LIS 42

“Aniyo,” tanggi nito at umiling. Tumuro ito kay Carter habang nakaangkla ang isang braso sa baywang ni Mr. Brownie. “Those is Carter, mine English tutor. And those her friend.” At itinuro naman siya na may kasamang ngirngir. Mukhang kailangan nitong I-maintain ang magandang image sa lalaki kaya napilitang ipakilala siya.
“Hi!” sabi ni Mr. Brownie at kinamayan sila ni Carter. “I am Edward. D-Do you understand English?”
“Perfectly,” walang gatol na sagot ni Cheska.
“I am obviously the English tutor,” anang si Carter sa boses na may halong animosity.
Sinapo ni Edward ang noo. “Yes, right. How stupid of me.”
“Boyfriend my Edward” masayang deklarasyon ni Min Ji.
“Ano daw?” tanong niya kay Carter at napatingin din ang lalaki sa kanya na parang naguguluhan sa sinabi ni Min Ji.
“Is she your girlfriend?” marahang tanong ni Carter. “Are you in a relationship?”
“Yes. It is quite new,” sabi naman ni Edward at pinisil ang braso ni Min Ji. “I am a talent scout here in Korea. She wouldn’t let me go. She wants me to bring her to the United States but her English is not that good.”
“Ah! Me good English. Me study one year,” depensa pa ni Min Ji at itinaas ang isang daliri.
Nagtagis ang bagang ni Carter. “She just met you?”
“Tornado romance-su,” nagmamalaki pang usal ni Min Ji sa termino na dapat ay whirlwind romance.
Hinaplos na lang ni Cheska ang braso ni Carter nang umigting ang anyo nito. Isang taon na naging tutor ni Min Ji pero parang wala man lang isinukli sa pag-ibig nito, gaya ng wala halos natutunan na matinong English ang babae sa kabila ng pagsisikap nito. Tapos, bigla na lang itong sasama sa isang lalaki na noon lang nakilala dahil sa pangakong dadalhin ito sa ibang bansa. Ang lakas pa ng loob na ipakilala kay Carter. Ang masakit, inakusahan pa nito kanina ang binata na manloloko at hindi ito pinahahalagahan.
Mariing pumikit si Cheska habang nararamdaman niya na parang sinasaksak ng balisong ang puso niya. She was hurting for Carter. Bakit ganoon? Ibinigay naman nito ang buong pagmamahal kay Min Ji pero nagawa pa itong saktan ng babae at gawing tanga. Please stop me. Baka anong magawa ko sa babaeng iyan. Gusto ko siyang ibitin ng patiwarik sa zipline mula Gapyeong hanggang Nami Island sabay ipapalapa ko siya sa fire ants para maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ni Carter ngayon.
Pinagsalikop ni Edward ang mga palad. “Will you help my girlfriend? She needs to polish her English. She has a go-see tomorrow for a commercial. She needs to memorize some English lines. She told me that you help her for free. Can you help her for free again. She really needs help so badly.”
“Ang kapal talaga,” mahinang usal ni Cheska nang makitang nagpapapungay pa ng mata si Min Ji kay Carter.
Hindi talaga siya makapaniwala na may babaeng o taong gaya nito. Inaasahan ba nito na matapos nitong tratuhing parang basura si Carter kanina at ipakilala ang boyfriend nito ay tutulungan pa rin ito ng lalaki? Wala ba itong delicadeza o kahihiyan man lang? Akala ba nito ay mauuto nito ang lalaki?
Pero nakita niya na titig na titig pa rin si Carter. Wala nang galit sa mga mata. Sa halip ay napalitan iyon ng lungkot at pag-asam. Parang hinihiling nito na sana ay ito ang lalaki sa tabi ni Min Ji. Ang tinatawag nitong boyfriend.
Paano kung baliw talaga sa pag-ibig ang lalaki? Na tanggap nito na may boyfriend si Min Ji at niloko lang ito pero tutulungan pa rin nito sa pag-asang mapansin ito ng babae.
Carter, please, huwag mong pababain ang sarili mo. Talikuran mo siya. You don’t deserve someone like her. Makakahanap ka pa ng ibang mamahalin ka nang buo. Hindi ka lolokohin.. Hindi ka gagawing tanga.
Pero alam niya na wala siyang magagawa kung si Min Ji pa rin ang pipiliin ni Carter. Iiyak na lang ang puso niya. Wala siyang magagawa kung martir si Carter. Mahirap manghusga dahil di naman niya hawak ang puso nito.
Ipinilig ni Carter ang ulo. “No. I am sorry. I am busy. I am tired and I have students who are preparing for their university entrance exam. And Min Ji knows that.” Yumuko ang binata. “Mianhamnida,” hingi ng paumanhin ng lalaki.
He said no! Tinanggihan niya si Min Ji.
“Man, Min Ji is the next superstar. You are missing your chance,” sabi ni Edward at inilahad ang palad sa ilalim ng baba ni Min Ji. “How can you say no to this?”
“If she’s the next superstar, I am sure you can find someone else to teach her,” anang si Carter sa kalmadong boses.

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    WritesChanak

    I was amazed. In that almost a week of staying in Seoul, ang daming nangyari. Parang hindi mo akalain na nangyari ang lahat ng iyon sa loob ng maikling panahon. Ang galing ni author. Marami ring lessons na makukuha sa story. Thank you for a wonderful story, Ma’am. By the way, Miss Sofia, tanong ko lang po. May story po ba si Elixir at si Eun Yong?

    09/02/2022

      1
  • avatar
    Cindy Pablo

    👌😊

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Nice story author and I love it😍😍🫰🫰

    14/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata