa puntod ni Doc Darryl dahil kasama niya si Carter na kamukhang-kamukha nito? Dati ay alam niya kung ano ang nararamdaman niya para sa namayapang doktor. Sigurado siya sa pagmamahal niya dito. Ngayon ay di na niya alam. Anumang pagmamahal para dito ay masyadong mahina kung ikukumpara sa nararamdaman niya para kay Carter.
Anong sasabihin ko kay Doc Darryl? Hindi ba parang unfair naman ako sa kanya samantalang minahal ko siya sa loob ng mahabang panahon?
“Naihanda mo na ba ang sulat mo?” tanong ni Carter sa kanya habang nakasakay sila sa bus.
Marahan siyang tumango. “Y-Yes.” Nakalimutan na rin niya ang sulat na di niya inaalis sa bag niya mula nang pumunta siya sa Korea.
“Huwag kang kabahan. I am sure everything will be okay. Magiging masaya din si Doc Darryl dahil sa wakas madadalaw mo siya.”
“Salamat. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka.”
Matapos ang isang oras ay dumating sila sa Yangji Park Public Cemetery na nasa paanan ng Udobong Mountain. Dahil taglagas noon ay kulay brown na ang mga dahon. May mga talahib pa sa magkabilang gilid ng daan. Iyon ang pangalan ng sementeryo na ipinadala sa kanya ni Jaimee. Iyon din ang nasa picture.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    WritesChanak

    I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?

    09/02/2022

      1
  • avatar
    Cindy Pablo

    👌😊

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story author and I love it😍😍🫰🫰

    14/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata