“KUYA Oppa, hindi mo sila pwedeng tanggapin na lang dito.Hindi ko kayang makasama sa isang bubong sa loob ng tatlong araw ang Shin Gun na iyan at ang mga kaibigan niya. Gulo lang ang dala ng mga iyan. They are good for nothing!” angil ni Eun Young at ipinadyak ang paa sa sahig habang pinapanood silang ayusin ang kuwarto na tutuluyan ng bago nilang bisita. “At kahit na turuan mo pa sila sa loob ng isang taon, wala ring papasok sa isip nila. They are trash. It would be a wasted effort.” Wala itong balak na tulungan sila sa pag-aayos. Sukal na sukal ang loob nito nang malamang pumayag si Carter na turuan ang limang anak ng mga gangster kasama na ang anak ni Park Gung na si Shin Gun na tumuloy sa bahay nila habang nagre-review. Malapit na ang College Scholastic Ability Test Simulation na nagsisilbing entrance exam ng mga estudyante para ma-qualify pumasok sa mga unibersidad. Kaya kinikilala ang South Korea sa kakayanan ng mga estudyante dahil sa naturang exam. Mataas din ang pressure sa mga estudyante dahil sa hirap ng exam. At mukhang desperado ang grupo nila Park Gung na papasahin sa exam ang anak ng mga ito. Isang malaking kahihiyan daw sa pamilya ng mga ito at sa organisasyon kung may bagsak na anak. Kaya iniwan na lang basta ni Park Gung ang anak na si Shin Gun at ang kaibigan ng mga ito sa bahay matapos pumayag si Carter na doon muna mag-aral ang mga ito para matutukan ang pagre-review. Naiwan si Selina para asikasuhin ang pagkain ng mga ito at sila naman ni Carter ang magkakatulong na ayusin ang kuwartong tutuluyan ng mga ito pati na rin ang magsisilbing silid-aralan ng mga ito. Nagmistulang review center ang bahay ng mga ito. “Eun Young, they might hear you,” saway niya Cheska sa dalaga. “Kaya nga di ako nagsasalita ng Korean, unnie,” sabi nito. “Wala naman silang naiintindihan. Wala silang ibang ginawa kundi manggulo at mameste ng mga tao sa paligid nila. Wala silang pinagkaiba sa mga tatay nila. Mga basag-ulo.” “Magandang opportunity ang ibinigay sa atin ni Park Gung. Sa pagtuturo pa lang sa mga anak nila sa loob ng tatlong araw at sa pagpapatuloy sa kanila dito, nabawasan ang tatlong buwan na utang natin sa kanila. Isipin mo ang tatlong buwan na wala tayong iintindihin. At kung makakapasa ang mga anak nila sa college entrance exam, kalahati sa utang natin ang babawasan. Hindi ka ba natutuwa? Gasino ba ang maliit na sakripisyo?” “Paano kung manggulo sila dito? Paano kung saktan nila tayo?” tanong ni Eun Young. “Hindi mo kilala ang ugali ng mga iyan. They even bully teachers. Sa palagay mo bakit sila ibinagsak dito sa atin? Nobody wants to teach them anymore. Bukod sa walang naa-absorb ang utak nila, they are bullies.” “May kasunduan na kami ni Park Gung. Kapag nanggulo sila o may sinaktan, awtomatiko na di na matutuloy ang pagtuturo sa mga bata, babawasan pa rin ng tatlong buwan ang babayaran natin at sisingilin sila ng danyos. I know you have apprehensions. But I am still a teacher. May responsibilidad pa rin ako sa mga batang iyan.” “They are not your students, Oppa.” “They are. Mula nang sumang-ayon ako sa kasunduan namin. At bilang teacher naniniwala ako na lahat ng estudyante ay may pagkakataon na matuto para baguhin ang buhay nila. Education is the key to change. Responsibilidad ko sila pati na rin kayo ni umma. Malaking opportunity ang ibinigay sa atin ni Park Gung.” Walang nagawa si Eun Young dahil matindi ang paninindigan ni Carter. Seryoso talaga ito na bigyan din ng pagkakataon na magbago ang grupo ni Shin Gun kahit gaano pa kasama ang reputasyon ng mga ito o ng magulang ng mga ito. “Huwag loloko-loko ang Shin Gun na iyan. Nasa bahay ko siya,” banta ni Eun Young. “Why don’t’ you attend your class? You still have time,” sabi ni Carter. “Hayaan mo na kaming harapin ang problema dito. You have to focus on your review. Gusto mong makapasok sa Seoul University, hindi ba?” “Hindi ako papasok,” matigas na sabi nito at hinubad ang coat ng uniform. “Tutulong na lang ako dito. I will assist with the review. Parang nagre-review na rin ako noon.” “Okay lang iyon sa iyo?” tanong ni Cheska. Alam niyang sakripisyo iyon para sa dalaga dahil noong isang tao pa lang ay nagse-self study na ito para sa exam. Ganoon ito ka-dedicated sa pag-aaral. “Nee,” positibong sagot nito. “I know those guys a lot. At malalaman ko kung gagawa sila ng kalokohan. Mapipigilan ko sila.” At magaan ang hakbang nito na lumabas ng kuwarto. “I will clean the study room. They must pass that exam even if I have to strangle them. Goodbye, kalahati ng utang!”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (27)
WritesChanak
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author.
Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am.
By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?
09/02/2022
1👌😊
17/11/2024
0Nice story author and I love it😍😍🫰🫰
14/05/2024
0Tingnan Lahat